watch now

Author Topic: Buddy's  (Read 63137 times)

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #180 on: December 31, 2011, 09:17:02 am »
sis stormy: ma-ju-judge namin yung sotanghon tonight. instead of the originally planned miki-bihon, we picked sotanghon con canton nalang for tonight para makasubok kami ng iba from Buddy's. :) sabi e lechon kawali din daw yung halo e. Sana hindi fail! :D Tumawag lang ako to order then later na pick-up. Iniisip pa namin if mag-add ng budin.. or pizza ba nila masarap??

By the way, until 9pm daw sila open pero pag delivery, until 7pm lang.. fyi sa mga plan mag-order :)

stormy

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #181 on: December 31, 2011, 11:42:38 am »
Now pa lang ako mag-order sis :) con canton? Sige itry namin yan. Sana masarap! Pwede kaya magpa-additional toppings? Haha nasa airport pa ako food na agad isip e no

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #182 on: December 31, 2011, 12:59:34 pm »
^ meron kasi silang nakalagay sa menu na sotanghon or canton lang, meron din sotanghon con canton. Siguro mix lang ng noodles (parang miki-bihon) pero parang same price lang naman! naku di ko pa na-try magpa-add ng toppings coz usually marami na naman sa regular order. Hehe, ask mo siguro naman pwede.. or order ka hiwalay na lechon kawali :) pasok pa order mo sis, maaga pa naman! they prepare naman talaga before the time of pick-up na i-instruct mo e :D

stormy

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #183 on: December 31, 2011, 01:01:16 pm »
Ang sarap ng sotanghon con canton! Para sa akin ito pinaka-masarap nila na pansit :) plus hindi oily kaya plus points talaga :)

Try din namin yun tortang crab, ok sana kaso matamis yun timpla nun mismong torta. Pina-separate ko yun sauce d ko na tinikman.

Try din namin yun bacon pepperoni pizza. Masarap lasa nun pizza sauce ang toppings kaso d ok ang crust nun pizza. Better siguro ito if kainin agad after ilabas sa oven. Medyo matigas na kasi crust kasi delivery yun sa amin.

Very efficient yun branch sa market2x kahit super busy siguro sila pero mabilis pa rin dumating order namin.


u8mypinkcookies

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #184 on: December 31, 2011, 06:44:05 pm »
^ parang na-excite tuloy ako sa pancit! kaka-pickup lang namin & ang bango! :D sis, gusto ko try yung tortang crab next time. buti na-mention mo na may sauce para papahiwalay ko rin :) dami nga rin namin sis nakasabay nag-takeout ng pizza. try namin if dine in kasi baka pag ininit eh matigas na crust. thanks sa tip/s! :D

agree ako very efficient naman sa Market Market! :) never pa sila sumablay sa advance orders namin lalo na pag-Holidays. on-time lagi!

Haba ng pila a while ago when we went. Tapos narinig ko may nag-order ng lucban (hindi advance order), 2 hours na waiting time kasi daming bumibili tapos may mga nag-dine in pa.

-munchkins12-

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #185 on: January 21, 2012, 06:08:55 pm »
paborito ko ang longganisa ng buddys :)

snowyice

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #186 on: January 21, 2012, 11:18:55 pm »
na miss ko ulit si Buddy's fave ko dito yung casava cake eh.

stormy

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #187 on: January 22, 2012, 03:33:14 am »
@u8mypink, sorry sis now ko lang nabasa post mo. Yes sis, try mo yun torta ayun nga lang medyo matamis yun timpla.

Yung buddy's sa kalayaan yun isang # pala na natawagan ko last week. Tagal namin nag-usap nun kumuha ng order then biglang sinabi na sa market2x raw ako umorder after malaman ang address toink! :) order kasi agad ang tinanong

-munchkins12-

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #188 on: February 04, 2012, 02:58:45 pm »
masarap pala ang pizza ng buddy's :)

sarahsensible

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #189 on: February 04, 2012, 03:22:29 pm »
tried the one in Ayala, hindi ko nagustuhan sayang  :( ang alat

-munchkins12-

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #190 on: February 04, 2012, 03:40:33 pm »
^sis sarah pizza ba yung natry mo?

sarahsensible

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #191 on: February 04, 2012, 03:53:09 pm »
sis pancit, kaya ako napakain dito kasi yung friend ko galing ng quezon ata tapos lagi nya binibida sa akin. Na excited naman ako. Naalatan ako. So hindi na ako bumalik dito. May ulam din ako natikman, hindi ko rin type.

evilwoman

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #192 on: February 04, 2012, 04:02:22 pm »
spaghetti at budin ang gusto ko dito pero dun sa kalayaan lang ako umoorder. nung kumain kasi ako sa branch nila sa may ansons, ang pangit ng lasa ng spaghetti.

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #193 on: February 04, 2012, 06:01:54 pm »
^ anong klase ba spag nila sis? Ala-amber's ba?  Gusto ko try pati pizza.

Sana magkaroon rin sila ng tikoy na from Quezon. Yung parang dark brown na malagkit.. Iba from the Chinese tikoy. Miss ko na yun e, di ko alam saan meron here in Manila :(

stormy

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #194 on: February 04, 2012, 09:08:56 pm »
^parehas kayo ni sis evilwoman na gusto ang tikoy from quezon (I remember reading her post regarding that).

^^lahat yata naman ng nasa anson's sagwa sis ng resto (mann hann, pancake house din dyan iba luto)

Yung pansit habhab medyo maalat talaga (wag lang sana oily) mismo yun noodles kaya may suka na binibigay. Sa lucban kasi nilalagyan ng suka tapos kinakain sa dahon.


sarahsensible

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #195 on: February 05, 2012, 06:17:23 pm »
^habhab nga sis natikman ko, kaya pala naalatan ako ganun pala talaga timpla nila. Ansons nga yung tinitukoy ko sa may Ayala near SM/Glorietta.

Gusto ko rin yang tikoy! Saan pala ito banda sa Kalayaan sis? papuntang BHS?

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #196 on: February 05, 2012, 08:14:03 pm »
^^ di ko na try ang Anson's branch, mukhang di maganda review nyo ah :-\

^ sis ganun talaga timpla.. masarap sya if may vinegar. dati i found it weird na pancit with vinegar, pero when I tried it eh pampasarap pala lalo! if you try their other kinds of pancit, di naman maalat :) naku wala nga sila nung tikoy e, sana magkaroon. Cassava cake (budin) palang kakanin nila and may puto rin ata. :)

stormy

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #197 on: February 05, 2012, 08:55:07 pm »
Kakadeliver lang ng pansit namin :) canton at bihon ang inorder namin (binibilin ko less oil) ang bango :)

^^^kalayaan ave na malapit sa corner ng reposo (malapit sa santiago village). Pinaka malapit na sa BHS area yun sa market2x. Try mo with vinegar sis kasi masarap na kakaiba :)


sarahsensible

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #198 on: February 05, 2012, 11:48:51 pm »
okay sis stormy and u8mypinkcookies i will give buddy's a 2nd chance and this time with vinegar.

iba iba ba flavor ng pizza nila?

evilwoman

  • Guest
Re: Buddy's
« Reply #199 on: February 06, 2012, 02:15:34 pm »
@u8mypinkcookies - dry yung spag ng amber's e.. mas ma-sauce yung sa buddy's (tsaka mas masarap imo). meron din silang italian spag. yan lagi order ng iba kong officemate. masarap daw pero di ko pa nattry.

@stormy - may sumpa pala ang mga kainan doon. hehe.. madalas e tapa king lang ako kumakain. pag naman nagiba pa sila ng timpla, ewan ko na lang..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close