sis tiara - nabasa ko nga rin sa mga blogs na maraming islands ang pwede mapuntahan kaya lang 2 lang napuntahan namin, close ang snake island. sayang talaga dahil ito pa naman ang gusto kong puntahan. sinabi lang nila nung nasa bangka na kami. i wish they could have informed us ahead of time kung anong islands ang pwede at hindi pwede mapuntahan. wala kaming agency when we went there, direct inquiry and booking kami sa hotel.

at sa mga pupunta, wag kayong makalimot uminom ng bonamine

dahil talagang maalon at medyo mahabang byahe ang honda bay tour. yung UR more or less 20 mins lang ang boat ride, ang honda bay tour, 30-45 mins boat ride yata every island, kung iisipin mo, mas mahaba pa ang oras sa byahe kesa sa pagpicture and swimming.
sis babybubot - magDIY na lang kayo sis kung City Tour ang gusto niyo. para hindi kayo nagmamadali sa oras, yong nakausap ko kasing trike driver, p700 lang kami 2 na, sayang nga lang at nakabayad na ako sa accommodation na may tours na kasama. sa City tour kasi na nakuha namin, kapos sa oras palagi. kung firefly watching, merong p1300 for 2 persons na, kasama na ang boat rental. Hindi pa rin kami kumuha kasi we were so tired.
regular fare nila - p8. kung gabi, naging p10. kung nakapila sila, p20.
people in Puerto Princesa, they were all nice. nakakatuwa at disiplinado sila, walang basura na naka kalat. first visit namin at nagenjoy kami dito. food were affordable, masarap sa kalui though konti lang ang choices sa food, unique ambiance at service, nakapaa kayo sa resto. sa kinabuch naman, masarap ang food din, pero super tagal lang ng kanilang service, marami din kasi silang customers.
sabi ng guide namin, wag bumili ng pearls sa mga naglalako, kasi p650-700 ang bentahan nila, sa mga souvenir shops na pareho lang 200-300 lang. well, late na warning niya kasi nakabili na din ako ng p650 jewelry set of freshwater pearls
