watch now

Author Topic: Travel Agency Thread  (Read 110920 times)

coldsiren

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #120 on: March 14, 2012, 10:27:21 am »
^^ hindi nga sila scam but with the way they're treating their customers, they should be out of business. grabe yung isang naka usap ko about PAB STAR, sinisingil pa sila ng tour guide for lunch and city tour  sa shenzhen eh kasama yun sa package.
first time ko maka receive ng eticket na 29 names ang naka sulat, pati ba naman mga taong di ko kilala nasa eticket ko. 

sobrang hassle kausap ng PAB STAR. i booked 3 other group tours with other travel agencies, di sila ganyan. ang ayos nilang kausap. yung iba nga sila pa tumatawag to give updates. yung isa nga full payment namin may naka handa ng vouchers.

yung unang usapan namin ng PAB STAR hongkong express ang airline tapos biglang naging cebu pacific. kung ayaw daw namin ifoforfeit daw yung payment kung ayaw namin mag cebu pacific. ok lang sila halos 50k ifoforfeit namin.

i just want to warn people about my bad experience with PAB STAR. doing business with them was not a pleasure on my part and on the part of those that i met online. if you want to feel stressed before and during your vacation, go ahead and book with PAB STAR.

dolly

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #121 on: March 14, 2012, 09:52:46 pm »
^Yan ba yung Early bird promo nila? Kasi kung yan yung na-avail, normal talaga na madami kayo sa isang ticket since sabay-sabay nila bi-nook yan, kaya ganun nila katagal mag-furnish ng copy ng e tickets. Kaya kinakagat and mga promo nila kasi ang baba talaga ng HK promo na yan. Pero ngayon nagtaas na sila kaya di na rin namin mai-offer. So far ang reklamo ng pinaalis ko nun na nag-avail nyan is yung check in time. Ang aga umalis dito pero pagdating dun 2 pm pa check in which is ganun talaga check in time nila.

Natapst ata ng Chinese New Year yung alis nyo ano, kasi HK express talaga airlines, kaso sabi "daw" ni HK express, pina-cancel yung ibang hindi Chiness citizen to give way for their nationals. Pathetic di ba, yung tour guide fee naka stipulate yun sa service voucher na may extra pa babayaran dun. Panget nga Customer service nila, parang laging bangag ang mga tao, sila kasi e very impossible din kasi yung ginagawa nila kaya expected hassle yung tour promo na yan.

Nakita ko na rin sa wakas yung ka-tie up nilang HK operator, talaga pa lang si HK operator ang nag-oofer nung early bird promo na yun na with airfare na kaya siguro magulo, GSA din kaya yun ng Cebu pac at naka-avail sila ng ganun kadaming seats? Oh, well dami naman travel agent dyan, including us, as a traveler ako I only want the best for my clients. ;)

Mamasqueak, sorry nabura ko yung unang post instead of editing it.  :)

coldsiren

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #122 on: March 14, 2012, 11:58:14 pm »
^^ hindi naman early bird promo yung nakuha namin. ok lang sana kung ininform kami agad of the changes, kaso hindi kami nainform. nalaman ko na lang yung change ng airline nung nag fofollow up na ako. fully paid kami by 1st week of Jan at after chinese new year yung trip namin.

courtesy lang sa customer nila na inform ng mga changes pero di nila ginagawa. email/text/ym na ginagawa ko months/weeks/days before our trip pero di man lang maka reply. puros busy sila. nasa business sila na dapat customer service ang unang inaayos nila, yun pa ang pinaka pangit sa kanila. 

naka pag book na ako ng mga group tour to japan, bangkok at hk-macau before pero di kami binigyan ng eticket na sandamakmak na tao ang kasama namin sa eticket. naka pagbackpacking na din ako in other asian countries, kung alam ko lang na ganyan kapangit ng service ng PAB STAR ay sana ako na lang ang nagbook ng hotel, airfare at tour online. kaya nga nagbobook sa travel agency para less worries.

hindi po service fee ng tour guide. yung shenzhen tour guide was charging those that joined the tour for the shenzhen city tour and lunch. the shenzhen city tour and lunch is part of what was paid here in the philippines. kapal lang ng tour guide na gumawa nun.

saka nung dumating sila sa hk nung 1st night nila may 2 groups na late evening na nabigyan ng room.

i swear worst service talaga yung nabigay ng PAB STAR and i will not book them again. sana lang wala nang mag book sa kanila. nobody deserves to be treated like badly. we paid them and yet we got a bad service from PAB STAR.
« Last Edit: March 15, 2012, 12:00:51 am by coldsiren »

pinklilac

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #123 on: March 16, 2012, 09:14:31 am »
I recommend Horizon Travel and Tours. Simula nung first trip ko, sila ang agency na kinuhanan namin :)

hi sis..more affordable ba sila compared sa ibang travel agency? nagpapahanap kase friend ko for HK at thailand. family tour.tia

Hansky

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #124 on: March 18, 2012, 01:37:01 pm »
iam experiencing the same dilemma in the voucher i bought from cleverbuy. the travel agency sent me eticket but when i checked it sa airline company a week after it was issued cancel pa [textspeak!] yong ticket since hindi daw nabayaran. The travel agency didnt even informed us and when u do follow up laging next week. nkakastress...kaya i will never buy voucher again at cleverbu. ito na yong una and huli!   

dolly

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #125 on: March 18, 2012, 09:41:41 pm »
^Ano pong travel agency yan?

ette

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #126 on: March 22, 2012, 03:45:27 pm »
I highly recommend these travel agencies. Sa kanila lang ako madalas na nagpapaquote at nagcocompare ng mga prices.

DOMESTIC TRAVEL
1. Travelsmart.net - mura yun mga hotels nila
2. Cencorp - Mura yun mga boracay packages nila at mababait yun mga agents nila.
3. Global Sights Travel in San Juan (homebased)- Somtimes I can  haggle from their rates pero depende sa packages nila e.
4. JNJ Travel in Paranaque - masayang kausap yun agent nila at talagang inaasikaso yun bookings ko.

INTERNATIONAL TRAVEL
1. Las Palmas in Makati - mura yun mga asian packages nila, medyo may katarayan yun kausap ko dun pero inaasikaso nila yun booking ko.
2. Global Sights Travel- they will do everything para makuhanan nila ako ng mga cheap tickets for their package, mura rin sila magbigay ng mga international flight tickets. They are the one who also arranged tickets for the World Youth Day.

Yan yun mga comments ko about sa mga travel agencies na yan. So far wala pa naman akong bad experience sa kanila since nagpabook ako. Kasi makulit ako  kapag nagpapabook e. Lagi akong nagfofollow-up.  ;D

jentot

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #127 on: March 22, 2012, 11:41:15 pm »
Sa J2 travel and tours pa din... nagbigay nga ng schedule, di naman dun sa request namin kahit konting konsiderasyon man lang dahil ang tagal ng sagot nila sa follow up namin, ang pangit pa din ng sched na binigay. Tapos may list naman ng names namin for confirmation, nagkamali pa ng spelling sa voucher.  Tinatawagan at ini-email namin, wala nang sagot.  Di sinasagot lahat ng numbers nila at sa email walang reply.  Kakairita talaga..

marssie

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #128 on: April 22, 2012, 08:02:04 pm »
^^ hindi nga sila scam but with the way they're treating their customers, they should be out of business. grabe yung isang naka usap ko about PAB STAR, sinisingil pa sila ng tour guide for lunch and city tour  sa shenzhen eh kasama yun sa package.
first time ko maka receive ng eticket na 29 names ang naka sulat, pati ba naman mga taong di ko kilala nasa eticket ko. 


LoL! sis, natawa naman ako sa eticket mo.. as in 29 names at di mo pa kakilala? ;D

dolly

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #129 on: April 23, 2012, 11:50:09 am »
Pasensya na ha, hindi ako nakikipagmatigasan pero travel agent din kasi ako, and i know kung bakit may mga ganitong group bookings. If si client e mapilit sa murang package, this is where you end, sa group bookings.

Nung nasa HK ako, ang katwiran nga sa ken ni HK resident, gusto nyo ng mura e di yan mura yan pero don't expect na pang-hari ang itinerary na makukuha nyo. O di ba nakakainis din pero, kung open minded ka, you'll understand na may point din naman sya.

Yung nangyari kay coldsiren, it's more of misinformation. I think hindi lang sila na-inform ng maayos dyan. Kaya valid din naman na magalit sya. pero yang mga group bookings na yan normal po yan. maliit pa ang 29, merun nga umaabot pa ng 40.  ;)

chellai_kawaii

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #130 on: April 29, 2012, 10:51:25 am »
We have a tour to coron via J2 Travel and Tours. Nahirapan din kami sa pagfollowup. What we did is pumunta pa kami dun para ifollowup. Nagconfirm na sila sa dates namin pero wala pang ticket, sabi isesend nila via email pag okay na. Hanggang ngayon wala pa din. Sa June 16 na [textspeak!] schedule namin.
Anyone merong experience sakanila?

coldsiren

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #131 on: April 30, 2012, 02:10:24 pm »
Pasensya na ha, hindi ako nakikipagmatigasan pero travel agent din kasi ako, and i know kung bakit may mga ganitong group bookings. If si client e mapilit sa murang package, this is where you end, sa group bookings.

Nung nasa HK ako, ang katwiran nga sa ken ni HK resident, gusto nyo ng mura e di yan mura yan pero don't expect na pang-hari ang itinerary na makukuha nyo. O di ba nakakainis din pero, kung open minded ka, you'll understand na may point din naman sya.

Yung nangyari kay coldsiren, it's more of misinformation. I think hindi lang sila na-inform ng maayos dyan. Kaya valid din naman na magalit sya. pero yang mga group bookings na yan normal po yan. maliit pa ang 29, merun nga umaabot pa ng 40.  ;)

hindi lang misinformation yung ginawa nila. i asked them several times kung anong airline, sabi hk express. tapos bigla na lang naging cebu pacific w/o informing me. respect lang sa customer, sana man lang kung may changes iinform ng travel agent agad. based dun sa email nila isesend nila yung mga travel vouchers and tickets 7days before the trip, di makatwiran na di nila sinusunod yun. i got my eticket 2 days before our trip and i got my voucher a day before the trip.

yung friend ko na kasunod ko mag travel, they availded of the macau tour as well. pero dahil late yung PAB STAR mag send ng travel docs at hindi siguro maingat yung gumawa ng tour nila, di na sama yung macau tour kahit paid na nila. late na to remedy and apply for a separate visa for them kasi friday na nung nakuha nila yung voucher at sat na yung flight nila.

about dun sa friend ko na siningil ng tour guide for lunch and city tour, same package kami pero nauna ako. part ng tour yung lunch and city tour. dito pa lang paid na yun, kaya dapat di naningil yung tour guide sa shenzhen.

sana kahit na mura lang yung tour, dapat yung travel agents maging professional naman in treating their customers. obligation nila na makipag communicate sa customer nila. paid sila para gawin yun at hindi charity yung work nila.

kung ayaw nila na tinatawagan, pinapadalan ng text/email/ym ng customers, mag resign na lang sila. isipin naman nila yung nararamdaman ng customer nila na hindi man lang nila sinasagot yung tawag, hindi nila nirereplyan ang text/email/ym messeges. bastos lang di ba?

kaya nga nagbook thru a travel agency para hassle free, hindi para maging stressful ang buhay.
« Last Edit: April 30, 2012, 02:15:56 pm by coldsiren »

babyhoney

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #132 on: April 30, 2012, 02:20:40 pm »
hi mga sis..tagal ko naghanap ng thread na ganito.. buti meron pala..

need your help mga sis..

im looking for a travel agency kasi na pwede ko makontak, i wanna book for a 3D 2N na package to puerto princesa palawan for our honeymoon on june immediately after the wedding, kaya medyo tight ang budget hehe..

baka meron may alam here na pwede ko makontak na budget friendly...

TIA sisses..

malandi@maharot

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #133 on: April 30, 2012, 04:24:59 pm »
 ;D @coldsiren

Tama naman yung sinabi ni miss dolly na taga ibang travel agency, kasi travel agency din ako work. kailangan din pong intindihin ng mga client yung binili nilang PROMO wag naman po sana kayong magexpect sa mababang promo.Kung gusto nyo po ng VIP treatment go for regular rates or mas mahal pa para makuha nyo [textspeak!] gusto nyong tour. Kung frequent traveler ka alam mo yan, pero kung first timer ka talagang di mo alam yan. What important is natuloy yung tour at nakaalis naman kayo ng maayos even though may delays siguro naman pagdating nyo sa destination nyo di na alam ng agency yung mga ngyayari dun as long as mayroon kayong accommodation at kung ano yung inavail nyo.If i know nagenjoy naman kayo sa tour diba? Kasi po unfair din sa part naming mga  travel agency na nagpopost kayo ng PANINIRA AT MALING BINTANG ng di namin alam.Yung iba na kagaya mo madalas nagoover react na lang which is unprofessional, Sana dun na lang kayo magreklamo personally sa travel agency na pinagbookan nyo.best regards  ;D

coldsiren

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #134 on: April 30, 2012, 07:38:53 pm »
^^ prior to booking with PAB STAR naka pagbook na ako ng mga tour packages sa ibang travel agencies. sa kanila lang yung ganyan na di man lang mag reply sa text message or email at di man lang sagutin yung tawag sa phone. di man lang kami iinform for any changes.

hindi ako humingi ng VIP treatment, yung makipag communicate lang sila sa akin for changes ok na. kaso ang nangyari parang tinaguan kami. tinawagan sa celphone di naman sinasagot, for some weird reason pati landline di macontact. sa tingin nyo tama pa yung di man lang sila mag reply sa text/email/ym messages kung di nila sagutin yung tawah ng customer nila. syempre tatawagan talaga sila kasi less than a week na lang tour date na namin, kaso unreachable sila. paano ko sila sisiraan kung totoo naman ganyan yung treatment na binigay nila sa amin. 

yung mga ibang nabook ko na tour package mababait at maayos kausap yung agents. ang PAB STAR kasi sa una lang maayos, pero nung paid na parang iniwan na nila yung customers nila. sinabi ko sa kanila complaint ko. lahat ng sinasabi ko based sa experience ko. sinusulat ko lang kung ano yung totoong nangyari nung nagbook ako sa kanila. it's a valid feedback because this's what i experienced when i booked a tour with them.

hindi ko naman sinasabi na lahat ng travel agents pangit kausap. i just want others to know what i experienced with the said travel agency. saka madami na akong nacontact na naging customer nila na bad experience din with them. yung ibang customer nila nag email at message sa akin sa fb. hindi ko sila hinanap, nakita nila yung pag follow up ko sa wall nila sa fb. kasi naman nakakapag fb sila pero di sila maka reply sa emails nila.

naisip nyo na ba kung ano ang feeling ng customer kung di sila kinakausap ng travel agent, feeling ng customer tinakbohan na sila ng travel agent? mga 50k din naman ang binayad namin for the tour, di naman ganun kamura yun.

saka based dun sa terms and condition 7 days before the trip nasa customer na lahat ng travel docs at thru lbc pa. sana kung thru email pala lahat, hindi na nila nilalagay na thru lbc papadala lahat ng docs.


jentot

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #135 on: May 01, 2012, 02:54:36 pm »
We have a tour to coron via J2 Travel and Tours. Nahirapan din kami sa pagfollowup. What we did is pumunta pa kami dun para ifollowup. Nagconfirm na sila sa dates namin pero wala pang ticket, sabi isesend nila via email pag okay na. Hanggang ngayon wala pa din. Sa June 16 na [textspeak!] schedule namin.
Anyone merong experience sakanila?

kami sis, sobrang hassle.. ang pangit ng experience eh.. nabanggit ko na sa unang post ko pero ang worst is nung days before nang alis namin tumatawag ako para tanungin yung service voucher kung yun lang ba talaga kasi nga parang kulang. di sumasagot ng phone, so to make sure, tumawag ako sa zest air, sabi di kami makakasakay kung walang voyager pass eh ano magagawa namin walang sumasagot sa agency. so sabi namin bahala na. try lang. boom, mismong araw ng punta namin di kami papasakayin ng walang voyager pass. ending, bumili kami ng bagong ticket. tapos etong engot - sorry sa word- na staff ng j2 aba nagtxt ng lunes at sabi bakit daw hindi ko kinuha ang voyager pass sa kanila eh sunday ang biyahe namin. at nung tinatawagan ko naman sila same day, di sinasagot. pagkabalik namin from bora dumiretso kami sa office nila. mantakin mong lumipat na pala ng office. buti malapit lang. ayun talagang reklamo ako to the max sa manager nila which happens to be manager ng  cleverbuy  sa agency nila. sabi ko refund ang need namin at gumawa nga ng incident report na dapat daw pinayagan kami ng zest air sumakay. sabi ko kasalanan ng agent niyo na hindi mag follow at di sumagot sa emails at tawag ko. imagine.. 3 months before the suggested dates namin nag pa book kami, sumagot halos 2 months after at ang pangit ng binigay na sched. sabi ko pa naman dun sa dalawang employee nila dun na kakilala ko kasi nakasama ko na sa tour nila sa subic, sabi ko masisira ang name niyo dahil sa mga ganyang klaseng employee.  sinalo lang daw nung engot na agent nila yung bookings dun sa kakaresigned na employee nila eh kako walang endorsements? eh di sana inaral niya maigi hindi yung hassle sobra. paano pala kung wala kaming pambili ng ticket same day sirang sira ang araw namin.. ayun, ngayon, waiting kami sa refund ng pinambayad ng ticket, pero pag mag aavail kayo sa kanila sana mapunta kayo dun sa okay kausap na employee wag lang dun sa christina or tin.  ako hindi nagkulang ng followup. araw araw ako tumatawag para ayusin ang voucher namin, pati wrong spelling ng kasama namin di niya inayos sa voucher, tapos sagot niya sa akin, may copy daw siya ng email. sabi ko maglabasan kami ng email on the spot ng malaman niya kung ilang beses siya nag reply sa sandamakmak kong emails. di pa nga kako narecord yung mga dates ng pagtawag ko sa kanila eh. 

dolly

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #136 on: May 01, 2012, 10:29:03 pm »
^Grabe, uber talaga si J2!  :o

jentot

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #137 on: May 02, 2012, 11:16:04 am »
^ oo nga sis, sabi ko pa naman okay naman yung unang trip namin sa kanila.. biniro ko pa si bf, ano kaya kung kuha ulit tayo tapos tignan natin kung may difference. kasi ang offer sa amin noon  is tour package uli or refund.  mas pinili na lang namin ang refund. at yung in charge na girl sa boracay tour eh taga cleverbuy pa dati nagwowork yun ha.. tsk

jentot

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #138 on: May 02, 2012, 03:26:26 pm »
^ kasi sis, ang rule kasi puntahan to book pero puwede na through phone and email ang followup.  sa ensemble travel and tours nga through phone lang kami and wala pa two days ayos ang sched, voucher, etc.  ang problema kasi sa J2 ang dami nilang tour,  ang daming tao, tapos di nila maayos ang dates.. maski yun accommodation namin nagrereklamo na di sinasagot ang mga tawag at text nila, nahahang sila sa mga customers nila kasi nakablock ang dates tapos di pa nila alam when susunduin ang guests.  kaya may isang araw na whole day inantay nung taga transfer ang guest kasi di nila alam ang sched. buti na lang kami nag initiate na tawagan namin ang accommodation, direct na kami nag settle ng transfer para walang problema kagaya ng ticket.

dolly

  • Guest
Re: Travel Agency Thread
« Reply #139 on: May 02, 2012, 11:30:43 pm »
^Exactly, gahaman in short! Tsaka, sabi ng cousin ko sila rin may ari ng clever buy, di ko sure. May contact akong girl doon, hanggang ngayon di ko na tuloy alam kung paano ko papa-book cause I'm sure kahit siguro nagpa-book pa ako nung unang araw na nabili ko ang vouchers at after 4-5 months pa lang nagsabi ka na e sa mismong month ka pa rin aasikasuhin. Syempre, unahin muna nila mga regular rate clients nila, promo lang yung akin e. 105K pa naman total bills ko, ka-stress! lesson learned, ingat sa mga deals!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close