Author Topic: Malambing sya, pero malambing din sa ibang babae  (Read 2295 times)

paper_doll

  • Guest
Malambing sya, pero malambing din sa ibang babae
« on: May 01, 2020, 06:48:53 am »
Yung husband ko now, newly wed kami, sya yung mas malambing saming dalawa. Pero lately nakikita ko lagi syang may mga kachat na babae (mostly mga gf ng tropa nya). Yung isa pa nag i miss you pa sa kanya.

Hindi naman sya nagloloko kasi alam kong faithful yun. Pero pakiramdam ko nadidisreapect ako pag nakikita ko na halos araw araw may kachat sya, na sobrang komportablr ng mga babae sa kanya.

Sinabi ko na sa kanya na ayoko na parang araw araw may kachat sya na iba, hindi maganda.  Pero until now ganon pa rin.

Mahilig din syang manood ng mga IG stories ng mga babaeng yun tapos nagcocomment sya dun sa story tapos nagchachat sila. Pero ako, madalas ko sya i-tag sa IG ng mga cute videos or pics na alam kong matutuwa sya pero kadalasan dedma lang. pero nakita ko minsan sa DM nya na ang daming nyang kachat. Sabi nya sakin di nya daw nakikita yung notif. Di daw lumalabas. So kinuha ko cp nya, pumunta ng IG nya then pumunta sa section ng notif, kita ko andun naman mga tags ko. Napag awayan na namin yung pagdedma nya hanggang sa sinabi nyang ?i-block na lang kita? Nagiging problema ko pa?.

Literally tumahimik ako at di na sya pinansin from then on.

Hindi rin sya nagpopost ng tungkol samin kasi daw nahihiya sya na baka magcomment na ?kelan ang kasal?? Nung mag bf/gf oa lang kami. 13 years kami magkarelasyon bago kinasal (at kinasal lang kami dahil sa circumstance, nope di ako buntis ;) ) so inintindi ko.

May nagcomment din daw sa kanya noon na kawork nya na parang wala daw gf yun. Sabi nya kasi daw di ako mahilig sumama sa gala nila. Sobra akong tahimik na tao at may social anxiety ako at introvert pa. So pinipili ko na wag na lang. pero feeling ko kaya yun commentsa kanya dahil di nya ko pinopost sa social media nya as in.

Napapost ako ngayon kasi di ako makatulog sa sobrang sama ng loob. Na parang di nya iniintindi yung sinabi ko sa kanya. Pakiramdam ko parang nababastos ako sa ginagawa nya.

Sanay sya nung highschool na parang baby baby daw sya ng mga girls nyang classmate kaya sanay sya sa ganon. Pero may partner na sya diba? Diba dapat di na nya ginagawa yun?

Haaay

amethyst028

  • Guest
Re: Malambing sya, pero malambing din sa ibang babae
« Reply #1 on: May 01, 2020, 01:29:31 pm »
^may mga ganyan kasi na tao. very sociable and friendly pero it doesn't mean anything sa kanila. bf ko mas madami siyang friends na babae kesa sa lalake. yung 2 best friends niya girls and magaganda at sexy both are still single. panay pa like niya sa ig ng mga crush niya. pero hindi naman ako na threaten sa kanila deadma lang.

ako man may mga nag message sakin sa ig at messenger mostly married na. mga kakilala ko sila. chika chika lang kame pero walang meaning yun for me. yung first bf ko from time to time we message each other during this ECQ kamustahan lang.

my question is nangyari ba yan ngayong ECQ? kasi baka bored lang hubby mo. hindi makalabas kaya naghahanap na lang ng mga makakausap.

ang take ko kasi diyan is hindi ko papansinin. i'll continue to be the fun partner. mas ok kasi yung parang mag best friend lang kayo. less chance na mag loloko ang guy. tsaka if in public niya ginagawa harmless lang yun. matakot ka sa mga patago.

iba ang effect ng lockdown for us mentally and emotionally. huwag ka magpa apekto masyado sa mga ganyan. do your part as a good and best wife and just let him be. baka outlet lang niya yan pang alis boredom. we all have a different way of dealing with this situation kasi.


kaythrielle

  • Guest
Re: Malambing sya, pero malambing din sa ibang babae
« Reply #2 on: May 02, 2020, 09:53:45 pm »
13 years kayo mag-boyfriend/girlfriend. Hindi mo ba alam na ganyan sya bago kayo kinasal?
Kasi kung ganyan sya talaga, wag kang umasa na magbabago pa yan...unless sya mismo sa sarili nya maisip nyang itigil yan.

But obviously that is not the case. Iblock ka pa nga nya sa instagram imbes na intindihin yung side mo.
Good luck na lang sis. Be more understanding and patient na lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close