Author Topic: inlaws treating me as KABIT  (Read 3502 times)

hk0501

  • Guest
inlaws treating me as KABIT
« on: July 23, 2013, 12:07:16 pm »
Hi girls, thanks for the replies and after posting replies on several thread di parin ako maka reply dito haha.

Anyway, one year na rin nakalipas since nagpost ako dito. about being a burden to the inlaws, well I don't think so cuz we offered hundred times already na samin muna yung kids pero sila yung nag refuse, kinukuha lang nila yung monthly allowance so parang ganon lang even for an hour ayaw nga ipalabas yung mga bata samin >_< , and about adoption 0% yung chance na pumayag si ex.

but here's the update.

Nabwisit ako ng husto last year sa treatment nila, so ginawa ko inistop ko silang invite sa birthdays ng babies mo, di ako nakikipag communicate sa kanila (like i and my kids don't exist anymore) di kami bumibisita don, seems not a problem kay hubby kasi no reaction at all sya, lahat ng birthdays out of town para kami lang tlaaga,  so parang ok lang naman sakanya. Text, phone calls dedmabels ako forever, I know na super b*tchy moves yon but I actually felt happy, tahimik and ang gaaan lang hehe. After about 4 months na ganyan ako sakanila na alarma na si MIL and they paid us a visit, surprised visit, with cake and gifts sa kids ko, ok naman tinanggap ko naman ng maayos i just told her na busy lang kami and we can't really visit and sabi ko I changed my number na eh so bla bla, ok naman umuwi naman sila ng tahimik, the next weekend andito nanaman si MIL lol, so yon weekly nya ginawang routine yung pagbisita samin, niyayaya kami lumabas, out of town, and yun nagbago treatment sakin, humahawak sa kamay ko pag naglalakad, pineprepare ako ng food, tulad ng mga usual na ginagawa ng mother. inshort nagbago na yung treatment nila sakin.

And yes so far tahimik at happy ang lahat :) Although may maliit na problem lang but I'll just post it once na nkakareply na ko! Thanks so much for the advices.
« Last Edit: May 29, 2014, 01:43:44 am by hk0501 »

coquettish16

  • Guest
Re: inlaws treating me as KABIT
« Reply #1 on: July 23, 2013, 02:47:43 pm »
^hello sis hk0501!  :) In a way medyo relate ako sa sitwasyon mo kasi my hubby has a daughter also with his ex. Complicated di ba, lalo na sa atin na dalaga pa at walang sabit. Pero yung mahirap na part kasi sayo is may ex pang nanggugulo. I dont understand why the girl is like that, knowing the fact na may bf na siya at may sarili na ding buhay kung tutuusin. Not to mention pa yung inlaws mo na ang weird din ng pananaw sa buhay. Sa akin kasi, [textspeak!] ex ni hubby may boyfriend na din, and they only talk to each other regarding child support and visitation sa bata. Nageeffort nga yung ex ni hubby na kaibiganin ako eh. Nung una I'm open to the possibility na maging friends kami pero later on naramdaman ko din na she's just befriending me para lagi ko maremind si hubby para sa sustento sa anak niya. Kalurkey, para akong reminder sa cellphone ng hubby ko kada kinsenas katapusan. Kaya ayun, I let them talk na lang on their own, labas na ko sa kung ano man yung connection nila.

Anyway, back sa sitwasyon mo, ayun nga sis super hirap kasi nga kahit ano mangyari hindi na mawawala si demented ex gf ng hubby mo sa buhay niyo, kasi there are two kids between them. Pero di ko kasi maintindihan bakit kung ano ano pang masasakit sinasabi niya sayo. Ayaw ba niya maging masaya hubby mo? Gusto niya siya lang? What a selfish woman! At di ba dapat grateful pa siya na mababait ka sa mga anak niya. Ako nga eh, kahit alam ko walang kasalanan yung bata, medyo malayo pa din ako kasi feeling ko I will never be number one. Kahit ngayong magkakababy na din kami ni hubby, feeling ko di magiging una yung anak ko kasi his daughter will always be kawawa dahil nga hindi sila nagsasama ng mommy. Haaay ewan ko. Tapos yung fact pa na mas close si ex sa relatives ni hubby kesa sakin. Di pa kasi niya ako napapakilala, complicated kasi yung family niya.

Pero as long as things work out for you and your hubby, you can work things out together. Base on your story tingin ko mahal na mahal ka ng hubby mo.  :) Huwag mo siya iiwan ngayon dahil lang sa mga tao sa paligid niya or dahil sa nakaraan niya na di na nya matatakasan. Magtulungan kayo, kasi yang mga haters na yan (inlaws and demented ex wife) magsasawa din sila pag nakita nila na masaya kayo despite the turmoil. Be open lang sa feelings mo kay hubby for sure tutulungan ka niya.  :)

gracita13

  • Guest
Re: inlaws treating me as KABIT
« Reply #2 on: July 23, 2013, 03:44:46 pm »
sis ano ba pinakain nung ex ni hubby mu sa mga inlaws mu bat ba parang santa ang tingin nila dun kahit alam naman nila na nagloloko yung girl.nakakaloka! >:( hayaan mu na kung may gatherings wag ka na lang pumunta aba mahirap yung feeling OP noh.iwas ka na lang basta alam mu sa sarili mu na wala kang ginagawang masama sakanila.tsaka yung ex ni hubby insecure lang sayo yun kasi ikaw ang pinakasalan ;) and please dont consider yourself na kabit! hello alam ba nila meaning ng kabit? panu naging kabit ang pinakasalan? tsss!
« Last Edit: July 23, 2013, 04:02:06 pm by gracita13 »

aquacharly

  • Guest
Re: inlaws treating me as KABIT
« Reply #3 on: July 25, 2013, 10:42:12 pm »
You are legally married, and there is nothing to render your marriage null and void from the start -- pwes, kahit ilang beses kang tawagin ng kabit eh -- who cares?

Actually, sa tropa ng mga topak na ito -- your husband should be the one to put order or bring their brains and manners back to the right places.
Hindi nya masabihan ang mga magulang nya to respect his choice and new life?
Hindi nya masabihan or pagalitan his ex na since makati sya eh who is she to malign you?

Natatakot sya mailayo mga anak nya sa kanya?  I do not think that will happen. 
First, the ex already has 2 younger kids to provide for. 
Basta hindi kaya ni ex  buhayin -- ayon, itapon pabalik sa inlaws mo.
Kaya nga when unang lumabas ka as being in a relationship with her ex live-in/your hubby now  eh di ba binalik nya yung mga bata sa inlaws mo?  Pera pera lang motivation nya, as in -- her action statement is:  your hubby must provide for his kids  period.

Do not push yourself sa mga inlaws mo, sa mga stepchildren mo.
Just be there to pakisamahan sila ng mahusay, when they come across with their manners intact.

Sometimes, the best course of action is to do nothing.
Just let time solve it all.  Sit pretty and away ka lang.

chinkywinky

  • Guest
Re: inlaws treating me as KABIT
« Reply #4 on: July 26, 2013, 01:24:43 am »
^isang malaking TAMA!

Wag mo na lang pansinin yung inlaws mo, legally married kayo and you have all the right as his wife. Chill ka lang sis. Hayaan mo silang manigas sa inis.

jmeangeL

  • Guest
Re: inlaws treating me as KABIT
« Reply #5 on: July 26, 2013, 10:55:49 am »
why not just legally adopt the kids of your husband para wala na talagang habol si ex.  doon mo na itira sa bahay nyo and treat them as your own kids.  kung nasa MIL mo kasi at sustento lang ang binibigay ni hubby, magiging emotionally scarred ang mga bata, plus, my brain washing pa from their mom and your MIL.

adopt the kids.  get them away from their mom and your MIL. and cut all communications with them.  hindi na kaylangan makipag-usap or makipag-harap sa kanila kasi nasa inyo na ang mga bata.

di ka na rin ma-stress kung ano man sabihin nila dahil di mo na maririnig.  mas magmumukha silang un-educated kasi wala na silang pwedeng isumbat pa sa'yo.  i-block mo na rin silang lahat sa FB para hindi ka na makita or mahanap pa.

aquacharly

  • Guest
Re: inlaws treating me as KABIT
« Reply #6 on: July 27, 2013, 12:57:32 am »
^ That's 1 way to solve it all. 
You & their father will gain control of the kids.

You think the ex will agree to the adoption?
Adopting them means you  put them on equal legal footing with  your kid now and future  kids.
How do you feel about that?  It isn't only your  husband who povides, but you too  contribute to family finances.  How will you feel about YOUR money going to someone-nasty-to-you's kids?

I think the animosity of the in laws is their misplaced aggression on you, instead of on their son.
Imagine yourself in their  shoes:  because of 2 adults who couldn't make their relationship work, these grandparents become the primary caregivers for the 2 kids.
Now, that's unfair to the 2 oldies.  What do you think? Fair to you?  2 kids with emo baggage already is a lot to take on, really. 

Be realistic as to what you can handle, and can't.
Do not over extend yourself just because of your love for your hubby.
Do not over extend yourself just because you want to be the Superman/savior to the kids & oldies.   
It is better to be practical, than  to build up a goody goody image when it comes to a complicated set-up.
In short, get real.


cloudzy_09

  • Guest
Re: inlaws treating me as KABIT
« Reply #7 on: July 31, 2013, 01:00:25 pm »
@ chinkywinky

Agree ako sayo... Kung ayaw sa iyo ng inlaws mo e di pabayaan mo sila ilayo mo na sarili mo sa kanila para wala ka stress kasi kahit gumawa ka pa ng maganda sa kanila e  mamasamain pa din nila yun.

Regaring sa mga kids ng hubby mo medyo umiwas ka na lang muna at mag concentrate sa mga kids mo kasi kahit ano pa gawin mo hawak pa din sila ng mama nila malaki ang impluwensya ng mama nila sa kanila. Pero pag nandyan yung mga kids syempre be nice to them.

rannastillero

  • Guest
Re: inlaws treating me as KABIT
« Reply #8 on: August 08, 2013, 03:09:32 pm »
Ang gulo ng mundo mo sis.
ikaw ang LEGAL na asawa pero kabit ang tingin sayo?

Tama yung mga sissies nating nauna ng magcomment, hayaan mo na yung Inlaws mo, kung ayaw nila sayo eh di wag, si hubby naman ang kasama mo diba? about gatherings, wag ka na ring umattend hayaan mo sila.  Hindi mo rin naman masisisi yung inlaws mo kung bakit ganon na lang sya sayo.
Nauna kasi si EX kahit hindi sila kasal parang sya na ang itinuring na manugang ng MIL mo, plus may anak na silang 2 nung dumating ka. So Sa iba kahit na hindi kasal si ex kay hubby asawa pa rin ang tingin nila dun. kahit gaano pa kasama at kamaldita si EX sa tingin ng iba sya yung asawa, sila yung pamilya ng hubby mo. Sad to say sis pero mahirap talaga pag makikitid ang utak ng nakapaligid. kahit na siguro ibalandra mo yang marriage certificate nyo ni hubby sa lahat ng ka close ni EX na relatives ni hubby ikaw at ikaw pa rin ang lalabas na mang aagaw, ikaw pa rin ang sasabihan nila ng kabit. Kaya hayaan mo na lang sila, wag kang paapekto, be a good wife and mother sa asawa at anak mo. dont mind them. mabwibwisit ka lang kung iisipin mo sila. be happy and god bless.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close