Author Topic: Hubby panay walk out kada away  (Read 3252 times)

Cat Meaw

  • Guest
Hubby panay walk out kada away
« on: March 05, 2015, 02:47:40 am »
Hi mga sis, I'm an old timer gtalk, need to create another name for my problem.

6 years bf/gf 2 years kasal. I really assert myself na wag na muna kami mag baby since ang dami pang dapat unahin. Which is pumayag naman siya. Nakatira kami sa parents ko, masyadong malayo ang bahay nila plus walang privacy doon, kurtina lang ang harang ng mga rooms which hindi ako sanay and mas magastos naman kung doon kami.

1. Financial Issues - Umabot na sa halos 200k ang utang sa credit card. Gusto ko ma bawasan iyon this year target mga 50k para puwede na kami mag baby. Iyon kasi ang condition ko sa kaniya, honestly wala kaming savings baon pa sa utang, nakaka bayad naman monthly pero malaki pa rin in the end. Nasira ang phone niya and gusto niyang kapalit eh nasa 25k ang halaga, hindi ako pumayag kaya nagalit siya at nagwala.

2. Ilang beses na ako nasaktan, nabugbog sa mismong kwarto ko sa bahay ng parents ko. Kahit naman alam kong talo ako lumalaban ako, hindi ako basta magpapa gulpi na lang. Afterwards, umiiyak siya kesyo hindi niya gusto nangyari etc. Kaya ang systema niya kapag sobrang hindi kami magka sundo umaalis na lang siya ng bahay. Noong una umiiyak pa ako kada alis niya. Lately wala na, minsan masaya ako kasi tahimik ang mundo ko.

3. Baon na kami sa utang, isang text lang na kailangan ng pera ayun taranta na siya para magpa hiram sa IL's. Bad trip lang ako kasi 2 years mahigit na akong walang work. Nag aapply na ako, kasi ayoko na maging dependent sa kaniya. Kada layas niya wala namang iniiwan rin sa akin. Kung hindi ako mag text hindi siya pupunta / babalik dito.

4. Kanina pinag awayan namin ang number 1, kesyo stress na daw siya masyado hindi ko daw siya iniintindi. Payag ako bumili siya ng phone pero until 10k ang budget ayaw niya kasi kumikita naman daw siya bakit ko daw siya ni rerendahan etc. Pinaliwanag ko na sa kaniya ang side ko.

5. Pagod na ako sa sitwasyon namin, kada may problema nilalayasan ako. Niligpit ko na ang gamit niya, tinawagan ko na rin kung hindi niya kukunin hanggang bukas susunugin ko na lahat ng gamit niya.

I really need someone to talk to right now

babyboo.0326

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #1 on: March 05, 2015, 03:17:19 am »
hi, sis, i'm so sorry for what you're having to go through. buti nalang at napansin ko yung post mo. have you thought it through na ba talaga? minsan kasi may times na nakakapag-decide na tayo dahil masakit na sa damdamin natin at pagod na pagod na rin tayo, pero after a while hindi pa rin natin kaya pala. and then nagiging cycle, gusto makipaghiwalay, then hindi nanaman. ganyan din ako.

ang hindi ko lang matanggap talaga is yung masasaktan ako physically. naranasan ko yan sa ex ko, though hindi naman ako nakipaghiwalay sa kanya agad, but yun ata yung nag-ipon sa akin hanggang sa umabot na ako sa point na hindi na ako nagdalawang isip na iwanan ko siya kahit may anak kami.

i don't know what to say, but *hugs*

miiilovestravis

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #2 on: March 05, 2015, 04:26:27 am »
Hi sis. Mahirap talaga pag pera ang issue. Kami naman wala kaming credit card. Nagkakautang kami, pero nababayaran naman at pinaguusapan naman maigi ang mga consequences. Pasalamat lang siguro ako at hindi maluho ang asawa ko. Tsaka matipid sya. Ako naman ay sa pagkain magastos.

Pag ganyan sis pag umalis sya hayaan mo. Sana makahanap ka ng work. Porket sya ngtatrabaho e gaganyan ganyanin ka niya. Tska pinayagan mo na nga sya bumili ng phone gusto nya pa tig 25k?! Internet / Call and text lang din naman gagawin nya! Sa credit card sis limitahan mo ang gamit para makapag save din kayo. Mahirap kasi na kung kelan late na ang lahat doon lang magsisimula magsave. Buti at wala pang baby kasi madaming needs ang baby eh. Kami ngayon tinitiis namin kung anong meron kami sa ngayon basta may ipon kami at naibibigay namin gusto ni baby yung luho namin once in a year lang or twice. 13th month at pag birthday.

Sa IL's naman hindi masama tumulong o magbigay ng pera pero sa abot kaya lang.

Tska sobra sya ha?! Nasa inyo sya nakatira mananakit pa sya? at hindi ka dapat sinasaktan. Paano kung may mangyaring hindi maganda sayo iiyak na lang ba sya at sasabihin na hindi nya alam nangyare? Sorry sis naiinis ako kay hubby mo   >:( Maling mali kasi.

donzski_doinks

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #3 on: March 05, 2015, 07:42:30 am »
Sis, ask ko lang, sabi mo nakatira kayo sa bahay ng parents mo. kasama nyo ba doon ang parents mo or mga kapatid? naisip ko lang kasi, ang lakas naman ng loob nya na saktan ka physically dun sa mismong bahay ng parents mo. at hindi ba narinig ng mga kasama nyo sa bahay ang ginawa niya sa iyo?

alam mo sis, para sa akin, walang dahilan na pwedeng makapag-justify sa pananakit ng lalaki sa babae. I mean, kung ako pagbuhatan ng kamay ng asawa ko, kahit sampal lang, I won't forgive him. kesyo di sinasadya, di gustong gawin. thats BS! in my own opinion, kapag sinaktan ng lalaki ang babae, wala syang respeto sa babaeng yon. love without respect is not love at all.

and isa pang napansin ko by reading your problem, hubby mo is so self-centered. mas priority nya yung wants nya kesa sa needs nyo bilang mag-asawa. alam naman nya na madami na kayo utang and yet luho pa din ang iniisip nya. dahil siya ang nagtatrabaho ganun? sa amin ni hubby, dalawa kaming nagwowork pero mas mataas ang sahod nya sa akin. mababa lang sahod ko bilang private school teacher and kadalasan di pa nabibigay so totally dependent ako sa sahod ni hubby. lahat binibigay nya sa akin. kapag sinabi ko sa kanyang kulang na kami sa budget kapag may gusto siyang bilhin (e.g. accessory para sa motorsiklo) hindi siya namimilit. sasabihin nya next time nalang pag may pera na. i am not comparing your husband with mine. no, because no two husbands are alike. ang sa akin lang, your husband should know his priorities. kung kelangan nya ng CP, bakit kelangan 25k pa? sa 5k may mabibili ka nang maganda... galante ka pa dahil payag ka sa 10k worth na CP. aanhin mo ang magagandang gamit kung mababaon ka naman sa utang di ba?

and lastly, tama si sis  miiilovestravis. pag lumayas, hayaan mo siya. wala naman ata kayong baby so wala kang iintindihin. mas gusto mo ba magtiis sa asawa mong hindi marunong kumapa sa hirap na pinagdadaanan nyo and puro luho lang ang iniisip?

think, think, think and think more sis.

God bless you.

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #4 on: March 05, 2015, 09:19:42 am »

alam mo sis, para sa akin, walang dahilan na pwedeng makapag-justify sa pananakit ng lalaki sa babae. I mean, kung ako pagbuhatan ng kamay ng asawa ko, kahit sampal lang, I won't forgive him. kesyo di sinasadya, di gustong gawin. thats BS! in my own opinion, kapag sinaktan ng lalaki ang babae, wala syang respeto sa babaeng yon. love without respect is not love at all.


I agree on this.

erza0916

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #5 on: March 05, 2015, 01:11:11 pm »
Ang tigas ng muka nyang saktan ka sa sarili mong bahay. Kung mag walk out sya sa away nyo, fine! Good riddance! Kaya nya siguro ginagawa yun para hindi ka narin nya mapagbuhatan ng kamay. May mga tao siguro talagang hindi mapigilan ang makapanakit lalo na pag galit. Hayaan mo sya umalis.

 May gana pa talagang maging choosy sa phone ah. Beggars can't be choosers. Kung ibayad nya sa utang yung 25k na yun edi gumaang pa loob nyo. Aanhin ba nya yung cp na yun? Ako nga gamit kong cp dito sa US tig $200 lang same lang din naman. may facebook, youtube, google at Girltalk din naman.haha pinaka ayaw ko talaga ang utang. Pinalaki ako ng lola ko na galit dun, kaya hanggang ngayon wala akong utang ni credit card wala, asawa ko wala ngang cc pero may utang sa kamag anak, pero sya yun at sya naman nagbabayad. Kung ako sa inyo ipriotize nyong mabayaran ng buo yung utang nyo wag na kayong magtira, tapos gupitin nyo na yung card nyo kung pera lang din naman madalas nyo pag awayan.. wag bumili ng isang bagay kung hindi naman afford at walang pambili.. sana makahanap ka na ng work para mabusy ka at hindi mo na msyadong mapansin yang asawa mo.. good luck!

glamorosa_09

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #6 on: March 05, 2015, 04:52:10 pm »
Parang, wala pa yatang 1 week, 3 abused stories na ang nandito sa GT.

Sis, yung sinabi mong ilang beses ka nang nagulpi ng husband mo, isang malaking red flag na iyon eh. Hindi na kailangan ng iba pang kasunod.

Kung may mentality sya ng abusiveness, wala talaga kayong ma-sosolve na conflict. Style nya, nilalayasan ka kada may problema. There will never be no right timing and no right way to broach a marriage problem with them.

It's just a cycle, nakakapagod talaga yan. Maloloka ka na lang kakaisip pano ma-improve relationship niyo, or pano maresolba ang bawat problema na lumitaw.

Maybe you could try reading something about sociopathic husband and narcissistic husband, since nananakit sya at ubod ng selfish, baka sakaling may madiscover ka. Not to diagnose but more on self-help and increase your awareness. Kung gusto mo lang.
« Last Edit: March 05, 2015, 05:08:45 pm by glamorosa_09 »

Cat Meaw

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #7 on: March 06, 2015, 08:23:13 pm »
finally, puwede na ako mag reply sa post ko.

Aside sa parents ko, kasama ko rin mga kapatid ko, during those times hindi ko alam kung naririnig ba nila, hindi naman sila mangenge-alam eh.

For experience daw kaya gusto niya ng phones na high tech. Nasa I.T. industry siya eh. Kaya siya ngayon nag lalayas kada away para hindi na maulit iyong mga incidents na nagkaka sakitan kami. Which is wala ring na so-solve kasi kung hindi ako unang mag ti-text sa kaniya hindi siya pupunta, walang kusa. Kaya napapagod na rin ako sa ganitong cycle.

Hindi na naman ginagamit ang credit card niya mula Dec. 2014 until now. Ako rin hindi pinalaki sa utang, pero ang cycle ng pamilya nila eh ganyan, kapag nagigipit utang - bayad - utang. Wala sa bokabularyo nila ang salitang SAVINGS. Take note kahit walang-wala na kami eh basta nag text ang kabilang bahay hala eto umiikot na ang puwet kesyo siya lang ang maasahan. May kapatid siyang dalawang babae, mga dalaga pa may work rin sinasabi ko nga na dapat iyong dalawa na ang gumawa ng paraan at hindi siya.

Galit na galit sa pera kailangang maubos ang laman ng atm bago mag suweldo. May konti pa natitira mga 5k sa atm niya, noong monday nag-aya lumabas umayaw ako. Tapos noong Wednesday nag-aya ulit umayaw ulit ako, ayun "hindi na ako masaya" litanya hanggang sa kung saan umabot ang diskusyon namin.

aquacharly

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #8 on: March 07, 2015, 12:34:15 am »
CAT MEAW,  the major reason for all your relationship problems is your husband's lack of financial discipline.  Even if he earns much much much more, if he does not control his propensity to spend on his caprichos & gives to his family beyond his means --  ganyan pa rin script nyo.

Sure, he can change but it will be very hard kasi adult na yan. He is what he is, ganon nakagisnan at naka sanayan sabi mo nga.   
The more you try to control him and instill financial discipline -- the more he resents and fights you.
So, mas achievable to work on you yourself.

Work, work hard, harder.
You control your money's use.  You will be able to save, and make constructive plans -- as long as you do not let him get hold of your money. 
If you have financial independence, mababawasan issues nyo kasi you both get what you want:  you get to save & feel financially secure; sya, he gets to waldas,  financially rescue his family, & feel he gets to buy whatever he wants as his reward to himself for working.
If you can deliver on that:  What's mine is mine; what's yours is yours --  konti lang away nyo, no need for bugbugan breaks. 

So, ACCEPT  that you are the financially mature one, he is the financially immature one.
If you can't live on that on that inequality --   hiwalayan mo na.   







quinone

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #9 on: March 07, 2015, 12:55:43 am »
napagusapan ninyo ba kung paano kayo magbudget at paano ninyo babayaran pakonti-konti yung creditcard? wala ba kayong napagkasunduang amount lang na pwede ninyo i-abot sa parents niya/napagkasunduang amount for savings naman?

minsan kahit na baon tayo sa utang siguro magandang maglagay tayo ng konting budget for unwinding, kasi nakakasama ng loob talaga minsan kapag puro trabaho lang at walang pahinga.

Cat Meaw

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #10 on: March 07, 2015, 05:11:21 am »
Thank you so much sis Aquacharly, your inputs are highly noted. Naramdaman ko na may pag-asa pa.

Sis Quinone, hindi naman kami nag miss ng monthly dues, kaso natatagalan na ako, 2013 ayos pa, na double noong 2014. Kaya na pa praning na ako this year. I already suggest kanina mag usap kami regarding this financial issue. Savings talaga waley, sinabi niya sa akin tulungan ko siya mag control ng pera. Kapag sumosobra nagagalit kesyo ni rerendahan haha saan ako pupulutin. Lumalabas kami sis nasanay yata siya noong may work ako na araw-araw kami nasa gala. :(

I think the best way for us to get out of the credit card is to apply for a personal loan sa banks, nasa 1.20% ang interest rate per month compared sa 3.25% ng credit card. Then auto deduct na rin sa payroll atm niya.

Thank you so much mga sis dito sa GT. Kapag marital problems hindi ako nag oopen sa mga friends ko kasi I felt na bine betray ko si hubby sa mga kilala niya. Nakaka gaan talaga ng loob

cutemama

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #11 on: March 07, 2015, 06:16:17 am »
^ I think dapat sis maghanap ka na rin siguro ng work habang wala pa kayong baby..para matulungan mo din siya mag save and makabayad sa mga utang niyo..

Sana maSave niyo yung relationship niyo kasi pera lang yan.. hindi dapat talaga pinag aawayan ang pera sa mag asawa.. pero yun nga lang hindi mo rin maiiwasan talaga lalo na pag gipit kayo..
Pero nabanggit mo pala na binubugbog ka ano?? Kung sinasaktan ka niya physically it means wala siyang respect sayo..  nung mag bf gf ba kayo sinasaktan ka na rin niya??
Hirap ng situation mo sis, hindi nga siya nambabae pero sinasaktan ka naman..Buti na lang wala pa kayong baby.. Ngayon pa nga lang nag aaway na kayo sa pera, pano na kaya pag may baby na kayo.. believe me sis, magastos magkababy.. milk pa lang , diaper and vaccines.. kaya dapat paghandaan niyo yan.

quinone

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #12 on: March 07, 2015, 08:06:28 am »
Cat Meaw, can your hubby stick to a budget? merong thread dito about CC debt, baka nabasa mo na rin, ang dami nilang tips doon. mukhang kailangan nga na i-cut na yan either by loaning to pay it all off or restructure and stop the interest from accumulating.

i was thinking na baka budgeting issue lang? kung mapapahinto ninyo yung interest, baka mas maganda mag start saving, kahit maliit lang. parang practice for your husband na rin, to discipline himself na huwag galawin yung pera because it is for "savings"

baka makatulong kung may long-term plans kayo para it doesn't feel as hopeless? kasi kapag nagiintay kang matapos yung bayarin pero walang end date in sight ... medyo mahirap yun.

as i've said, set some money for going out din. halimbawa, you can set 4K per month, meaning 1K per week; huwag ubusin yung 4K sa isang labasan lang. moderation lang talaga sa paggamit ng money. i don't know, baka you have tried this diskarte before? can your husband do that? may black and white ba kayo na budget sa bahay?

glamorosa_09

  • Guest
Re: Hubby panay walk out kada away
« Reply #13 on: March 07, 2015, 12:08:28 pm »
I see, so based on your previous reply, to put it in another way, milder coping form na ang paglalayas nya kada may problema, rather than gulpihin or bugbugin ka nya. Kung baga, ang lagay, ay parang nag-improve na compared sa previous.

And based from the trending replies, financial issue ang problem, not the dysfunctional coping of your husband like pangggugulpi, paglalayas, pagwawala pag di makuha ang gusto.

Anyways, you seem like to really want this relationship to work out.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close