watch now

Author Topic: i can't deal with my sis-in-law anymore  (Read 31324 times)

Marshmallow

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #20 on: April 20, 2010, 08:57:09 am »
Hay naku mga sis.. ako din ayaw ko na dito sa house ng partner ko. :( been telling him na mag sarili na kami pero sabi niya malaki yun bahay at tipid daw etc...

sa totoo lang since nag buntis ako hanggang ngayon malapit na ako manganak puro stress ako nakukuha ko sa bahay nila. umiiyak ako minsan - iniisip ko mali ang desisyon  ko na tumira dito :(

ang hirap pakisamahan ng kapatid niya - laging may away. nakakainis pa kasi sa electricity share kami lagi kaming delayed magbayad tapos bwan bwan na lang pumupunta dito yun magpuputol ng kuryente - eto pa. as of today ang utang namin sa kuryente at 10200 (to think dapat bayad na yun kasi binigay ko na ang share namin) dapat ang babayaran lang namin e yun current bill.

last week nagkaron ng away si partner at ang kanyang kapatid - sa dahilan 200pesos inaway ni kapatid si partner ang sinabihan LOSER sa facebook at ako daw si fiona. sa totoo lang gustong gusto ko sagutin or mag comment sa facebook niya na "etong panget na ito at sinasabihan mong masama ay nagpapalamon sa pamilya mo" (di kasi siya nag iiwan ng pangkain ng anak niya pero silang dalawa ng hubby niya laging busog at sa labas kumakain) naiinis pa ako kasi ganun siya sa partner ko parang walang respeto na mas matanda sa kanya.

sabi ko sa partner ko taga mo sa bato hindi ako magbabayad ng kuryente ngayon unless etong current bill ang babayaran. :( pagod na pagod na ako dito mga sis. ang dami dami pang kwento ang nakaka bwisit :(
« Last Edit: April 20, 2010, 09:15:14 am by Marshmallow »

evilwoman

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #21 on: April 20, 2010, 09:20:18 am »
^ relax sis.. baka makamukha ni sis in law ang baby mo nyan..  ;D
kung later e maobliga kayo na bayaran "muna" ang balanse sa kuryente, point out mo sa hubby mo na mas makakamura pa kayo kung bubukod na lang.mas importante din kamo ang peace of mind lalo na ngayong buntis ka.baka mapaanak ka ng di oras..

geumjandi

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #22 on: April 20, 2010, 09:38:17 am »
relak lang po sis... baka pumangit si baby.....for me sis.... its better na magsarili na lang kayo..... mahirap kasing puro stress ka sa haus e baka nga mapaanak ka ng wala sa oras^^ tsaka po tama rin si sis evilwoman:)

Marshmallow

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #23 on: April 20, 2010, 09:49:07 am »
mga sis, ilan beses ko na sinabi sa kanya na bumukod na kami. :( gusto ko na nga umuwi sa bahay namin.

pero sis, mali ba kung hindi ako magbibigay ng share namin ngayon? kasi i noticed tuwing nagbibigay ako ng share ALWAYS yun previous ang binabayaran. kumbaga nagastos nila yun pambayad ng kuryente?

hay ayaw ko maging kamukha niya baby ko chaka yun ugali ayaw ko din makuha ng anak ko :( sabi ko nga sa partner ko kung magsalita naman yan kapatid kala mo kung sinong maganda/dyosa. sexy lang yan kapatid mo pero mas madami pa akong kilalang maganda sa kanya at may breeding.

Marshmallow

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #24 on: April 20, 2010, 09:50:14 am »
ilan minuto na lang siguro dadating na ang magpuputol ng kuryente namin :( good luck sa akin mga sis :'(

evilwoman

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #25 on: April 20, 2010, 09:57:53 am »
^ sis kapag naputulan kayo ng kuryente, valid reason na yun para umuwi ka sa inyo.hirap ng buntis tapos magtitiis sa init no..siguro naman susunod sa yo si husband at by then, baka macorner mo na sya at maconvince na lumipat kayo..

for me lang to sis ha.. parang tama lang na wag ka muna magbigay ng share..mapuputulan na nga kayo e magbabayad ka pa din.. pero hawak mo muna share mo para pag nasettle nila mga utang nila, may maaabot ka din agad..

geumjandi

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #26 on: April 20, 2010, 10:01:22 am »
hay naku sis... bakit di nakikita yun ni partner mo na nastress ka? okay lang naman sis di ka muna mag share pero sympre shy din naman na di ka magbigay.... hayaan mo sila sa previous bills basta ikaw [textspeak!] current lang lagi mo give sa kanila.... mahirap na kung ganun yung ugali nila.. taz ngayun baka maputulan pa kau ng kuryente hayyy ang hirap....

Marshmallow

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #27 on: April 20, 2010, 10:19:18 am »
evilwoman, di pa ako makakauwi sa amin :( bawal na mag travel. dito ako sa bacolod e :((

sisses, yun mga pambayad naman ng bills lagi ng naka separate - alam mo naman gusto ko laging handa at sana on time payment. actually nun march 30 nag text si kapatid niya kay hubby na mag babayad na ng kuryente (ako naman na shock: sabi ko wow on time siya ngayon. sabi ko kay hubby sige paki sabi sa kapatid ibigay niya yun share niya sa maid at ako ang magbabayad ng CURRENT bill) sad to say. until now di pa siya nag bibigay ng share. at alam ko sis pag binigay ko share namin ma pupunta sa previous bill. :(

hindi naman sila gipit mag asawa - kung tutuusin lagi nga silang wala sa bahay, sa labas sila kumakain minsan, nag bebeach, etc. pero sana naman bayaran ang dapat bayaran. :(

evilwoman

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #28 on: April 20, 2010, 10:23:42 am »
palagay mo ba sis ano gagawin ni hubby kapag naputulan kayo ng kuryente?baka yun na maging last straw para maghouse hunting na kayo..sana..tingin ko talaga lugi ka sis na updated ka lagi ng payment then maya (knock on wood) wala ka mapakinabangang kuryente.di ba sila kumikilos ngayon para humanap ng pambayad?

Marshmallow

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #29 on: April 20, 2010, 10:31:34 am »
sabi ni hubby sakin pag naputulan na daw kami bibili daw siya ng maliit na generator para sa amin.

sabi ko sa kanya kahapon- pwede pala dalawang metro ng kuryente sa isang bahay dahil tumawag ako sa electric company dito. yun nga lang baka may masabi naman ang nanay niya sakin - sabi ko pano kaya yun we need electricity sa room ng mom niya, room namin, room ng baby. hay

sis, i dont think may problema sila sa pera kasi manager si hubby niya sa call center from manila to here so i assume yun sweldo niya sa manila dala niya dito sa bacolod (so malaki) mas malaki pa sa salary ng partner ko. problem lang is di marunong mag budget (di nga nila nababayaran maid nila) mag 9 months na ako dito - apat na beses na sila nag papalit ng yaya

evilwoman

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #30 on: April 20, 2010, 10:43:18 am »
^ susmaryosep talagang walang balak umalis..  :o

generator para sa amin? as in you, hubby, sis in law's family?  ;D

sabihin mo na lang kay mom in law mo mas makakamura ng bill sa kuryente kuryente pag multiple kuntador. ang pagbbill kasi ng meralco di ba "socialized".. baka sakaling makalusot..

dapat yata sina sis in law na lang bumukod.. malaki naman pala sweldo ni hubby nya..  ;D

Marshmallow

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #31 on: April 20, 2010, 10:47:34 am »
walang balak nga :(

para sa amin (me hubby, mom) actually sa food nga hiwalay na. nakakahiya man sabihin may padlock yun cabinet namin sa kitchen.

Marshmallow

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #32 on: April 20, 2010, 10:51:25 am »
hay...

alam mo sis dati sinasabi sakin ni hubby gustuong gusto daw ako ng kapatid niya. na realize ko gusto ako ng kapatid mo dati kasi nagbibigay ako sa kanya ngayon hindi na. kaya kung isumpa na lang niya ako siguro kahit wala akong ginagawa sa kanya. nun pasko nga dead ma kami sa isat isa.. lahat greet ko merry xmas pero siya hindi kasi di din naman niya ako greet. :P

sa totoo lang ayaw ko na nga  na pinapansin niya ako.. kasi alam ko naman na kaplastican lang yun. pinapansin lang naman ako nun pag may kailangan at pag may kasalanan.

geumjandi

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #33 on: April 20, 2010, 11:00:08 am »
sana bumukod na lang kau kung ganun lang din na nakahiwalay yung foods nio... ako rin kasi sis nakitira din kami sa in laws ko... pero nisabi ko kay hubby na uuwi na ako sa amin since wala namang tao sa amin... kasi mejo di na rin kami nagkakasundo ng MIL ko dati pero good thing hubby understand me... ayun gang ngayun close ako sa mga inlaws ko...
mahirap din kasi sis na may mga sama or hindi kayo pagkakaintindihan lalo na kung nasa isang bahay lang kayo.... di ko carry yun....

evilwoman

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #34 on: April 20, 2010, 11:02:09 am »
how sure na mom at kayo lang ang makikinabang sa generator?syempre pati si irresponsible sis in law din..same house kayo e.. ok lang naman siguro nakabukod kayo ng food.at least bawas sa pagaawayan nyo.kailangan talaga maheart to heart talk mo talaga si hubby na bumukod na kayo.ayaw mo kamo lumaki si baby mo sa stressful na environment..

Marshmallow

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #35 on: April 20, 2010, 11:07:41 am »
ewan ko ba sis...

lagi niya sakin sinasabi na wag ko na lang pansinin. pwede ba yun? kasi yun daw ang ginagawa niya.

ang hirap dito sis. :( wala pa akong kaibigan dito - wala ako makausap :'(
dati kasi pag kain ang pinag aawayan namin chaka tubig. may incident kasi na sumama si hubby sakin sa manila tapos pag uwi namin dito walang tubig. hinantay pa kami magbigay. so that night i decided to get our own water. sabi ko sa maid. maliit lang ang pamilya ko dadalawa kami so wag niyo na ako hihingan pambili ng tubig niyo or whatever.

geumjandi

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #36 on: April 20, 2010, 11:14:24 am »
grabe sis... ako di ko kakayanin na di sila pansinin.. hehe baka pag ganun di na lang ako lalabas ng room ko...

Marshmallow

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #37 on: April 20, 2010, 12:09:46 pm »
may  kuryente pa ako :) siguro bukas pupunta yun mag puputol...

geumjandi, di ko din kaya yun kaya HINDI na talaga ako lumalabas ng room ko. meron naman akong internet, tv, dvd, xbox at makakain mabubuhay naman ako kahit papano hahaha. sad lang nga kasi siempre gusto ko maayos dito sa bahay.

evilwoman

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #38 on: April 20, 2010, 12:22:56 pm »
sis marshmallow, kuryente na lang pala ang kulang at bukod na halos lahat ng utilities nyo.siguro after nyan, palagyan naman ng dibisyon ang bahay..  ;D tingin ko sis, di dahil malaki ang bahay kaya gusto ni hubby dun..di lang siguro maiwan mom nya..

Marshmallow

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #39 on: April 20, 2010, 12:25:22 pm »
clarify ko lang mga sis ha. hindi yun sister in law ko na si cynthpink00 ang pinag uusapan natin dito ha. bait yun sakin :) mwah yun isang kapatid niya :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close