Hello girls! Share ko lang experience ko with airport taxi sa NAIA 3. Medyo mahaba lang, sensya na. hehe.
Last February, dumating ako sa NAIA 3 from Kuala Lumpur. Madilim pa kaya ngpalipas muna ko ng oras sa loob. Mga around 6 am, saka ako lumabas at hinanap ko agad yung regular taxi. Hindi ko first time pero yung last travel ko mga 2 years ago na, so hindi na ko masyado familiar. Anyways, so nakita ko naman agad yung pila ng regular taxi. By the way, sa Baliwag terminal sa may Cubao ako pupunta. Nung malapit na ko, tinawag ako ng isang driver, taxi nga daw. Mga pang apat o pang lima sya sa pila.
Driver: Miss taxi?
Me: Regular taxi po?
Driver: oo
Me: Di po ba doon pa. (since hindi nga sya una sa pila)
Driver: Hindi ganun rin yun.
Tumingin ako sa driver na nasa unahan nya, as if na nagtatanong kung ok lang. Tapos tumango naman yun. So I considered it as a 'YES'. Walang pila ng pasahero, so I assumed na ok nga lang talaga. Nung nakasakay na ko, saka ko lang naalala, na dapat nga pala may coupon! Nakalista dun yung destination at yung plate no. (diba?)
So medyo nagduda na ko. Lalo tumindi hinala ko kasi on the way, tinanong nya ko kung magkano usually binabayad ko papunta dun. Sobrang pagod na ko at di ko rin naman natatandaan masyado (although may idea ako na nasa around 300) kaya sabi ko nalang hindi ko alam dahil first time ko sumakay doon.
Tapos pagdating sa terminal, inabot pa ng 569 (yata) basta almost 600! Take note mga sis, 6 am yun, walang traffic. Hindi ako maka-complain kasi nasa metro naman talaga, kaya hinayaan ko nalang.
Pagdating ko sa bahay, gusto ko talaga mag-complain kaso hindi ko nakabisa yung buong plate number. Yung first 3 letters lang. At isa pa, hindi ko rin sure kung overpriced nga yung binayaran ko. Sinubukan ko parin, sa isip ko, may violation rin naman siguro sya kasi nagsakay sya without coupon eh.
I called NAIA 3 immediately. Infairness, na-identify nila yung company, kasi yun lang daw yung may ganung simula ng number. Tumawag ako sa company number na binigay, kaso useless naman! haha Nung una nga sarcastic pa yung kausap ko na bakit nga daw ako sumakay eh may procedure nga daw etc. etc. Bumait lang sya nung nagtaas ako ng boses. Pero, still obvious na pinagtatakpan nila. Di ko rin nman ma-push masyado yung complain ko since hindi ko naman memorized yung plate number. Anyways, and ending, since di nga namin ma-identify kung sino yung driver, i-brought up nalang daw nila sa meeting, para in general nalang.
Wala lang, very disappointing lahat na it happens sa airport taxi. Akala ko pa naman well-monitored sila. Last June, nung nagtravel ako, early morning din dating ko, nag Grab ako, 300 plus lang. So I think dapat more or less ganun lang rin dapat yung taxi fare ko last time.
RE Airport tax, last time nagbayad ako online, ok naman. May charge lang pero minimal lang. Mga 1650 something inabot instead of 1620. Ok narin, at least bawas sa oras sa pagpila. hehe