Pathetic na ginawa ko nag aantay na ng 1 1/2 years kung babalikan niya ako..after 8 years kami nun kami nag break. Pero parang hindi din kasi talaga kami nagbreak. April 2015 siya nakipagbreak. 1 month lang kami hindi nagusap. Kaya parang 10 years din kami. after nun 1 month hindi nagkita, nagkikita na kami ulit. Sa umpisa dati, My akwardness, medyo hindi pa ganon kadalas magkita, tipong twice a week lang, medyo hindi ganon kakwento. hangng sa tumagal ng tumagal, kahit nagkikita my mga prob padin na sasabihin gusto space pero nagkikita padin.maayos padin. Siguro space na walang gf na inasikaso muna at stress. until ngayon na mas unti unti naging ok, un mas my sweetness na siya,araw araw na nagkikita. ganon padin treatment niya sakin kahit nun kami, yung parang mag asawa padin. kaya mapapaisip ako na, mas lalo ata my improvement na. Pero ang masakit, tuwing magagalit siya, mag aaway kami, lage niya papamuka na, hindi naman kami, matagal na kaming wala at ako lang siksik ng siksik sa sarili ko. Oo siguro sa part na nagsstay padin padin kasi ako sa place niya and nakatira kahit hiwalay na kami,( pero hindi siya dun nakatira, ako nakatira dun mga 6-7years na pero sa kanya yun place) kaya ko kasi ginawa yun. Iniisip ko baka maging ok kami kung dun padin ako stay and kasi yung treatment kasi niya is same padin, sinasamahan ako, nagpapaluto sakin, pera niya, pero ko. kaya mixed signals diba. Pero yun nga, tuwing away, sasabihin na matagal na kami tapos at nagiging mabait lang, Pero after ilan days, hahanapin naman ako, magkikita kami, ganon padin. Habang tumatagal, especially 2 weeks ago til nun last weekend. Naisip ko na, ok naba kami? My nabanggit kaso siyang bf. Mas naglalambing pa lalo siya. Pero hindi ko nalang nilinaw and go with the flow nalang ako sa conversation. Pero ngayon nun nag away kami nun friday. Sinabi padin na hindi naman kami. Hindi ko alam kung dala lang ng galit or talagang para sa kanya, matagal na kami wala at pagging mabait nalang kaya lahat ng attention niya, nasakin padin. I dunno if eto na yung end. Kasi for the 1st time in 10 years. Kahit nun naghiwalay kami. Never niya ako bnlock or naghide sa viber. Alam niya kasi tinitingnan ko yun. Hindi nga lang ako sure if blocked ako or naghide lang siya ng status para maparanoid ako. Ang sakit. Sa dami ng masasakit na sinabi niya nun friday na below the belt. Nasabi ko nalang na, yan pala talaga tingin mo sa pagkatao ko, na sige hindi ko na siya guluhin. ( pero hindi ko alam if kaya ko panindigan) sabi niya kasi, panindigan ko daw at huwag na ako maghahabol ulit at magpapansin. Ang hirap. Ang tagal ako nag antay na baka maisip niya makipagbalikan to think lage naman kami nagkikita, nagiging sweet nadin siya pero lage naman niya sinasabi pag galit na, hindi naman kami. Back to zero nanaman ang pagmmove on ko. Natatakot ako na baka eto na talaga yung end. Kasi ako hindi ko siya matiis. Kung siya makakapagtiis sakin, malamang eto na talaga yun. Ang hirap. Kasi parang kami naman sa mga gestures. Kaya fresh na fresh ang sakit. Hindi ko alam kung kaya ko tanggapin. Hay.