watch now

Author Topic: Starting Life in CANADA - Tips & Stories  (Read 233457 times)

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #500 on: August 28, 2012, 07:40:00 pm »
pinapabayad nila sa relative here sa pinas...kung trough bank kase medyo matagal yata or they experienced na na-delay or what plus may charge yata(not so sure)...

sa mga tita ko,ate ko ang nagbabayad,yearly sila nagbabayad...
oo pandagdag din yun sa retirement

sarsingkit

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #501 on: August 28, 2012, 08:27:15 pm »
thanks sis!  :D

lonelymiss28

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #502 on: August 29, 2012, 07:31:52 am »
Hello mga sis! I'm back.. Finally, I already got an employer in Ontario.. Live-in caregiver yung position, though nurse ako.. hehe! Pero okay na yun, ang importante makapag-simula nang makapag-trabaho sa Canada..
Ask ko lang, nagbago na ba ng process dito sa Pinas with regards to live-in caregiver program?
Or ganun pa rin na LMO,Job offer, etc?
Thanks mga sis!

sis, ganon pa rin...same pa rin ng dati. i sponsor ng bro as live-in at medical na lang sya, sana this year makaalis na sya. if you have any questions let me know.

kwang sun

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #503 on: September 08, 2012, 03:05:47 pm »
ambilis makakita ng job sa canada. haaai.  iba talaga. days lang nakahanap na agad work yung relative ko . siyempre naman nilasap muna nila ang canada noh bago sila naghanap ng work. hopefully makarating din ako dun  ;D

tabbru

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #504 on: September 08, 2012, 04:28:52 pm »
^Depende rin sa area/province, sis. Like sa Vancouver, walang trabaho ngayon dun.

Ang mga trabaho ay nasa booming provinces, like Alberta.

rics

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #505 on: September 09, 2012, 01:36:07 am »
^true.
in the GTA, the unemployment rate is high, competition is very high also.
depende rin what kind of job, if its retail, fastfood, janitorial, or other blue collar jobs mas madali makahanap ng work in these fields.

sweetpot

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #506 on: September 10, 2012, 10:56:26 pm »
totoo yan, yung dad ko 2 years na kami dito sa canada di sya makahanap ng permanent job because of his age... kuya ko ganon din hirap din makahanap ng trabaho... swertihan lang talaga... kaya kahit na gusto ko nang mag-resign sa trabaho ko ngayon pinagttyagaan ko na lang kasi sayang... :/

rics

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #507 on: September 11, 2012, 12:57:33 am »
^ako rin even if i wanted to leave hindi ko magawa kasi ang hirap humanap ng trabaho kaya no choice but to stay in my job now. apply namn ako ng apply but no takers so far, i have been called to 1 interview but that was it.

even my husband, he started applying in diff companies starting january of this year, he only got a job offer a month ago.

swertihan lang din talaga, or if you know somebody na pwede ka ipasok sa work. or if your work is exceptionally rare and that there is no competition at all.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #508 on: September 11, 2012, 03:54:13 am »
connection is also important para makahanap ng trabaho. example na lang step daughter ko every summer she works as painter ng tug boat sa company ng asawa ko then after high school yung hr manager sinabihan asawa ko na magpasa ng resume anak ko at hahanapan nila ng trabaho (walang existing job) then yun ginawa syang assistant ng isang engineer dun sa office and she gets to travel and check tug boats in different provinces at age 18, there are times sya lang mag-isa pinapadala.

Then when she resign dahil mag start na sya ng college sinabihan sya na anytime pwede sya bumalik at sila bahala sa trabaho. Samantalang ang daming pinoy ang nag apply dun na maraming experience na rin dito sa canada pero ni tawag wala. 

ms.lablablab

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #509 on: September 11, 2012, 11:00:51 am »
kami naman po since OCT 2010 pa yung application , my mom is a Live in caregiver :) sabe samin June 2013 makukuha na daw namin [textspeak!] application para sa medical .
gano pokatagal para makakuha ng visa after ng Medical?
if my UTI magkakaproblema ba sa medical  ?
TIA

lonelymiss28

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #510 on: September 11, 2012, 07:23:47 pm »
my bro is applying as a caregiver and after ng med daw ay 1-3 months may visa na. about sa uti, i have a friend na nag-apply din dito and may uti sya so i gave her cranberry pills months before she will have her medical then wala naman naging problema. i dunno kung magiging big deal ang uti but as early as now magpa doctor ka na muna para walang maging aberya.

kwang sun

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #511 on: September 15, 2012, 03:11:00 pm »
mga sis where do you buy your filipino products supplies?

rics

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #512 on: September 15, 2012, 09:32:59 pm »
^chinese stores has some, but mostly, i buy it sa filipino stores mismo.
where are you located ba sis?

paloma

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #513 on: October 22, 2012, 05:03:57 am »
Hi sisses! I agree, mahirap na humanap ng work dito. I just landed a month ago, until now wala pa akong work. Actually nakakaramdam na ko ng frustration, naiiyak na ko sa paghahanap ng trabaho. IT ako sa Pinas and ok ang income ko dun, I was petitioned by my sister.

Yung IT jobs na inaapplyan ko dito halos di pansinin application ko, siguro nasa 50 or more IT job openings na nasendan ko pero tatlo lang tumawag sakin. Yung isa pinaasa lang ako, ni hindi ako nainterview nun nagfollow up ako may nakuha na daw. Yung isa naman tumawag lang after din nun wala na. Yung isa naphone int ako pero wala bagsak siguro ako kaya di nadin nagparamdam.

Andami ko nadin naapplyan na agencies, lahat ng mabalitaan kong job fairs pinupuntahan ko, pati office admin jobs nag apply na din ako at pati mall nilibot ko para magwalk in sa pagsasubmit ng resume pero wala padin ako work till now. :(

May isang tumawag sakin receptionist job ang sabi hintayin ang phone int, ayun lumipas na ilang araw wala naman tumawag tapos nun nagfollow up ako may nakuha na daw. May isa pa receptionist din kaya lang ang byahe nasa 3hrs ata one way pa lang. Talo na sa oras pati sa sweldo.

At ang pinakamasaklap at nagpapababa ng self esteem ko, pati application ko sa mcdonalds hindi ko naipasa. Pinay ang manager na nag interview sakin at banat nya agad sakin overqualified ako, how come daw na engineer ako sa pinas then dito crew ang inaapplyan ko. Haaaaay para namang di sya dumaan sa ganyang phase na any survival job eh ok lang sakin. So di ko na tuloy mawari san ako mag aapply kasi pag IT gusto nila may canadian work experience or nagtetake ka ng short courses dito (napakamahal naman mag aral dito) tapos pag blue collar naman over qualified agad sasabihin sayo.

Sabi nila maiksi pa daw ang 1month, yung iba months or years bago nakakuha nun job na gusto talaga nila. Swerte lang nun iba na ambilis nakakuha work tapos same field pa ng work nila sa Pinas. Sana naman swertihin na din ako kahit anong trabaho ok lang sakin, di naman ako choosy. Tyaga at dasal, sana maovercome ko yung phase na to. Sorry mga sis ang haba na ata ng post ko. Medyo naffrustrate lang talaga ako sa paghahanap.
« Last Edit: October 22, 2012, 05:09:16 am by paloma »

jhandee

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #514 on: October 22, 2012, 07:01:22 am »
oo nga daw ang hirap mag hanap ng work ngayon dun, kasi yung sister ko na fufrustrate na din pati father ko na skilled welder sya , hirap naman dahil sa age. madaming opening pero hindi basta nag hire ang mga employer ngayon. sobrang dami na din daw kasi immigrants dun kaya grabe competition.

rics

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #515 on: October 22, 2012, 08:27:31 am »
when we came here, both my hubby and i had IT jobs. i got survival jobs, kasi wala naman akong canadian experience which employers were looking for. even my hubby took on a job as janitor/dishwasher initially.

to this date, although i am employed part-time and wanted to move to another job already, ang hirap hirap hirap humanap ng work. i have submitted my resume to over 100 job openings. hindi na nga ako mapili, i was just looking to work full time.  nakaka-frustrate talaga. i just want to have another job since the job i have now is sooooo stressful its not worth the pay. pero thankful pa rin naman ako that i have this job that na-swertihan ko lang at natanggap ako. kahit paano income din.

i have an uncle who had been here for a while, na lay-off, hirap din siya to look for work, eh hindi pa sya retirerable. meron pa syang mortgage so hirap talaga.

paloma

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #516 on: October 22, 2012, 10:34:30 am »
sis jhandee & rics: grabe ng frustration nadin talaga nafifeel ko mga sis. pero im sure malalagpasan natin lahat to. isang phase lang talaga to ng pagma migrate pero kapag naovercome natin, it will be all worth it. naisip ko nga pano na pag yung nilibot kong shops/stores sa mall eh hindi tumawag or hindi ako pumasa. Parang what's next? Di ko na alam.

Minsan tuloy dumadating sa point na gusto ko na lang umuwi ng Pinas. ;(

Tsaka badtrip talaga yung Pinay na manager haha di nya lang alam sobrang apektado ko sa pagkakabagsak nya sakin sa interview. :p

Sis rics dev ka sa Pinas? :)

poppyjml

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #517 on: October 22, 2012, 10:55:04 am »
^sis paloma saan ka sa Canada and anong specific technology mo sa IT? Minsan kasi depende rin sa location eh....saka sa technical skills na hinahanap nila don. IT rin kasi ako tapos sa Calgary ako initially, pero mas maraming Oracle openings sa Edmonton, so sa Edmonton ako nag-end up.
Minsan rin sa timing. Usually pag 3rd and 4th quarter of the year na, mas konti na opening..tapos mag-p-pick up ulit ng 1st and 2nd quarter.


rics

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #518 on: October 22, 2012, 11:10:38 am »
^^in was into IT project management.
mahirap kasi ang competition specially in big cities. dagdag mo pa dyan you are also competing with graduates here as well as other immigrants.

i have no plans to go back to proj mgmt since i dont fee like going back to school and upgrade. i just would like to have a full time office work.

paloma

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA - Tips & Stories
« Reply #519 on: October 22, 2012, 11:24:06 am »
poppy: [textspeak!] ako sa Pinas sis, tapos nasa Ontario ako now. Ok lang sakin kahit anong job for the meantime, basta maka survive lang and para may ipon para makapag take ng short course para naman mas magkaron ng chance mainvade ang IT world. Naku sana sis mas dumami talaga openings pagdating ng Q1 and Q2 next year. Parang sa Pinas lang din pala, pagdating ng Q3-Q4 kumokonti na openings.

rics: tama ka sis dami openings pero syempre dami din applicants. kaya grabe un competition.
« Last Edit: October 22, 2012, 11:27:15 am by paloma »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close