watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes?  (Read 292435 times)

lukaretchi

  • Guest
Problems with Camella Homes?
« on: July 16, 2009, 04:40:04 am »
 almost 1 month pa lang kami dito, dami ng problema nitong bahay. Sabi nga ng home owners dito ganito daw talaga ilang buwan sasakit ang ulo mo at ma highblood ka kasasabi sa customer care, kapa rerepair sa contractor na gumawa ng bahay mo. Akala mo okay na ang lahat bago ka tumira kasi lagi mo siyang binibisita habang ginagawa pa. Pero malalaman mo ang sakit nya kapag nakatira ka na. Dito kami ngayon sa Siena Villas, madami na din nakatira. Madami din nagrereklamo. Kasi parang sub standard ang pagkagawa. Sabi nga ni husband parang nagkamali kami ng kinuhang developer, mabuti pa siguro sa maliit na developer lang, ayusin nila trabaho nila.

lors1025

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #1 on: July 16, 2009, 12:33:33 pm »
hi sis, me post ka pala dito..

kami sis, nung mgdecide kami ng kumuha ng bahay, di kami namili ng nakatayo na iyong bahay.. pumili kami ng lot, then i personally supervised nung ginagawa na iyong haws.. wala kasi mr ko e.. kaya iyong mga ibang supposed to be na kasama sa package e naipabago ko.. like sa floor, ang kasama lang e vinyl flooring, d iyon ang pinalagay, tiles na..

at iyong sa cr, pinaluwangan ko iyong sa deposit.. at pinataasan ko rin pala iyong bahay, ngpatambak ako ng lupa... at iba pang minor changes.. iyon ang kagandahan sis ng nabantayan mo iyong bahay habang gingawa..  ;)
« Last Edit: July 16, 2009, 12:44:26 pm by lors1025 »

izabelle

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #2 on: July 16, 2009, 01:31:00 pm »
hi sis.

kelan pa natapos yung mga houses dyan sa village nyo? and nalagyan ba agad ng kuryente at tubig?

lukaretchi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #3 on: July 17, 2009, 12:37:14 pm »
wala nga din kasi si hubby ng pitatayo ito.. ako lang ang pumupunta.. kaya siguro bara-bara ang gawa..malay ko ba dito diba. Nirereklamo ko naman sa CCD kapag pumupunta ako at walang nagtatrabaho.
^^Sis Izabelle^^^. YUng tubig once na nag apply ka, 1 week lang kinabit na. Yung sa meralco naman naka sub-meter kami ngayon. ang laki nga ng bills..hindi ko pa nga napapakabit yung aircon. Yung sa tabi ko nga almost 3 months na sila submeter pa din sabi ng camella 1 and half mo. lang kakabit na yung metro til now wala pa sa kanila.

izabelle

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #4 on: July 17, 2009, 04:53:31 pm »
^ sis thank you sa pag sagot sa questions ko.

Gaano katagal bago natapos yung units dyan sa inyo?

lukaretchi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #5 on: July 17, 2009, 05:32:28 pm »
^sis, depende yan sa financing na kinuha mo. Pero atleast kaylangan matapos yung DP mo, cinoconstruct naman nila agad. Kasi they started the construction kahit kalahati pa lang ng DP mo. Tpos finishing na lang pag nag fill up ka na ng move in papers. Natapos kasi itong sa amin ng 8 months lang.

maria_fides

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #6 on: July 17, 2009, 07:31:50 pm »
Camella din tong house namin...Yip,dami talaga probs pagka di masyado nabantayan, makokumpara ko talaga tong samin at sa neighbor namin na di masyado natingnan nong kinoconstruct [textspeak!] house nila..samin dami din naming pinabago, kaso before naman na ipapatayo ang house may specs naman silang binibigay sa buyer diba, so ang ginawa namin ni hub pinapalitan namin yong ibang materiales,kaya nga yong iba nasayang nalang kase di naman ikakaltas don sa material talaga nila,[textspeak!] ibang bakal maninipis lang,bumili kami ng mas makapal, yong flooring pinabago na namin,yong tubo ng drainage pinabago namin,yong sa BR pinalakihan & pinabago rin...Pero ganon pa man, may minor problems pa rin kaming nakita nong nagawa na lahat at natirhan na namin, yong walling nila mukhang substandard kase nong malakas ang ulan, may bakat ng tubig yong wall para tuloy syang MAP, kaya yon ang kinomplain namin,malay ba namin na ganon ang sementong ginamit nila, inactionan naman agad,kase nagmatigas talaga ako sa CC nila,halos inaaraw araw ko sila at yong engineer nakilala ko na rin dahil nga sa pabalik balik nila sa bahay..basta dapat within a year lahat ng makikita nyong problema ipapagawa nyo na para free pa sya,pagka raw kase after a year pa,wala na yon...Medyo dami din talaga galit sa camella,mga neighbors namin,super ang galit,as in nagwawala sa camella office dahil lang sa bara-bara na gawa ng mga contructor..

lors1025

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #7 on: July 17, 2009, 09:39:50 pm »
hi mga sis..

iba talaga pag nabantayan habang ginagawa ang bahay..

annie_barzaga

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #8 on: July 18, 2009, 11:35:44 am »
halos lahat naman ng developer may ganung problema, problem kasi is kumukuha lang din sila ng contractor to make the houses people buy with them and inaasa na nila lahat as contractor ang paggawa, maganda siguro gawin is to go direct to their site engineers and ask them who made their houses at balikan ang contractor.

one thing, it's really a big deal when the house is undergoing construction, it should be supervise by the owner.

halos lahat ng contractor hindi pulido ang paggawa, kahit magpagawa ka ng sarili mong bahay sa sarili mong lupa, pag hindi natin nasupervise, low class materials ang ginagamit and malalaman mo na lang pag nakatira ka na dun.  ;)
« Last Edit: July 18, 2009, 11:38:40 am by annie_barzaga »

lukaretchi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #9 on: July 18, 2009, 01:53:18 pm »
^^^heto nga mga sis kinokontak ko yung customer care ng camella para sabihin yung problems regarding this house..and then papupuntahan nila sa forman na gumawa nito, tapos gagawin ng 4man titignan at aalamin yung problema at sasabihin papapuntahan sa workers nya..heto ilang weeks ng nakakalipas hindi pa din ginagawa yung mga concern namin sa bahay... hay! text na naman ako sa customer care.
^^^mahirap pa naman kumilos lalo nat may gumagawa sa loob ng bahay.

zazhimi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #10 on: July 18, 2009, 01:55:42 pm »
ito ba yung kay Senator Manny Villar?

lukaretchi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #11 on: July 18, 2009, 02:01:52 pm »
^^^OO sis kay senator yata ito! madami kasi ang camella homes iba-iba lang ang name tulad nito sa amin siena villas, villa lessandra, tiera nevada etc.. Pero camella homes sya.

zazhimi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #12 on: July 18, 2009, 02:06:53 pm »
di ba sa mga political ads niya proud na proud pa siya na he provides houses for the masa.... yun pala daming problema... kawawa naman ang mga nakabili... instead na mag-enjoy sa binili nilang house na ilang taong pinundar eh puro gastos at problema sa pagrerepair ang iniintindi... tsk tsk tsk...

lukaretchi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #13 on: July 18, 2009, 02:11:42 pm »
^^^ sis yung price nga ng mga house and lot  nya is not for the masa tulad ng advertisement sa tv. ...
....minsan nga natatanong ko sa sarili ko is it worth a million? wala pa yung interest dyan na double kapag in house, bank at kapag pag-ibig ay tripple na.

sever_lee

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #14 on: July 18, 2009, 05:33:50 pm »
sis, punta ka na lang sa office nila kung until now hindi ka pa pinupuntahan ng foreman. nag-uulan kasi ngayon kaya tamad ang mga foreman maggagawa...  ;)

sachagirl

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #15 on: July 18, 2009, 07:11:55 pm »
naku dami pala problem sa camella. isa ito sa choices ni hubby nung nagscout kami for a place. buti na lang naconvince ko siya na wag na [textspeak!] camella kasi nung college ako i were living with my sis sa camella siya nakatira. it was more than 10 years ago pa sa may san pedro laguna. problematic yung CR lagi barado, yung built in closet may anay na sangkatutak. [textspeak!] walls may cracks. kaya super convince ako kay hubby na wag camella no matter how cute their ads are.

tama yan mga sis, kulitin niyo mga CC nila kasi you have to have your money's worth.

nhess

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #16 on: July 18, 2009, 08:41:49 pm »
Nang mabasa ko to nalungkot ako bigla.. Kumuha kami sa Camella last month lang.. paano kaya ito.. :-[

super bratinella

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #17 on: July 19, 2009, 02:49:29 am »
We live in Camella Homes, but we are just renting there, Un [textspeak!] mga housing projects way back 1990's pa! kaya bumobongga ang mga walls sa tagas ng tubig.. Good thing we are just renting...

We are currently paying to get our own house, wala naman daw problem sa walls kasi load bearing ang hollow blocks na ginamit which is super tibay, pero di un sa camella homes pero sa molino bacoor cavite din sa may daang hari.

lukaretchi

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #18 on: July 19, 2009, 12:44:04 pm »
^^^^sis nhess... siguro nga habang ginagawa yung bahay nyo isupervise mo. Kasi yun nga sabi ng neighbor ko dito, sya daw halos araw-araw nan dito para hindi bara-bara ang gawa, anyways my problems pa din ng konti. Kasi yung mga trabahador daw parang ginagawang learning stage yung mga bahay dito. Dito na lang daw natutong gumawa... hindi mo na kasi marerefund yun.. pwede kang magpalit ng unit may less 10k pa yun until hindi ka pa na ka move in nun.

applec16

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes?
« Reply #19 on: July 20, 2009, 12:13:14 pm »
singing in here....

also a pissed off owner of Camella..  :-X  >:(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close