From GMA:
❤
Vaness Del Moral - One of the best kontrabidas na nakita ko sa GMA. Unfortunately, hanggang afternoon soaps lang sya. Sana bigyan sya ng big break. Kayang kaya nya na mag primetime. Mas mauhsay pa sya sa ibang sikat na young kontrabidas.
❤
Chariz Solomon - Pang sexy comedienne ang dating nya. Para syang Ruffa Mae pero mas witty, mas magaling umarte at mas mahusay bumanat. Kaso "best friend" ng bida ang usual role nya.
❤
Jackie Rice - Impressed ako sa kanya sa "Sisid." Bihira sya bigyan ng soap at hindi pa sya nasasabak sa primetime. Sayang talent nya. Puro bubble gang lang sya ngayon. Di hamak na mas talented sya kesa sa ibang sexy stars dun tulad ni Ellen Adarna.
❤
Kevin Santos - Starstruck finalist sya. Ang husay nya umarte daig nya pa (in my opinion) yung ibang nag champion. Favorite role ko nya is kapag bading sya. Kayang-kaya nya.
❤
Mel Martinez - He's gay and dati pa syang artista (90s pa) pero lumalabas pa din paminsan-minsan. Hindi rin sya nabibigyan ng big break. Usually sidekick ang role nya.
❤
Julia Clarete - I don't know kung talagang ayaw nya lang mag-act, since sa Eat Bulaga lang sya, pero gusto ko sya umarte. Sana magkaron sya ng iba pang projects.
❤
Paolo Contis - This guy needs more acting projects. Seriously. He's an amazing, versatile actor.
❤
Paolo Ballesteros - Pogi na maganda pa lol. Gustong gusto ko sya sa Beauty Queen as vodka! Sana magka show pa sya.
From ABS:
✪
Desiree Del Valle - More projects for this lady please. Talented na, napakatalino pa.
✪
Kaye Abad - Mas nahuhusayan pa ako sa kanya kesa sa ibang kapamilya lead actresses ngayon. Kahit kung ikukumpara ko pa sa tabing ilog days nya.
✪
Carlo Aquino - Ang husay husay nya pa man din umarte since childhood hanggang ngayon.

✪
Jhong Hilario - Husay na sumayaw, husay pa umarte. Muro Ami days pa lang, pansin ko na sya.
✪
Jason Gainza - Not sure if he's 'underrated' but nahuhusayan lang ako sa comedic skills nya. Sana mas sumikat pa sya.
From TV5:
⚔
Eula Caballero - First of all, I really like her beauty. Parang mix ni Sam Pinto and Erich Gonzales. Tapos, kahit medyo baguhan sya, nahuhusayan ako sa kanya umarte. Sinubaybayan ko kasi yung "Nandito Ako." As far as I know, yun lang ang talagang naging big break nya. Yung recent show nya eh parang horror na hindi ata masyado nag-click.
⚔
Tuesday Vargas - Sayang ang wittiness, brains at pagpapatawa kung asa Talentadong Pinoy lang sya usually.
Underrated celebs na walang permanent network:
♫ Ate Gay
♫ Joy Viado
♫ Cacai Bautista
Marami pakong naiisip. Kaso more on "talented at nabibigyan naman ng magagandang projects pero hindi lang sumisikat ng todo" or "underappreciated" yung tingin ko sa kanila. So I won't include them nalang.
And yes, I watch shows from all 3 networks. Naniniwala kasi akong sa lahat ng networks ay may mga mahuhusay na artista. The more, the merrier.