watch now

Author Topic: I Hate my Mom!!!  (Read 170531 times)

loveann

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #160 on: September 11, 2010, 03:45:46 am »
sis, buti I read this thread.
I'm a young Mom at age 23 nabuntis na ako, it was unexpected pregnancy. Sobrang galit ang relatives ko at mom ko sa nangyari sa akin pero time have passed at napatawad nila ako. Naiirita lang ako kapag nagaaway kami ng nanay ko lagi nya binabanggit kung hindi daw ako maaga nagasawa hindi daw magiging ganun ang buhay nila sabi ko naman Nay hindi ko sinabi na umasa kayo sa akin, its your responsibility na pagtapusin ako ng college. Masakit mga sis, hindi ko alam kung tanggap ba nya ang baby ko or what, at take note nun nanganak ako mas gusto pa nya alagaan ang manok(we have mini poultry) kesa sa apo nya, ayun [textspeak!] hindi ko matanggap.  :'( >:( pero alam mo yun mabait ako anak kapag my pera ako at sobra nagbibigay pa rin ako sa kanila, nagpagawa ako ng kisame ng bahay kahit hindi naman ako sa kanila nakatira tapos nagpagawa din ng tubo sa water system namin binigyan ko pa rin sila. Pero nagdadalawang isip ako na bigyan pa rin sila up to now, I mean every month kasi gusto nya meron pa rin ako binibigay sa kanila. Sabi ko kung inaalagaan mo ang baby ko my pera, MIL ko kasi nagaalaga sa baby ko at every month I give money for her.  :-[

prettybarbie

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #161 on: September 11, 2010, 04:36:14 am »
nakaka relate ako sa mga sis dito... ill share my story some other time, umaga na kasi LOL

lady_sunscreen

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #162 on: September 11, 2010, 05:43:26 am »
Naiirita lang ako kapag nagaaway kami ng nanay ko lagi nya binabanggit kung hindi daw ako maaga nagasawa hindi daw magiging ganun ang buhay nila

Medyo nakarelate ako dito.. I don't hate my mom.. We're cool actually.. however, nung time na i was given a chance to go abroad, after 3 months, i got pregnant, umuwi ako 6.5 months pregnant na ako.. I was 25 yrs old then.. Malakas loob ko.. i go back home.. Middle East kasi eh.. Since its a Muslim country and I am single, alam nyo na un, they don't allow.. Dami opportunities to abort the child.. But i chose the other path.. Sama ng loob nila nun.. Ang selfish ko daw.. HIndi ko man lang daw sila naisip.. Parang sa kin, "what?", all my life I've been working and I'm giving you money out of my salary from the start.. Parang for me, I would even be more selfish if I get rid of the child, and continue working there and isipin ko na lang yung kapakanan nila at huwag na ang baby..  Sa sobrang sama ng loob ko, I even told her, binuhay niyo ba ko para makuha niyo yung mga bagay na hindi niyo nakuha before? Gusto niyo pala ng  mga ganyan, bakit hindi niyo inayos buhay niyo at nagsikap kayo to get it by yourself??.. Bakit yung pressure nasa kin???.. Sorry, hurtful words talaga lumabas sa bibig ko nun.. pero all ends well naman.. Okay na kami.. She loves my son so much.. hehe.. and i love her too, she is still my mom.. hehe

kwinchesters

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #163 on: September 11, 2010, 08:16:43 am »
Naiirita lang ako kapag nagaaway kami ng nanay ko lagi nya binabanggit kung hindi daw ako maaga nagasawa hindi daw magiging ganun ang buhay nila sabi ko naman Nay hindi ko sinabi na umasa kayo sa akin, its your responsibility na pagtapusin ako ng college.
Ganyan din nanay ko,pinagkaiba natin,tita ko nagpaaral sakin pero grabe magdemand nanay ko. Pampatayo ng bagong bahay ang inuungot. Eto diko maintindihan sa mga magulang, magbibigay naman tayo sa kanila pag me extrang pera,masakit kasi yung feeling na iaasa lang lahat, wala tayong karapatang pumili ng sariling desisyon kaylangan sila lagi uunahin.

Sa sobrang sama ng loob ko, I even told her, binuhay niyo ba ko para makuha niyo yung mga bagay na hindi niyo nakuha before? Gusto niyo pala ng  mga ganyan, bakit hindi niyo inayos buhay niyo at nagsikap kayo to get it by yourself??.. Bakit yung pressure nasa kin???..
Nasabi ko din ito isang beses sa nanay ko. Yung time na di ko sya nabigyan ng pantaya sa lotto dahil short budget namin talaga nun,di na nya ko kinibo at nagdadabog sya sa bahay. Di nga sila nagtrabaho ng tatay ko simula noon,inaasa lang din nila sa bigay ng mga kapatid ng tatay ko yung kinakain at pampaaral namin dati,tapos nung nagtrabaho kami ng kapatid ko, parang kasalanang mortal pag di mo sila naabutan..

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #164 on: September 11, 2010, 10:53:53 am »

Kumain naman ang nanay ko, pero panay ang comment, "Dapat nilagyan mo ito ng bouillon cube." Sabi ko hindi na kailangan, tama lang yung lasa sa amin ng asawa ko. Bigla ba namang bulyaw sa akin, "SA SUSUNOD LAGYAN MO NG BOUILLON CUBE, PARA HINDI GANITO ANG BAGOONG MO. WALANG LASA!!!!"

Mga thirty minutes na nakalipas since sinabi niya sa akin iyan, pero andito pa rin siya, kain pa rin ng kain. Ang sarap sabihan na kung hindi ka nasasarapan, e di huwag kang kumain! Parang nang-eepal lang e.  ::)

@sis ^kaye^, bat naman ganyan mom mo, parang wala ka naman ginawang tama sa kanya ah. parang ang mom ko. sana hindi nalang nakikain if lalaitin rin ang niluto mo.


@sis loveann, ganyan din ang mom ko, pag nag-aaway kami madalas niyang ipoint out sa akin ang mga mistakes sa life ko.gustong gusto ko rin sabihin sa kanya ang mga pagkukulang niya para naman makapatas ako pero hinahayaan ko nalang pag minsan. since hindi ka na nakatira sa kanila, wag ka nalang magbigay kase hindi naman niya ata naaappreciate eh. manok nalang bigay mo baka sakali makonsyensiya pa siya. stop ka munang magbigay sis. tabi mo nalang para sa anak mo.



airish_2

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #165 on: September 11, 2010, 12:32:56 pm »
Nakita ko itong thread sakto kasi may misunderstanding kami ng mama ko started to hating her na oo mabigat yung word na hate di kami naguusap. talagang ayaw na nya sana may pera ako na pwede makalipat ng ibang place.

loveann

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #166 on: September 11, 2010, 09:05:44 pm »
@ysa.belle: hi sis, korak! hindi na talaga ako nagbibigay sa nanay ko since hindi naman nya prioritize [textspeak!] magalaga ng apo nya :-\

loveann

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #167 on: September 12, 2010, 03:51:30 am »
so sad sis prettybarbi :'( bakit my ganun na mom no?

^kaye^

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #168 on: September 15, 2010, 08:23:19 am »
Hay nako, yung nanay ko hindi ko alam kung connected ba yung bibig niya sa utak niya o kung auto-pilot ba gumagana yung bibig niya. Nakakastress lahat ng sinasabi niya, puro pang-ookray o panglalait.

Nagbakasyon dito ang MIL ko kasi gusto niyang makilala mom ko. Monday night umuwi na si MIL sa kanila. Tinanong ako ni Mom kung ano sabi ni MIL tungkol sa kanya. Sabi ko wala, kasi in fairness naman sa MIL ko, hindi siya chismosa. Tapos tinanong niya kung anong pinag-usapan namin ni MIL nung hinatid namin siya, sabi ko tinanong lang ni MIL kung gusto naming ipa-remodel yung kitchen namin. Sabi ko na tinanggihan namin yung offer.

Tapos sabi ni Mom na dapat ipaayos namin yung balcony sa isang guest room (Doon kasi siya natutulog). Mainit daw kasi. Sabi ko hindi na, extra gastos lang yun. At maganda na yun para walang magtagal na bisita sa bahay namin. Tapos pinintasan niya yung bahay namin. Sabi niya yung bahay namin pang-dalawang tao lang talaga, kasi kung more than 2 yung titira doon, e mabubulok agad yung bahay namin.

E tumaas kilay ko doon. 4 kaya yung kwarto ng bahay namin, 3 banyo. Tapos may separate maid's room na may sariling banyo rin. Tapos ang lakas ng loob niyang pintasan yung bahay namin e ni piso wala naman siyang naitulong para mabili namin yung bahay namin. Puro na lang reklamo. Nakakairita na. Ano ba ang gagawin sa bisitang mahadera na puro reklamo? Kapag andito kami sa bahay, akala mo kung sino siyang Donya na kung utusan ako para akong maid dito sa bahay namin.

Stressssssssssssssssssssssssssssssssssss!
« Last Edit: September 15, 2010, 10:10:55 am by ^kaye^ »

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #169 on: September 15, 2010, 08:59:51 am »
^ganyan naman ang mom mo sis. siya nalang ang dumadalaw eh inookaray pa ang house mo. sana naman isipin niya na nasasaktan ka rin sa mga sinasabi niya.

ayokong isipin na nananadya lang siya sis. sabi mo sa isang post mo na nag-vavacation lang siya sa inyo. when naman ang alis niya para naman matanggal na ang stress mo? kawawa ka naman sa mom mo sis.

^kaye^

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #170 on: September 15, 2010, 10:19:35 am »
Ayoko rin ngang isipin na nananadya siya. Pero mahirap paniwalaan na may tao talagang tila walang filter sa pagitan ng utak at bibig nila.

Isang buwan siya dito sa amin.. May mga 10 araw pa siya dito. Hindi ko na nga kinakausap kasi nakakastress siyang kausapin. Gaya kahapon, nasa parlor kami. Nagpapaayos ako ng hair, tinanong ko siya kung gusto niyang magpa-foot spa kasi nakaupo lang siya doon sa tabi ko sa parlor. Sabi sa akin hindi, but she did not stop there. Inokray yung parlor na pinuntahan namin. Nakita daw niya kung paano magfoot-spa yung mga attendant doon, hindi daw marunong. Hindi daw gaya nung pinuntahan niya dati sa Metropoint Mall na twice kikiskisin yung paa at mga dalawang oras yung tagal ng footspa. Gusto kong sabihan na yung tagal ng footspa ay depende sa kung gaano kakapal yung kalyo ng tao sa paa, pero nanahimik na ako. Ayoko na. Naubusan na ako ng pasensiya talaga, kaya kahit yung mga maliit na bagay bagay ay kinaiinisan ko.

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #171 on: September 15, 2010, 10:35:40 am »
10 days. ang tagal pa nun. grabe. pero sis konting tiis nalang. try not to spend as much time with her para hindi ka nasstress. baka makasama pa sayo.

^kaye^

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #172 on: September 15, 2010, 12:01:03 pm »
^ I know Sis. Thanks!  :)

green-aholic

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #173 on: September 15, 2010, 12:43:26 pm »
sa wakas mga sis i'm over "hating" my mom. :D maybe for a while lang ito pero atleast i've been relieved. hehe.

^sis ^kaye^, tama si sis ysa.belle. try to spend as less time as possible sa mom mo dahil as i see it, hindi naiisip ng mom mo ang feelings mo. or why not talk to her para naman kahit papano eh may idea sya sa mga ginagawa nya sayo and how it affects you di ba?

sweet_maldita

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #174 on: September 15, 2010, 06:12:29 pm »
I hate my mom too! That's why wala ako samin..nagstart ako umalis samin mga April 1 week after bumalik ako kasi sinundo ako sa office then after that June again dun na ko nagstay sa tita ko and then bumalik uli ako sa bahay kasi naawa ako sa papa ko iyak ng iyak na hindi nya alam kung bakit ako umalis..then 1 week after again bumalik ako sa tita ko until now, hindi pa ako umuuwi..I miss my Papa and brother but her..i don't think so..I'm full of hatred pagdating sa kanya pero andun pa rin syempre yun concern ko sa kanya kasi nanay ko sya..Ang hirap ng minsan tawagin syang MAMA e..:(

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #175 on: September 16, 2010, 04:05:22 pm »
hay...
« Last Edit: January 06, 2013, 08:07:48 pm by ysa.belle »

^kaye^

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #176 on: September 16, 2010, 05:58:43 pm »
^ Wow Sis. Napaka-foul naman noon na tawagin kang buysit. Kung ibang tao nga sabihan kang buysit parang ang sama na ng labas, what more pa kaya kung sarili mong ina yung nagsabi non. And to hear your own child call you buysit...   :(  :'(

*hugs*

ysa.belle

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #177 on: September 17, 2010, 09:26:16 am »
^ *hugs*

« Last Edit: January 06, 2013, 08:06:15 pm by ysa.belle »

marsh_candy

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #178 on: September 17, 2010, 12:16:01 pm »
naku sis ysa.belle.. grabe naman yun.. ako, never, never talaga ako papayag na ganunin ako..

Ako naman.. di naman sa hate ko mom ko.. minsan naiinis talaga kami (yes, kaming magkakapatid)

Mama ko kasi ang alam nya lang ay sya laging nasa tama.. Dami kasi hatred sa heart nya, di nya mailabas.. kaya lahat ng tao may puna sya hehe

Ilang beses na rin yan umiyak sa amin kasi 3 of us vs her.. kaya umiwas na kami sa house ng lola ko kasi kahit dun di sya makasundo.. US again vs her...

So sad.. 'till now di pa rin nya tanggap yun.. basta alam nya TAMA sya.. kaya hayun.. sya lang mag-isa sa bahay at yung aso namin.. Mas mabuti na nga daw sya na lang mag-isa. Bisita-bisita na lang kami hehe

cuteapril_1215

  • Guest
Re: I Hate my Mom!!!
« Reply #179 on: September 17, 2010, 12:41:23 pm »
sis ysa.belle does your mom & sister live with you? hindi maganda ang magiging influence nila sa anak mo lalao na ngayon na nagaaral ang anak mo...mabilis makaabsorb ang bata ngayon...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close