watch now

Author Topic: Dampa  (Read 177139 times)

purpleish

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #140 on: June 24, 2009, 12:37:15 pm »
yung saken sis sa Macapagal yung rate...yup sis may difference talaga sa price ng 2 location, base sa past post mas ok sa Macapagal at mas madame choices duon compare sa By The Bay...

ito sis review ko sa Dampa @ Macapagal: ;)

http://denzdiane.multiply.com/reviews/item/10

dimplesgon

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #141 on: June 25, 2009, 11:31:13 am »
talaga, sis? ganung time din ata kami andun. kami yung nasa mezzanine.   :) 

kami yung mga 11-12 persons na nasa long table pagpasok mo sa shylin...hehhehe

thanks dimplesgon & purpleish ;)
yung binigay nyong budget,sa macapagal ba yun or by the bay?malaki ba ang difference ng price?tia ulit!

pricewise mas mahal ng 50pesos to 100 pesos per kilo ang paluto sa by the bay , plus some items nila like yung rice & drinks mas mahal sa by the bay, not so sure lang sa palengke price ...although selection wise madami talaga at malaki ang palengke sa macapagal, sa by the bay maliit lang ang palengke, konti lang ang bilihin.


micci

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #142 on: June 25, 2009, 11:42:43 am »
thanks ulit mga sis :)

stormy

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #143 on: June 25, 2009, 04:01:30 pm »
@purpleish, sis san ka namamalengke sa dampa macapagal? Pahingi direction ha. Try namin ulit dyan :) sawa na ako sa by the bay e gusto ko idampa ang 1 friend na magbbday :) sa trinity ba suki mo paluto? Sarap kaya buttered/cheese prawns nila?

wat_evah

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #144 on: June 25, 2009, 05:38:16 pm »
ok dito.. sarap ng seafoods talga  :D

purpleish

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #145 on: June 26, 2009, 02:50:43 pm »
@purpleish, sis san ka namamalengke sa dampa macapagal? Pahingi direction ha. Try namin ulit dyan :) sawa na ako sa by the bay e gusto ko idampa ang 1 friend na magbbday :) sa trinity ba suki mo paluto? Sarap kaya buttered/cheese prawns nila?

sis stormy, medyo di ko gets yung question mo ??? ...sa pag kakaintindi ko sa question mo sis...@ Macapagal, nasa gitna yung market, diyan ako namimili ng mga seafoods, iisa lang naman ang market sa Macapagal, mas maraming variety of choices ng seafoods at sympre mas mababa ng onti ang price dito sis...sa both sides naman dun yung mga paluto na restaurant...

sis matagal na kameng loyal sa Trinity sis...kaya masasabing ko masarap talaga ang paluto sa kanila..the best talaga ang chili garlic buttered sauce nila ;) dont worry sis hindi naman yan maanghang,tawag lang nila... maski daughter ko favorite yan...(nakakagutom) hehe

mag tanong 2x ka lang sis sa mga stall 2x dun na tingin mo mukhang fresh at ok ang price...

recently nung ng punta kame ito yung review ko:

Dampa at Macapagal

nung last punta namen pala, since katatapos lang ng Holy Week nuon, mas mahal ng onti yung hipon mga 300/kilo, di ko lang alam kung mag kano ngayon?

stormy

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #146 on: June 26, 2009, 03:32:11 pm »
^ah wala ka suki sa palengke? Last na nagpunta ako dun was before may 15th of this yr, nasa 420+/kg ang sugpo na medium size. Hipon sis as in hipon hehe d sugpo? Kasi ok ang price 300/kg lang

purpleish

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #147 on: June 26, 2009, 03:44:13 pm »
^ sis mahina ako sa ganyan ;D ..bsta tawag ko lahat hipon eh hahaha...suhe ba yun? bsta sinasabi ko sakanila yung pang buttered tyaka familiar na lang ako sa itsura...same den pala ng presyo sa Palawan yung sugpo na binigay nila senyo sis kaya ok lang den...

"KAIBIGAN" yung name ng stall na suki namen sa mga hipon, ok diyan sis ;) sa mga crabs naman..(ganito...kung let's say galing sa mga tinda ng mga tahong, yung first stall sa left side na mga tindahan ng mga crabs, yung sa 2nd stall diyan yung suki namen, diyan kame parati bumibili kasi matataba ang crabs, yung BAKLA ang pinipili namen, di bale sis ppunta kame this wed ilista ko promise yung mga name ng tindahan ;D )

stormy

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #148 on: June 26, 2009, 03:55:00 pm »
^ah suwahe yun sis hehe ang suhi yung paa una labas sa panganganak hehe :)

thanks sis ha. July 22 pa naman gusto ko lang maiba sawa na ako sa luto sa by the bay :) at bilib ako sa panlasa mo kaya try namin trinity sa macapagal.

purpleish

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #149 on: June 26, 2009, 04:21:07 pm »
^ hahaha ;D promise sis tawa ako ng tawa dito, (suhe-oo nga pala sa panganganak yun hehe)...kalurkey naman, comedy talaga, nga naman LOL....ayun suwahe nga, sabi ko sayo sis mahina ako sa ganyan eh hahaha ;D

thanks sis sa comment :D promise sis ok venue sa Trinity and masarap ang food ;) meron den pala silang band sa labas ng restau nila, kung type niyo naman makinig sa mga music...

choco_loka

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #150 on: June 26, 2009, 09:06:31 pm »
I have tried eating in GSquared, Robbies and Mom & Dad's. I dont know, is it just me, or all their foods tasted the same? They cook everything with garlic and butter.

maldita08

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #151 on: June 27, 2009, 02:22:41 am »
namimiss ko na ang dampa.. ;D

affordmoto

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #152 on: June 28, 2009, 09:54:18 am »
We always eat at Trinity's. wala pa kaming nata-try na iba, any recos?

stormy

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #153 on: June 28, 2009, 01:38:01 pm »
^sa by the bay sis baywok ang suki namin :) pero tatry naman namin ang trinity sa macapagal sa july :)

purpleish

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #154 on: June 28, 2009, 11:21:05 pm »
^ sis stormy...weee...bday ko ngayon ;D dapat kagabi sa Yakimix kame kakain ng advance bday celebration ako kahapon..kaso pang #10 kame sa waiting list, good luck naman samen hehe and mga gutom na kame..kaya sa Dampa ulit ang bagsak namen... :D

nakuha ko na yung name ng suki ko...

Date: (June 27, 2009)..para updated haha..

yung sa crabs...Medy's... ang name ng stall, di ko nga lang natanong kung magkano na per kilo kasi hindi ako bumili nito kagabi...pero nung last punta ko 240/kilo

yung sa suahe...Kaibigan...naman, 300/kilo...meron den silang pusit na pang calamares na mas malalaki - 240/kilo...

yung sa tahong... Dorothy & Meyeth ... 50/kilo...

mag uupdate ako ng Food Blog ko sis, inform na lang kita :D

maimai_09

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #155 on: June 29, 2009, 03:21:03 am »
gusto ang dampa sa libis kasi fresh talaga ang mga fish dun at masarap sila magluto. yummy :D

Frenzied

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #156 on: June 29, 2009, 07:04:06 pm »
Super sarap at ALING TONYANG'S at macapagal! i love everything we ordered there. the best yung adobo squid nila, chili crabs and the shrimp also!!! haaay, i wanna go back!

stormy

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #157 on: July 10, 2009, 01:55:09 am »
Gusto ko lang ishare ang experience namin kanina sa dampa. Sobrang nagcrave ako after reading mga posts ni purpleish kaya try namin dampa macapagal (by the bay kasi kami lagi). Dapat pala careful tayo saan magpark (lagi naman) kaso kanina habang umuulan-ulan at medyo gabi na rin naman (around past 9pm) dun kami sa bandang harap nag park (sobrang lapit na sa yakimix). E may mga nagpapayong, nag aalok etc e d pa namin alam saan yung trinity so smile2x lang kami at hindi po.

naguluhan si hubby sa layout ng palengke (lagi kasi yun reklamo nya sa macapagal na dampa) kasi lusot2x ka sa mga paluto resto so d convenient esp umuulan. Hmm d ito yung pangit na nangyari kasi normal lang kaunting hassle pag sa ganitong lugar :)

in short ayaw na dun ng mister ko kasi naawa na sa amin na parang nag-maze daw hehe. Pagbalik namin sa sasakyan may umalis kung san naka-park auto at nakabaliko na side mirror. D yata sanay kaya d nakuha. Tapos nung nagbayad kami sa exit, na roll down pa yung window pero nung pa-up na nastuck na (umuulan pa naman).

so we stopped by the petron gas station a few meters after the dampa area. Dun na tsinek ng husband ko kasi ramdam nya sa parking lot d raw maganda kaya sa gas station nya na tsinek.

Mukhang binigwasan raw kaya gumalaw yung salamin nawala siguro sa pwesto kaya ayaw magrespond sa mechanism. Opinion nung mga nandun.

So by the bay ang bagsak namin :) sa tensyon ko dami ko pinamili at pinaluto tapos kaunti lang nakain namin dahil pinapakiramdaman ko mister ko kasi tahimik lang.

bawal pala tumanggi sa mga nag aalok sa macapagal if feeling nila kanila yung parking slots sa bukana kasi mga d naman kami bossing e. Ngayon naiintidihan ko na rin bakit mas mahal daw sa by the bay, ok na lang mas mahal convenient naman para sa amin.

Hay panaginip na lang ang trinity macapagal :)

purpleish

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #158 on: July 10, 2009, 09:40:00 am »
^ nako sis sayang naman hindi niyo na-try kumain sa Trinity at Macapagal...

usually kasi sa likod kame ng papark dun...para mas malapit kaagad sa trinity, kahit saan talaga maraming mga maloloko na nakakapinsala sa mga naka park na sasakyan >:( ...yung parang papasok pa kayo, madadaanan niyo yung market...andun kasi halos lahat ng papark sa likod...

hindi naman sis bawal tumanggi, kaya ganyan yang mga yan kasi wala ata gaanong customer sa kanila, unlike sa Trinity di na sila ng gaganyan...

kung sasabihin niyo naman sis na sa Trinity kayo kakain, maiintindihan naman siguro nila yun at wag kayo padadala sa kakulitan nila hehe :D ako nga minsan may mga bading na sasabihin "dito na lang po kayo" wala, ngitian ko lang sila sabay lakad ...

kung let's say sa bandang Yakimix kayo ng park, nasa bandang left lang yun sis, lakad lang kayo ppunta sa likod makikita niyo na yung Trinity, tapat niya lang yung bilihan ng mga DVD's dun...

dibale sis hayaan muna...timingngan muna lang si hubby hehe ;D ako nga ren minsan pag ng ffoodtrip ako kahit ayaw ni hubby, wala na siya magawa kahit ayaw niya hehe....pero bukod tanging sa Kalye Juan ko lang siya hindi mapapayag...kaya until now curious ako dun ???

stormy

  • Guest
Re: Dampa
« Reply #159 on: July 10, 2009, 03:21:10 pm »
^kasi d yata pang normal/pangkaraniwan na tao yung napagparkan namin na lugar hehe sa parokyano yata yun. Naoverwhelm kami sa gulo ng daloy ng tao dun sis. May trinity sa MOA by the bay sana parehas lang luto tatry namin pero baka sa sept na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close