We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Sabi saken ng Engr ng Camella di daw sila nagpapaoffset ng tiles. For example bibili ako ng tiles na ikakabit dun, di nila ko babayaran ang gagawin nila ibibigay nila saken yung tiles na supposedly ilalagay nila...hello naman! Sana kung pwede ko ulamin yung tiles, ano gagawin ko dun? Kinausap ko c contractor, pumayag sya na ioffset at ang sabi nya ako daw dapat ang masusunod kasi AKO ANG OWNER. 3 claps para kay contractor!!! Natumbok nya! Kaya imimeet ko sya sa friday para idiscuss personally mga concerns namin, isasama din nmin Engr ng Camella para di nman sila ma by pass.
Sis sexydee, gumawa ka pa ba ng request letter kay camella bout your tiles or kayo nalang talaga nag-usap ng contractor?
Hi sis chelc...yung sa amin nagstart ng construction last February natapos sya October bali 9months. dami kasi delay like yung sa bubong hindi agad dumating so nagwait kami ng almost 1 month para dun. Mga 2nd week of October namin nakuha and tama ka 45 days ang meralco nila kaya kung mapapansin mo after 45 days ka din pwede mag move-in after ng turn over meaning hindi mo pa sya pwede tirhan after the turn-over pero pwede mo na simulan yung mga dapat mong gawin sa bahay like yung mga tiles etc. anything inside the house lang then kapag exterior naman like gate and fence you need to get permit and approval nung layout for the gate. Yung tubig naman madali lang Kami nag ayos nag fill up lang ng form sa prime water office bayad and wait ka 2-5days para makabitan.Taoos i-consider mo din yung pagpapaganda ng bahay medyo madugo at magastos. Kami until now hindi pa tapos yung finishing 1month na kami. Pero depende naman yun sa gusto mong mangyari sa bahay mo. kung medyo maselan ka sa magiging itsura ng bahay expect mo na medyo matagal ang pagawa.
hi! we've just move in last year to camella in caloocan. we're confused about these tax sa h&l /amilyar. do we have to pay for it now or after we fully paid the unit. we have no idea and don't know where to start. parang hindi pa kami nakakarekober sa sakit ng ulo mula nung naglipat eh eto na naman palang tax aasikasuhin.
Hi Incheng. Sa amin kasi nabantayan namin ang paggawa simula sa umpisa pa lang since malapit lang kasi sa inuupahan namin dati. normally ang problema sa kanila eh substandard ang mga kinakabit nila like mga fixtures sa toilet, lababo, yung tiles, lalo na yung mga tubo ng tubig sa ilalim tsaka drain pipe ng alulod. habang hindi pa naturn over sa inyo baka pwede mo pang mahabol papalitan kung ano ang type mong color o quality na dapat ikinabit nila, lahat ng gusto mong ipagawa eh ipagawa mo na hanggat nakakausap mo pa ang contractor, lalo na sa mga additional wirings sa loob at labas ng bahay, kung magpapabutas ka ba para sa window type a/c. wag ka muna pumayag iturnover sayo hanggat hindi ka fully satisfied dahil pag never mo ng mahahagilap si contractor, or kung may complaints ka man sa engr. nila eh dedma ka din, gagawin nga nila kaso either sisingilin or parang utang na loob mong napakalaki sa kanila na halos mahihiya ka nang magreklamo ulit. isa pa pala, yung sa bintana, make sure na water tight. normally kasi pag sinukatan nila eh ok naman kaso pag nilagay na yung salamin at sealant eh nededeform na yung bintana, especially pag nagpalagay ka ng extra fence sa bintana. yun na lang muna siguro sa ngayon, actually madami pa talaga pero ikaw na lang din ang gagawa kesa antayĆn mo pa sila ang kumilos.
@incheng. good thing inuna nyo tiles. ang hirap kasi nung nakalipat ka na then papatiles ka, sobrang dumi, na para kang bagong lipat ulit. ok na din kung naikabit na yung tiles sa cr, tsaka na lang papalitan pag nagsawa ka na sa kulay at design, tsaka sigurado bibigay din yang tiles, ang daming cavity pag kinatok mo. halatang hindi inayos. but anyways kesa nga naman sumakit ang ulo eh ok na din yan. about naman sa mga tubo, may pressure test at inspection naman bago mo iaccept at kelangan din yun pag nagpakabit ka ng water utilities. sa camella bagumbong nakuha namin na unit, nakalimutan ko kung anong model house nito, basta single sya at mukhang cake =) yung contractor namin, nakalimutan ko din something like panopio or procopio ang name basta medyo ganun ang tunog. sa umpisa ok pa, kasakasama mo pa ang contractor at engr, ang dali nilang makontak then lahat ng prob mo action agad, kaso after mo maaccept ang unit. parang politiko na ang hirap hagilapin at ang daming alibi. tsk ganun ata talaga.
malakas naman sa gabi hanggang umaga..then hihina bandang 6am onwards. plan ko nga maglagay ng water tank dahil di na umaabot sa second floor sa sobrang hina. di ko alam kung magkano ang pedicab or tricycle, di ko pa natry, may scooter kasi kami kaya medyo madali papasok ng clubhouse. hassle nga lang yung guard lagi kaming sinisita, hinahanapan kami ng sticker, pero meron naman kami receipt ng HOA and signed yun ni maui, yun yung engr. natin kung may prob ka, dun lang din sya nagooffice sa clubhouse. madami kasing camella bukod pa sa loob kasama ng altezza. dyan lang ata sa loob eh apat na subd na including altezza and nova romania. sa labas naman meron seville tsaka mirabela. dalawa option mong daanan. pwede ka sa deparo sa may kanto maranaw, may mga tricycle na dun, ang daan nyan sa may nova romania 1, or sa bagumbong naman papasok from main gate. kung nagwowork ka, medyo madali makasakay ng jeep papsok o pauwi kung sa deparo ka dadaan. sa baumbong kasi medyo mahirap ang sakayan ng jeep, laging puno dahil maraming factory sa boundary ng bagumbong and llano. pero kung may sasakyan ka naman, mas maganda dumaan sa bagumbong, para di ka na dadaan ng kanto ng deparo at bf. bale dito ka na dadaan sa bagumbong kanto, labas mo vicas. sobrang traffic sa deparo lalo na sa bf, umaga at hapon, or minsan maghapon.
Prime water lanag talaga meron sa atin. tsaka iba ang rate nila, mahal ang singil. di ko lang alam kung pareho din sa inyo, yun sa amin kasi sinasama na nila sa water bill yung singil sa HOA, 500php a month. idadagdag nila sa current bill mo. pag delay ang bayad, putol agad.