watch now

Author Topic: What we learn AFTER the party  (Read 10812 times)

megansmomma

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #20 on: July 25, 2012, 09:01:27 am »
^ importante talaga ang checklist sis, palagi akong may ganyan, tapos bago ako aalis ng bahay, chinecheck ko ang na accomplished ko at dala ko na,

1st time kase namin pero natuto nako kaya as early as now planning na at checklist :)

SnowBall

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #21 on: July 26, 2012, 08:42:38 am »
^ ako din sis, nagka limot limot, we learned talaga through experience. Haha :)

gentai_chan

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #22 on: July 26, 2012, 09:50:54 am »
Just had my baby's 1st Birthday last Sunday

Some of the things I learned were:

☺ Always have a check list on hand (sobrang effective : suppliers, things needed during the party etc.)

☺Make it at least 30 minutes earlier yung nakalagay na party time sa invitation mo (sobrang sulit)

☺First thing in the morning contact all your suppliers and/or guests

☺No matter what anticiapte what the weather will be. In my case, nagkabagyo last Sunday and I expected na wala nang ppunta pero madami pa din nakapaunta though some of them did not make it. Anyway hinanda ko na yung sarili ko lalo na emotionally and I kept in mind na what important is mairaos ang bday ng baby ko. ;D

☺Always keep within the Budget. Wag maging impulsive and always have a notebook handy or list mo muna yung things to buy. Make priorities.

☺Always put a smile during and after the party no matter gaano kabusy. Everything's worth the effort after seeing your party pictures.


Happy preps!

mistiqshannen

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #23 on: July 26, 2012, 07:14:06 pm »
Eto naman mga natutunan ko sa mga parties na inasikaso ko (my kid) and friend's kid (7th birthday house party)

1. Sa fastfood na me hosting na. Ang hirap parin pala na mag introduce ka ng games na bago sa nakasanayan na nila. Kahit nasa program na yun mechanics and naexplain mo na pano me palpak padin ending lalapitan mo ang host to remind yun rules etc.
nagiging boring tuloy. Kaya siguro mas OK kung anong games nalang meron sila hay.

2. Kailangan mo talaga ng someone na idesignate to do a task lalo if madami ka DIY. Mastress ka kasi sa kakaayos di mo na maentertain ang guests mo as they arrive.

3. Pag book ng caterer. Based sa naencounter ko. I helped kasi pag coordinate yun party ng friend on the event day. Dapat informed mo na yun caterer na me standby tent na sila agad para incase na need mo andun na hindi yun babalikan pa nila pano if malayo pinanggalingan nila. uulanin kana. This is only applicable if the caterer agrees naman na magdala ng standy pag outdoor party at no charge if di gagamitin.

4. Yun linen, naku kailangan ata na indicate sa contract na plantsado o magdala man lang sana ng steam iron yun caterer. Kaloka kasi yun caterer nun friend ko. Napaisip pa ako tuloy na bumili ng steam iron incase lukot lukot e ipapalantsa ko nalang sa kanila as they do the set-up. para walang lusot na wala kasi silang plantsa.

5. Kahit gaano kamura yun package ng caterer request a food taste. Kahit ba bayaran mo nalang if hindi free atleast alam mo na ganun ang lasa ng food choices mo. Para di ka magulat on event day.

6. Hire a professional photographer and videographer. Kasi if hindi mahirap na magsisi sa huli kasi yun details ng party mo ni walang napicturan kundi mga guests lang dava. pati sa video. at kung from sa friend. if possible na request him to take shots on this things (details, family, per table with guests and celebrants, cake blowing nice angle sana others) at magdala ng charger ng cam sus ako nun nalowbatt ang cam yun video palpak na.

7. wag nang pilitin IDIY ang mga decors if hindi kaya ayusin on event day imbes kasi na gumanda wala na panget na. maghire nalang ng someone to decorate.

8. Dapat always me task list ka mga need gawin at ihanda before the day mismo. para walang nakakalimutan.

9. read reviews sa mga supplier na kukunin bago ibook.. and ask for contract or agreement kahit wala edi isulat sa papel then piramahan diba.

kikai

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #24 on: July 31, 2012, 08:53:27 am »
1. designate someone to watch for the food.. kasi after the party nagulat kami ubos yung food!! only to find out me relative pala kami ng kitchen duty nagmarunong magbalot agad for some close relatives!! kaya uber sermon ako sa umaga..

2. if me photobooth-- pabantayan na everyone can take turn,... madami kami relatives hindi nakapagpa pic kasi yung call ctr officemates ng sis in law ko hindi tinigilan kundi ko pa inawat kasi more than 30 mins na sila andun!!! ang dami pa nila!!

3. if buffet kahit sa bahay dapat pa din me mag serve!!! ang dami ko naligpit sayang lang ang food kasi dami takaw tingin!!!

4. ang choco fountain me bantay din..di pa start ng party ang dumi na ang set up sa mga early bird!!!at aksayado sa chocolate me iba nilagay pa sa baso!! tapos pagkita mo hindi nabawasan!!!

all in all dapat me GUARDIAN PER AREA!!!!

ana mimi

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #25 on: December 16, 2012, 05:05:47 pm »
1. Always make a checklist of all the things na related sa party (e.g, mga bisita, suppliers , need to bring etc) It really helps kase you are sure na wala kang makakalimutan. Dati kase nakalimutan naming ilabas ang guestbook ni baby, wala tuloy nakapag sign. sayang.

2. Sa mga suppliers, lagi kayo magtatanong at sabihin nyo directly yung gusto nyo, wag nyong asahan na alam nila yan. Itext nyo sila sa details kung ano gusto nyo. Sa birthday ng baby ko, a month before that araw araw ko katext mga suppliers to update them kung may mga change of plans ako, ayun, so far, naging maayos naman kinalabasan.

3. Stick with your budget. Yan ang hindi ko nagawa. Ang dami ko kase gusto na add ons na minsan di naman pala ganun kasulit. Think only on what's important. KUng may extra na money, go for the add ons.

4. Siguraduhin nyo na meron kayong photographer (pro or relatives) na kukuha ng pictures. Sayang naman mga preparation at paghihirap nyo kung walang maiiwan na memories diba? Kung may extra budget, magpa-video na din.

5. Save Money as early as possible. Kung maarte yung gusto mong party at gusto mo ng bongga pero wala ka naman pera, naku, mababaon ka lang sa kautangan. Kaya mag save talaga ng pera 6-12 mos before the party. At lagi tandaan na kailangan na may extra pera sa party for unexpected na gastos. You'lll never know.

6. Unahing imbitahan ang mga importanteng tao sa buhay mo at magpa RSVP para kung may mga hindi makakapunta, pwede ka pa mag imbita ng iba. Sa birthday ng anak ko, andami ko inimbita only to found out na kulang pala yung food. Di ko na tuloy na-update yung iba kung pupunta sila kase baka pumunta, naku, kulang sa budget.

7. Entertain your guests. Make rounds sa mga table para naman feel nila na welcome sila, make sure din na may picture kayo every table. Ako kase di ko to nagawa, nag stay lang ako mostly sa side ng family and friends ko, rarely with baby's daddy friends and family

8. Magdala ng container for foods. Para kapag may mga natira makakapaguwi kayo. Sayang naman kase kung madami natira.

9. Always make sure na ikaw ang pinaka magandang nanay sa event. Invest din sa clothes mo hindi lang sa anak mo, ayaw mo naman siguro magmukhang yaya ng anak mo diba?

10. Always expect "patay gutom" na guests, di yan mawawala kaya dapat may buffer sa food. Yung ibang kids na nilaan namin sa kids section ng buffet sa adults kumukuha. Well, ganun talaga. Yung ibang naunang nakakuha ng food pipila na agad kahit di pa nakakakuha yung iba.

11. Never stress yourself kapag nagsimula  na ang party, GO with the flow na lang. kailangan i-enjoy. Kahit naman anong pagpa-plano natin, kahit na 5 years pa nating planuhin yan, may mga unexpected things pa din na mangyayari. Expect the flaws. Nobody's perfect.

~sara~

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #26 on: January 20, 2013, 05:35:05 pm »
Wag ipagkatiwala sa host and company ang mga prizes. sigurado may mawawala. malalaman mo nalang pagtapos kapag inisip mo kung sino sino nanalo ng prizes. mas masakit kung yung mga malalaking prizes pa ang nawawala.

babybubot

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #27 on: January 20, 2013, 07:48:56 pm »
^^sis chikka101, dapat po alam ng photographer kung anong importanteng shot. Sa case po namin nung nag cover kami ng birthday ako pa talaga makulit to have family portraits, picture with the guests per table, saka group shots with all the guests kasi busy ang parents sa mga guests. Saka pag andyan na ang okasyon nawawala na sa isip natin lahat ng gusto nating mangyari kaya sa party ng anak natin eh sa sobrang excited. Kung maka encounter po kayo ulit ng ganun photographer approach nyo lang po wag mahiya kasi bayad naman sila.
« Last Edit: January 20, 2013, 08:30:18 pm by babybubot »

izabelle

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #28 on: February 09, 2013, 06:08:21 pm »
i learned to let go of the things na hindi umayon sa gusto ko kesa magwala at magalit hehe.. :)

i was kinda disappointed about my baby's cake and arch ng cake nung bday nya.. Pretty naman but nothing special and it was NOT what i wanted talaga but i learned to let go and just go with the flow.. Kesa sirain ko ang araw na yun for something na wala naman akong magagawa..

mas marami pa din ang maganda bagay kesa sa medyo maganda lang that day hehe! so carry lang :)

merchee

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #29 on: February 11, 2013, 11:54:48 am »
bantayan ang food and souvenirs! hahaha.

cupcakes kasi giveaways namin and candles....kaso yung ibang mga kamag-anak namin, kala mo naman walang kuryente sa kanila kung makapag-hoard ng candles! omg. hahahah

stormy

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #30 on: February 11, 2013, 02:37:05 pm »
@sara, lagi ko pinagkakatiwala mga prizes sa host sis. D ko na pansin if may nawawala pero tingin ko naman wala. May nangyari ba sa iyo sis na ganun? Naalala ko dati may mommy na nagshare kumuha raw  yung mascot pa na nagperform.

twelve5

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #31 on: February 12, 2013, 08:18:28 am »
- dont display everything esp the favors. keep your extras muna for distribution later.

its amazing how those favors vanish. even if you have 125 favors and only 100 guests, after the party not even 1 is left. whats even more amazing, is learning that some of your guests went home empty-handed.  :o

kundi lang tacky to use claim stubs...   ::)

jp_jameop

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #32 on: February 12, 2013, 08:38:19 am »
same with sis izabelle - let go mga bagay bagay na di naayon sa gusto mo during the day. :)


theshopaholicprincess

  • Guest
Re: What we learn AFTER the party
« Reply #33 on: March 04, 2013, 01:54:19 pm »
After the party... I realized:

1. Sa susunod na party namin or event I won't invite those who did not decline or confirm their invitation.

2. Yung mga relatives namin di na namin iimbitahan especially yung may mga bagahe sa buhay.

3. Buti pa yung mga long time friends mo they would really find time to attend the event and as much as possible don't invite a lot of people. Usually mga closest ones lang talaga.

4. Compare prices before making a purchase. Samin kasi unang consideration namin is to use restaurant venue, good thing my friend offered me to try their catering services. Naka discount kami sa tables setup and sa photobooth nya.

Pero sa stress na binigay nung latest event namin parang gusto ko nalang sa 1st birthday ng baby ko dalhin ko nalang sya sa Disneyland! Nakaka Stress mga kamag anak ko at kamag anak ng asawa ko!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close