watch now

Author Topic: Quezon province travel  (Read 118171 times)

tinapay

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #200 on: May 10, 2011, 03:27:52 pm »
^thanks sis. pano kaya sa ibang lugar, same lang din kaya?

jellibean

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #201 on: May 12, 2011, 03:33:53 pm »
Hello mga sis.. Question to those who have been to Kamay ni Hesus... Talaga bang bawal mag-shorts kapag aakyat?
Thanks!!

shegothim

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #202 on: May 12, 2011, 03:38:53 pm »
di pa ako nakakapunta pero sabi sa akin ng nakasama ko sa tour bawal daw ang nakashorts.

andreil_19

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #203 on: May 13, 2011, 11:00:48 am »
will be going to lucban tomorrow for day tour lang. aside from kamay ni hesus ano pang pwedeng puntahan?pwede na ba magbahay-bahay dun bukas?
any suggestions kung saan maganda mag-overnight?

coming from alabang sabi sa amin sakay daw kami going to sta.cruz then sakay na lang ulit ng jeep papuntang lucban. balak ko kasi lucena na bus na kami sasakay pero parang pareho lang din ata or mas malayo pa ang lucena fr lucban?

chardonnay

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #204 on: May 17, 2011, 01:27:49 pm »
^ Hi Sis! How's ur trip? Grabe kapagod pero masaya naman. Daytrip lang din kami nung 15 mismo. Ang tagal nung parada, di na namin tinapos.

andreil_19

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #205 on: May 17, 2011, 02:11:24 pm »
^di kami natuloy,tinanghali ng gising ;D

shegothim

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #206 on: May 19, 2011, 08:24:32 pm »
balik quezon kami ng mga friends ko this weekend. sana ok ang weather para di macancel ang trip namin.

tinapay

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #207 on: May 23, 2011, 03:11:25 pm »
the weather was great nung saturday pero nung sunday umulan na.  although pauwi na kami nun nung umulan ng malakas, nasa bandang san pablo na kami.  i'm not sure lang kung pati sa padre burgos e umulan.

ang ganda sa puting buhangin at kwebang lampas! super linaw ng tubig!  ganda rin sa borawan kaso makikita mo talaga na di sya maintained.  may area na mapanghi at mabaho.  makalat din sa ibang lugar.  sayang ang borawan.  hirap din mag swim dito kasi super daming jelly fish.  sa dampalitan din maraming jelly fish pero may area na enclosed for swimming.  ok rin dito.  dumaan din kami sa talabaan, picture picture lang.  medyo malakas na kasi ang hangin.  bali buong maghapon ng saturday kami nag island hop and enough na yun para maikot ang mga islands.  the next day chillax na lang kami sa villa anita.

maldita08

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #208 on: May 23, 2011, 03:40:28 pm »
for those asking about sa Kamay ni Hesus, yes po bawal na daw po ang nakashorts and sleeveless/spaghetti straps..sayang nga hindi kami nakaakyat..

shegothim

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #209 on: May 23, 2011, 09:17:12 pm »
good to see you sis tinapay sa dampalitan.

ok sana sa dampalitan kasi maganda naman iyong beach nila. kakatakot nga lang iyong mga jelly fish kaya di kami lumangoy ng bongga. isa pang ayaw ko sa dampalitan lahat na lang may bayad. though naiintindihan ko rin naman dahil malayo ang kuhanan ng tubig pero grabe konting kibot may bayad. may matataray pang mga tauhan dun. buti na lang ok iyong taga pagluto nila atsaka iyong isang caretaker plus ate mercy ok din. sayang di ko nakuha ang name ni ate na mabait.

iyong isang caretaker kasi gusto pa kaming singilin sa tubig na natira ng mga bumili ng tubig na isang drum. sabi kasi sa amin nung bumili amin na lang daw iyon kasi nga di naman nila magagamit. tapos nung gabi sabi nung isang caretaker may bayad daw ang tubig sabi namin binayaran na iyan ng mga umalis. sayang daw at kalahati pa ang natira sabi namin di yan sayang dahil gagamitin namin. buti na lang nakialam iyong ate na mabait kaya di na nagpumilit pang singilin kami sa tira at bayad nang tubig.

puting buhangin at kwebang lampas ok naman. naenjoy namin ang paglangoy langoy doon dahil high tide atsaka kainitan ng araw kaya di kami masyadong nakapag picture picture. may mga maliliit ding isda akong nakita.

sa borawan naman di naman parang boracay. di naman fine ang sand at kasing ganda sa boracay, i think. mas mukha syang palawan dahil sa mga limestones. mas picturesque nga lang sa borawan kesa sa dampalitan at puting buhangin para sa akin.

tuwa rin kami sa boat na na-assign sa amin. malaki sya at saka mabilis. mabait din ang asawa ng boatman na kasama namin sa pagtotour.

tinapay

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #210 on: May 24, 2011, 01:52:41 pm »
^true sis, di naman boracay ang sands ng borawan.  saka maigsi lang kasi shoreline nito e.  pero maganda nga rock formations.  maganda sa picture.  nakakainis lang mag picture kasi daming tao, hehe.  nice seeing you din sis :)

trishpassing

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #211 on: May 25, 2011, 02:17:35 am »
Been to Cagbalete Island in Mauban, Quezon

I love love love the place...

you can check it on my blog
http://iblogoutloud.blogspot.com

shegothim

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #212 on: June 20, 2011, 10:50:24 pm »
got back from burdeos, quezon bale part sya ng polillo islands. ang gandang mag-island hopping dito. sayang at inulan kami pero ok pa rin ang trip. looking forward to revisit the islands.

marie05

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #213 on: June 21, 2011, 07:35:42 am »
got back from burdeos, quezon bale part sya ng polillo islands. ang gandang mag-island hopping dito. sayang at inulan kami pero ok pa rin ang trip. looking forward to revisit the islands.


hindi ba malaki ang wave? signal #1 yata dun last weekend. we're supposed to go to cagbalete but we cancelled because of the typhoon. hay kelan na kayo ako makarating sa cagbalete...

shegothim

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #214 on: June 22, 2011, 09:50:49 am »
nung pauwi na kami mula polillo to real quezon malalaki ang wave pero nung nagisland hopping kami kalma lang ang alon, maalon lang nung papunta kami ng minasawa island (pinakadulo na halos).

shegothim

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #215 on: July 03, 2011, 09:09:51 pm »
share ko lang mga sis ang kwento ko at pics sa aking quezon trip.

Quezon Series (Polillo Island) I

Quezon Series (Pahiyas 2) II

Quezon Series (Pagbilao and Padre Burgos) III

kulang pa ako ng isa pang quezon trip ko. marami pang pwedeng puntahan sa quezon. kelan kaya ako makakabalik ulit?  ;D
« Last Edit: July 03, 2011, 09:17:32 pm by shegothim »

adventurousfeet

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #216 on: July 06, 2011, 02:27:36 pm »
sis ikaw na ang queen of quezon! di ko pa napupuntahan ang polilio maybe next time..

Naku sana masulat ko na din ang pahiyas post ko sobrang luma na hehe.


Gusto kong malibot ang Pilipinas..
http://adventurousfeet.blogspot.com

ice_pink

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #217 on: July 06, 2011, 06:49:13 pm »
hi! kaya kaya mag daytrip lang to quezon? ano-ano ang mga must see, aside from puting buhangin  for a day trip? :)

tinapay

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #218 on: July 07, 2011, 12:33:33 pm »
^depende sis kung saang bandang quezon ka pupunta. ang polilo island, cagbalete at borawan magkakalayo yun, so di pwedeng day trip dun :D kung borawan/puting buhangin which is in padre burgos and pagbilao, kaya ito ng day trip.

try mo rin mag back read baka may matutunan ka :)

shegothim

  • Guest
Re: Quezon province travel
« Reply #219 on: July 07, 2011, 02:20:40 pm »
^tama, malaki ang quezon. san ba sa quezon ka pupunta? kung polillo/burdeos malabong i-day tour ito. kahit nga one day di pwede kasi matagal ang byahe. kung borawan, dampalitan at puting buhangin siguro mga 2d/1n tour kasi medyo may kalayuan din at ilang oras ang byahe kaya kakapagod kung idaday tour lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close