Author Topic: Brother-InLaw asking for expensive gift  (Read 3901 times)

mama7

  • Guest
Brother-InLaw asking for expensive gift
« on: June 27, 2015, 05:38:17 pm »
Hi! Ang hubby ko ay bunso. May isa sa 4 pa niyang kapatid ang may Epilepsy,may asawa at anak. Nakikitira sila sa Parents ni hubby at sila MIL ang bumubuhay sa kanila. Kahit may kapansann si BIL,capable siya maka trabaho gaya ng pagbantay ng grocery nila kasama sila MIL. Si Bilas naman sa bahay lang taga alaga ng anak nila. Mag bi-birthday na kasi yung anak nila bale 2nd birthday, nag text kay hubby na meron daw siyang 6k,magkano daw ba Ipad baka pwede daw namin dagdagan pera nila ipambili ng Ipad para sa anak na 2 taon lang. Nung sinabi ni hubby na mahal ang Ipad, kun gusto niya kuha siya mumurahin na naka-Plan, Ang reply eh ibili naman daw sila ng Ipad kasi birthday nung bata.

Eh namamahalan nga si hubby. Saka hindi ko din gustong magbigay ng ganon kamahal. Tuition Fee ng anak namin hulugan pa nga,tapos ikaw Ipad? Di man lang mahiya. Akala yata napupulot ang pera. Mga pakain nga sila ng MIL, yung 6k niya imbis ipambili IPad bakit di ipangkain na lang diba? Yun anak namin di nga namin binubusog sa gadget, mas sanay maglaro ng di gagamit ng gadget pero afford namin siyang bilhan di namin ginagawa kasi praktikal kami. Sila naman mga walang makain,nakikitira lang,hindi kayang mabuhay ng di aasa pero magkaroon ng kaunting pera gusto gadget agad para masabi lang nakiki-uso. Magpapabili pa wala man lang tanong tanong kung may pera ba yung kausap. Tapos kinabukasan naka-nganga kay MIL. Kaya pagpunta namin sa kanila ang iaabot ko mga Activity books at gamit sa school na pwede pag-aralan. Ano ba akala nila sa amin mayaman. Yung bata 2 taon, kung tutuusin “gusgusin” nga itsura ng bata kesa ipang Ipad niya yung 6k niya di niya ipangbili ng pagkain at damit ng bata. Di nahihiya. Madamot na kung sa Madamot pero kami nga umuupa pa, ang tuition ng anak namin hulugan tapos kami pa hihingan. Nagiging praktikal lang at wais ako sa paglabas ng pera namin.
« Last Edit: June 27, 2015, 07:33:56 pm by mama7 »

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #1 on: June 27, 2015, 06:31:59 pm »
Kapal hehe. Naiinis din ako sa mga ganyang tao kasi praktikal din ako sis. May kakilala din ako inuuna ang luho at gadgets, nagbubuffet pa. pero nakikitira lang din naman at pagdating ng tuition, or pag may na ospital na anak, hingi ng hingi ng tulong. Anyways anong sabi ng hubby mo sis?

mama7

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #2 on: June 27, 2015, 07:38:39 pm »
wala daw siyang balak bilhan. Sabi ko mabuti naman kasi mahal yon. magkapera man kami sa dami naman ng bayarin di pa din tamang ipang regalo mo sa batang maliit eh Ipad. Sa hirap ng buhay ngayon magpapa-uto ka pa ba sa ganyan hahaha! Di na lang ako gaano nagsalita kasi kapatid niya yon pero prangkahan na lang talagang wala sa lugar magpa regalo kapatid niya.

quennna

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #3 on: June 27, 2015, 08:57:43 pm »
nakakapang init ng ulo yung BIL ko grrrr..
wag nyo sis bigyan... sa luho lang pala mapupunta..

izabelle

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #4 on: June 30, 2015, 12:57:29 am »
baligtad na kasi mundo ngayon, kung sino pa walang pera e sila pa mas maluho kesa sa may pera. :D nakakaloka, kung sa akin siguro yan makakatikim ng salita yung BIL ko haha!

I hate people na ganyan, makapal ang mukha. Sa akin ok lang maging maluho basta ba kaya mo panindigan.

gwyne21

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #5 on: June 30, 2015, 11:26:21 am »
the nerve naman ng BIL na magpabili ng Ipad, parang pinupulot lang ang pera ah... may mga tao talaga na keen sumabay sa uso kahit hindi kaya. siguro dahil asa sila sa MIL mo, imbes na magpakasipag para umasenso, luho na lang ang inaatupag... tama lang na hindi bilhan kasi di naman necessity ang Ipad and hello...2 years old lang yung pamangkin nyo... anubahyan...

heartfortress

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #6 on: June 30, 2015, 12:33:16 pm »
Hehe demanding bil mo sis a! ipad talaga para sa 2 years old?!Tapos manghihiram na lang sila sa bata pag sila naman gagamit lols. Ok na sis educational and learning toy/s ang gift nyo. dapat thankful pa din sila kahit anong iabot nyo. e pano sis yung meds ng bil mo, mil mo pa din sagot? Sana ipang emergency na lang niya yung pera na meron sya ngayon for rainy days.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #7 on: June 30, 2015, 01:54:37 pm »
Hay naku mga sis hindi ko talaga ma gets ang mga ganyang tao na mas inuuna ang luho at makipagsabayan sa uso kesa sa mga importanteng bagay. Share ko lang yun kakilala ko na may 2 anak. Nakikitira lang din, walang ipon at lubog sa utang sa cc. One time binigyan ng 20k ng isang kamag anak para sana sa mga bata or pang tuition At sana para makahanap din sila ng apartment. Aba naman binili lang ng ipad yun 20k. Di ba? Haha grabe ang priorities.

brendzy

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #8 on: June 30, 2015, 03:14:59 pm »
Kalerks yan ha? As a rule of thumb, you should live within your means, kung kulang / walang pambili ng iPad, wag bumili, simple! And as a birthday gift, dapat matuwa kung ano ang maibigay sa anak mo, don't force them to give such as a bday present, nubayan! Yung mga nakaasa kasi at di nagpapawisan sa pagtatrabaho, more or less, ganun nalang kung maglustay ng pera.

leelou

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #9 on: June 30, 2015, 03:16:48 pm »
may mga tao talagang sadyang makakapal these days  >:( sobrang hate ko yang mga ganyang tao na nanghihingi as if may patago sa iyong pera.

naku sis, tama yan. wag nyo bigyan. luho lang yun, at sobrang mahal pa. and not appropriate for a 2 year old! baka palusot lang nila yun at sya lang ang may gusto na magka-ipad  ::)

Evolet027

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #10 on: July 02, 2015, 06:17:47 pm »
2nd bday lang naman maluho pa ang ireregalo. Di bale sana kung 7 yrs old. bata bata pa nung anak eh sa gadget minumulat. kainis yang ganyan. wala na nga pera at pakainin kung makahingi sobra. I relate to this kasi may SIL naman akong ganito. Porke di kasi kinita sa pinaghirapan ang pera kaya ganyan wala sa isip ang presyo ng gadget. Pero kung pinaghirapan nya yan, im sure mahirap ilabas sa bulsa nya yan.

andreil_19

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #11 on: July 02, 2015, 07:35:05 pm »
I can relate though hindi pa naman umaabot sa ganyan kamahal kaso after mo magbigay sa kanila may kasunod na agad na bilin.And take not only my husband's sister pati asawa nya kung makahingi akala mo may binigay na pambili at panay ang hirit kay hubby. I told my hubby na bakit sya syo humihingi samantala yung ate nya may sariling bahay,kotse at seaman ang asawa di sya dun humingi.My MIL also the one na gumagastos sa kanila sya nagpapa-aral ng bunsong anak nila na may ADHD na mas mahal pa ang tuition fee sa anak namin then the eldest dun nakatira kay MIL para may makasama na rin so sya rin nagbibigay ng baon and allowance. Mas nauna pa sila nakabili ng tablet kesa sa amin although not that pricey naman. Okay lang naman sa akin if you give them materials things wag lang madalas pero yung hihingan pa yung asawa ko ng pera, ibang usapan na yun gagamitin pa yung anak nila para mabigyan lang. Mahirap talaga kapag nasanay na ang tao na may laging nagbibigay sa kanila.

dainejen

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #12 on: July 03, 2015, 03:07:29 am »
ok lang yan sis BIL ko nga mas makapal dyan hahaha.. kayang palibutan ang earth sa kapal ng face.. 
for me ok lang naman na may gadget ang 2 years old wag lang lagi.. so kung para sa birthday ng anak nya tell him or your husband na madami sa mall tablet tig 2k lang.. para naman sa bata at di sa magulang nya diba.. pag nag inarte just tell them na ayos na yun sara sa bata lang naman and di nya naman kailangan maging mapili sa brand importante may magamit ang BATA.. idiin sa kanila na para sa bata kaya pwedeng parang toy lang ang mahal pa nga para laruan

Girltalker2

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #13 on: July 03, 2015, 06:23:09 am »
TS, ano iyan sakto 6k pa hiningi, nangdikta pa, parang fund raising?

kahit pa super milyonaryo kayo ngayon, hindi parin tama ibili Bil mo or yung anak nya ng iPad. Kahit tablet. Kasi kamo wala nanga makain, Yun pa uunahin? Worse is he is raising kids with the same mentality. Di lang sya mana himik, mag raise pa sya ng bata na kaugali nya. Di ba nightmare iyan for the grandparents? Baka nasanay na i-spoil ng in laws mo kaya ganyan.

Tsaka kayo ng asawa mo will do your bil a favour kapag di nyo sila kinukunsinti. Just do what is right, bantayan yung 2yo if possible guide the child kasi di malayo lalaki ng pareho iyan sa parents.
« Last Edit: July 03, 2015, 06:28:49 am by Girltalker2 »

sildusoleil

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #14 on: July 23, 2015, 09:50:14 pm »
Ay kaprichoso lang. Bakit mamatay ba yung BIL mo pag di mo nabigyan ng 6k? HAHA seriously.  ::)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #15 on: July 25, 2015, 06:49:52 pm »
Parang OA ata na gift for 2yrs old ang Ipad. Para sa bata ba talaga yung hinihingi nila?! Maski tig-50pesos na kitchen set toy maa-appreciate na ng 2yrs old for sure so why
spend 6k for a gift. Maski pangcash gift sa kasal bka magdalawang-isip ako magbigay ng 6k hahaha

bhmomma

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #16 on: August 02, 2015, 08:04:01 pm »
Teka sis, paki-ask BIL mo kung may patago ba siyang pera  ;). Kaloka ha. At saka diba kaya nga gift kasi kusang binibigay hindi hinihingi.


hyder0926

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #17 on: August 03, 2015, 04:54:05 pm »
Hi TS.

The Ipad is great learning tool.. pero para kanino ba un Ipad? kay pamangkin ba or sa parents? as it is the cost of an Ipad is a luxury to most. the 6k can be put to good use else where.. puede na nga yan pambili ng samsung tablet. pero meron ba sila wifi? kase parang wala naman silbi ang tablet kung wala wifi..

happytalker

  • Guest
Re: Brother-InLaw asking for expensive gift
« Reply #18 on: August 15, 2015, 12:10:03 am »
Grabe naman yan sis.  Oo nakakatulong ang gadget as learning tool pero maraming paraan para matuto ang bata.  And besides, you mentioned na ang nanay ng bata tutok naman sa kid so kahit lapis at papel matututo yan kung talagang gustong turuan.

One more thing, napakaspecific ha, "Ipad" talaga. I'm sure the brand wont mean  anything to the kid, at kahit ano pa halaga nyan baka nga ihagis lang yan pagnagsawa.  Siguro pangyabang lang yan ng in laws mo.  Naku sis, ingat ingat s ganyan klaseng tao.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close