watch now

Author Topic: Gaano kabait si hubby....  (Read 38267 times)

simang

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #160 on: February 12, 2016, 03:29:05 pm »
Sa ngayon, naiisip kong i-compare sya kay Clark (OTWOL) lol. Dami nyang sacrifices for me, big and small things, talagang nahihiya na ko sa kanya minsan kasi I feel like I haven't done enough para suklian lahat. Lalo na ngayong buntis ako, parang lumevel up sya lalo. Yung feeling ko he can't get any better tapos boom, may ibubuga pa pala. Minsan napapatanong pa din ako if i really deserve him, pero naiisip ko na lang sa sobrang swerte ko sa kanya mag-iinarte pa ba ko? Haha.

chinkywinky

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #161 on: February 13, 2016, 09:59:18 am »
Sobrang bait and generous. To the point na nakakainis na, yung generosity nya sa ibang tao too much na, to the point na he's spoiling them and making them tamad.

Akentoh

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #162 on: February 14, 2016, 10:37:48 pm »
Hubby ko may bait may sama din pero ang bait niya kasi tanggap niya yung tatlong anak ko maayos siya makisama sa pamilya ko hindi siya maunawain pero maalam siya manimbang sa sitwasyon, responsable siya sa negosyo namin at sa bahay siya yung mas masipag wala kasi kami kasama sa bahay may 3 kaming dalagita at yung isang anak namin bunso iisa ang anak ko sa kanya 3 years and 3months girl din puro babae anak ko so ako alaga kay baby siya sa bahay naglilinis  siya nagluluto paglalaba lang hindi niya ginagawa pero tinutulungan niya din ako kapag madami masyado... Hindi ko masasabing swerte ako sa kanya kasi ideal man siya pero yung point na minahal niya ako sa kabila ng nakaraan ko at pinapatunayan niya yun sakin at sa mga bata satisfied ako....

yannuh

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #163 on: February 15, 2016, 08:24:17 am »
sobrang bait at mahaba ang pasensya at generous din. may mga times na aatakihin ako ng topak ko, tapos sya sobrang haba ng pasensya nya sken. pag ang dami kong frustrations sa mga bagay bagay, iiyak talaga ko. iyakin kasi ako. sya yayakapin nya lang ako at icocomfort. tapos mag uusap kami pag napakalma nya na ko:) di rin maarte sa gawaing bahay, lagi kaming tulong sa lahat. yung ibang guys ayaw magluto ng food, maglinis ng bahay, sya walang arte sa katawan. very good provider, pag may gusto ko, bibilhin nya agad. kahit sa family ko mabait din sya. sobrang thankful ako kasi siya yung binigay sken ni Papa God.

ivy u.

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #164 on: February 15, 2016, 02:09:12 pm »
mabait, caring at super lambing. sana hindi siya magbago. ❤️😊

FayeP

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #165 on: February 15, 2016, 11:59:32 pm »
kung sa bait, napaka super, di lang sakin at sa mga bata  kundi pati sa family ko, sa mga neighbors, sa family niya...pasensyoso din siya at matyaga sakin kasi madalas may sapak ako...maalaga sa min ng mga anak nya, siya lahat sa bahay, tumutulong lang ako minsan taga hugas, linis lang ang toka ko pero minsan siya pa din ang gumagawa nun...

alam kong mabait at matyaga siya kasi napapagtyagaan nya ugali ko, derechahan kasi ako at madalas toyoin at suplada...mabilis din na mag init un ulo ko...sya hinahon lang....

malambing din pati sa mga anak....talagang as a father and hubby panalo swerte ako...

pero minsan siyempre may sungit factor siya, minsan kasi napuyat siya or naasar sa sinabi ko...pero never kami nagkatampuhan ng matagal...matagal na siguro un 10 mins hehe at madalas tungkol un alitan namin sa pulitika hhahha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close