watch now

Author Topic: My mom is now cheating on my dad :'(  (Read 4355 times)

negamoxiii

  • Guest
My mom is now cheating on my dad :'(
« on: June 29, 2011, 03:10:10 am »
Guys help niyo naman po ako sa problem ko with my mom . To give u a bit of info with my prob, isasalaysay ko muna yung puno't dulo nito. Pasencya guys kung mahaba, intindihin niyo na lang...

Ang tatay ko palibhasa playboy and some of his woman eh nai-bahay niya na (sa awa na lang ng Diyos buti hindi siya nagkaroon ng mga anak sa babae niya). And my mother naman nasa ibang bansa for 14 years..she works in HK. I was 9 months old when she left us and every after 2 years umuuwi siya dito para mag-vacay at ang pinaka-matagal na stay niya is only 2 weeks. Matino naman daw ang tatay ko before sabi ng kuya at ate ko. Napagkasunduan lang naman daw nilang mag-asawa na mag-abroad ang nanay para makapag-ipon at iahon nila yung naluging negosyo nila sa province noon...akala ng tatay ko na ok na ang lahat nung natapos na ang kontrata ng nanay ko sa HK but then hindi pala kundi kumuha ulit siya ng panibagong kontrata... pinagbigyan naman niya ito. At dahil sa hindi tumupad ang nanay sa usapan nila nagsimula nang magloko ang tatay. Hindi rin naman namin masisisi ang tatay namin noon lalo na kung nangungulila siya sa nanay namin. Nambababae siya pero hindi niya kami pinabayaan. Siya ang naging nanay at tatay namin, kahit pagod sa trabaho naglalaan siya ng oras para sa amin at asikasong asikaso kami ng tatay kahit wala kaming kasambahay (mahirap na baka magaya kasi sa dati naming kasambahay na ibinahay niya)..kaya nahihiya kami sa kanya na hindi tumulong lalo na sa mga gawaing bahay. Napalaki kami ng maayos ng aking tatay. At sa nanay naman proud ako sa kanya dahil tiniis niya lahat para lang mabigyan niya kami ng magandang kinabukasan...Taon na rin ang nakalipas nung tumino na ang tatay ko, nagsawa na rin siguro dahil lagi siyang napagsasabihan ng ate at kuya ko o dahil matanda (56 y/o) na siya kaya nagpakatino na. Kaso ang mahirap dito kahit nagpakatino na siya hindi pa rin maaalis sa nanay ko ang pagdududa niya sa tatay ko na dahilan ng lagi nilang pag-aaway. Hindi rin siya naniniwala sa amin kung sasabihin naming wala na talaga siyang babae. Nauunawaan ko rin naman ang nanay ko kung bakit siya nagkakaganun. Kung minsan, nagsasawa na rin kami sa pag-aaway nila...mag-aaway tapos maghihiwalay and then magkaka-ayos at magbabalikan.

So eto na ang problem ko...Nagpagawa sa akin ang nanay ko ng fb account niya (hindi siya techie kaya ako ang gumawa) para may communication siya sa amin, sa tatay ko at kay kuya at ate ko na nasa ibang bansa din. May access ako sa account ng nanay ko pero madalang ko itong buksan. I usually open it if I have to fix or to upload some pics. This week, I opened my mother's account para mag-upload ng pics ng apo niya but to my disgust i read some messages on her chat sa isang guy which we knew (kapitbahay namin na ngayon ay OFW sa Middle East). Ok lang sana kung kamustahan messages but then may mga i love you's and endearment pa akong nabasa...  Sa inis ko, prinint screen ko lahat ng conversation nila. Napapamura ako habang binabasa ko mga messages ng guy. Napaka-walang hiya..kumpare pa naman ng tatay ko. Noong una kinukulit niya ang nanay ko until she finally give in. Kinuha niya ang kahinaan ng loob ng nanay ko. At parang pinasama pa ang tatay ko!! At that time parang gusto kong murahin yung lalaki..gusto kong i-delete siya sa account ng nanay ko at i-block siya pero nagtimpi ako.. kaya eto ako ngayon humihingi sa inyo ng advise guys kung ano ang dapat kong gawin? I know na hindi lang sa fb ang communication nila kundi pati s ym at skype...at one month na nila itong tinatago..

Sa ngayon, hindi ko na sinasagot calls ng nanay ko kasi galit ako at baka masabi ko pa sa kanya ang nakita ko. Ganun din sa tatay ko, nag-aalala na siya dahil hindi ko sinasagot mga tawag nila..Gusto kong sabihin sa tatay ko pero hindi ko alam kung paano at unfair naman kung hindi ko ito ipapaalam sa nanay ko...At gusto kong pag-sabihan yung lalaki na yun.. Somehow, pati studies ko affected...hindi ako makapag-concentrate..

Pls guys help me what should I do...your advice means a lot to me..thanks

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: My mom is now cheating on my dad :'(
« Reply #1 on: June 29, 2011, 03:49:08 am »
Hi, ang sad naman niyan  :( Ang pumasok lang sa isip ko habang binabasa ko ang post mo,"Nakatagal sila sa ganong set-up ng hindi naghihiwalay??" 14 Years!! 14 years na minsanan lang makita ng tatay mo ang nanay mo. Hindi talaga malayong mangyari na matukso sila sa iba. To tell you the truth, baka hindi lang ito ang unang beses na nagloko ang nanay mo. Marami  ka pa sigurong hindi alam, nagkataon lang na natuklasan mo ito. I'm not fuelling your anger but did you ever consider it? Kasi ang tagal ng mommy mo sa HK! Well, let's not talk about that anymore.

Your parents are old enough. I hope they're not sticking together for the sake of their kids. Ang sa akin, I hope you give your mom the same amount of understanding you gave to your Dad noong nagloloko pa siya. Hindi siguro ito ang tamang oras para sabihin ito sa Dad mo. When you're ready, calm and collected, kausapin mo ang mom mo. Baka nakakaramdam siya na may alam ka na. Sagutin mo yung tawag niya pero kausapin mo siya kapag wala ang Dad mo sa bahay. Tanungin mo lang kung may gusto siyang ipagtapat. Dahil kung hindi siya magsasalita, sasabihin mo ito sa mga dapat na makaalam. Medyo takutin mo. Cry if you need to, but she needs to know that you're hurting. There is really nothing more you can do, It's up to your mom to decide for herself.

Mas iniisip ko ang kapakanan mo. I hope na kung ano man ang nangyari sa parents mo, hindi mangyari sa iyo. Sana hindi nasira nito ang pananaw mo sa isang relationship. Kaya ako naniniwala sa divorce dahil bakit ninyo pipilitin ang sarili nino sa isat-isa kung wala na talaga? Ang mga anak lang ang laging nagsu-suffer  :( Gaya mo, ang dami mong na-witness na infidelity growing up. Hindi na natin mababago ang buhay nila, pero ikaw kayo mong baguhin ang buhay mo. Be strong.

mommycute46

  • Guest
Re: My mom is now cheating on my dad :'(
« Reply #2 on: June 29, 2011, 10:03:56 am »
Yup sis, give your understanding the same way you've given to your dad when he is the one doing the affair too. Take note, your dad committed this not just once but many times right? Put yourself on your mothers side during that time, how does she feel kaya? how did she cope with it especially she's away with her family. Maybe it was during that time when she needed a shoulder to lean on when that guy came in to the scene. I'm not telling you not to condemn your mother, just be fair...Don't do harsh moves at this very moment since you're not emotionally ready. You might hurt your mom in a way na pagsisisihan mo sa bandang huli.

majal

  • Guest
Re: My mom is now cheating on my dad :'(
« Reply #3 on: July 01, 2011, 11:04:14 pm »
Im now 30 years old and sometimes sumasagi din sa isip ko yung mga what ifs na situation na ganito. My verdict, tell them you already know...and that you hope that they wont hurt each other in the end if they decide to separate na talaga. let them feel responsible enough for their actions and dont hate them for who they are....they are still your parents.

Tama nga na isipin na matatanda na sila...at kayo ay may sarili na ring buhay.

aquacharly

  • Guest
Re: My mom is now cheating on my dad :'(
« Reply #4 on: August 28, 2011, 11:03:59 pm »
Negamoxii - hwag mo akuhin, do not bear the guilt of your parents' errors.  Leave them be. Instead, take care of yourself, and focus on doing everything required to advance yourself. 

I understand your mom, hindi man tama ginagawa -- she will live the life she chooses. 


showermist

  • Guest
Re: My mom is now cheating on my dad :'(
« Reply #5 on: August 29, 2011, 01:47:18 am »
When you work in HK, ke domestic helper o yuppies, hindi maiiwasan ang matukso.  Andami kayang mga DH ang may mga bf o kabit na nasa Saudi/Middle East.  Tapos nirarason nilang kesyo nagluko kasi ang asawa kaya gumaganti lang sila. Blah blah blah.

You can say your piece to your mom.  Try not to judge too.  Sabihin mo lang na nababasa mo ang usapan nila ng kapitbahay nyong kumpare ng tatay mo.  Kung may hiya/respeto ang nanay mo sa sarili nya at sa inyong mga anak nya, siguro naman ititigil na niya. 

It's not enough reason na kesyo nagloko ang tatay nyo noon eh kakabit na rin ang nanay mo ngayon.

Kung may karapatan ang mga magulang na pagsabihan ang mga anak, mayroon ding karapatan ang anak na pagsabihan ang mga magulang.  Lalo na kung hindi na tama ang ginagawa ng mga ito.

(Nakakawalang respeto lang.)

Sa HongKong, mura ang long distance calls to Middle East/Saudi.  Kung hindi techie ang nanay mo, malamang ito ang madalas na mode of communication nila ng kabit nya ngayon.

Tell  to your siblings what you found out.  Mag usap kayo.


prettybarbie

  • Guest
Re: My mom is now cheating on my dad :'(
« Reply #6 on: August 29, 2011, 02:07:24 am »
Sis baka naman naglalandian lang sila online (sorry for the term)... malay mo baka hanggang dun lang yon, hindi naman sila nagkikita dahil malayo sila sa isat isa diba. And dapat malaman ng mom mo na alam mo yung mga ginagawa nya, malay mo mahiya sya at itigil na nya yung mga ginagawa nya

m_lim

  • Guest
Re: My mom is now cheating on my dad :'(
« Reply #7 on: August 29, 2011, 04:39:48 am »
negamoxii-  unang una, huwag mong isipin na ikaw lang sa mundo ang may ganyang problema. (ganyan din storya ko eh. una daw nagloko father ko. kaya gumanti ang mother ko at pinatulan kung sino sino-- ang ending ngayon, ang father ko may kabit na bruha at tatlo pa ang anak nila)

anyway i assume nasa tamang edad ka na. gusto mo ng advice? sinasabi ko sayo, wala kang magagawa diyan. yan ang reality.

kahit tumalon ka pa ng building, magmakaawa ka pa sa kanila, wala  kang magagawa talaga kahit anak ka pa nila at mahal mo sila. therefore,ACCEPT IT.

kailangan natin tanggapin na hindi natin hawak ang magulang natin kahit magulang natin sila. tao rin sila na may sariling choice sa buhay. may sariling desisyon na iba sa atin.

ngayon, bilang anak, ang magagawa mo lang eh sumuporta sa ano man decision nila.

masakit talaga, sinasabi ko sayo.

pero alam mo naisip ko, bakit ko hahayaan na maging impyerno ang sarili kong buhay ng dahil lang sa mga pagkakamali ng magulang ko?

life is short. ayaw ko ng mabuhay sa galit. 26 years ng buhay ko puro sama ng loob. simula ng maghiwalay ang parents ko, kung ano ano ng kwento ang nangyari na nakakasuka. yun bang akala mo sa pelikula lang pero nangyayari pala talaga sa totoong buhay at hindi mo akalain sayo pa mangyayari.

kaya sis, huwag mong dalhin yang mga ginawa ng parents mo sa sarili mong buhay kasi hindi ka magiging masaya.

magdasal ka for Guidance and Strength.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close