watch now

Author Topic: LDR wifey (new home)  (Read 82683 times)

princessrio

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #300 on: October 22, 2011, 03:24:44 pm »
^^hindi ba daw pwede don ang family visa? sa oman kasi pwede ang family visa tapos pagdating ko don, saka ako maghahanap ng trabaho at magpapapalit to working visa. kaya lang, hubby doesn't want na dun kami permanente. gusto talaga non canada.  ;D

brownpinay

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #301 on: October 22, 2011, 03:33:10 pm »
parang ako ata ang pinakamatanda sa inyo. yikes! will be 33 this november.  ;D

ako ata sis 39 na pero di ko feel  ;)

brownpinay

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #302 on: October 22, 2011, 03:34:47 pm »
naku mga sis kc since sa riyadh nga sya mahirap naman magkasama kme dun.. sobrang higpit..sana nga one daw magkasama na kmeng 3.. hirap talaga ng malayo asawa.. sabi ko nga try na nya kc sa ibang bansa na open para makasunod kme.. hayyy.. hirap talaga ng gantong buhay..

andun din si hubby sa riyadh...mahigpit nga daw..kaya tiis tiis muna dito at ipon ng madami talaga para makauwi si OFW hubby para makapag negosyo, hirap din kasi ng buhay dito e.


ldrwifey

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #303 on: October 22, 2011, 06:06:36 pm »
sis roxy ano ba talaga ang plans niyo ng husband mo? hindi naman kasi pwedeng forever lang syang work s riyadh since hindi niya naman kayo kayang dalhin dun, just like what sis rio said, if hindi kayo pwede s riyadh hanap ng ibang country or save up so that he can finally come home.

sis rio sa guam ako, ako lang naiiba dito sa bahay natin  ;D

sis brownpinay whats your name? first name basis kasi kami dito, hehe, if ok lang sayo.. im mary by the way. ang hirap talaga sa pinas kasi lalo tayong pinapahirapan ng mga TRAPO!!

roxybrat

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #304 on: October 22, 2011, 06:34:06 pm »
naku mga sis tama si brownpinay mahirap kc dun at mahigpit talaga.. actually may plan din naman si hubby na hanap ng ibang country..ok nga sana canada pero masyadong mahal magagastos kc wala naman kme relatives din dun.. nag inquire kme before halos half a million need namen??!!! grabe.. kaya nag iipon na rin naman si hubby tapos sana makapag negosyo na at ng makauwi na.. gustong gusto na rin nya umuwi kaya lang wala pa nga ganun kalaking ipon kaya tiis-tiis.. :(

ldrwifey

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #305 on: October 22, 2011, 06:54:12 pm »
sis rio haba ng post mo dun sa sad letter ah  ;D inaabangan ko yung thread n yun para kasing medyo nalalabuan si wife dun kung ano talaga ang buhay mag asawa.

natawa ako masyado s paglalaba ng briefs, kasi nung last kong uwi first time kong maglaba ng briefs n hubby, naku super excited ako nun, first time kasi LOL

sis bakit ganun yung friend ko din sabi ang mahal daw talaga sa canada, sa kanya naman nasa 300 n kwenta niya, estimated p lang yun. susme lifetime savings niyo n yun if nagkataon!

princessrio

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #306 on: October 22, 2011, 07:00:53 pm »
eh kasi naman sis mary if you will look at her story, parang it's all about her. yung gusto nya.. eh how about yung asawa nya? buti nga sa dota lang nahihilig ang asawa nya eh. eh kung babae ang maging hobby non, eh di mas masakit di ba? nahabaan nga ako sa post ko  ;D pero kung andito si hubby, usapan na namin na sha ang maglalaba kahit pa undies ko  ;D pati yan pinag-usapan na namin noon pa, bago pa man kami magpakasal. mas magaling sha maglaba at mas mabilis kesa sa akin.  ;D

sa canada kasi parang per head ang show money.. i think it's 500k per head. imagine, kung 500k each kami, that's 1.5M.. eh bakit pa ako aalis ng Pinas kung may ganyang pera na kami??  ;D
a friend of mine told me na mas madali daw sa new zealand.  ;)


roxybrat

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #307 on: October 22, 2011, 07:12:47 pm »
^rio at mary kaya nga parang alanganin na kme kung canada.. sabi ko try nya kaya asia.singapore pede na.. hehe.. naku ako di ko pa na try maglaba ng brief ni hubby sya naglalaba mag isa after maligo laba agad sya.. hehe.. naranasan nyo ba na kapag kasama nyo na hubby mo for vacation may time na naiirita kyo kc parang utos ng utos? o dahil parang sanay lang na wala sya??

princessrio

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #308 on: October 22, 2011, 07:20:58 pm »
^naku sis.. spoiled kasi ako sa hubby ko kahit pa nung mag-bf pa lang kami. like nung nagsagada kami. after sa cave, sha talaga ang naglaba ng damit namin pati undies ko habang ako naman eh tulog na tulog. kahit nitong mag-asawa na kami, nung naghoneymoon kami sa bora saka nung umuwi kami sa kanila, sha talaga naglalaba.. hanggang sabihan ako na.. "Mahal..pwede pabanlaw?"  ;D dun lang ako tumulong  ;D

my husband kasi is independent. natuto sha tumayo sa sarili nyang paa simula ng tumapak dito sa manila. total opposite ko kasi ako, dependent naman. pero give and take kami. like pag sha ang magluluto, ako ang maghahain saka maghuhugas ng pinggan.

ldrwifey

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #309 on: October 22, 2011, 07:25:27 pm »
kasi ako sis katipunera ako, sabi k nung hindi p ako nag aasawa, i will not be my husband's chimimay, hindi ako pinag aral ng mga magulang ko para sa ganung bagay.. kahit p laging advice ng mom k n hindi dapat ganun ang thinking ko (my mom is a super wife... syempre super mom din) tapos nung nag asawa ako biglang nag iba ang ihip ng hangin, i always want to do stuff for him, hindi ko binibilang lahat ng "pagsisilbi" ko sa kanya.. my friends are all laughing at me because bigla daw akong naging submissive,

1.5M? dyan n nga lang kayo sa pinas, haha, pero ok din sana kung makapag canada kayo then pag andun n try niyo naman ng US. sa new zealand kasi konti lang pumapasok kaya medyo madali

sis roxy, minsan kunwari magrreaklamo ako kasi daming utos, pakuha ng water, paadjust ng AC, paabot ng remote etc etc, pero honestly ok lang.. saka with us kasi mas mautos ako, kaya din siguro ok lang sakin yung ganun kasi siya din atat n atat na sumunod sa mga requests ko, taga remind sya ng meds ko, taga masahe, taga bili ng fishball.

advantage din ng LDR pag nagbabakasyon parang laging honeymoon ulit, hehe

ldrwifey

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #310 on: October 22, 2011, 07:27:45 pm »
sis rio MAHAL din tawagan niyo??? kami din  ;D

princessrio

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #311 on: October 22, 2011, 07:30:40 pm »
^yup sis.. nung magbf pa lang, GANDA tawag nya sa akin. hindi nya kasi makalimutan yung reaction ko when he called me GANDA the first time. tapos when engaged, MAHAL. ngayon, MAHAL pa rin pero minsan nagiging DAD because of the baby.

ldrwifey

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #312 on: October 22, 2011, 07:35:16 pm »
MAHAL KO talaga samin, kaso ngayon MAHAL n lang for short.... kaso ang dami dami ng shows ngayon sa tv n "mahal" din ang tawagan sabi tuloy n hubby parang hindi n daw unique, nacommercialize n kung baga.. kaso yoko namang palitan kasi special nga samin

roxybrat

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #313 on: October 22, 2011, 07:59:14 pm »
^haha.. naku same din pala tyo pero sya lang tumatawag sken ng mahal. hehe.. tawag ko sa kanya panget o kaya papa.. same tyo sis rio si hubby indepenent din.. nun lumuwas sya dito sa manila lahat natutunan nya.. hindi naman din kc sila galing sa mayamang pamilya kaya masipag sya.. working sya habang nagrereview for cpa exam.. ako naman since only child e spoiled talaga kaya dependent din ako sa parents ko.. :) pero now ok naman na.. naiinis lang ako minsan kc kapag andito sya kahit may kasambahay kme gusto nya lahat ako kikilos.. e minsan naiirita ako.. hahaha.. or tamad lang talaga ko.. hahahaha.. pro sabi nya nilalambing lang daw nya ko.. ay ewan kaya may time naman na sabi ko alis ka na nga ulet... hahaha.. bad ko.. pero alam naman nya na mas gusto ko andito sya.. kaya twice a year sya umuuwi kc 15days.. 

princessrio

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #314 on: October 22, 2011, 08:08:45 pm »
si hubby hindi naman palautos. pero ganon ata talaga ang mga lalake. talagang pagsisilbihan mo sila kasi lambing na yun sa kanila. si hubby umuuwi once a year lang pero mga 30 to 45 days naman sha, depende kung ilang months sha nagstay don from the last time na umuwi sha.

and yes, hindi rin kayamanan sina hubby. one reason kung bakit sha nag-abroad eh para makaipon pampakasal namin. kung dito sha? nakupo!! baka hindi na kami naikasal ever. ayaw din nya kasi mapahiya sa parents ko. kaya proud ako sa asawa ko.  :)

roxybrat

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #315 on: October 22, 2011, 08:35:16 pm »
^hehe.. si hubby kc dapat 30 days per year vacation nya.. e since promoted na sya pede na sya umuwi twice a year pero hahatiin un 30days.. pero sagot pa rin ng company un airfare nya.. ako din proud din ako kay hubby kc talagang ginagawa nya lahat..hehe..

simplykristine08

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #316 on: October 22, 2011, 08:39:25 pm »
Sisses, hello hello!!

sa dubai din, if kukunin ako ni hubby, husband's visa ang iaapply nya sakin para kung ilang years ang visa nya, yun din ang visa ko. Mas madali magapply ng work at pwedeng pumili.

Yung pinsan ko nung July nakapagmigrate na sa canada. Nauna ang asawa ng pinsan ko dun, tapos after 4years, nakuha na sila. Wala silang show money kaya okay :)

ldrwifey

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #317 on: October 22, 2011, 08:45:06 pm »
^as resident n ata sila kinuha kaya siguro wala ng show money.

ako kasi may katamaran talaga... asa ako lahat s mama ko, kaya lagi akong nasasabihan ng papa ko, ang tanda tanda k n daw puro p rin mama. parehas kami n hubby na wala ding yaman, kaso medyo naging ok ng konti yung life namin kasi nakapag abroad father ko. kaya civil lang kami nagpakasal kasi hindi kaya n hubby magpakasal s church, ayaw din naman n ako gumastos... kaya pag andito n daw siya mag iipon daw talaga ng bongang bonga para sya daw gagastos s church wedding namin

angelgabie

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #318 on: October 22, 2011, 09:27:14 pm »
gandang gabi mga sis..

hirap talaga magkalayo, kaya after ng 2 yrs. contract nya, di na kami papayag na di kami magkasama, pwede na family visa sa next contract sabi ng boss nya, kaya lang nag aalala sya for our safety kung andun kami, dahil delikado daw talaga. kaya baka try na lang namin singapore. mas malaki na kasi opportunity sa ibang country pag ex-abroad lalo saudi galing. kaya stepping stone lang rin talaga yung pag work nya dun.

roxybrat

  • Guest
Re: LDR wifey (new home)
« Reply #319 on: October 22, 2011, 11:34:29 pm »
sis tin talaga? ang galing naman nun wala sila nilabas na malaking pera..
sis mary oo nga sis ipon na lang kyo kung gusto nyo ng bonggang church wedding. iba pa rin kc un bang lalakad ka sa aisle.. pero ok rin naman ang civil.. hehe..
sis mhaan oo sis try nyo rin singapore.. un BIL ko sa qatar sya dati ngaun sa singapore na sya work at mas malaki offer kaya lang may tax dun.. pero keri lang kc atleast anytime nakakauwi sya kc mas mura ang airfare.. baka nga dun mag xmas SIL at kids nila para magkakasama sila..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close