watch now

Author Topic: In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.  (Read 2281 times)

Evereene

  • Guest
In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.
« on: April 03, 2015, 01:36:55 pm »
Help please. Dalaga ako. Mahirap ba pumasok sa ganitong situation? Relationship? Nahihirapan ako magdecide. Pero mahal ko na yung guy and he's doing everything for me kahit ayaw sa kanya ng family ko he's fighting for it. Advise please. Ano dapat kong isipin?

astarte

  • Guest
Re: In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.
« Reply #1 on: April 03, 2015, 02:55:48 pm »
^ sa first question mo sis my take is yes mahirap.

Kahit hindi siya married, the fact that he's got 2 kids, you must be ready sa endless acceptance and sacrifices na pwede mangyari. I've been into that kind of relationship back in the day, nasa guy ang one and only baby girl nila ng ex gf nya at tanggap ko naman. I supported him all the way. Our relationship lasted for 4 years and pati ang bata napamahal na sakin pero sa di ko na masyado matandaang mga eksena, basta naging okay sila ulit ng mom ng anak nya at nagkabalikan at siguro gusto din nila na buuin ang family nila. Since single naman ako meaning wala naman akong anak, okay lang moving forward naging happy ako sa sumunod na relationship ko and married na din ako ngayon.

Si ex bf naman and mom ng anak nya at the moment, according to our circle of friends eh eventually naghiwalay na din for good kasi yung girl sumama na sa ibang guy.

Dito naman sa family namin, may dalawang anak kuya ko sa 1st gf and yung mga pamangkin ko na yun I saw how sila napabayaan ng kuya ko kasi yung new gf nya single and demanding sa time and attention na wala sa lugar, kahit pati birthday ng mga anak nya gumagawa ng eksena para di makapunta brother ko. Btw, nasa 1st gf ang kids since mas maaalagaan sila don. And now na may anak na din kuya ko sa new gf, at hindi na masuportahan ng maayos ang unang dalawang kids, kawawa sila. Case to case basis naman din ang lahat, nasa tao na lang din talaga if laban o bawi. Heheh.

j.adore

  • Guest
Re: In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.
« Reply #2 on: April 03, 2015, 04:49:58 pm »
Yes, it's hard. Lalo na ayaw ng family mo sa kanya, it won't end lagi niyo lang ipaglalaban isa't isa.

Girltalker2

  • Guest
Re: In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.
« Reply #3 on: April 05, 2015, 11:57:53 pm »
TS, you said dalaga ka, maybe in your 20s? I'd say you give yourself a chance to meet single guys din. If after so many years at andyan parin itong guy and you're in your 30s na, baka you may want to consider later. But not now sana.

If nasabi mo na napamahal na sya sayo, anong meron sya such that you minimise the risk na maging hindi kayo sa future - ibig kong sabihin, sure ka ba na Ikaw lang ang gusto nya talaga? Is he financially stable? Mature at di babaero lasenggero or nambubugbog?  Accepted ka ba ng family nya? Compatible ba kayo? Mas mahal ka ba nya kesa sa pagka mahal mo sa kanya?

My point is - try to approach this issue with all the qualities of an ideal partner. Objectively, without using feelings muna na 'mahal mo na sya', then see for yourself it your relationship can work (say a higher probability) and therefore would be worth fighting for.


tomatostellar

  • Guest
Re: In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.
« Reply #4 on: April 06, 2015, 01:55:33 am »
mahirap - I'm pretty sure yes

ano dapat isipin - sarili mo

may ibang information ka pa ba mabibigay? do you know why it didnt work out with the mom/s of the kids?
willing ka ba sa mga conflicts that may arise dahil sa history nya?
imo kasi complicated talaga pag ganon, so dapat handa ka makisama at mag adjust, tapos patience din. Kahit ano mangyari I'm sure mag kkrus at magkkrus landas ni guy and ex nya coz of the kids.
 

Girltalker2

  • Guest
Re: In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.
« Reply #5 on: April 06, 2015, 12:46:41 pm »

TS, 1 lang ba ang mom nung dalawang kids, or 2 separate moms?

Tsaka parang ang bata pa ng 2yo and 5yo kids para iwanan nya? Valid din nga point in tomatostellar, under what circumstances kaya di nagwork ang relationship nya with the mom of the small kids. 

Recently, I was just reading about this topic on second marriages and second chances.  Sabi nila, mahirap maging madrasta.  Mahirap magsurvive ang marriage with children sa previous relationships because -

- kung i-ignore ng lalaki mga anak nya from previous relationship, parang mapapaisip ka paano nakayanan ng conscience nya yun
- on the other hand, kapag guilty naman sya at lagi andun ang attention nya, paano naman ikaw or ang magiging pamilya nyo?  tendency raw for men under this category eh laging ibubuhos ang lahat for the kids (syempre anak nila yun mahal nila) - especially if hindi sa kanila lumaki, so may guilty feeling. with this, di mo maiwasan ma feel "deprioritized".

Which one ang kaya mong i-handle?








pinklilac

  • Guest
Re: In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.
« Reply #6 on: April 06, 2015, 02:39:44 pm »
Hi TS..
Share ko sayo ilang scenario mula sa mga personal kong kakilala (lahat married) na baka  sakali makadagdag sa pagtitimbang sa sitwasyon mo.

Friend#1 May isang anak sa una at ang naging asawa ay may 2 kids naman.

Friend#2 May 2 kids sa una at ang naging asawa may 2 kids din.

Friend #3 dalagang dalaga na nakapag asawa ng may tatlong anak..

TS... lahat sila na I stress sa mga anak ng  mga asawa nila At madalas nagiging cause ng pag aaway Na sa opinyon ko ay hindi tama dahil sa una pa lang alam na  nila kung anong sitwasyon ang pinapasok nila pero sumige pa rin Tapos magagalit sila sa mga bata ..
 Gusto mo ba maging ganito rin sitwasyyo mo sa future? Ok lang siguro yan kung super haba ng pasensiya mo at hindi ka maramdamin.Kakayanin mo ba?
Bata ka pa naman. Malay mo may dumating pa na binata na kung saan pwede kayong magsimula na kayong dalawa lang.



kukii

  • Guest
Re: In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.
« Reply #7 on: April 06, 2015, 03:37:45 pm »
Hello TS

Yung friend ko ganyan din ang sitwasyon. Si friend single maganda bata (only 25) Si guy seaman medyo may edad na (40s) at may isang anak sa unang asawa, . special child yung naging anak (6yo) nila eventually yung asawa niya nagkaron ng sakit - cancer. Sila na nung friend ko nung after malaman na may cancer yung asawa ni guy, both sides ng family nila ayaw sa relasyon nila kasi lumalabas parang nagcheat si guy dun sa asawa niya porket nagkasakit na parang humanap agad ng fallback reserba ganon (nung nalaman nung asawa niya, tinanggap nalang din kasi alam niyang malapit na din siyang mawala) at may anak nga si guy at kailangan na full attention at TLC nung bata. E etong si friend mahal na mahal niya daw si guy kahit medyo nung una nag aalangan siya kasi parang di niya daw kaya alagaan yung anak. Namatay na yung asawa nung guy at after 1 month simula nung nalaman na may cancer. Nag live-in na sila ni guy kasama yung daughter niya tumagal din silang 3 years at unti-unti na din natanggap ng both families, mabait naman din kasi tong friend ko at napamahal na din sakanya yung bata. Nagpropose si guy kay friend last year february, my friend said yes at ikakasal na sila ngayong april. Sana tumagal sila.

Mahirap talaga yan sis, kailangan siguro mahal niyo talaga isa't isa para alam niyo kung tama bang ipaglaban niyo kung ano man meron kayo. Pero ikaw kung kaya mo pang iwasan, maghanap ka nalang din ng single.
Goodluck! :)

heartfortress

  • Guest
Re: In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.
« Reply #8 on: April 06, 2015, 04:23:12 pm »
Hi TS. mahirap nga pag nafall ka na sa guy kasi kahit na alam mo na consequences pag tinuloy mo yan, makakahanap at makakahanap ka ng rason para magstay sa  kung ano meron kayo ni guy. Sis wag mo na antayin na maranasan ang mga experiences na napost above bago mo marealize kung gano kahirap ang mapasok sa ganyang sitwasyon. Di ko naman sinasabi na lahat ng nasa ganyang sitwasyon e wala ng happy ending, but marami kasi ang nahihirapan pag andun na sila at pwedeng mainclude ka dun. yung bestfriend ko nagkaron din ng bf na may anak at dahil sa anak syempre may communication pa din kay guy si ex-gf. Continue pa din si bestfriend kahit alam nyang ganun. Pero di nagtagal kumalas na si bfriend kasi di nya kinaya yung sitwasyon pero mas may issue sya dun sa ex-gf kesa sa bata. Sure ka ba na wala na talagang something between guy and his ex? Isipin mo din long term sis syempre need nya sustentuhan yang 2 kids, hindi malabong maging issue yan in the future. Kung itutuloy mo yan sis sana makayanan mo, tandaan mo walang nauunang pagsisisi. At katulad ng advises ng ibang sis dito, find a single man at hindi kumplikado  lalo na dalaga ka naman.

ajang

  • Guest
Re: In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.
« Reply #9 on: April 22, 2015, 10:38:02 pm »
yes super duper hirap. di lang bata ang kailangan mo tanggapin. kelangan mo rin isipin ang consequences, negative or positive man dapat advance thinker ka when it comes to this relationship.

ask ko lang, 1.) magkasama ba sila ng mom ng kids? meron kasing unmarried but living together eh.  2.) nasan yung mga bata? 3.) nasan ang nanay ng mga bata? 4.) kaya ba ng konsensya mo na agawan ng time, attention at love ang mga bata from their dad?

fionnah325

  • Guest
Re: In Love with an unmarried guy who has two kids- 2yo and 5yo.
« Reply #10 on: May 11, 2015, 12:41:40 pm »
partner ko may anak din eh 10 years old...iwan ko ba if magwork out kami may anak din kami

 

Latest Stories

Load More Stories
Close