This is a long post. Sorry, pero please read po.

Need advice because I feel disrespected.
Nakabased siya sa Canada, 3 months pa lang kami and last naming kita is 2002 pa, college classmate ko siya. Friend ko siya sa FB and nakakachat until nadevelop. Ang problem sa kanya is may pagkama-L siya, kaya gusto nya sex chat. So pag di ko pinagbibigyan, or inaasar ko, nagtatampo pero after one day, sinusuyo nya naman ako.
Pero ngayon, kapag di mo pinagbigyan, nababadtrip at natitiis akong hindi kausapin at ang end up, ako pa susuyo sa kanya. Yun ang lagi naming pinag-aawayan and to think alam naman nya na virgin pa ako and yet parang di nya maintindihan yun.
Hindi naman sa nagpapakipot ako or something, kung tutuusin pag-uwi nya this December, payag nga ako na may mangyari na samin, hindi pa niya mahintay yun. Sex chat is not my thing kasi and sabi ko hindi ko alam pano gawin yun, and sabi nya iba daw ang walang alam sa ayaw matuto.
Kapag may times na sinasakyan ko siya, bumabalik yung pagiging sweet nya, pero pag may times na tumatanggi ako, nababadtrip at hindi ako talaga kakausapin.
Eto yung last naming conversation:
HIM: Baby, ang tigas neto?
ME: Ang alin?
Tapos hindi siya nagreply. So hindi ako nakatiis, nagmessage ako ulit.
ME: Hay, baby, inaatake ka na naman ng toyo.
HIM: Ang lakas mong mang-asar eh.
ME: Ikaw nga nasasanay na ako dyan sa kamanyakan mo, tapos sa pang-aasar ko hindi ka masanay-sanay, unfair.
HIM: Hindi ako manyak, tuod ka lang.
ME: Hindi ka manyak? Weh? Talaga lang ah.
HIM: Ah ganun ba? Sorry ah, sige hanap ka na lang ng iba, marami pa naman dyan.
ME: Napakasensitive naman talaga. Sabi na eh, one-sided lang tong relasyon na to, pinapaniwala mo lang na mahal mo ko, anyway, sige hindi na kita iistorbohin.
HIM: Kapal talaga neto. One-sided kasi wala pang nangyayari. Pinaghihintay mo ko hanggang makauwi ako tapos sasabihin mo one-sided, mag-isip ka nga.
ME: Eh paano mas pinipili mo pang toyoin, paanong hindi ako mapapaisip noon.
HIM: At ikaw mas pinipili mo pang pahirapan ako. Kung hindi ka makatiis, madami pang iba dyan.
ME: okay.
Any thoughts? Sorry po sa haba ng post ko. Nawiwindang ako sa kanya eh. Up until now, hindi nya pa ako kinakausap and ayoko ng suyuin siya ng suyuin, nawiwili masyado eh.
Thank you sa pagtyatyagang basahin.
