Author Topic: YOUR FIRST LOVE  (Read 4426 times)

rheinfall18

  • Guest
YOUR FIRST LOVE
« on: April 19, 2013, 06:04:45 pm »
hello guys! share nyo naman yung memories ng first love nyo kung okey lang. hihi <3 ;D

tomatostellar

  • Guest
Re: YOUR FIRST LOVE
« Reply #1 on: April 19, 2013, 06:24:02 pm »
guys lang ba ask mo? there's a similar thread somewhere w/ cute and funny stories about their first love ..
gotta look for it..

rheinfall18

  • Guest
Re: YOUR FIRST LOVE
« Reply #2 on: April 19, 2013, 06:27:55 pm »
yes po, para sa guys lang sana kaya dito ko nag-open ng topic.

Bastie

  • Guest
Re: YOUR FIRST LOVE
« Reply #3 on: April 19, 2013, 06:41:49 pm »
first love ko nakilala ko thru a guy friend.. noon kasi nanghihingi ako sa kanya ng textmate.. nagbigay naman siya.. so ayun, text text muna kami nung girl.. tapos nung gusto ko na makipag-meet, ayaw naman niya.. tapos mga ilang linggo pa na pangungulit, pumayag na siya makipag-meet sa akin. ang humarap sa akin yung kasama niya sa trabaho.. yun pala, gusto niya makasiguro kaya ipinain niya ako sa kasamahan niya.. gusto niya gwapo agad  :D.. so imbes na matuwa ako sa kanya(yung nagpain sa akin), na-divert ang atensyon ko dito kay kasama niya sa trabaho.. hanggang sa nasundan na ng nasundan ang pagkikita at date namin ni kasamahan niya sa tabaho... eventually, sa kanya ako nainab  :D.. tapos hanggang sa naging mag-jowa kami  ;D ;D

ang ending ng love story namin...
4 years kami naging mag-jowa  ;D...
1 and a half year na kaming kasal   ;D
blessed kami ng healthy baby boy (4 month old na siya)  ;D

my first love is my forever...   ;D


annika

  • Guest
Re: YOUR FIRST LOVE
« Reply #4 on: April 20, 2013, 10:07:44 am »
^ wow saya naman! Question lang ano reaction ni textmate? hindi ba siya nagalit?

Bastie

  • Guest
Re: YOUR FIRST LOVE
« Reply #5 on: April 20, 2013, 01:26:44 pm »
^ @annika..

 nainis siya actually  :D.. masisisi ba niya ako, eh ipinain niya ako.. it means na naninigurado siya sa mami-meet niya.. gwapo agad ang peg niya  :D..  kumbaga sa baraha, "pipintahan" niya ako ayon sa feedback ng  kasamahan niya(which si misis na ngayon)...  :D.. sabi nga ni misis dati nung napapadalas ang date namin, di daw siya kinikibo sa trabaho.. ang akin lang, sana naman eh hinarap niya ako that time, 
harmless naman ako  ;D.. kaya ibinaling ko ang atensyon ko sa taong nag-effort makipag-kita sa akin..

jaymejorrol

  • Guest
Re: YOUR FIRST LOVE
« Reply #6 on: April 30, 2013, 12:27:57 pm »
my first love syempre si gf.. yung iba is crush lang..

ms.invi

  • Guest
Re: YOUR FIRST LOVE
« Reply #7 on: May 04, 2013, 01:18:35 pm »
Una kong naranasan ito noong 1st year HS bakasyon non :D una crush ko sya talaga, hanggang sa tinukso sya saken ng mga pinsan ko, since family friend naman namin yung family nila ayun nag bigayan kami ng number to the point na nanliligaw na sya, nagkikita kami gumagawa pa nga kami ng sulat sa isa't isa haha! oldscul pero ang sweet hanggang sa dumating na may third party tapos mas pinili ako ni guy pero ni-break ko sya kasi wala ako sa katinuan non at hindi pa naman ganun kalawak ang karanasan ko pag dating sa love. isa din naman sa naging rason ay gusto nya ko pumunta sa bahay nila..kaso ayoko kasi alam ko ang manyayari pati bata pa talaga ako non. Naranasan ko din na may nagalit saken kasi mas gusto nya ko kesa dun sa girl na classmate ko haha. tapos ang akala pa ng mga magulang ko crush ko lang talaga hindi nila alam naging kami LOL ngayon-may asawa na sya-

tough_guy

  • Guest
Re: YOUR FIRST LOVE
« Reply #8 on: May 04, 2013, 02:53:02 pm »
first love ko?? ang pinsan ko, kasi first time lang namin magmeet noon 14 siya at 13 ako, magpinsan pala kami, pero talo talo na, may feeling din daw siya sakin.. pero di kami naging kami..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close