Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)  (Read 134057 times)

exquisitegem

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #580 on: May 19, 2020, 09:09:04 pm »
I have always been grateful for my inlaws. I just hope my SIL who is living abroad will be very extra careful especially frontliner sya.  I pray for her health and safety.

crzysxycl

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #581 on: June 01, 2020, 02:37:01 pm »
^^Nakakaloka naman MIL mo sis. Bakit nga kaya ganon, no? Parang issue sa kanila yung minsan lang na hindi magluto, feeling nila never ka na nagluto. Imbey! Ganyan din MIL ko eh.

MIL at SILs, alam ko atat na atat kayong lumipat kami dyan sa bahay nyo. Maka aya, akala mo mansion ang pinagawa. Eh malaki pa 'tong apartment namin ngayon kesa dyan. Palibhasa excited kayong mangyari yung setup gaya ng dati na pinagluluto ko kayo at inaalagaan ko mga anak nyo. Iba na ngayon, may anak na rin ako at nakabuo kami nung lumayas kami dyan sa inyo. If I know, parasite mode nanaman kayo lalo na ka na, SIL1 at MIL. Laging naka abang sa grasya, ninuno nyo ata si Juan tamad eh. Sana naman bawas-bawasan nyo yung kakapalan ng mga mukha nyo. Isipin nyo anong mararamdaman at iisipin ng magulang ko kapag bumalik ako dyan? Paki-consider naman yon, hindi yung puro pabor sa inyo ang gusto nyo. Pagkatapos ng paninira nyo sa akin sa lahat ng kakilala, kamag-anak at kabarangay nyo, babalik ako dyan? Para ano? Para lalo nyo pa akong pasamain sa mata ng iba? Tapos kayo bida-bida as always. Haha. Mauuto nyo asawa ko pero hindi nyo ako mapapabalik dyan sa impyerno nyong lugar. Kung gusto nyo, ibalik ko na asawa ko sa inyo. Ok lang din naman.

rics

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #582 on: June 02, 2020, 05:10:15 am »
SIL - malapit na kayo pumunta sa US, hopefully, you and your husband will learn to live on your own and not to be too dependent on our parents. For sure, when you get to the US, you will let mama & daddy pay for your rental apartment and they will contribute a very substantial amount to your daily gastos since it has always been that way.  Hopefully hindi ka rin Lalo yumabang, same with your unico ijo. Hopefully hindi kayo puro pasarap, porma and yabang lang when you get to the US. Wala ka naman work for almost 2 decades already and lahat ng gamit mo ay galing lang din sa mga padala from abroad. You dont actually own anything.  And your family also ang makikinabang sa pinagpaguran ng parent namin.

DearDace

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #583 on: August 03, 2020, 06:05:10 am »
To my MIL and ILs.

I dont really care kung okay na kayo ng gf ni Kuya. First of all, hindi ako ang nagpalaki ng issue kundi po ikaw. Opo ikaw. Nung nakaranas kayo ng pambabastos mula sa gf ni Kuya at galit na galit kayong lahat, dinamayan ko kayo. I was mad also kasi Pamilya ko na rin kayo, nagdamayan tayong lahat nun dahil halos lahat tayo ayaw sa kanya. Tapos binastos pa nya uli kayo dahil ayaw nyang pumunta sa bahay para magusap kayo at magkalinawagan sa ginawa nya. Anong sabi nya sa inyo? Wala syang ginawang kasalanan. Nagalit ka uli. Kasi sabi mo Nanay ka ng Bf nya tapos ganun.  Na ang mahal nya lang talaga ay si Kuya at hindi kayo. Tapos inunfriend nya ako sa fb nakwento ko sa bunso mong anak na babae kasi close naman kami, hanggang sa nakarating sayo tapos tinanong mo ako kung totoo ba sabi ko oo sabi mo kakausapin mo sya sabi ko huwag na dahil baka lumaki pa issue natatandaan mo po na sinabi ko na ?Huwag na po Mama ata hayaan na lang? ang sabi mo nun sakin wag ako magalala dahil di mo babanggitin ang pangalan ko. Hanggang sa ilang linggo lang nagtrxt sakin yung babae na nagsorry tapos di nya alam bat sya nagsosorry basta magsorry lang raw sya samin kasi sabi mo. Ginawan rin nya ng kwento ang asawa ko at yun ang kinagalit ko at ikinasama ng loob ko.Ilang buwan ang lumipas at  Ngayon na okay na kayo, ako ang naging masama ngayon? Sobrang sama po ng loob ko sa totoo lang. Wala akong mapagsabihan kahit asawa ko alam ko kayo kakampihan.    😭 Ang sama po ng loob ko na parang ako pa po ang nagpalaki ng issue e ang totoo kayo naman saka ipinagtanggol ko lang asawa ko. Huwag nyo rin po ako utusan na kaibiganin sya porke maayos na po kayong lahat. I already forgave her pero ayokong makipagreconnect sa kanya wag nyo po ako utusan sa kung anong gusto nyo gawin ko. Kasalanan nyo rin naman po at ng oamilya nyo bat ganyan sya sakin kasi lagi nyo kami pinagkukumpara. Pasensya na po kung iiwasan ko na kayo, mas mabuti pa na ilayo ko na loob ko sa inyong lahat. Pasensya na rin po kasi di po ako lumaki sa ganyang klase ng Pamilya na nagkukumparahan at nagsisiraan. Sobrang sama ng loob ko po. Di naman rin po ako makikipagkumpetensya sa kanya sa atensyon nyong lahat kasi sapat na sakin ang sarili ko pong Pamilya. Salamat po.

qweasdzxc

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #584 on: August 12, 2020, 07:02:25 am »
Thank you for loving me and my family as well. Sa panahong walang pwedeng mag drive for me and my sister, to the rescue agad kayo pag di available brother nyo (my husband) - you drive us to and from work. During my bedrest, once a week nyo akong binibisita sa bahay ng sister ko and bring food para sabay tayo mag dinner.  :'( I may not always say it, but, Mahal na mahal ko din kayo!

proudmama

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #585 on: March 25, 2023, 06:16:36 pm »
Pede ba ibalik sa inyo yung asawa ko na un bank account e saulado hanggang sentimo. Di po ako pabigat dahil ako sagot sa baon at daily expenses namin ng mga kids ko. But God pati ang 3k na kulang sa account di titigil hanggang di ko nabayaran? Malay ko ba kun ano mga pinakaltas nya dun. Tapos pag sa inyo housing loan ng kapatid at tuition ng pamangkin bigay agad. Magsama sama kayo !!!

sakuraiselle

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #586 on: May 01, 2023, 11:22:21 am »
To my MIL thank you sa lahat ng nagawa nyo samin ng anak mo. Napakabait ng family nyo sa family ko rin.

Pero sobrang nasstress ako sa inyo sa totoo lang recently. By the time na kinasal na kami ng anak nyo he is my responsibility na. Kaya please lang wag kayong mag demand na magmessge sya sa inyo everytime na aalis sya for work at uuwi araw araw. My God 30 plus na yung anak mo and the fact na may asawa sya. Required pa rin mag paalam sayo? Everyday? He is my responsibility now and I dont mind if he messaged you everynow and then pero yung pati naman pagpapaalam? Pag pasok? Pag uwi? Ngayon lang ako nakaencounter ng ganito. You don't respect me as your son's wife. I know you have anxiety and all pero wag naman sana gawing excuse yun lagi. Grabe naman.

Please give me some advice here guys. Sobrang nalulungkot na ko. Yung asawa ko sunod lang ng sunod sa mama nya. 😢 Mali ba yung nararamdaman ko? Please tell me 😢

 

Latest Stories

Load More Stories
Close