watch now

Author Topic: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.  (Read 18638 times)

sneezes

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #60 on: January 12, 2015, 03:19:12 pm »
Hi mga sis, I also have a problem like this --- I think.

I think, kasi my uncle seems using it.  We tried to asked him but umiiling lang siya, he's not saying no.  So malakas kutob ko na he's using. THe main problem is yung mistress/fling(?) nya, gumagamit kasi yun, at sure ako doon dahil maraming nagsasabi (kapitbahay lang kasi namin yung kerida).  Actually, di ko matanggap yung kerida nya. At ako na pamangkin nya ang talagang nang-aaway kay kerida (she's a bit younger than me)- to the point na kung ano anung masasamang text ang sinesend ko sa kanya at hanggang sa nagpang-abot kami at nagkasakitan once -- and hindi pa ko nakakaget-over dito, hindi ko alam kung ano magagawa ko pag nagkita ulit kami, nanggigigil pa ko actually.

Naiinis ako kasi hindi naman ganun yung uncle ko, nung napabarkada lang sa kanila eh nag-iba na --ang I'm very sure na pera lang ang habol nung girl sa uncle ko.  3 anak nung girl puro panganay, kaya hindi ko matanggap na yung ang magiging kerida nya - walang kaclass class (sorry for being mean).

Please help me on this, kahit ilang beses ko kausapin yung uncle ko eh hindi naman tumatawid sa kanya yung gusto naming iparamdam na iwanan na nya ang kerida nya at hindi siya umaamin if he's using.

luscious_peach

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #61 on: January 19, 2016, 12:05:16 am »
My 36-year-old husband is a gambler and a drug addict. He is currently in denial na adik sya. Pero all the signs are there... lakas sa pera  na di maexplain san napupunta, pagsisinungaling, nangungupit, nagsasangla, bagsak katawan at bad temper. I learned from his sister na nagpositive sya sa drug test in 2012. Now I'm in deep pain. We have a 16-year-old son na malayo ang loob sa kanya dahil sa mga ginawa nyang pagsasangla ng fone at pangungupit ng baon nya.
I told him  that I already know he's using. Galit na galit at nagdedeny. Pinapili ko sya kung bisyo nya o family. Wala pa sya desisyon and I'm applying tough love para baka sakali matauhan sya. Gusto ko sya iparehab before it's too late. He's not yet destructive. May work pa nga sya until November last year bago sya nag awol. Help mga sis. Ang sakit at bigat sa dibdib. I love him but I cannot stay watching him slowly killing himself. My condition is kailangan nyang magpagamot kung babalik sya sa amin. I'm worried to death.. :((

sis @nessy san yung facility kung san inadmit partner mo?

junetwentythree

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #62 on: January 19, 2016, 09:15:22 am »
^ To those requesting for further info from TS Nessy, it might be best just to PM her as I'm not sure she still checks this thread -- perhaps to get a more immediate response as you have immediate need. She's still active, based on her profile info but she doesn't appear to be with the same guy anymore.

Mlabable

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #63 on: March 03, 2016, 03:20:33 am »
Ngayon lang ako nagkalakas ng loob kwento ko kasi di ko na alam gagawin. 1 year na simula ng malaman namin na yung bunso kong  kapatid e di lang gumagamit kundi nagpusher na rin ng MJ. Actually aksidente lang pagkakahuli ng mother ko, nag general cleaning siya sa kwarto ng kapatid ko ayun nahuli isang bar (basta kasing laki siya ng microwavable na plastic. By the way, 21 years pa lang kapatid ko ngayon. Parang gumuho mundo ng parents ko nun. Walang tigil iyak ng Nanay ko at Tatay ko namutla kasi di nila akalain magagawa niya yun sa amin.

Masasabi ko na walang pagkukulang sa amin ang parents ko. 3 kaming magkakapatid ako panganay, sumunod sa akin 2 lalaki. Yung bunso nalang namin nag-aaral. Binigay sa kanya lahat ng gusto niya. Bagong damit, gamit, pinapayagan siya gumala. Di mahigpit mother ko sa kanya compared sa akin at ng Kuya niya. Kaya lagi namin iniisip saan kami nagkulang. Lahat ng atensyon binigay sa kanya. Materyal man na gamit, pagmamahal ng magulang at atensyon di kami nagkulang.

Tinanong ako ng Tatay ko kung ano gagawin namin. Gusto niya na sana ipakulong. Sabi ng kapatid kong isa, huwag dahil di naman masamang tao kapatid ko. Nag-aaral naman at lalo lang mapapasama kung ipapakulong namin.

Ayun binigyan siya ng chance kala namin magbabago. Nahuli siya nung isang buwan isang pakete sa bulsa niya, rason niya dati pa daw yun. At itong huli last week lang, nagbakasyon kami sa Puerto Galera. Kasama kanya-kanya namin pamilya, isang buong pamilya kami dun at masaya. Nahuli siya ng Kuya niya sa akto bago kami umuwi. Kaya pala lagi siya nagpapaiwan sa kwarto pag nasa beach kami. Ayun nasuntok siya ng kapatid ko. Muntik na niya kaming ipahamak nagbaon pa siya sa Galera ng isang plastic e pano kung nakita yung sa xray sa terminal.

Nag-usap usap kaming lahat paguwi namin sa Manila kung ano ba gagawin namin sa kanya. Gusto ko sana irehab na kasi kung gusto niya na tumigil di sana nung una pa lang na nahuli siya. Kesa matuto pa ng ibang droga. Di na namin alam gagawin sa kanya. I-rehab? Iuwi ng probinsiya? Nagkakasakit na parents ko sa kanya. Mabait siyang bata feeling ko nauto lang ng mga bwisit na addict kasi alam nila may pagkukuhaan ng pera.

Ngayon hinigpitan na namin siya. After nun paguusap namin kinaumagahan. Yun na naman, bantay siya kasi ng tindahan ng parents ko ng oras na yun may biglang pumunta sa amin na nakamotor. Bumaba ako agad. Pinagalitan ko siya. Sabi ko, "Ano di ka ba titigil? Pinagsabihan ka na di ba? Isarado mo yang tindahan, pumasok ka ditto sa loob." Ayun umalis yung dalawang nakamotor nagtatawanan. Hatid-sundo siya hanggang kanto pag papasok sa school. Inaway ng Nanay ko lahat ng barkada niya. Pinuntahan isa-isa. Tinanggap na namin na di siya makakagraduate this March kasi dami niya binagsak. Pero sana naman magbago na siya. Di na namin alam gagawin. Gusto ko na rin magsumbong sa PDEA yung mga tulak dun sa lugar namin. Nakakasira sila ng buhay at ng pamilya.

luliluli

  • Guest
Re: LOVED ONE/RELATIVE whos is drug dependent.
« Reply #64 on: March 04, 2016, 12:03:43 am »
Ok if u love the person have him/her treated sa rehab center walang nakakahiya, early detection mas mabilis ang cure.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close