We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Parang lately, may bumubulong sa puso kong magbalik-loob sa pagiging Katoliko. Yung kapatid ko sinabihan ako na Ate,ibalik mo na kasi yung altar jan sa bahay nyo. Iba pa rin ang tahanang merong altar para sa Panginoon. Parang gusto kong humingi ng tulong at dasal uli kay St. Jude..
Hello...I will try to tell my story as simple as possible. I hope someone could shed a light because to tell you honestly, I'm very confused with my faith right now.I was raised as a Catholic until naging Born Again Christian ako year 2010. So syempre I stopped going to Catholic churches, stopped praying novenas to saints, totally stopped believing that saints could do intercession for us just because we only need Jesus Christ. I immersed myself with Bible teachings, bible study group, etc.Can I be honest with you all about my feelings and struggles? Kasi sa totoo lang, I felt na mas malapit ang kalooban ko kay Lord noong Catholic pa ako kesa etong Born again ako. Andami kong pinagdaanang pagsubok noong Catholic pa ako but through novena and intercessory prayers, gumagaan pakiramdam ko kahit na hindi naman lahat answered prayer. I mean we cannot get all what we wanted right? Pero kahit gaano kabigat yung pagsubok, nararamdaman ko presence ni Lord sa buhay ko. Ngunit etong Born Again ako, parehas din nakakaranas ako ng pagsubok pero sa totoo lang mas dumoble ang bigat ng pagsubok. Kahit ihingi ko ng dasal sa mga ka churchmate, kahit sa Bible Scripture.. Nararamdaman kong mas mabigat na nga sa kalooban, mas lalong diko nararamdaman presence ng Diyos. To make the matters worse, nagi guilty akong di ko maintindihan. Naaalala ko yung mga panahong nag novena ako kay St. Jude na pagalingin nya ako at nagkaroon ng himala sa kalusugan ko noon. Andami kong pinanalangin na may sagot, meron ding wala pero alam ko sa puso ko na nakikinig sya..Ngayong Born again ako, nagkaroon ako ng anak na Autistic. Maraming beses ko pinag fasting at pinagdasal araw araw na kahit alam kong walang gamot ang Autism, sana man lang matulungan kami ng Diyos sa ibang aspeto gaya ng maging malusog na lang sana at walang sakit yung anak namin. Nakakalungkot lang na the more kong pinagdadasal ang mabuting kalusugan sa anak ko, mas lalo syang dinadapuan ng sakit. Mas lalo syang nahihirapan unti unti.. At sa kabila pa ng kalagayan namin, mas patong-patong na problema pa ang nagpapahirap sa amin gaya ng pinansyal. Hindi namin matustusan ang therapy nya.Nung Katoliko pa ako, hindi naman sa wala kaming problema sa pinansyal pero yung provision kahit paano meron. Ngayon said na said kami ilang taon na. Hindi pa kami nakaka bangon, me problema na naman.Parang lately, may bumubulong sa puso kong magbalik-loob sa pagiging Katoliko. Yung kapatid ko sinabihan ako na Ate,ibalik mo na kasi yung altar jan sa bahay nyo. Iba pa rin ang tahanang merong altar para sa Panginoon. Parang gusto kong humingi ng tulong at dasal uli kay St. Jude..Sana may makapag bigay ng payo sa akin dito Thank you so much..