watch now

Author Topic: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.  (Read 4125 times)

theshopaholicprincess

  • Guest
Hi sisses need your opinion on this...

My family and I used to be close to one another last year lang kami sobrang nagkaroon ng rift. I got married last year and was expecting a baby. It all started out during my pregnancy. Me and my husband decided that since we are still waiting for our house to be finished and still saving up for our baby, dun muna kami tumira sa bahay ng parents ko. Before my dad went to abroad sya ang nagsabi samin ni hubby na sa bahay muna tumira since ang nasa bahay lang eh mom at sister ko. At first ok naman.

Eto na, nung buntis ako my mom keeps bugging me about my sister kasi sobrang obsessed sa ka-relationship nya na tipong ako ang na-sstress sa mga worries nya. That time wala na naman work sister ko at mega asa na naman sa parents ko. She already graduated from college two years ago at wala pa rin maayos na work. Mas matagal na bum. So para makatulong, I offered to pay half of her tuition fee sa training school. Ok naman pero nakakainis wala pa rin drive maghanap ng maayos na work.

Then nung buntis din ako me and my husband always sleep late during weekends dahil pareho kami pagod sa work pero we did our share of household chores and share expenses naman. One time my mom asked me na i-check yung niluluto nya. She sent it via text eh syempre tulog kami so hindi namin nabasa. After that hindi na kami pinansin at lagi kami iniiwasan. Eh nung time din na yun andun din yung sister ko at partner nya so pwede rin naman nya i-ask. Inis na inis ako kasi super minor fault lang pero halos di kami kibuin ng mom ko.

Then nung nanganak na ako my mom asked us na dun muna mag stay sa bahay kasi nga sya nag-volunteer na mag aalaga lalo na pag bumalik ako ng work. Ok naman kami sa bahay nag start lalo kami magkaroon ng gap ng kapatid ko kasi my mom used to complain na ang laki laki ng electric bill eh iilan lang kami sa bahay since we are sharing expenses, sinita ko sila ng partner nya na patayin naman yung mga appliances sa kwarto nila kasi sa sayang sa kuryente. Naasar sakin at nagkasagutan kami. Hindi kami nagpansinan the whole day then after that naman naglilinis ako ng CR when I noticed there was a used napkin na hindi tinapon. Sobrang iritang irita ako and sinita ko ulit kapatid ko at nagkasagutan kami ulit. What happened was my mom sided with my sister. So ilang araw kami di nagkikibuan sa bahay pati husband and baby ko di nila pinapansin. Lalo ako nagalit nung nabasa ko yung pakalat kalat na diary ng kapatid ko, dun nakalagay kung pano nya ako mura-murahin at kung ano na sinabi samin mag asawa. So dahil sa inis ko at stress sa panganganak nagalit na ako. My mom confronted me and di ko napigilan na nasagot ko sya. What made it worst dahil super awang awa husband ko sakin at inis na inis na rin sa kapatid ko pati sya na-confront mom ko. After that di na naman kami pinansin ng mom ko. Lalo rin ako nainis kasi yung asawa ko hindi pinapansin ng mom ko pero yung partner ng kapatid ko kulang na lang eh dun na patirahin samin at pinagsisilbihan pa. Nainis pa ako kasi nung birthday nung partner ng sister ko eh may cake pa na binigay  samantalang nag one month baby ko wala man lang kahit ano. I can afford naman to buy cake for my baby pero sana man lang malambing mom ko kasi first apo nya yung baby ko.

Dahil mag cchristmas noon, me and my husband decided to cool things off sa bahay nila kasi sa bahay ng husband ko super welcome na welcome kami ng mga in-laws ko. Nagpaalam ako sa dad ko na hihiramin ko yung kotse  at dun muna kami mag sstay sa in laws ko. After that nag decide na kami ng hubby ko na kumuha nalang ng separate place para iwas conflict sa bahay dahil di ko ma-take silent treatment ng nanay ko. Few days after christmas we went back to my parent's house to get some few things and things started to get ugly. Di kami pinapansin ng mom ko at kapatid ko. Plan sana namin ng hubby ko na kausapin mom ko para maayos yung problem bago mag new year. We even brought our baby kasi I was thinking na baka miss na ng mom ko. Ito na, yung sister ko biglang nagdabog at hindi nagustuhan ng hubby ko kasi nagbagsak sya ng pinto sa sala where my baby was sleeping. Kakatulog lang nung bata at ang hirap patulugin to think na andami namin kinukuhang gamit ng husband ko. Dahil sa inis ng hubby ko tinanong nya kapatid ko ano problem nya and dun sila nagkasagutan. Andami sinabi ng kapatid ko na kesyo kami daw cause ng highblood ng mom ko at sampid lang daw ang asawa ko sa bahay. Sa sobrang inis ko rin nagkasagutan kami ng kapatid ko at instead na konting gamit lang kukunin namin nauwi sa layas mode na hakutan ng gamit.

Up to this moment, I haven't had any communication with my mom and sis dahil sobra ako nasaktan sa ginawa nila. What I need to ask is may right ba ako na magalit sa mom at sister ko sa ginawa nila samin? Advise na rin if there's a way to patch things up with my mom nalang kasi parang ngayon I am not yet ready to forgive my sister kasi until now she and her partner eh nagpaparinig pa rin sa FB ng kung ano ano about samin ng husband ko. I just need your opinions and advise on what to do and how to deal with this.

Sorry napahaba pero I will appreciate your advise. Thanks in advance!

ceejhei

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #1 on: January 25, 2013, 01:07:06 pm »
hi sis, somewhat i can relate since may gap ang dad ko and husband ko. pero i am making things easier for both of them.

first, don't expect things na maayos kagad. palamig muna both parties, pero may attitude talaga yang kapatid mo. bakit kaya ganun treatment ng mom mo parang di yata pantay? and tama din yung decision mo to leave, since may sarili ka ng family bukod nalang kayo. yan ang di maganda kapag wala ka sa sariling house mo lalo na kapag may family ka ng sarili.

Naaawa nga ako sa side niyo ni hubby kasi buti sana kung di kayo naaasahan sa bahay at both wala kayong work eh like what you said tumutulong kayo sa expenses at chores. pero para pakitaan kayo ng masama dahil lang sa nilulutong di mo nabantayan iba naman yun.

palamig muna kayo ng situation, maglalambing din yang mom mo at di niya matitiis ang baby mo.

finagreen

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #2 on: January 25, 2013, 02:47:33 pm »
I know how you feel, sis. I have some issues with my family and siblings also...youngest ako sa family and since I got married, dami na mga nagbago sa samahan namin na magkakapatid...and it seems lahat ng ginagawa ko mali and my mother feels like siding on all my siblings...literally all against me. Just last week may incedent between me and my sister sa church...di ko nalang sinabi sa nanay ko di naman makikinig yun just like din yung nangyari nung nagpabinyag kami ng panganay ko... I was hoping na pagsabihan niya eh sinita pa niya ako...and yung incident na yun sa church, anniversary pa ng parents ko...I just cry silently until I broke down sa loob ng sasakyan...these all happens unfortunately dahil sa pera...buti nalang kamo at nakabukod na kami ng asawa ko before pa man kami nagkaaanak..to which yun pa ang kinaiinisan nila sa akin na parang wala na ako pakialam sa kanila...sorry at di ko na maelaborate pero we're on the same boat. siguro the best thing to do nalang is lumayo nalang din kayo ng hubby and baby mo...mahirap talaga yung magkasama kayo sa iisang bubong...one way or another magkaka conflict talaga kayo...kami nga napalayas before although pabiro lang pero it helps kasi may privacy kayo. Isipin niyo nalang baby niyo...kung ayaw pansinin yung baby mo...yaan mo na. hahanapin din nila yan for sure. Sis, sana maayos na problem mo...gaya din ng pinagdadaanan ko ngayon. Pray lang lagi  :-)

miei2dolcifigli

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #3 on: January 25, 2013, 07:43:56 pm »
Kami din ng mga sisters ko...ngayon na may asawa na ako, at nagka conflict sila, lumalabas akong anti-sa family...kung makapost sa FB ng pasaring, parang ang linis linis...na never ever nakaperwisyo sa mga magulang ko. kung makasumbat sa akin na six years ako nag college...samantalang..haaays...may mga importanteng bagay na nawala sa amin dahil sa ambisyon at kalokohan nila....I was expecting na sa sipag nila magbasa at antas ng talino nila eh may naretain sila sa mga libro na halos isang buong kuwarto na na occupy nun...pero wala...at nanay ko naman, pag may nasumbong ako na hinanakit about them...agad agad barado na ako. just like what happened two years ako sa binyag ng anak ko...kung makasita sa akin yung maldita kong kapatid...minsan gusto ko sila bastusin talaga...pero ayoko yung dumating yung panahon na gathered kayo together and ok kayo tapos magsusumbatan kayo ng mga nasabi or magso sorry sa isa't isa...awkward yun. distansya nalang siguro sa mga ma attitude na sisterettes. mauuntog din mga yan...sana!!!

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #4 on: January 28, 2013, 12:51:50 pm »
@ceejhei, sis nakita ko nga rin yung posts mo about what happened to your dad and husband. Tama ka nga na kelangan talaga namin bumukod. Sabi ko nga one time sa mom ko I never had any problems with my husband kasi inaalagaan naman talaga nya ako simula nung naging kami, nabuntis ako at nanganak, we never had any problems on our relationship as husband and wife pero masisira lang dahil sa family ko.

Hindi ganyan ang sister ko. We used to be close when we were younger. She even get to enjoy the perks I am giving her since I am working. Hindi ako nagbibilang ng binigay sa kanya pero super sumama loob ko sa mga sinabi nya. Naging palasagot at matabil yung bibig nya nung naging sila nung new partner nya. Yung ex nya kasi iniwan sya and from that day super takot iwanan ng partner.

Dun ako nagtatampo sa mom ko kasi she favors yung ka-partner ng kapatid ko compared to me and my baby. My dad doesn't have any idea na we are not in good terms sa bahay kasi nasa abroad sya. Almost a month na rin kami hindi nagpapakita sa bahay. Naiinis pa rin kasi ako ngayon pag naalala ko yung mga away namin last year.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #5 on: January 28, 2013, 12:57:42 pm »
I know how you feel, sis. I have some issues with my family and siblings also...youngest ako sa family and since I got married, dami na mga nagbago sa samahan namin na magkakapatid...and it seems lahat ng ginagawa ko mali and my mother feels like siding on all my siblings...literally all against me. Just last week may incedent between me and my sister sa church...di ko nalang sinabi sa nanay ko di naman makikinig yun just like din yung nangyari nung nagpabinyag kami ng panganay ko... I was hoping na pagsabihan niya eh sinita pa niya ako...and yung incident na yun sa church, anniversary pa ng parents ko...I just cry silently until I broke down sa loob ng sasakyan...these all happens unfortunately dahil sa pera...buti nalang kamo at nakabukod na kami ng asawa ko before pa man kami nagkaaanak..to which yun pa ang kinaiinisan nila sa akin na parang wala na ako pakialam sa kanila...sorry at di ko na maelaborate pero we're on the same boat. siguro the best thing to do nalang is lumayo nalang din kayo ng hubby and baby mo...mahirap talaga yung magkasama kayo sa iisang bubong...one way or another magkaka conflict talaga kayo...kami nga napalayas before although pabiro lang pero it helps kasi may privacy kayo. Isipin niyo nalang baby niyo...kung ayaw pansinin yung baby mo...yaan mo na. hahanapin din nila yan for sure. Sis, sana maayos na problem mo...gaya din ng pinagdadaanan ko ngayon. Pray lang lagi  :-)

thanks sis. Ewan ko ba pansin ko lang din minsan maayos naman pagsasama ng mag asawa pero nasisira minsan dahil sa relatives. Dito kasi satin sa pinas ang mind set kahit may asawa ka na parang may obligation ka pa rin na magbigay sa family mo kahit may sarili ka nang family. Its ok naman to give pero sana wag na rin sila mag expect na ibibigay mo lahat.

Ganyan nga ginagawa ko ngayon sis, since bumukod na kami mas naging mas ok kami ng hubby ko. We focused on our baby. I have no plans of seeing my mom or even bringing my baby to our house. Sila yung lumapit samin. I don't care if they don't see my kid kasi ang iniisip ko yung mga taong talagang nagmamahal sa anak ko will find ways to see him.

Sana nga maayos natin mga pinagdadaanan natin sis. :)

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #6 on: January 28, 2013, 01:00:29 pm »
Kami din ng mga sisters ko...ngayon na may asawa na ako, at nagka conflict sila, lumalabas akong anti-sa family...kung makapost sa FB ng pasaring, parang ang linis linis...na never ever nakaperwisyo sa mga magulang ko. kung makasumbat sa akin na six years ako nag college...samantalang..haaays...may mga importanteng bagay na nawala sa amin dahil sa ambisyon at kalokohan nila....I was expecting na sa sipag nila magbasa at antas ng talino nila eh may naretain sila sa mga libro na halos isang buong kuwarto na na occupy nun...pero wala...at nanay ko naman, pag may nasumbong ako na hinanakit about them...agad agad barado na ako. just like what happened two years ako sa binyag ng anak ko...kung makasita sa akin yung maldita kong kapatid...minsan gusto ko sila bastusin talaga...pero ayoko yung dumating yung panahon na gathered kayo together and ok kayo tapos magsusumbatan kayo ng mga nasabi or magso sorry sa isa't isa...awkward yun. distansya nalang siguro sa mga ma attitude na sisterettes. mauuntog din mga yan...sana!!!

Thanks sis. Sana nga sis marealize din nila that they have faults. Hindi naman kami palaaway ng hubby ko at hindi rin pakialamero asawa ko pero that time kasi napuno na rin sya sa treatment namin sa bahay. I think it would take time talaga para maayos yung gulo. Gusto ko rin naman kausapin mom ko pero for now I hold it off muna kasi nga ramdam na ramdam ko kung pano nya kampihan yung kapatid ko kahit sya na ang may mali.

ceejhei

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #7 on: January 28, 2013, 03:02:24 pm »
^sis do you have plans of letting your dad know what's going on before its too late? i mean mamaya ikaw na pala ang mukhang masama sakanya.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #8 on: January 28, 2013, 05:14:42 pm »
^ actually sis nagsabi na ako sa dad ko regarding my situation. Nung buntis kasi ako noon umalis din ako ng house namin and kami ng husband ko tumira munasa bahay nila. My dad called me up kasi pinapauwi nya ako ng bahay but I vehemently declined kasi nga sinabi ko na hindi ako kinakausap ng mom ko.

Actually gusto ko na rin sabihin sa kanya kasi sobrang unfair ng treatment ng mom ko sakin. Just this moment yung kapatid ko may status na naman sa fb gloating na inaalagaan sila ng mom ko kasama yung partner nya. hayyys.

justin3

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #9 on: January 28, 2013, 07:56:31 pm »
^kung mararapatin mo, gusto ko sana makisawsaw sa problem mo sis para magbigay lang ng guy's POV.

pero bago yon, i just need confirmation... ilang taon age gap nyo ng sib mo? dalawa lang ba kayong magkapatid?
lastly,  "sister" ba talaga? o ibang pasakit rin ng ulo ang tinutukoy mong tao dito sa previous posts mo? ;)

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,248727.msg7353240.html#msg7353240
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,248727.msg7348946.html#msg7348946
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,261398.msg7353247.html#msg7353247

i have bros and sisters kasi. iba ang level ng lambing sa sister kesa sa brother eh. ibang level rin pag nagtampuhan. depende pa sa age gap yon. ;)
 

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #10 on: January 31, 2013, 05:30:08 pm »
^ @justin3, 5 years age gap namin ng sister ko. Well she's a girl pero she's a lesbian. May partner sya ngayon and I have to be honest, yung partner nya ngayon yung nagiging cause ng rift namin.

Regarding on my previous post, I'm really talking on my sister's partner. Ibang level kasi ang pagiging "at home" sa bahay namin. Naiinis ako kasi feel na feel nya na bahay nya ang bahay namin. Ngayon lang naman kami nagkaroon ng major rift ng sister ko. Kahit noon nag aaway kami pero it never came to a point na nagkasagutan kami and worst eh pati asawa ko nadamay.

gil12

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #11 on: February 01, 2013, 11:20:59 am »
^ nakakairita yang sister mo. Is she the "butch" in their relationship? Siya ba yun parang guy sa kanilang 2 ng partner niya? kaya siguro feeling at home partner niya kasi yun pinapakita niya sa ka-on niya. Grabe ah, 2 years na since nakatapos pero unemployed pa rin? sana ma-realize ng sister mo na habang bata pa siya maghanap hanap na siya ng work kasi kapag lumagpas na siyang 25y/o mahihirapan na siya maghanap ng trabaho.. saka sabihan daw bang sampid asawa mo??? kung ako sinabihan nun sasagutin ko rin siya sabay turo sa partner niya, bat ka-on niya hindi ba sampid din? tama desisyon niyong umalis dun, kakapanganak ko lang din and alam ko sobrang nakakapagod mag alaga ng baby, di niyo na sila kelangan intindihin. Kung hindi man yan maayos ngayon atleast you and your husband made an effort to patch things up. Unang una wala naman talaga kayong atraso sa kanila, nasagot niyo lang sila dahil sa sama ng loob. Tignan lang natin kung matatagalan ng mother mo yun sister mo and partner niya...

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #12 on: February 01, 2013, 12:59:47 pm »
^ thanks sis. Yup she's the butch sa relationship. Na-trauma kasi dun sa ex-gf nya na iniwan sya kaya this time super obsessed dun sa babae. Hindi naman kagandahan yung babae at nothing special with the partner. :P May work ngayon yung sister ko pero commission based. Meaning if she can't produce better results wala sya sswelduhin. Ilang taon na rin sya pabaon ng parents ko.

Isa pa kinakasama ng loob ko sa mom ko. Alam naman nya na ako rin may needs din ako sa kanya. I just gave birth sana man lang inaalagaan nya ako pero mas inaalagaan nya pa kapatid ko. Nung manganganak ako wala yung mom ko. Ang asawa ko lang at MIL ko lang yung sumama sakin noon. Yung mom ko kasi baka mag-hysterical pag nakita condition ko noon kaya di namin sinabi agad. Pero nung nanganak ako it's my MIL and my husband who helped me coped up during the first two weeks. Ang hirap kumilos at clueless ako kung ano gagawin sa baby ko nun.

Isa pa yan yung sampid issue na yan... yan din gusto ko isagot sa kapatid ko eh. Imagine pinatitira nya dun sa bahay yung girl tapos ginagamit pa yung toiletries namin such as shampoo, soaps, shower gel ko, napkins ko at pati towel! Plus using our electricity at hindi man lang pinapatay yung mga appliances sa kwarto pag lalabas para kumain. Kapal pa ng mukha na di man lang naghuhugas ng pinagkainan right after kumain. Iniiwan lang sa lababo hoping na may gagawa for her. Ito naman nanay ko hugas lang ng hugas. Eh hello, hindi naman sila legal na mag-asawa. At least yung husband ko in legal ways he has a right to stay in our house. Besides we don't plan on staying long pero hindi yan ma-gets ng nanay ko. Naiinis ako sa mom ko kasi she keeps on ranting may high blood sya pero ang cause ng highblood nya eh kapatid ko dahil she stays late sa gabi sa pag aantay sa kapatid ko, then wakes up early para ipagluto ng food and then paglaba ng damit kasama yung damit yung panget na gf ng kapatid ko.


mslcgrey

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #13 on: February 01, 2013, 01:58:40 pm »
ei parang kilala kita...hahahaha....

mslcgrey

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #14 on: February 01, 2013, 02:59:48 pm »
well, be the better person na lang. ikaw na lang umintindi sa mom and sis mo. nakakasama ng loob na sana this is the time you'll become closer to them especially your mom but siguro we really can't have everything. but it is still not too late. one of these days, dalaw kayo ni hubby mo with your very cute baby sa mom mo. if possible, try mo yung wala dun yung sis mo and her partner para makausap mo talaga ang mom mo. kayo na humingi ng pasensya. wag mo ng i-explain masyado yung side nyo basta kalimutan na.
as for your sis, hindi kaya she is also acting out against you kasi mula ng magkababy ka eh wala na kayong bonding time na kayo lang. baka nagseselos. try mo rin na kayo lang munang 2 ang mag-ayos. invite her for dinner na kayong 2 lang. then walang banggitan ng mga sama ng loob. just enjoy na magkasama kayong magkapatid.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #15 on: February 01, 2013, 04:29:03 pm »
^ haha. I know you too! :)

Ay nako friend I tried it out before even nung wala pa akong baby. Sinasama ko sa lakad ko kapatid ko and I generously offered to shoulder her airplane ticket para maka-vacation sa province. I even helped her sa training program nya last year so that she would be able to improve in her chosen career, eh wala asa lang. Pero right after naging sila nung girl sya yung walang time sa house. She is always outside. Hindi rin naman masasabi na left out sya kasi before pag may lakad kami sa bahay sinasama namin sya kasama din yung girl pero right after kumain nagsosolo silang dalawa.

Yan din theory namin ni hubby, nagseselos sya akin or sa amin. Now that we have a baby yung attention before eh nasa baby. Isa din angle nakikita namin nagseselo sya samin ng hubby ko kasi nga kasal na ako, eh sya kahit alukin nya ng kasal yung girl, there's no way na magiging legal sila.  For now ayaw ko muna magpakita. Nasanay na rin ako sa mom ko na ganun ugali. Yun din yung reason before nung single ako na nag rent ako ng apartment kasi di ko minsan ma-take mga ugali nila. :P

mslcgrey

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #16 on: February 01, 2013, 05:19:02 pm »
magkikita rin pala tayo hehe....
well, if di ka pa ready and sa tingin mo ganun din sila eh lie low ka muna nga sa kanila. how about pala nung birthday mo, binati ka ba nila?

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #17 on: February 01, 2013, 05:36:11 pm »
^ Nope. They didn't greet me. My sister even gloated on FB na inaalagaan sila ng mom ko and they have two new family members - puppies :P

Dad ko lang bumati sakin plus my uncles and aunties and my closest cousin, pero sila, wala. Buti pa nga yung Mother in Law ko binabati ako ng happy birthday a week before pa. hahaha. :D


lent0t

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #18 on: March 06, 2013, 09:13:22 am »
nakakapikon na nakakaasar... pero family pa rin kayo. patience is a virtue, ika nga nila. so pagpasensyahan mo muna sila and do your thing. focus more on your family, most especially sa baby mo. time will tell kung kelan lalamig ang galit ng sis and mom mo. for now, sabi mo nga ilang beses na kayo nagkasagutan which means your explanation or any word that comes out from your mouth wont reach them and they wont accept it.

just wait for the right time, yun wala na kayong galit sa puso nyo. im sure mamimiss ka din nila lalo na yun unico/unica apo/pamangkin nila.

pray for them and family too. sabi nga nila "prayers can move mountains"   :)

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Family rift between my sister and mom... need your opinion on this.
« Reply #19 on: March 21, 2013, 12:54:33 pm »
@lentot and brownmug,

Thanks mga sisses. Siguro nga living on our own is the best decision I've made kasi ngayon mas ok na kami nag mmanage ng husband ko ng house namin. We split household chores and alam namin kung ano yung ayaw ng isat isa. Unlike when we were staying sa house ng parents ko parang ang hirap hirap kumilos. For now naka-focus kami sa baby ko and I ignore nalang my sister's status on fb pati dun sa gf nya.

Time will tell when this will be resolved.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close