watch now

Author Topic: are u really over your ex?  (Read 118667 times)

TomHansen

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #520 on: November 21, 2015, 09:37:32 am »
Kailangan bang may dumating na bago para makalimutan ang luma? Karamihan ng nakikita ko dito ang tagal na hindi pa rin nakakamove on and i feel pareho mangyayari sa akin, it's been 3 1/2 months pero may pain pa rin.. Parang may space na iniwan yung ex na "kailangan" punan ng bagong partner..

momentum

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #521 on: November 21, 2015, 12:57:09 pm »
^ nope, hindi kelangan ng bago :) not necessarily

Hindi mapupuno yung "void" if hindi mo lalagyan ng bagong memories.. With friends, with yourself, hobbies, experiences, etc.

Happiness is a choice...

mysterioza_me

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #522 on: November 21, 2015, 09:50:15 pm »
 ^ Agree. Nothing will make you happy until you choose to be happy. Letting go of an ex is hard but you must find a way to let go completely. Stop breaking your heart over and over again. And also do not pursue someone unless you are ready to commit. Kawawa naman yung taong gagamitin ninyo unless he/she is fully aware na bored ka lang at need mo lang ng mapaglilibangan.

Nabasa ko lang to somewhere:
”You will never be happy if you continue to hold on to the things that make you sad.”

*******

momentum

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #523 on: November 21, 2015, 10:53:54 pm »
Huwag naman natin gawing "panakip butas" ang ibang tao.. Just because hindi parin maka move on sa ex.. Isipin ninyo rin if you were in their shoes and found out panakip butas ka lang pala.. What would you feel?

And what if in the end you realize hindi pala siya ang type mo? Madadagdagan lang ang mga broken hearted sa mundo..

Kaya dont let others fill the void na hindi naman sila ang may kagagawan.. Fill that yourself.. Kasi it was your choice to allow that void to continue its existence.. Alam ko mahirap punan iyon.. Pero in time maayos din yan just do something about it.. But do not make it someone elses' responsibility.......

maria helga

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #524 on: November 22, 2015, 01:35:23 am »
Over na ko sa kanya pero sa trauma na dinulot nya hindi pa kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako nagkakaroon ng bago.

May dalawang nanliligaw sa akin. One is a workmate sa dati kong company and the other an orgmate sa org ko nung college but I can't. I really can't. Hindi ko kaya pumasok sa relationship. Ayoko silang paasahin kaya ayun pinakita ko pagkab*tch ko sa kanila. Mabuti na yun para di sila matulad sa akin na na-trauma. Ayoko ipasa sa kanila yung sakit.

Isipin na nilang b*tch ako. Ma-turn off na sila. Magalit pa sila. Mas okay na yun kesa gamitin ko sila. Di kaya ng konsensya ko manggamit. Di pa nagkakagirlfriend yung mga yun at kung sasagutin ko isa sa kanila, ako yung magiging first relationship nila. Ayokong sirain yung notion nila of love dahil lang pinili nila akong mahalin.

Sana nga hindi ko na lang pinagbigyan yung mga invitations nila for a date kasi nagmukha pa kong paasa.




handlewithcare

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #525 on: November 22, 2015, 03:11:16 am »
Tama. Hindi kailangan ang bago para makalimutan ang ex. I was brokenhearted when I met my 2nd ex at 3rd ex (recent). Ayun sa pagmamadaling maka-move on at maging "masaya" uli hindi man lang umabot ng one year ang relationship ko sa 2 exes ko.

Ngayon ko na-realize na I was not ready pala nung nakipagrelasyon ako sa kanila because I was still hurting. So yung trauma ko sa 1st ex ko, nadala ko sa relasyon namin ni 2nd ex. Nung naging kami naman ni 3rd ex, dala ko yung trauma from 1st ex and 2nd ex.

All of them cheated on me. Hindi ko alam kung cheaters talaga sila o ako ang may kasalanan because I acted out of fear, not out of love during the relationship. Mas nag-focus ako sa mga ayokong mangyari kesa mag-focus sa pagpaparamdam ng pagmamahal. Pero may fault din sila, kasi knowing na may fear at insecurities ako, hindi ako tinulungan para ma-overcome yung mga yun. May mga times pa nga na sinadyang pagselosin ako o pinakita na wala silang pakialam sa fears/insecurities ko.

Ngayon I've learned my lessons. Kahit advice sa kin ng mga friends ko na humanap ng bago, ayoko muna. I don't want to be unfair to myself and to someone again. Gusto ko next time bago buksan uli ang puso ko, ready na akong makipagrelasyon... sa tamang dahilan.. sa tamang tao.. sa tamang panahon. :)

« Last Edit: November 22, 2015, 03:19:14 am by handlewithcare »

TomHansen

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #526 on: November 22, 2015, 01:12:54 pm »
Girls, hindi naman sa sinasabi kong need bang humanap ng panakip butas ang iniisip ko lang is hanggat hindi ka pa ba nagkakarelasyon ng bago tuloy tuloy pa rin ba yung pag-iisip mo sa ex mo? Na kahit after a few year(s) hindi mawawala yung care/concern mo sa kanya unless may iba nang special sa buhay mo? You'll still miss him/her kahit alam mong wala nang second chance? Kailangan ba completely over ka na bago pumasok sa bagong relationship? Hindi ka ba pwedeng mag-risk sa isang tao kahit alam mong seryoso ka sa kanya just because may konting feelings ka pa sa past mo?



lovemeagain30

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #527 on: November 22, 2015, 04:36:29 pm »
I had this one ex 15 years ago who used to occupy a special place in my heart. Patay na patay ako sakanya dati to the point kahit friendzone tingin nalang niya sakin nuon nagagawa ko parin siya mahalin secretly. Katulad ng iba nagpakatanga, umaasa na one day mauuntog siya at marerealize niyang kami parin dalawa sa huli. Kaso nagpakasal siya 9 years ago and this time natauhan ako. Laki ng galit ko kasi hindi man lang sinabi mag aasawa na siya eh buong akala ko may meaning pako sa buhay niya. dumating pa nga sa point iniistalk ko parin siya kahit pakonti konti.

Fast forward, i'm happily married now for 2 years. recently bumalik siya to let me know he still loves me after all these years and he's really sorry for all of his wrongdoings... napa Wow ako! as in 15 years dun mo palang na realize ako pala gusto mo?? he knows very well im already married and that's what makes me initially crazy. ang lakas ng luob di ba??  ;D

one thing i need to re-learn eh, not all relationships will have second chances. some just need a closure or happy endings. Kaya nga give your best in every relationship until it last. Yung ex kong yun kung talagang mahal niya ko eh di sana hindi naging kami ng asawa ko!  :D

given the benefit of the doubt na mahal parin niya ko till now, wala na siguro ako magagawa dun. siguro pede nalang kami maging magkaibigan. Yun love na akala ko possibleng meron pa nung nagparamdam siya ulit ngayon, but No, mas mahal ko ang asawa ko at future ng pamilya ko. true love doesn't require too much drama and suffering. he's my past and much better if he stays there.
« Last Edit: November 22, 2015, 04:39:29 pm by lovemeagain30 »

momentum

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #528 on: November 22, 2015, 04:47:31 pm »
^wow kaloka ex mo sis hahaha!

lovemeagain30

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #529 on: November 22, 2015, 06:51:07 pm »
^^ True sis! na aning nga ko slightly nung tinanong ko siya ng "minahal mo ba ako nun?",, sagot niya "oo hanggang ngayon and i'm sorry sa nangyari".. oh di ba, WTF??  :o kinilig din ako nun hanggang sa sinampal ako ng katotohanan dito sa GT na -- ang love is an action word. kung ilang years na kaming hindi na nagkikita (9 years mula nag asawa siya) abay guni guni nalang niya ang pag ibig niyang yan sakin.  ;D gusto lang siguro niya i feed sa sariling niyang ego kasi hiwalay na daw siya sa asawa niya ngayon. lam mo na yung mga taong hindi kayang maging totoong masaya sa mga taong pinakawalan na nila.


cybelekronos

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #530 on: November 22, 2015, 08:18:13 pm »

ang iniisip ko lang is hanggat hindi ka pa ba nagkakarelasyon ng bago tuloy tuloy pa rin ba yung pag-iisip mo sa ex mo? Na kahit after a few year(s) hindi mawawala yung care/concern mo sa kanya unless may iba nang special sa buhay mo? You'll still miss him/her kahit alam mong wala nang second chance?

-The one thing I know, that depending on the break up, and at times even regardless of it, you are still going to have soft spot for them, at least for a while.. kasi maglalaho yun feelings, yung pinagsamahan na lang maiisip mo.

Kailangan bang may dumating na bago para makalimutan ang luma?

-sa iba applicable to, actually, to be honest, mga guy friends ko ganito ginagawa nila, rebound relationship, which tatagal lang ng one yr to two.  swertehan lang if nakuha nila o pinalit nila, mas ok sa ex gf nila. nag tatagal sila even marrying them in the end.


Hindi ka ba pwedeng mag-risk sa isang tao kahit alam mong seryoso ka sa kanya just because may konting feelings ka pa sa past mo?


if di ka pa completely nakaka get over , move on kay ex, i suggest, wag ka muna pumasok sa new relationship, rebound kasi yun.
parang pinilit mo lang sarili mo para makalimot, which hindi ok kasi pag ikaw na lang mag isa, pag nakahiga ka na lang, maiisip mo pa rin ex mo, unfair sa new gf. parang emotional cheating. Mas ok yung ready ka na. wala na kahit unting feelings kay ex, mas peaceful, mas tunay yun ma feel mo sa bago.






im fine!

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #531 on: November 22, 2015, 11:49:11 pm »
on topic. Am I really over him? Dapat lang naman diba. Baka masaya na sya sa buhay nya unfair naman kung ako hindi pa. ☺

SarSi_Em

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #532 on: December 17, 2015, 07:15:28 am »
yes.

nung na feel ko na patapos na ko sa kanya,
gumaan puso ko, pero nakaramdam rin ako ng sadness, 

lungkot kasi parang heto na lang yung hawak ko sa kanya, yung memories na iniwanan nya ko, pinalitan ng bago, yung last convo namin, yung pics nila together ni new gf, heto na lang hawak ko, pero pati heto tapos na rin. parang feeling wala na, tapos na, the end, hay d ko ma explain
tho masaya naman ako dahil tapos na ang drama.

kaya sissies, bros, kaya nyo rin yan, darating time, matatapos din yan, parang relasyon walang forever, ganun din pag broken-hearted, lahat temporary lang, or maging cycle lang lahat, ma in love, masasaktan, ma in love..

Shadow Angel

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #533 on: December 19, 2015, 05:32:07 pm »
Ang sarap ng feeling kapag na overcome nyo si ex. Ang mga sakit na naramdaman mo dati halos hindi mo na maaalala. Kapag nadapa wala ka naman ibang choice kung hindi ang bumangon at lumaban o magpatuloy unless na lang mas komportable sayo ang nakadapa.

TomHansen

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #534 on: December 24, 2015, 10:37:04 am »
^ aba may humabol pa oh. Congrats redhead! :)

TomHansen

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #535 on: December 24, 2015, 05:41:29 pm »
Went to ex's home today binigay ko kasi yung pamasko ko sa 2 kong inaanak sa side niya. Hinatid niya ako sa labas and we talked for 5-10mins telling each other how "ok" we are(especially her may bagong bf na e). Sinabi ko rin na magbati na kami and kalimutan na kung ano mang mga hindi magandang nagawa namin sa isat isa tutal pasko naman, she agreed.. We shake hands before saying goodbyes..

Am i really over my ex? yes, i'm happy that she is happy, believe that someday magiging happy rin ako with someone and even if hindi na kami i will still cherish what we had, and be grateful sa mga happy memories namin.

redhead69

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #536 on: December 24, 2015, 09:53:00 pm »
^ aba may humabol pa oh. Congrats redhead! :)

Thanks bro TomHansen, I still don't know. Nacoconfuse rin ako from time to time. Pero go with the flow na lang muna ako. Di natin alam kung anong mangyayari in the future. Haha!

mysterioza_me

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #537 on: January 01, 2016, 07:45:23 am »
Over na ko sa kanya, napatunayan ko nung mag-pm yung friend niya sa kin at nagtatanong about him. Wala na akong makapa na kirot, hindi na ko naiiyak, natatawa na ko sa nangyari. Ang nagpahirap kasi sa kin yung mga tanong ko na di na nasagot pero ok na ngayon kasi hindi na rin ako interesado na malaman ang sagot. Sana wag ng magkrus pa ang daan namin at ang hiling ko na lang na sana mapatawad ko na siya ng buong-buo.

cybelekronos

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #538 on: January 06, 2016, 02:48:58 pm »


kinaiinis ko lang bakit namimiss ko pa rin yung taong iniwanan at pinalitan na nga ako, pinamukha pa sakin na wala akong kwenta.
bakit sya pa rin naiisip ko kahit alam ko wala na, tapos na?
dapat magalit pa nga ako sa kanya,
pero namimiss ko pa rin sya.
ah ewan  >:(

naiinis ako sa sarili ko, sarap ko batukan talaga! ;D


mimiku

  • Guest
Re: are u really over your ex?
« Reply #539 on: January 07, 2016, 04:43:01 pm »
^That's normal. You will get over him soon. There's no specific time. Focus on building up yourself. Magpaganda ka pa lalo- this always works. Trust me.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close