watch now

Author Topic: Bitter and pathetic moments  (Read 34722 times)

michipoo

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #140 on: February 27, 2016, 06:58:24 pm »
I called hom 100x and he didnt answer. Talked to his friends to help me talk to him. Pero hindi nangyari. The last time we talked, namakaawa ako, umiyak, hagulgol, nagpaawa ako. Sabi niya sakin "gusto mo ba bumalik ako dahil lang sa awa?". Narealize ko na kapag ayaw na sayo ng tao, kahit ano pang gawin mo hindi na siya babalik.

TomHansen

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #141 on: March 03, 2016, 09:07:33 pm »
^^ totoo yan lalo na kung meron ka nang kapalit, bihira makipaghiwalay ang lalaki kung walang ibang babae..

AnneMP

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #142 on: March 04, 2016, 08:50:43 am »
Before, I drive to his house sa South pa para lang mag antay sa koche dahil walang tao sa bahay nila.  Hindi kasi sumasagot sa phone or sa text kaya para lang makipag communicate, drive ako ng malayo. 

Good thing hindi ko nakatuluyan yun.  I'm sure pahirapan lang niya buhay ko.  BF GF pa lang, wala na syang consideration.  I'm not bitter but I think I was so pathetic back then.  LOL!  Maybe regret lang... Why did I ever waste four years of my life with someone who is not even good enough for me? We live. We learn :D

cybelekronos

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #143 on: March 04, 2016, 09:05:22 am »
^ tama sis!same tayo regrets na lang talaga, sayang panahon at love. saka simula lang yan maging pathetic at mag paka bitter as in normal lang naman, minahal mo e.
kahit ako until now bitter pa rin at galit sa kanya pero dun ko rin dinudukot un pag momove on.
mag papaka baliw ba ako sa taong ayaw na sakin, pinalitan na nga ako, mag iinarte pa ba ko sa kanya, ano sya sinuswerte?   >:(

@ shraen, sis pag mabilis ka napalitan, meaning kayo pa lang may nahanap na sya kapalit, ay naku, pasalamat ka na lang nawala ka na sa ganyan klaseng tao.

TomHansen

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #144 on: March 04, 2016, 12:12:27 pm »
^ ang tagal nga nun 8 years para makalimutan pero posible pa rin yan basta tyaga lang and give yourself time - wag kang mainip. Huwag mo ring alalalahanin yung masasayang memories wala nang maitutulong sayo yun kung hindi manghinayang ang alalahanin mo palagi yung mga masamang ginawa niya sayo para mas madali kang makamove on.

piatos

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #145 on: April 10, 2016, 11:15:16 pm »
^mahirap talaga sis sabi nga nila real feelings don't just go away.  Pray ka lang sis, share your grief with your family or friends, maging abala, go out with your friends at isipin mo ayoko na umiyak at nakakapagod na and let new people in.  Ganun ginawa ko dati nakatulong naman. 

piatos

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #146 on: April 12, 2016, 12:40:37 pm »
ano sa tingin niyo guys? kasal na yung  ex ko tapos bigla-bigla mangungumusta dba parang pinagyayabang na kasal na siya?

TomHansen

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #147 on: April 24, 2016, 02:28:14 am »
^ baka iniisip niya nakamove on ka na kaya casual lang siya makipag-usap sayo, medyo insensitive pero hayaan mo na lang. Iwasan mo na lang isipin na pinagyayabang niya na kasal na siya kasi ikaw rin ang lugi dahil ikaw ang maiirita/masasaktan/maapektuhan. mas mabuti putulin mo na lang communication niyo sis para wala nang problema..

drag0nfly

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #148 on: June 18, 2016, 02:07:11 am »
Ako dati may eksenang nasa taxi sabay tumugtog sa radyo yung Broken Vow na ginawang theme song ng Meteor Garden, which was airing at the time.  Nakatingin lang ako sa bintana, tulala, sabay tulo ng luha.. very MTV moment  ;D  Eh napansin pala ni manong driver, ayun tinanong pa ako kung anong meron hahahaha.

Kasi yung walangya kong ex that time, wala pa yata kaming isang buwang hiwalay eh may bago nang pinopormahan sa office.  Feel na feel ko na para saken sinulat yung song na yun.  Ngayon natatawa na lang ako pag naaalala ko, pero dati feeling ko guguho na ang mundo LOL.

gc.garcia

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #149 on: July 12, 2016, 09:31:09 pm »
The most pathetic.. This happened years ago.

Pumayag maging on the side niya when he was still with his then gf. He was looking for a job that time in SG and wanted me to go there to be with him. He wanted us to start over there and he even talked to me about starting a future and a family with me. I said I couldn't because I was already migrating to another country with my dad. So ayun turns out he was making sure we worked out our unfinished business first before he broke it off with his then gf. What an a****le!!! (I met him 2 years prior to him meeting his then gf)

His gf that time was still studying so she couldn't have been with him at all. So ayun I felt so guilty and came to my senses after 2 weeks and broke it off. I cut ties with him but he asked to meet up when he came home after a month of job searching without success. We met up one last time and that was it. I distanced myself from him from then on, I had no guts that time to tell the then gf about it, so what I did was I prayed hard and said sorry to her in my head a million times kahit I know it would not change anything. Super lame I know but I couldn't afford to be tangled with him or them anymore. I had to move on.

Ayun couple months after, they broke up turns out nahuli nya si guy na may ibang babae. I heard it wasn't the first time she found out. They were long distance for a good part of their relationship and si guy pala had other girlfriends when he used to work in Manila (which meant he had been cheating on her for the most part of their 2 year relationship)




« Last Edit: July 14, 2016, 08:45:56 am by gc.garcia »

cosmochick

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #150 on: July 13, 2016, 01:36:16 pm »
Umiyak from one to sawa, maglasing at halos magpagulong gulong sa daan sa kakaiyak na to the point na my friends had to drag me home .. If you knew me in person, you wouldve never imagined me doing that.  ;D

Funny thing ,of all my exes, sya pa ang pinaka pangit pero he was the only one who managed to tear me apart like that. ;D
« Last Edit: July 31, 2016, 02:41:43 pm by cosmochick »

twinxz

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #151 on: July 13, 2016, 03:14:41 pm »
^OMG sis! Likewise! Kung sino pa yung pinakapangit na ex-bf ko sila pa yung nakapagpa-breakdown sakin ng todo! HAHAHAHA!

annmitch

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #152 on: July 17, 2016, 06:24:42 pm »
Pathetic na ginawa ko nag aantay na ng 1 1/2 years kung babalikan niya ako..after 8 years kami nun kami nag break. Pero parang hindi din kasi talaga kami nagbreak. April 2015 siya nakipagbreak. 1 month lang kami hindi nagusap. Kaya parang 10 years din kami. after nun 1 month hindi nagkita, nagkikita na kami ulit. Sa umpisa dati, My akwardness,  medyo hindi pa ganon kadalas magkita, tipong twice a week lang, medyo hindi ganon kakwento. hangng sa tumagal ng tumagal, kahit nagkikita my mga prob padin na sasabihin gusto space pero nagkikita padin.maayos padin. Siguro space na walang gf na inasikaso muna at stress. until ngayon na mas unti unti naging ok, un mas my sweetness na siya,araw araw na nagkikita. ganon padin treatment niya sakin kahit nun kami, yung parang mag asawa padin. kaya mapapaisip ako na, mas lalo ata my improvement na. Pero ang masakit, tuwing magagalit siya, mag aaway kami, lage niya papamuka na, hindi naman kami, matagal na kaming wala at ako lang siksik ng siksik sa sarili ko. Oo siguro sa part na nagsstay padin padin kasi ako sa place niya and nakatira kahit hiwalay na kami,( pero hindi siya dun nakatira, ako nakatira dun mga 6-7years na pero sa kanya yun place) kaya ko kasi ginawa yun. Iniisip ko baka maging ok kami kung dun padin ako stay and kasi yung treatment kasi niya is same padin, sinasamahan ako, nagpapaluto sakin, pera niya, pero ko. kaya mixed signals diba. Pero yun nga, tuwing away, sasabihin na matagal na kami tapos at nagiging mabait lang, Pero after ilan days, hahanapin naman ako, magkikita kami, ganon padin. Habang tumatagal, especially 2 weeks ago til nun last weekend. Naisip ko na, ok naba kami? My nabanggit kaso siyang bf. Mas naglalambing pa lalo siya. Pero hindi ko nalang nilinaw and go with the flow nalang ako sa conversation. Pero ngayon nun nag away kami nun friday. Sinabi padin na hindi naman kami. Hindi ko alam kung dala lang ng galit or talagang para sa kanya, matagal na kami wala at pagging mabait nalang kaya lahat ng attention niya, nasakin padin. I dunno if eto na yung end. Kasi for the 1st time in 10 years. Kahit nun naghiwalay kami. Never niya ako bnlock or naghide sa viber. Alam niya kasi tinitingnan ko yun. Hindi nga lang ako sure if blocked ako or naghide lang siya ng status para maparanoid ako. Ang sakit. Sa dami ng masasakit na sinabi niya nun friday na below the belt. Nasabi ko nalang na, yan pala talaga tingin mo sa pagkatao ko, na sige hindi ko na siya guluhin. ( pero hindi ko alam if kaya ko panindigan) sabi niya kasi, panindigan ko daw at huwag na ako maghahabol ulit at magpapansin. Ang hirap. Ang tagal ako nag antay na baka maisip niya makipagbalikan to think lage naman kami nagkikita, nagiging sweet nadin siya pero lage naman niya sinasabi pag galit na, hindi naman kami. Back to zero nanaman ang pagmmove on ko. Natatakot ako na baka eto na talaga yung end. Kasi ako hindi ko siya matiis. Kung siya makakapagtiis sakin, malamang eto na talaga yun. Ang hirap. Kasi parang kami naman sa mga gestures. Kaya fresh na fresh ang sakit. Hindi ko alam kung kaya ko tanggapin. Hay.

annmitch

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #153 on: July 17, 2016, 06:37:12 pm »
Ngayon sinisisi ko nanaman sarili ko, na sana maayos nalang ako sumagot sa kanya nun friday. Yung hindi *censored*" tulad ng sinasabi niya. Oo, pwede ako ang mali dun, pero ganon ba talaga kasama yung sinabi ko para sabihin niya yung mga below the belt na sinabi niya. Sobra naman yun. Pag siya nagkakamali, kahit malaki at mabigat, sorry lang ok na. Pero pag ako, maliit or malaki, iisa galit niya. Pero siguro kanya kanya lang talaga ng ugali e. Nanghihinayang ako na sana magkasama kami ngayon. Halos araw araw kasi kami magkasama. Hay. Hindi ko alam mga sis ano ba ang pinanghihinayang ko? Naging kami ba? Kaya hinayang na hinayang ako or nadala ba ako na oo kahit wala confirmation na kami ulit pero yung pinaparamdam niya sakin is parang kami kaya ako nanghihinayang na parang nagbreak kami ngayon? Sorry sis mahaba ah. Wala nanaman kasi ako sa sarili. Nakahiga. Nanghihinayang na sana magkasama padin kami. Sinisi sarili. Natatakot ako na baka eto na talaga un end. Kasi baka maisip niya, my mga ugali padin ako na hindi mabago kaya nagagalit sakin at ayaw na. Pero my dapat ba ako panghinayangan? Kung oo parang kami nga. Sweet. Lage magkasama. Parang magasawa like before. pero every time magagalit sasabihin hindi naman kami. Pero yun lang. After ilan days ok na ulit. Magkasama na. Nakakatakot na baka tapos na talaga. Ang hirap hirap. Nun friday dagdag pa sa masasakit na sinabi niya was, pasalamat daw ako hindi pa daw kasi siya nagggf kaya lahat ng attention niya nasakin padin pero matagal na daw kaming wala. Ngayon daw seryoso na siya maghahanap ng iba. Hay ang dami pa masasakit na salita. Sobrang sakit na hindi ko akalain sa 10 years na pagsasama e masasabi niya yun. Ang hirap.
Gusto ko siyang puntahan ngayon para magsorry sa mga nasagot ko sa kanya nun friday. Alam ko naman na mali ako dun. Pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung nakablock ako sa kanya. Kahit magpunta ako ng condo. Wala naman assurance na pupunta yun dun at malaki chance na hindi. Pero gusto ko lang din malaman kung tinapon ba niya mga gamit ko, nagpalit ba ng lock. Yung ganon.  Ayaw ko naman magpunta sa kanila kasi ayaw ko makita ng mga magulang niya na ganon ginagawa ko.. pag hindi ako nakapag pigil, sigurado pathetic moment nanaman.

drag0nfly

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #154 on: July 17, 2016, 10:52:41 pm »
^Sis, binabasa ko pa lang posts mo napagod na ko... Ikaw, di ka pa ba pagod sa sitwasyon nyo? 1.5 years na back and forth, nakaka-drain yun ah. Bilib ako sa tiyaga mo. I've been in the same situation, though months nga lang and hindi years na hindi sure kung ano ba talaga. Mapapayo ko sayo tapusin mo na yan. Anong klaseng lalaki ang sasabihan ka na pasalamat ka at hindi pa sya nagkakaron ng bagong gf? Wow lang ah. Gusto mo ba yung ganung relationship na parang panakip butas ka lang until may mahanap na bago? And yang cycle nyo na ok-away-bati, hindi healthy yan sis. Maawa ka sa sarili mo because you deserve better.

annmitch

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #155 on: July 17, 2016, 11:33:16 pm »
Thank you sis dragonfly. Bigla ako naiyak ngayon. Mali din kasi ako hangang ngayon hindi ko padin maaccept na wala na ata talaga kami. Na andun padin ako sa place niya. Na kahit pa nakikipagkita siya hindi nako babalikan kasi bakit kelangn niya sabihin everytime nag aaway kami ngayon na, sino ba ako. Na hindi naman kami matagal na. Hindi ko tuloy alam kung dahil sa galit lang siya kaya sinasabi yon or kung totoo ba yung iba e. Kaya eto hopia padin at nagttyaga na magkasama kami kahit wala assurance, kasi ba naman ang treatment niya is nakakalito, na parang kami padin na wala pinagbago. Parang gf padin yung dating nun treatment niya. Kaya nakakapanghina ng loob na paano ba naman ako hindi magiging hopia kung ganon gestures niya. Masakit lang kasi everytime nagagalit siya. Lage sobra masasakit sinasabi nya pero sanay na ako kasi ganon naman siya kahit nun kami pa. Ang sakit nun mga sinabi niya nun friday. Hindi ko tuloy alam if totoo lahat since sobra siya magsalita talaga pag nagagalit. Mabait siya and generous talagang masakit lang siya magsalita. Pero nun friday kasi, fault ko naman talaga why siya nagalit. Ang baba tuloy ng tingin ko sa sarili ko. Pero ganon ba talaga tingin niya sa ugali ko para masabi niya to, na kesho basura lang daw ako sa paningin niya, sa sama daw ng ugali ko sobra masaya pa siya na palitan ako. Na i ruined he's life daw kasi kung hindi daw naging kami, baka matagal na daw siya nakapag asawa kasi daw ako kelangan pa niya subukan ipaglaban ako sa magulang niya(since chinese siya) but U R NOT f*****g WORTH IT. grabe. Ang sakit sakit..  Siya kahit ang dami niya nagawa pagkakamali sakin. Hindi hindi ko sinabi na at nafeel sa kanya yun. Ang dami pa niya sinabi masasakit yun iba immune na ako since lage naman niya sinasabi yun pag galit siya e.  :(

simang

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #156 on: July 17, 2016, 11:47:44 pm »
Annmitch, walang mixed signals. Hindi nakakalito. Hindi mo sya boyfriend. Matagal na kayong wala at kelangan mo ng mag move on.

Kung sa kabila ng lahat ng ginawa at sinabi nya sayo, eh isang sorry lang okay na ulit, hindi nya kasalanan yun. Ikaw ang tumatanggap ng sorry, ikaw ang paulit ulit syang pinagbibigyan.

Tama ka, ang baba ng tingin mo sa sarili mo. Sa haba ng kwento mo lahat isinisisi mo sa sarili mo. Alam mo sis, when you're with the right person, hinding hindi mo yan mararanasan. And if he thinks you're not worth it, then he obviously isn't worth it either.

Pero alam ko, kahit ilang advice pa ang ibigay namin dito, alam ko, babalik ka pa din sa kanya. Magpapagamit ka pa din. Aasa ulit sa wala. Lulunukin lahat ng harsh words nya. Tapos pag nasaktan ka post ulit sa GT para humingi ng advice.

handlewithcare

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #157 on: July 18, 2016, 05:37:50 am »
Sis annmitch, if I were you iba-block ko sya sa lahat - phone, fb, viber, etc. as in completely ignore him. Forget about him, let go and move on. Alam nya kasi mahal na mahal mo sya kaya naco-control ka nya. Nasasabi nya lahat ng masasakit sayo kc alam nya hindi mo sya kayang iwan. Sa tingin mo ba sa ginagawa nya sayo, mahal ka nya?
 
You deserve someone better. Alam ko hindi madali pero all you need to do is to decide na ayaw mo na, na tama na kasi sobrang kawawa ka na. Kaya mo yan. Tingnan mo pag dinedma mo na sya, sya naman magpapapansin sayo. Haha.
 
Sana maging okay ka na sis. God bless!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close