watch now

Author Topic: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort  (Read 148016 times)

rocky

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #200 on: June 21, 2010, 10:22:18 am »
^dami namang nag-aalok ng island hopping don sis. na-meet namin yong contact ko, pagbaba namin ng ferry. nagcanvass na kagad ako & binigyan ako ng discount kasi kababayan. :)

rox_cute

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #201 on: June 21, 2010, 05:50:25 pm »
Actually sis, based on what I saw ha, madami din pumupunta sa bantayan. weekday kami pumunta, madaming locals kaming nakasabay. Pag pumunta ka raw ng weekends, naku super punuan..kaya i'm sure you won't have to wait that long

sis, pano naman yung pabalik from hagnaya to cebu? may v hires din ba? san naman ang terminal nila for that?

katiztic

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #202 on: June 21, 2010, 07:28:08 pm »
^sis, yung terminal ng bus at v-hires ay nasa tabi lang ng port mismo. you will know exactly where it is kasi dun ang last stop ng bus/v-hire, and then lahat ng kasabay mo sa ferry dun papunta lahat  ;)

NightShadow05

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #203 on: June 30, 2010, 08:32:21 pm »
miss ko na bantayan..sana october na para makabalik na kami :)

blackgreen

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #204 on: July 09, 2010, 03:23:09 pm »
next week na punta namin ng bantayan. sana wag maulan.

anrol

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #205 on: July 09, 2010, 09:37:42 pm »
next week na punta namin ng bantayan. sana wag maulan.

sis san kayo naka book sa bantayan?

blackgreen

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #206 on: July 12, 2010, 04:02:08 pm »
^sis, sa kota beach kami nagpabook.

anrol

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #207 on: July 12, 2010, 07:38:49 pm »
^sis, sa kota beach kami nagpabook.

happy trip sis, we are considering maia and white beach.   

blackgreen

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #208 on: July 15, 2010, 02:32:28 pm »
sis, tom na punta namin cebu. pls advice naman po kung ano mas okay na sakyan namin papunta hagnaya port? bus or van na lang? may nabasa po kasi ako sa thread na meron aircon bus pero hindi sure what time. 5:40AM ETA Cebu namin. plan po kasi namin na by 12 noon asa bantayan na. thanks po

blackgreen

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #209 on: July 20, 2010, 05:05:26 pm »
hi mga sis. if may questions kayo sa bantayan island, pwede po ako. kababalik lang namin from bantayan nung weekend.

rocky

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #210 on: July 20, 2010, 05:10:40 pm »
^welcome back sis. ;) kwento ka naman sa bantayan trip mo. san kayo nag-stay & may aircon bus na ba uling bumabyahe? :)

blackgreen

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #211 on: July 20, 2010, 05:34:06 pm »
Sige sis. Pasensya na lang kung mapahaba. Hehe..

Dumating kami sa Cebu 5:40 am, derecho kami sa North bus terminal. Totoo nga sis, ang mga taxi drivers doon parang taxi drivers dito sa manila. Kinokontrata kami ng 250, pero siyempre di kami pumayag. Akyat kami dun sa regular meter taxi na pila. Pagdating naming sa North bus terminal, swerte naming kasi meron Ceres aircon bus na aalis ng 6:30.

Dumating kami sa Hagnaya ng 9:45, nagstop over pa kasi doon sa may Hillside. First time ko natikman yun puso and yun inihaw na longganisa.

Nasakyan naming na ferry yun super shuttle, sabi ni kuya dodong (kota beach driver) mas maganda sumakay sa island ferry kasi mas mabilis and on time. And tama naman siya kasi 10:30 daw ang alis ng super shuttle pero umalis kami sa hagnaya ng 11:30 na. Dumating kami bantayan before 1 pm na.

Tapos may nagalok na sa amin mag Virgin island and Hilatangaan. P1,600 yun initial quote niya including snorkeling gear pero tumawad kami kaya nagging P1,300. Actually mahal pa nga rin yun eh. Kasi sabi ng mga sisses natin dito dapat yun boat rental not more than P800. We bought pusit at P160 per kilo sa Hilantagaan and pinaluto naming sa Kota. Sarap nila magluto ng adobong pusit.

Ang sarap din ng pizza sa tristan’s.  Twice pa nga kami bumili ng pizza nila. Pwede magpadeliver ng pizza at P20 delivery charge.

Hindi na kami pumunta ng bantayan public market kasi meron nagalok sa amin ng danggit sa kota. P300 per kilo.

Nagpunta din kami ogtong cave. Ang ganda ng resort. Kaya lang yun beach nila hindi ganun kaganda. Mas maganda yun sa Kota. Ang weird nga ng pool ng Ogtong kasi paiba iba yun lalim, sabi ni kuya lifeguard dati daw kasing cave yun na sinira kaya kung ano yun lalim nung cave yun na yun ginamit for pool.

Ewan ko lang kung kami lang nakapansin nito, medyo maalat yun water sa kota beach. Hindi tuloy bumubula yun sabon kapag naliligo na. Hehe..

Overall, ang saya ng bantayan island trip namin ang haba lang talaga ng biyahe. Nakakatuwa nga magswimming sa dagat kasabay mo yun mga isda.

Ang haba ng post ko. Hahaha...

Maein

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #212 on: July 21, 2010, 08:48:11 am »
hi sis blackgreen, ilang days kayo? ask lang sana ako sa room na na-avail nyo sa kota? nag early reservation ba kayo?

rocky

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #213 on: July 21, 2010, 09:47:12 am »
^^hehe! thanks sa kwento sis blackgreen. yong hillside malapit lang yon sa haus namin. masarap nga yong bbq don & mura pa. sana bumili kayo ng otap don, mas masarap yong otap nila kesa sa shamrock. fave yon ng mga officemate ko. ;)

ayionick

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #214 on: July 21, 2010, 10:41:57 am »
sis rocky, saan yung otap na mas masarap kesa sa shamrock? hehe, mahilig kasi ako sa otap. :-p

rocky

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #215 on: July 21, 2010, 10:51:01 am »
^yong sa hillside bakery, sa town ng carmen. don kasi stopover ng ceres bus. ;)

blackgreen

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #216 on: July 21, 2010, 01:17:12 pm »
hi sis blackgreen, ilang days kayo? ask lang sana ako sa room na na-avail nyo sa kota? nag early reservation ba kayo?

hi sis! overnight lang kami sa bantayan. aircon room P1,560 good for 3 persons. 1 double bed 1 single bed. room lang walang tv. yup, 1 month before kami nagpunta tumawag ako sa kota para magpareserve. hindi beachfront yun room namin.

blackgreen

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #217 on: July 21, 2010, 01:18:55 pm »
^^hehe! thanks sa kwento sis blackgreen. yong hillside malapit lang yon sa haus namin. masarap nga yong bbq don & mura pa. sana bumili kayo ng otap don, mas masarap yong otap nila kesa sa shamrock. fave yon ng mga officemate ko. ;)

ay talaga sis? sayang! sa shamrock kami namili ng pasalubong eh. nakakatuwa nga yun bbq. nakapagbreakfast ako ng 11 pesos lang. 8 pesos yun bbq lonnganisa 3 pesos yun puso

matetreyes

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #218 on: July 21, 2010, 02:32:42 pm »
punta kami dito sa nov 26-28. will backread muna =P

rocky

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort
« Reply #219 on: July 21, 2010, 02:42:13 pm »
ay talaga sis? sayang! sa shamrock kami namili ng pasalubong eh. nakakatuwa nga yun bbq. nakapagbreakfast ako ng 11 pesos lang. 8 pesos yun bbq lonnganisa 3 pesos yun puso
yong lasa ng bbq don ganon din pag kumain ka sa larsian. hehe! kaya di ko na kelangan pumunta pa ng larsian para magfoodtrip. kasi dami namang bbq-han sa town namin. ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close