hi sis janix athena, thanks sa compliment ha, okay lang sakin ang magtaguyod nitong thread—after all isa lang naman din ang purpose ko—ang magkaroon ng thread ang Iglesia Ni Cristo dito
About your experiences sa INC, hindi kita masisisi, nag oobserve ka pa lang at nagkataon na puro hindi maganda ang experiences mo, pero kahit ganon natutuwa ako kase you’re still not closing doors to observe at nag iinquire pa ngayon
Heto ang reaction ko sa mga kwento mo:
1. Nung sinita ka ng Diakonesa dahil nakapants ka sa pagsamba, siguro nagulat lang siya, tuloy hindi naging maganda ang reaction, tuloy naging rude pa ang dating nya. Pagdating kasi sa pagsamba, kailangan na appropriate, dahil haharap sa Diyos, kaya mahalaga sa amin ang maging kaaya aya sa paningin ng Diyos, kaya kaming mga babae—dapat naka palda, blouse o dress, sandals or shoes, sa guys—pants at polo, at yung pants dress pants hanggat maari, tapos naka sapatos.
2. Siguro yung ministro o manggagawa na nagdodoktrina, naging impatient na, after all, tao din naman siya na baka nakulitan. I suggest sis na dalo ka uli ng doktrina, para maliwanagan ka.
3. Iyong mga nakita mo, I believe na mga SCAN sila (acronym siya). Sila ang namamahala ng katahimikan at kaligtasan ng mgakapatid, lalo na pag pagsamba, nagbabantay din sila ng Kapilya, at kasama nila sa tungkulin ang maging alerto sa mga masasamang loob, that’s why mukha silang mga snob, dahil parang ‘policemen’ sila ng Iglesia.
4. Iyong guy naman na nag invite sayo sa pagsamba, I am sure sobrang nadisappoint siya nung sinabi mong hindi ka na pala sasama hahah. Sabi ko nga sayo, iba iba ang tao.
5. Like I have mentioned earlier, sa pagsamba, kailangan sa amin na maging maayos ang kasuotan. Hindi naman magagalit si Lord kung sakali mang mag maong si guy friend. Pero since nasa pagsamba, ang Diyos ang makakaharap natin kaya dapat maayos at angkop ang kasuotan. It is like you are in a meeting with a client, dapat presentable at maayos, hindi naka jeans, shorts etc., lalo pa na ang Diyos na napaka buti sa atin, dapat lang na mag bigay galang.
6. Si guy friend, I believe, ay naging “pangulo ng kapisanan”. Siguro ay nag jojoke lang siya at nasabi na
“In some cases sabi nya pumapatay daw sila mapaghiganti”, una sa lahat common sin iyon—kahit hindi Iglesia, ang pumatay ng tao, pero siguro nasabi niya lang iyon to show off lang sa iyo.
Sis janix athena, don’t worry dahil hindi ka naman nakaka offend, mabuti nga kasi nag oobserve ka, I hope na may mag akay saiyo muli sa mga pagsamba at gawain ng Iglesia para malaman mo pa ang ibang mga aral, at sana’y balang araw, makasama ka pa namin sa iba pang aktibidad.
Also, ako na ang humihingi ng paunmanhin dahil sa mga karanasan mo. Sana patuloy ka pa rin magsuri ng mga aral ng Iglesia sis janix athena, at sana ay huwag ka magsawa :-)
Sana naipaliwanag ko ng maayos at kung gusto mo pa makipagkwentuhan, pm ka lang sakin sis :-).
Hello sis Beng01! I admire you because since 2010 ikaw ang nagsilbing moderator ng thread na ito. In response to your original question: Ano ang impression ng non-INC sa aming religion?
I was raised catholic and na-convert to Born Again Christian nung 18 yrs old ako. I'm now 29.
For me my spiritual journey is personal and masasabi kong open ako sa lahat ng ideas kasi ang goal naman natin bilang anak ng Diyos ay kilalanin Sya at ang mga katotohanan tungkol sa Kanya. I respect kung ang paniniwala ng iba ay di kagaya ng paniniwala ko. Naka-attend na ako sa iba iba church, kasama ang INC. Meron akong guy na nagugustuhan dati na inaaya ako sa mga samba at doktrina. Naka-3 times ako sumama sa pagsamba at 2 times sa doktrina.
After that hindi na ako tumuloy kasi, mahirap i-explain. Marami akong unpleasant experience which led me to believe hindi yun para sakin. Let me list them down here.
1. Naubusan ako ng dress at nung third time na sumamba I wore slacks. Kinausap ni guy friend yung usher sa ibaba kaya pinapasok ako, then nung umakayat ako sa balcony pinagalitan ako ng balcony usher. Ang sabi with harsh tone of voice "Bakit ka nakapantalon?" And then sinaway sya ng kasunod ko, and sabi, naimbitahan lang sya. So nakalusot ako. But still, tumatak yun sakin.
2. Nung nag-attend ako ng doktrina, it led to a mild debate with the ministro, and he actually raised his voice on me as if napipikon sya na hindi ko na lang basta tanggapin yung tinuturo nya. I thought it was going to be an intelligent exchange of ideas. Di pala sya maka-tolerate ng debate.
3. Everytime I would enter the church I get eyed by the security guards ba yon? Mga naka-barong na mukhang PSG (like bodyguards of VIPS) na parang naghihinala silang may dala kang bomba. hehe. Kasi whenever I attend other churches I get welcomed with a smile and a handshake. Sa INC iba.
4. Yung guy na nag-invite sakin, naka-promise ako sa kanya na sasama sa samba and then nagbago ako ng isip at the last minute. He slammed the door close sa sobrang galit. Yikes!
5. Nag-denim jeans si guy friend sa isang samba kasi naubusan sya ng slacks, and ang sabi nya sakin "Naku magagalit si Lord kasi naka-maong ako." Huh? Sabi ko sa kanya di ganun kakitid ang utak ni Lord. Sabi nya joke lang daw pero I know di sya nagbibiro.
6. Nagkwento sa akin si guy friend na naging leader sya ng singles group sa INC and kapag may naagrabyado na kapatiran, ginagantihan nila. In some cases sabi nya pumapatay daw sila mapaghiganti lang si kapatid. Gosh totoo ba yun baka naman nagyayabang lang sya. (Mayabang kasi sya sis and pwedeng nagpapasiklab lang sya sa akin)
Baka naman isolated cases lang ang mga ito and I'm sure meron ding negative experience ang iba sa sarili kong religion. I'm just saddened sa mga experiences ko with INC kasi medyo consistent. Parang they can't tolerate you if you're different from them. Sana hindi lahat ng mga INC eh ganito, and kahit saan sigurong religion may mga tao ring close-minded.
So mga sis paumanhin po kung may ma-offend. Di ko po sinasabing lahat kayo ay ganyan, sana nga I get to meet more INC members who will prove me wrong. Na open-minded naman at kaya mag-tolerate ng differences in beliefs. 