madami factor kung bakit nagkakaroon ng reason magcheat si wife... pero whatever reasons that may be, dapat pa din na pahalagahan ang marriage... if my husband don't love me anymore siguro i'll just get out of the marriage pero di ako makikipag-relationship sa ibang guy.
i've known someone na ok ang hubby, mahal sya at talagang maalaga sa kanya. but the thing is yung babae talaga ang nagpadala sa tukso, pinatulan nya ang guy bestfriend nya (who happens to be my ex and who happens to be my bf nung time na yun... ouch!! LOL).
may problem ba sa part ko? Yes, meron pero di big reason para magcheat si ex-bf at pumatol sa married girl (who by the way happens to be a distant cousin of mine). I admit medyo nawalan kami ng communication since nag-study ako sa Manila at nasa province sya. Pero di excuse yun para pumatol sya sa iba at sa married pa.
Anyway, hanga din ako sa husband nung girl at kahit he found out di nya iniwan si girl (actually, si girl pa ang malakas ang loob at handa daw iwan ang husband nya para kay ex...tsk... tsk...). Pero ayun, natauhan naman sya at bumalik sa asawa nya. Si ex syempre hiniwalayan ko na.
Now, the girl has 2 little girls at inaanak ko ang panganay nya. I'm glad happy na sya ngayon.
Ako, happily married(sobra!! uber!! hehe!) with a cute little girl.
Si ex, married with 2 little girls but judging from our last communication (that's before i met my hubby,mga 4 years ago), he's not happy with his marriage (karma siguro). 2 weeks before his wedding, tinext pa ako at tinawagan... di daw nya tutuloy kasal nya kung pipigilan ko sya... as if naman gagawin ko yun? hello, di ko na sya mahal at buntis na ang papakasalan nya... hehe! Tapos after that gusto pa nga ako gawin kabit ng walanghiya (ooops, sorry! na-carried away ako... hehe!)

, yayain ba naman ako mag elope eh buntis sa 2nd child nila yung asawa nya... bad talaga! hehe!
Actually, bilib ako sa kanya kasi kahit anong gawin kong palit ng number ko lagi nya nalalaman... kapag naman inentertain mo ang mga text at sabihin ok na at friends na ulit kami biglang napupunta na naman sa iba ang usapan, kesyo mahal nya pa ako... hehe! hay naku, di naman ako t**** para magpauto sa kanya... pero ngayon di na sya nagpaparamdam kasi kapag nakipagcommunicate pa sya, sumbong ko sya sa hubby ko, bugbog sya dun... hehe!
