Author Topic: MIL Issue  (Read 2269 times)

janachen

  • Guest
MIL Issue
« on: January 31, 2020, 11:07:59 pm »
Mga sis, anong magiging reaction nyo kun kada magkikita kayo ni MIL laging bukambibig ang magpills, magcontrol.

Ang kakarindi na part yung nasa madaming tao with kakilala man or hindi sasabihin, "oh kita nyo ang dami dami na, sinasabi ko na lagi sa kanila na tama na..." We only have 3 kids.


glamorosa_09

  • Guest
Re: MIL Issue
« Reply #1 on: January 31, 2020, 11:30:48 pm »
Kahit naman gusto niyo isang dosenang anak eh it's your call kung hindi naman kayo nakakaabala sa kanila. Birth control decision ay nasa pagitan lang ng mag-asawa hindi kasama MIL dun. Saken hindi okay yung ganyan lalo na't may ibang tao at paulit-ulit na ginagawa.

Kausapin mo na lang husband mo na pakiusapan MIL mo na wag na magsabi ng ganun sa may mga tao. Kung ayaw makinig, nasa sayo na yan. Ako kasi I minimize interactions as much as possible, hindi kasi sila sanay sa respect boundaries. Gusto nilang maging co-decision makers sa family, LOL.

janachen

  • Guest
Re: MIL Issue
« Reply #2 on: February 01, 2020, 11:08:01 pm »
Kahit sabihan nya sis. Pagnagkikita kita kami ganun ulit ang sinasabi.. Naririndi ako.. Hindi ko na nga pinapansin.  >:(

Napapa roll eyes nalang ako hahha pero syempre tahimik lang ako pero deep inside naiinis.

bad.det

  • Guest
Re: MIL Issue
« Reply #3 on: February 02, 2020, 07:42:09 am »
Salamat at may thread na ganito!

Kapag ganyan sis wala atang respeto sayo yung MIL mo kasi walang pinipiling lugar.

Kamusta naman yung sakin kasi kasama namin sa bahay. Nag try ako magketo kasi sumasakit na yung likod ko sa bigat ko. Maya't maya salita ng salita na magkanin daw ako etc etc. nakakarindi. Kung hindi lang ako naaawa noon dahil senior na siya at wala syang kasama sa bahay.

janachen

  • Guest
Re: MIL Issue
« Reply #4 on: February 02, 2020, 09:48:48 am »
Diba, sasabihin mo sanang concern pero hindi ba naisip kung kani kanino nya sinasabi.  siguro kung nanay  napagsabihan  na, kaso nanay ng asawa mo baka sabihin bastos tayo

 

Latest Stories

Load More Stories
Close