watch now

Author Topic: Getting Pregnant at a Young Age  (Read 41348 times)

craziestqueenever

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #80 on: September 02, 2011, 05:04:09 pm »
I got pregnant at the age of 15 I gave birth at  age 16, the father of my kid is not boyfriend  walang formal courtship na nangyari yung relationship na itinago lang. No regrets having a son, I'm happy with my son napapasaya niya ako, kung may pagsisi man ako iyon ay ang hindi ko ginampanan ang pagiging ina ko sa kanya.

super bratinella

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #81 on: September 03, 2011, 04:43:18 pm »
@ sis lyn cheema >> 28 is not too young to get preggy sis, pero nagalit pa rin nanay mo, dapat matuwa sila kasi at the age of 28 na preggy anak nila.hehe..hindi na masama.


@ sis craziestqueenever >> super young ng 15yrs old sis, very understandable na hindi ka masyadong hands on sa baby mo pero not an excuse ha. you still have chance para makabawi sa baby mo...

craziestqueenever

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #82 on: September 04, 2011, 06:22:41 pm »
@super bratinella: Yeah it is not an excuse for me. So sad lang kasi hindi ko na ma control ang ugali ng anak ko. Now I know kung [textspeak!] ang mahirap sa pagkakaroon ng anak iyon ay ang pagiging isang ina.

@mimigarcia: As I've said I got pregnant at a very young age nag aaral pa ako noon so wala akong time na maalagaan siya at even though tapos na ako mag aral may trabaho na ako siyempre work naman ang inaatupag ko.

P.S while writing this reply parang mabigat sa dibdib ang sitwasyon ko, minsan nga gusto ko ng sabihin sa mother ko na di ko na kaya mag palaki ng isang anak. I love my son and I want him to have a brighter future pero ewan ko ba I feel so uneasy when it comes to be a mother to him. I badly need your advice.

super bratinella

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #83 on: September 04, 2011, 06:36:31 pm »
Sis, don't feel bad but what you need to do is learn the things that will make you a better mother to your son. I also went through the same stage. I do not know how to be a mother nung pinanganak ko ang eldest ko when I was just 20yrs old so much with the adjusting period. Dapat talaga nasa puso ang pagiging ina, that is the key and so much appreciation, dahil ang iba ang hirap mag conceive pero ikaw very lucky to have a son and bonus na lang kasi halos hindi malayo ang  age level nyo, so masasabayan mo siya sa paglaki..

beatrize zuri

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #84 on: April 27, 2012, 02:24:59 am »
count me in. nabuntis din ako nung 18yo 2 mos after ng debut ko then by 19 mom na ko pero yung bf ko non is husband ko na ngayon, btw 11 yrs ang age gap namin plus may 8yo stepson ako sa kanya na tinuring ko na ring akin. syempre nung una napaka hirap mag adjust kasi nag aaral pa ko non ayoko namang magstop so kahit buntis ako nag aaral pa din ako yon lang sacrifice talaga kasi lumipat ako ng ibang university na nag aaccept ng preggy students,. plus the fact na kahit galit yung parents ko super supportive naman sila naalala ko pa nga yung sinabi ng papa ko na "atleast hindi tayo nabawasan madadagdagan pa tayo", nung una talaga nahirapan silang tanggapin pero andyan na eh, lalo na nung lumabas yung baby boy ko sabi pa sakin ng mom ko na kung gusto ko daw isusunod nila sa surname namin para mukha lang kaming magkapatid para lalabas na dalaga pa din ako kasi ayaw nga ng parents ko na ma obliga ko or magkaroon ng mabigat na responsiblity sa ganong age sa tingin nila hindi pa ko ready talaga, honestly naisip ko ding pumayag pero nung nakita ko yung baby ko tumanggi ko pinasunod ko sa apelyido ni husband na, nung time kasi na yon ayaw nila kay husband kasi sa age gap namin plus may anak pa siya.
 
lahat ng luho at layaw ko nabawasan nung nagkababy ako naisip ko na kelangan kong patunayan sa parents ko na ready na ko, na kelangan maging ready ako kasi andyan na kaya nag apply ako ng work without their knowlegde nung nalaman nila nagalit sakin gusto nila mag concentrate ako sa school ko eh nung time kasi na yon sem break so ayokong iasa sa parents ko yung responsibility ko sa baby ko (nung time na to hindi tinatanggap ng parents ko yung binibigay ni hubby kasi nga galit sila) nung inexplain ko sa kanila na gusto ko mag work kasi gusto ko matuto and ayokong iasa sa kanila (hindi naman kami mayamang mayaman pero kahit papano naman magaan ang buhay namin nabibigay ng parents namin yung needs and "wants" naming magkakapatid) so yon, nag wowork ako sa gabi tapos nag aaral ako sa umaga although hassle free pa din sakin kasi hatid sundo naman ako kasi nga iniisip nila na baka nagkikita pa din kami ni hubby and yes! nakakalusot pa din ako  ;D
 
nung nalaman ko nga na nabuntis ako naisip kong ipa abort pero natakot talaga ko, sabi ko sa sarili ko hindi ko kayang pumatay na walang kamuwang muwang, syempre natakot din ako sa galit ng parents ko pero super blessed talaga ko na hindi nila ko pinalayas or something  :) , pinagalitan oo pero afterwards, tinanggap at mahal pa rin nila ko.
 
hanggang sa nakagraduate ako at na established ko sarili ko, then sinuyo ni husband family ko ginawa niya lahat ng paraan para magustuhan siya. hanggang sa nagpakasal kami at nagkaroon ng another baby, so ngayon yung eldest ko is 7yo and yung youngest dau ko is 2 turning 3 this july,. ngayon magkakasama kami pati yung stepson ko,. syempre may mga problema din pero overall masaya ko sa mga kids ko at sa husband ko, hindi kayang palitan ng kahit na anong bagay sa mundo yung happiness na nabibigay ng mga anak ko. i made the right decision.  :)  lakasan lang ng loob and tiwala kay god.

angel.of.mine

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #85 on: July 22, 2012, 06:24:44 am »
ako din i got pregnant when i was 17y/o, debut ko 4 months preggy na ako hahaha (pero hindi ko talaga alam na preggy ako kase irregular menstration ko). take note naka gown pa ako at talagang pinaghandaan ng daddy ko debut ko. lahat ng friends ng daddy ko (yung mga matatanda) were asking "buntis ka ba?" pero syempre todo deny ako kase alam ko hindi ako buntis lol. after ng debut ko nagpa check-up na ako kase nga super delay na mens ko, ayun i found out na 4months pregnant na pala ako. at first tinago ko sa daddy ko kase alam ko hindi niya matatanggap yun kase only child ako. yung pregnancy result tinago sa wallet ng bf ko, i didn't know na tinitignan pala ng nanay niya yung wallet niya... binggo! nagpunta dito sa bahay yung mommy ng boyfriend ko at kinausap daddy ko about sa pregnancy result. grabe sobrang galit ng daddy ko nun halos hindi ako kinakausap, kahit yayain kumain wala. everyday nakikita ko daddy ko umiinom. then naisip ko ipa-abort yung bata sabi ng bf ko "hindi na natin mai-tatama ang mali ng isa pang pagkaka-mali" ayun na realized ko na mali iniisip ko.


so stop ako 1 year sa school, bumalik nalang ako after ko manganak. hindi naman nalaman sa school na nagbuntis ako kaya wala naging problem. while i was pregnant nagstay ako sa house ng bf ko kase ayoko makita si papa na sobrang disappointed saken. then nung kabuwanan ko na balik ako sa house ng daddy ko. nung manganganak na ako grabe dun ko nakita daddy ko na sobrang worried kase mag C/S ako. tapos bago ako dalin sa delivery room pinapasok yung daddy ko saka yung boyfriend ko sa loob, grabe iyak ko sa sobrang saket pag llabor. lumapit daddy ko and he's also crying sabe niya "anak, kaya mo yan". ayun lumakas naman loob ko kase alam ko na tanggap na niya. nung lumabas ako sa hospital grabe halos siya lagi may bitbit sa apo niya. siya gumagastos sa milk, bakuna, pampers, check-up, crib, straller... lahat ata ng need ng apo niya binili niya pati nga towels at lampin eh hahaha.


ngayon 8y/o na baby girl ko studying in a private school... daddy ko nagbabayad ng tuition. ako andito lang sa bahay (college graduate) taking care of her. no regrets kahit hindi kami nagkatuluyan nung mokong na tatay ng anak ko. masaya ako kase sobrang blessed ako sa anak ko matalino na maganda pa.  ;D


hay sana lang wag magaya saken baby ko   ;D

ayami

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #86 on: August 02, 2012, 01:29:51 am »
nakakatuwa may thread na ganito.

19 ako nung na preggy pero 20 nung nanganak. ampangit ng timing kasi kaka-Ondoy lang non sa Pasig ako nakatira so wasak ang kagamitan sa bahay. pero dahil don di naman ako ganong napagalitan... akala ko lang pala yun ang rason.

may cancer na pala dad ko nun and well nalaman ko lang towards the end of my pregnancy kesyo wag ako mastress blah. ayun perfect timing pala, sabi ng doc til May 2010 na lang sya mabuhay pero inabot nya ang pagkapanganak ko sa first apo nya (only child ako e). July 2010 nung kinuha na sya ni Lord, at lahat ng kakilala ko inaassure na blessing rin ang nangyari sa akin. naniniwala rin ako don :)

jhenpretty

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #87 on: August 03, 2012, 01:37:13 pm »
Pajoin mga sis.. ^_^.. Isa ako sa mga napreggy at a very young age. Very na young pa.. I was at my 4th year highschool back then. NagJS pa ako nun. Kasali pa ako sa Cotillion nun. Nakasayaw pa ako. At nung thanksgiving Mass sumayaw din ako nun. Naggain ako ng weight nun kaya hindi nila masyado nahalata. The father of my son was my bf during that time. He was my schoolmate and batchmate. Nainlove ako nun and I thought that it will last for a life time. Bata pa ako nun kaya mababaw lang ang kaligayahan and was looking for a love that I was longing to. My relatives noticed that I was gaining weight and thought of asking me if I am pregnant. I said yes and apologized for what had happen. I graduated pregnant but my family and relatives didn't get mad with my situation ond didn't kick me out of the house. I was so glad that they supported and accepted the fact that I am already pregnant. I graduated with lots of awards that time and one of that is my son in my womb. The father of my son was so afraid to tell his parents back then. He was too coward. But in my case, I never thought of anything. I just thought of how to raise my baby on my own. I gave birth to a healthy and handsome baby (July 28, 2003). During those days that I was still adjusting to the thought that I should act maturely and independently. Aside from the fact that the father of my son was having an affair with other girls, We still had our on and off relationship for 5 years. But then, I am not a saint nor a martyr, so I decided to let go and face the reality that he won't change and I can do it on my own. That was the time that I felt that the father of my son was no longer needed by us due to the fact that he possessed the traits of an irresponsible and stupid father my son should not have. I can say that I am brave enough to face everything that came to life even these are problems or challenges and even this problems drive me crazy. I raise my son through the help of my Father, Aunties and Uncles and of course through God's love. I was so blessed that because of my son, I learned how to value my life more. Without him, I think there's no reason for me to live. He is a God given gift to me. I stop schooling for one year and but I was still persistent to pursue my studies in college. My son is my inspiration. I graduated my college with good grades.

Now, I am working in a good company and is still given many offers to different corporations. My son is already 9 years old and a grade three pupil of my alma mater. Me and my son are currently living in an apartment together with our fur babies ( two toy poodle) and my beloved boyfriend and soon to be hubby. Yes, I already have my bf and he and his family accepted me and my son as a whole. We were together for 4 years already. I am very lucky that even though I got pregnant at a young age, he still accepted and love me and my son. God is really good. ^_^

beatrize zuri

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #88 on: August 18, 2012, 08:20:09 pm »
angel.of.mine na teary eyed naman ako sa kwento mo sis, ganyan din kasi yung reaction ng papa ko nung una, hindi rin ako niyayaya kumain at hindi ako kinakausap, until nung malapit na ko manganak. eh papa's girl pa ko super close ako sa kanya compare sa mama ko, pag gumigimik ako with my friends non siya pa nagbubukas ng gate sakin. remembering the past  :'( , atleast nalampasan na natin to mga sis! girl power talaga!

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #89 on: May 02, 2014, 09:50:29 pm »
I have nothing really against getting pregnant at a very young age, but hearing stories from our fella GTalkers here taught me how to make plans for the baby.

Anyways, 'yung dati naming driver, he impregnated his girlfriend twice already, tapos pinalaglag rin (well, his GF's quite young pa) due to religious differences. Sayang talaga, they would have been young parents.

I hated the fact that there are many teenage girls who resort to abortion once they found out that they're going to have a baby. For me, paninindigan ko parin ang baby, regardless of the guy (abortion is quite acceptable kung rapist ang nakabuntis), for as long as I have a stable job, good income and whatnot.

simang

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #90 on: May 05, 2014, 01:15:36 pm »
My mom got married at 18, gave birth to her first kid at 19, pero nagcontinue pa din sya mag aral kahit preggy sya, this was late 70s-early 80s.

My brother got his gf pregnant after highschool, the girl was 16. Sadly, sa sobrang disappointment ng parents ni girl pinadala sya abroad and doon na nanganak. Di na sya nag-aral, nagwork na sya after manganak. Yung pamangkin ko bihira lang namin makita since bihira lang sila umuwi dito. As of today, 5 years ago ko pa last nakita yung pamangkin ko.

Sabi nga ng most of you here, sa simula lang mahirap. But our parents are naturally nurturing and understanding so I'm sure pagdating ng baby, hindi naman nila matitiis yun. They are parents and of all people they should understand how wonderful it is to have a kid.

Miss.Pancake

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #91 on: July 29, 2014, 12:05:58 am »
I got preggy at the age of 20. Ok naman so far. Mas gusto ko talaga yun kasi mas madali ang recovery ng katawan pag bata pa.

xiannasofia

  • Guest
Re: Getting Pregnant at a Young Age
« Reply #92 on: August 08, 2017, 08:36:04 pm »
There was a college student in Davao who took her life because she was pregnant and her boyfriend didn't want to do anything about it. The parents and her close friends didn't know either. She didn't show any signs of sadness or depression prior to her suicide. They just found her one day in the toilet hanging from the ceiling  :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close