Author Topic: name ni ex biglang ng namention ni mr  (Read 2532 times)

simple_G

  • Guest
name ni ex biglang ng namention ni mr
« on: February 11, 2014, 06:00:12 am »

please tell me kung mamon ako pag nag tampo or na hurt sa scenario na to. Kung kayo nasa lugar ko ano gagawin nyo:

nag long distance call si mr sa dad nya. kwentuhan sila kelan kami uwi sa pinas. sabi nya sa  2015 kasama nanay ni  <ex name>. Pero he meant to say nanay ko ( nanay ng mrs nya). 

Lagi nya siguro iniisip si ex lately kaya nag pop out sa bibig nya yun. ndi napigilan. out of the abundance of the heart the mouth speaks.

haaaaaayyyyy....

rain163

  • Guest
Re: name ni ex biglang ng namention ni mr
« Reply #1 on: February 11, 2014, 06:40:35 am »
^mmm...Madalas ba mangyari yan?

justin3

  • Guest
Re: name ni ex biglang ng namention ni mr
« Reply #2 on: February 11, 2014, 09:22:23 am »
sya rin ba yung "mas masarap" na ex na tinutukoy mo dito?
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,254981.msg6807373.html#msg6807373

aba, namumuro na yang esposo mo ah, may tawagin kang "mukha ka naman katulong".

aping-api ka na!
dapat itigil na ang karahasan sa kababaihan!
umaklas laban sa mapang-aping asawa!
labanan ang rehimen ng mga diktador na esposo!
isulong ang karapatan ng mga kababaihan!
maki-isa sa sambayanan!
makibaka! wag matakot! ;D

ang tagal nyo naging LDR di ba? dati saKA-NA-DAw lang, ngayon nandyan na kayo pareho di ba?
tapos ngayong magkasama na kayo... mukhang di ata kayo nag-uusap bilang mag-asawa ah.
ano ba ginagawa nyo pag kayong dalawa lang?
napaka-importante ng "komunikasyon" sa lahat ng relasyon eh. que bisnis relation yan o titser-estyoodent relation.
lalo na sa relasyong mag-asawa... at hanggang maging magulang na kayo nang sa gayon, hindi mapariwara ang mga anak nyo.  ;)

mag-usap nga kayo.

balik ka dito pag alam mo na ang grado nya nun sa highschool  Physics at kung ano complete name ng titser-adviser nya nung Grade 1 sya. ;D

simple_G

  • Guest
Re: name ni ex biglang ng namention ni mr
« Reply #3 on: February 11, 2014, 10:48:35 am »
Ms rain163 ndi naman madalas mangyari.

Ms justin3 oo sya rin yun. Tamang tama lahat ng sinabi mo. And awang awa na nga ko
Sa sarili ko kasi lagi na lang ganun. Ayaw pa ko
Kausapin ng maayos.

Hayyyy naku. Di ko na alam gagawin ko

Girltalker2

  • Guest
Re: name ni ex biglang ng namention ni mr
« Reply #4 on: February 11, 2014, 11:39:40 am »

sis simple_G, I always believe you have to know your spouse ALL THE TIME.  So parang ngayon hindi mo pa sya masyadong kilala, or parang somewhere along the line, medyo hindi mo na sya nakilala at nagbabago naman kasi time through time. 

Maybe ang issue mo is talagang how to make your communication with him more effective. You need to get to know him paano mo mahanap ang right timing, paano mo sya mapa relax at maging open minded sa sasabihin mo, etc. 

Anyway for now, kapag di naman madalas mangyari iyan, palampasin mo na. Basta huwag mangyayari sa kama, sige lang.

Focus on your relationship for now, observe ka muna how to get to know him more and how to make him interested in you again, or at least sustain his interest in you.  Do not always wallow in one corner at magmukmuk. Minsan you have to look at it overall, hindi lang kung anong nararamdaman mo.  Sometimes you have to look deeper, BAKIT mo nararamdaman iyan nararamdaman mo ngayon and what you can do about it (hindi sya, kundi ikaw) in order not to feel that way.




simple_G

  • Guest
Re: name ni ex biglang ng namention ni mr
« Reply #5 on: February 11, 2014, 07:15:34 pm »
Thanks ms. Girltalker2.

I need to find ways na mag oopen up sya
Sa kin and ways to do your advice.

alex.g

  • Guest
Re: name ni ex biglang ng namention ni mr
« Reply #6 on: February 22, 2014, 09:02:44 am »
hi sis.. this happened to me, ako naman ang nakapagmention ng name ni ex. I was with bf(now ex) in a supermarket tapos nakasalubong namin yung aunt ko. I introduced bf using ex bf's name. I wasnt aware na name ni ex bf ang nasabi ko. Yung aunt ko knows ex bf, so sabi "ah (ex bfs name) din?" Tapos I corrected myself.. Pagtingin ko kay bf, namumula siya sa galit! Halos kaladkarin ako palabas ng supermarket. Isang malaking issue talaga,pero honestly, I wasnt even thinking of ex bf. I dont know kung bakit ko siya nabanggit. Pero Im sure kung sa akin nangyari, and ibang name and nasabi niya, break siguro agad.  :) Im just saying na it could happen na di naman talaga sinasadya, pero kung paulit ulit na, iba na yon.


X_03

  • Guest
Re: name ni ex biglang ng namention ni mr
« Reply #7 on: February 26, 2014, 02:11:21 pm »
minsan may mga bagay tayong super tinatago or gustong gusto ibaon sa limot or "hindi" iniisip at binabaon sa unconscious level natin na lumalabas lang sa panaginip o sa pagsasalita nang hindi mo sinasadya (nadulas lang).

 

Latest Stories

Load More Stories
Close