watch now

Author Topic: Childhood Maling Akala  (Read 81832 times)

Nhetskii

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #260 on: September 24, 2013, 01:51:12 pm »

* pampatalino ang langgam - kasi yung lola ko pag iinom ako at may langgam na nakalutang, at ayaw kong inumin, sasabihin nya... hayaan mo lang.. pampatalino yan.. hahaha

* kapag di ka naghapunan, sa gabi babangon kaluluwa mo at maghahalungkat sa kaldero, tapos baka matrap yung kaluluwa mo sa kaldero, di na sya makakabalik sa katawan mo.

*  pag may ginagawang tulay wag pakalat kalat sa labas ng bahay kasi kinikidnap mga bata, dahil yung dugo daw ng bata ang pinanghahalo sa semento.

* wag mong lulunukin buto ng santol kasi baka tumubo sa loob ng tiyan mo.

*  yung nabungi na teeth, ihahagis sa bubong tapos sasabihin "daga daga eto ang ngipin kong bulok palitan mo ng bago!

*  kapag ang aso pinakain mo ng lutong aso, magiging aswang sya.

*  huwag matutulog ng basa ang buhok kasi masisiraan ka ng ulo...

*  tumalon pag bagong taon para tumangkad ka

---- Hayst ngayon ko lang napansin... uto uto pala ako ng bata ako. hahaha!  ;D ;D ;D

biggal

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #261 on: October 27, 2013, 03:08:20 pm »
Pag natapos ka ng pag aaral..yayaman ka agad....hahahaha....need mo rin ng trabaho

SamanthaC

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #262 on: October 27, 2013, 04:05:17 pm »
mom: "kapag nadapa ka dyan masusugatan ka! lalabas yung tren sa sugat mo!

so one time nagalusan ako then waited for that train.

miss_isla

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #263 on: October 29, 2013, 01:35:44 pm »
i thought HUWES was WEST

so pag sinabi sakin na sa HUWES and kasal, inisip ko "bakit kaya hindi sa EAST"? hahaha

luckymommy88

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #264 on: November 09, 2013, 11:19:27 pm »
^hahaha

akala ko may kapangyarihan ako kasi sinusundan ako ng buwan kahit san ako magpunta

robin.scherbatsky

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #265 on: April 10, 2014, 02:46:06 pm »
-Kapag may natanggal na ngipin sakin, pinapahagis sa kin sa bubong ng bahay namin. I forget why, pero para tumubo siguro yung kapalit?
-Hindi daw tatangkad pag hindi nag nap sa tanghali
-Pag nagka wounds on Good Friday, hindi na sya gagaling
-Pag kumain ng butil ng bigas or nakalunok ng seed ng fruit, tutubo daw yun sa tummy

sugardrop

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #266 on: April 11, 2014, 01:21:10 pm »
* pampatalino ang langgam - kasi yung lola ko pag iinom ako at may langgam na nakalutang, at ayaw kong inumin, sasabihin nya... hayaan mo lang.. pampatalino yan.. hahaha

* wag mong lulunukin buto ng santol kasi baka tumubo sa loob ng tiyan mo.

*  yung nabungi na teeth, ihahagis sa bubong tapos sasabihin "daga daga eto ang ngipin kong bulok palitan mo ng bago!

*  huwag matutulog ng basa ang buhok kasi masisiraan ka ng ulo...

*  tumalon pag bagong taon para tumangkad ka

---- Hayst ngayon ko lang napansin... uto uto pala ako ng bata ako. hahaha!  ;D ;D ;D

These. Uto uto din ako. Haha! ;D

sugardrop

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #267 on: April 11, 2014, 01:22:26 pm »
Plus pag daw holy week and naligo ka at 3pm na same time that Jesus died, magiging dugo daw yung water na pinapaligo mo. Ginagawa ko tuloy dati, hintayin kong mag-3:05 para maligo.

mommybunini

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #268 on: April 11, 2014, 02:09:28 pm »

akala ko kapag nag madre ako hindi ako magkakaroon ng monhtly period. LOL ;D

pandalicious

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #269 on: April 11, 2014, 02:20:11 pm »
^^ samin naman bawal na maligo after 3pm kasi patay na daw yung tubig

brendzy

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #270 on: April 17, 2014, 07:04:20 pm »
- na kapag nasugatan ka lalabas ang kanin
- wag matulog ng basa ang buhok kasi mababaliw ka
- wag kumanta sa harap ng kalan or habang nagluluto, you will end up with an old man
- kapag nakakita ng itim na itago sa bulsa para magkapera ka
- wag masusugatan kapag Holy Week or else hindi na maghihilom

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #271 on: August 01, 2014, 07:31:22 pm »
nun buntis ang mom ko sa bunso namin, mahilig sya mag bake. pag tinatanong ko sya kung san galing ang baby, sabi nya sa oven, binebake daw hehe. kaya pag magbabake sya parati ko tinitingnan oven.. tas paglabas cake lang naman, i would always get disappointed hehe kasi kala ko baby na lalabas, tas tatawa lang mga tao sa bahay.

akala ko ang langgam vitamins. kasi naman yun nanay ko pag tinatamad sya alisin yun mga langgam sa  gatas ko sasabihin nya "ok lang yan, masustansya ang langgam" hehe..

isa din ako sa paniwalang paniwala dati na kapag may sugat ako at mala tocino sa laki haha, lalabas daw ang kanin haha

akala ko ang moon is made of cheese..dahil kay mighty mouse haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close