watch now

Author Topic: funny, amusing, touching things your pet does  (Read 164013 times)

tomatostellar

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #540 on: November 16, 2015, 03:44:38 pm »
My cat would get mad at me when I'm leaving the house. Alam niya kung matagal ako mawawala or lalabas lang ako saglit. Twing aalis ako, nako maghahabulan pa kami mayakap ko lang siya para magpa-alam. Kaya pag nagmamadali na ako minsan hindi ko na siya na-aakap. Sumisigaw nalang ako to say goodbye.

Way niya ata yun para magtagal pa ko ng ilang minuto sa bahay. haha sobrang natutuwa lang ako kasi palagi niyang ginagawa yun. Pero pag asa bahay lang ako kung asan ako andun din. Minsan hindi ko siya kasabay pumunta sa cr. Pero paglabas ko ng cr nandun na siya sa door waiting for me. Tapos sabay na kami pupunta sa room ko.

Tsaka nakakatuwa rin na lagi niya ako inaantay sa front door namin, tapos magmeow siya ng malakas para igreet ako. Hindi naman gutom yung meow niya kasi may kasama naman siya dito sa house para pakainin siya. Sweet na sweet lang ako sa cat ko.

Ang cute ng cat mo, na medyo CLINGY haha

yung pusa namin, indoor/outdoor sya, namimihasa, mag meow para pagbuksan ng pinto, either lalabas or papasok kahit marunong syang dumaan sa bintana

donya_dyosa

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #541 on: November 22, 2015, 10:45:22 pm »
nung namatay ang sis ng boy dog ko.. sobrang nalungkot siya.. a few days after that..
first time niyang nakita sarili niya sa salamin.. akala niya kapatid niya.. ang saya saya niya
dahil gusto niya mayakap siguro kapatid niya halos pumasok na siya sa salamin at siyempre nabunggo lang siya... naiyak talaga ako ng sobra awang awa ako.. kaya binaby ko talaga siya..
tabi kami matulog.. di ko siya tinuruan pero marunong na magsabi na poopoo at wiwi siya..

after a few months., dinalan namin siya ng bagong kasama girl din.. ay ginawang asawa agad!!
very gentle dog.. pag kakain.. babantayan nya pauunahin niya kumain pag ano matira yun sakaniya..

nung nanganak wife niya.. oh well nung naglalabor palang di siya mapakali.. tahol sya ng tahol sakin. gusto nya magbantay din ako.. tapos tinutulak niya yung inuman nila ng water para uminom yung asawa niya..
nung nanganak na.. kinuha nya tuta.... napasigaw ako sabi ko no!! pero yun pala.. nilinis niya.. kinain nya yung bahay bata.. at ang saya saya niya! parang ilang araw siya nakabantay sa mga tuta pag lumalayo kukunin nya agad dadalin sa nanay.

nagkasakit yung wife niya nadeds din.. nung naghihingalo... grabe ang alulong niya di siya mapakali at alam kong umiiyak siya lalapit siya sakin at magpapayakap... nung namatay na yung wife niya binubuhay niya hinihingahan niya.. nagtawag nakami ng mga kukuha sa wife niya at habang kinukuha galit na galit siya sa mga kumukuha.. niyakap ko lang siya habang umiiyak ako..

then nung siya naman nagkasakit.. alam ko nung gabi palang mamatay na siya.. sa labas na kasi sya ng bahay nun.. natulog siya tabi ng binata ng kwarto ko at umiiyak siya.. tinatawag ko name niya pagising ko buhay pa siya pero alam mong wala na talaga halos matigas na siya eh.. hinawakan ko siya at sabi ko i love you... papasok na ko sa work nun naglakad nako paggate hinatid niya ako at gusto pa nyang sumama sakin.. sabi ko ulit ilove you somuch!! tinext ko mom ko kung patay naba kasi ayaw ko umuwi na buhay pa.. ewan ko parang di ko nakaya ang last moments eh.. sabi ni mom ko.. patay na daw.. kaso wala padaw kumukuha... so umuwi nako nagpalate nako uwi para sure..
paguwi ko.. oh my god.. buhay pa.. sinalubong ako.. nagpayakap pa siya!! sabi ko ulit i love you! inantay mo pako! ha?? mahal na mahal kita.. baby ko.. tapos pagsabi ko nun humiga na siya at narinig ko pa huling hinga niya bago sya namatay.. (iam so crying right now)

sila lang yung mga nilalang na puro kasiyahan ang binigay sakin.. at pure love lang binigay sakin
sana pag namatay ako.. makita at makasama ko ulit siya.. at lahat ng pets ko sobrang miss ko silang lahat..

sorry napahaba...

blackgreen

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #542 on: November 24, 2015, 07:50:19 pm »
^hala sis, nanlalabo mata ko ngayun hindi nga ako masyado makapag type. Super naiyak naman ako sa dog mo. Iba talaga love na kayang ibigay ng mga pets. Sana nga totoo yun sinabi mo na pag namatay tayo makita pa rin natin sila. Virtual hugs sa iyo sis.

tomatostellar

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #543 on: November 24, 2015, 08:11:01 pm »
pinag pawisan mata ko sa kwento mo sis  :'( donya_dyosa

donya_dyosa

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #544 on: November 28, 2015, 12:18:58 am »
^  :'( :'( :'( its been 7 years.. and im still crying...

argento

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #545 on: November 30, 2015, 08:21:18 am »
^talagang hinintay ka nya para magpaalam. Grabe.

donya_dyosa

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #546 on: November 30, 2015, 05:03:08 pm »
^oo sis.. Sobrang pagmamahal nya rin saakin...ako ang mommy niya... Pag naglalaro siya kasama iba dogs at nakita niya ako... Iwan lahat laro tatabi na siya saakin...
Nung araw na iyin, Umalis ako sa house bago mag 7 am dumating ako mga 830pm... Tinagalan
ko pa uwi nun...kasi gusto ko wala na siya.. Gusto ko nakuha na ng mga maglilibing bago ako umuwi.. Ayaw ko makita body niya.. Di ko kaya.
Imagine gano katagal niya ako inintay....
Saka.. Nagulat rin mom ko.. Akala niya patay na nung umaga palang...

Normally kasi yun.. Pag dumadating ako salubong agad... So nung last salubong niya saakin.. Nandun na talaga siya sa gate. Pagbukas ko,nagulat talaga ako parang zombie dog na nga eh... Nung niyakap ko siya sobra tigas na niya.. When i think nakapagpaalam kami sa isat isa.. Nagiyakan kami,,, oo pati siya umiyak din... Then Humiga na siya and took his last breath.. I will never forget that last breath.. Malalim na hininga then gone... Inangat ko leeg niya wala na... Mga 5 mins ng pagkadating ko.. Patay na siya ... I believe.. Kinukuha na siya ng dog angel niya pero nirefuse nya siguro muna sumama kasi gusto niya pako makita one last time... Nagwala talaga ako sa tabi niya... Yung mama ko inalalayan ako kasi babagsak talaga ako.. Muntik nako mahimatay.. I mean seriously.. Para talagang nawalan ako ng anak.

Napahagulgol nanaman ako... Grabe.. Miss na miss ko na ang baby ko!!
« Last Edit: November 30, 2015, 06:44:27 pm by donya_dyosa »

simpleemie

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #547 on: December 16, 2015, 11:58:50 pm »
naiyak ako sa kwento mo sis.
Ngayon na lang ulit ako nag dog. Na trauma ako nung namatay yung alaga kong puppy noon. I was really so young that time til now naaalala ko pa itsura nya.

donya_dyosa

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #548 on: December 17, 2015, 10:02:16 pm »
ako rin sis simpleemie natrauma...
after nun baby dog ko na yun.. hindi nako umattach sa mga aso namin na dumating
mama ko nalang nagma.. ayaw ko na maloka.. iba ako magmahal.

dog lover ako pero di ko kaya magmahal at maattach (hehe) so i donate nalang sa mga charities...


simpleemie

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #549 on: December 17, 2015, 10:28:52 pm »
Ngayon nga sis ayoko ma attached din. Alam ko ang feeling ng namatayan kaya sobrang ingat talaga sa alaga.

Miss Taken

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #550 on: January 17, 2016, 09:09:32 am »
Yung dog ko alam na yung word na pray :)

Hindi muna siya kakain hanggat hindi ako tapos magsabi ng prayer then pag sinabi ko na yung Amen, tsaka lang niya gagalawin yung food niya.

Kahit pala 1 year old na pwede pa rin sila maturuan ng "tricks".

twelvth_goddess

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #551 on: January 17, 2016, 09:26:58 am »
^Buti ka pa. Our dog is so spoiled, walang tricks na alam kungdi magpa-scratch ng tummy and magdemand ng food and walk :D

heymickey

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #552 on: January 19, 2016, 09:14:43 pm »
Cha-Cha (our half aspin and malinois) used to put her muzzle on our lap everytime she wants food or when she's hungry. She's a sweet dog and a fighter momma. :'( 8) ;D

Miss Taken

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #553 on: January 21, 2016, 04:22:10 am »
^^ Sis yan lang yung alam niya na trick tsaka pala yung word na "Go". Once na sinabi ko yun, lalabas na siya ng room kahit gustung gusto pa niya na magstay lol Pero most of the time, ganyan lang din alam niya xD

Naiinggit kasi ako sa mga videos na napapanood ko sa fb na ang gagaling nung mga alaga nilang dogs ;D

simpleemie

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #554 on: January 21, 2016, 06:48:05 am »
my dog knows na when I say walk, walk lang sya sa side ko. When I say stop, sstop naman sya. But I cant teach him yung shakehands ayaw nya talaga sumunod. I watch mga tutorial sa youtube nakakatuwa. Magkano kaya basic training ng dogs?

babykat

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #555 on: April 26, 2016, 12:45:03 pm »
My bunso peed inside our room.  Galit galitan ako, I scolded her and told her she can't sleep in our room anymore. My husband was sitting on the stairs papuntang 3rd floor namin.  Aba, nung pinapagalitan ko na si bunso, tumakbo sa stairs. We thought she will go up to pee, yun pala, isusumbong ako sa husband ko.  She sat next to hubby and dinidikit nya ulo nya sa side ni hubby as if making sumbong.  Natawa talaga ako sa kanya.

stylus

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #556 on: April 27, 2016, 05:53:48 pm »
When my mom was disgnosed with cancer. I resigned from work and chose to stay with her in the province so she can have her treatment there. I brought with us my persian cat. Kaming 3 palagi magkakasama.

When my mom passed away, the moment her remains was brought inside our house.. nakakulong sa cage yung pusa ko. Nagkalmot sya nang nagkalmot sa pinto ng cage na gusto nya lumabas. Tapos nakawala sya. Tumakbo sya kung nasan mommy ko umikot ikot sya tapos dun sya nagstay. Parang na-feel ko na sya din nawalan.. na parang sinasabi nya wag namin sya ikulong kasi nagluluksa din sya at karamay namin sya. Naiiyak tuloy ako ngayon.

Kaya kahit maldita tong pusa ko.. sa hirap at ginhawa kasama ko sya eh.. kaya pagbigyan na lang palagi pag malakas kumain.

nocturnalnerd

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #557 on: May 09, 2016, 06:31:52 pm »
I have a kitten na kapag nakikita nyang may tulog sa sofa, pupuntahan nya yung natutulog tapos kakagatin nya sa ilong, sabay makikitulog rin. ;D

Raserei

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #558 on: May 31, 2016, 07:42:43 am »
I had to leave my cats for two days because of work. When I got back, bumati agad ang panganay ko. So I did what I usually do, pick him up then pet and kiss him...mga 1 minute yun magpapa-kiss tapos bababa na. That time though, hindi sya nagtatagal, every 10 secs bababa sya pero he'll meow and will keep rubbing his head on my leg until I pick him up. Siguro mga 5 times na ganon lang pinapagawa nya sakin. Weird way to say he missed me hehe

blackgreen

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #559 on: May 31, 2016, 10:05:28 am »
@stylus sis nung namatay father ko at dinala na sa bahay ganyan din ginawa nung aso namin. Inikutan din niya si papa. Tapos every morning pupunta siya sa may kabaong tapos uupo lang siya sa may ilalim. Parang yun palagi nila ginagawa ni papa tuwing umaga. Pag umaga kasi na nagbabasa newspaper si papa asa tabi lang niya yun aso namin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close