watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after makapagtapos? PART 2  (Read 28072 times)

amethyst028

  • Guest
^wala kasi siya magagawa dahil umaasa na sila. He can?t just cut them off. Parang ako na lang mag adjust sa situatuon kung kaya ko.

Like his son na lagi namin kasama as in for the past 9months parang 3x lang kame naka labas na kame lang. since magkita kame hanggang sa uuwi ako kahit next day pa yun kasama pa rin namin anak niya. Instant family. So that?s another issue for me.

Lately wala na ako gana to spend time kasi mas pagod pa ako pag weekend dahil yung anak niya super likot and ako na halos nag aalaga kasi sa akin sumama yung bata kesa sa kanya. He also leaves me alone with his son so he can do his stuff. Nag away na nga kame kasi sabi ko hindi ako yaya ng anak niya. OT na.

So ayun may iba pa naman factor aside from money. Baka makipag break na nga ako. Pero kasi hirap naman na ang reason e yung anak niya and money diba? Parang ang bad person ko naman. Hehe!

Girltalker2

  • Guest
^ hindi naman Yaya ang career mo di ba? You sacrifice your weekends to be with him, at the expense of your son, then ang ending, mag alaga karin ng bata.

If I?m in your shoes, will do the same.
My partner has kids din, but he manages his time well. He is also busy and lagi din nag t travel. He asks me favour at times to buy a gift for her daughter nung out of town sya. Pero yun lang yun time na naalala ko. The rest, sya mismo hands on - even in buying milk for them (kasi his ex is so kuripot pati mga anak tinitipid), goes shopping with his daughters if they need something to wear for any occasion or school etc.

Hindi purkit malaki pay nya he thinks he can pay everyone and ask them to adjust to his job/schedule. Sorry sis, he just reminds me of my ex.
« Last Edit: January 09, 2018, 03:04:12 pm by Girltalker2 »

mysterioza_me

  • Guest
^wala kasi siya magagawa dahil umaasa na sila. He can?t just cut them off. Parang ako na lang mag adjust sa situatuon kung kaya ko.
Ang hirap nito. Pati pamilya niya pakakasalan mo. Tama ka di naman pwede na basta niya icut ang support pero kung di niya iisipan ng solusyon ngayon pa lang malamang tatanda siyang binata. Swerte siya if makakahanap siya ng babae na tatanggapin na lang ang sitwasyon niya.

May kamag-anak kami na OFW ganyan e, yung misis niya walang magawa. Tahimik na lang kesa pag-awayan nila. Nakabukod ng bahay mga magulang niya and yung mga kapatid na may pamilya na. Pero kapag oras na ng kainan nandun sila sa bahay ni kamag-anak na OFW. Hati si misis and magulang sa allotment pero kinakapos pa din magulang kasi nagsusugal ang nanay. Kaya kapag kinapos pambayad sa bills sa misis ni OFW takbo. Nung minsan na tinanggihan ni misis ng Ofw na pahiramin nag-away na sila ng mister niya at siya na ang pinalalayas. Tapos pati panganganak ng mga kapatid sagot pa ni OFW. Di na nahiya mga kapatid, anak pa ng anak.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close