Author Topic: Long term relationships up to 5-10 years?  (Read 3144 times)

littlekinselle

  • Guest
Long term relationships up to 5-10 years?
« on: September 05, 2015, 05:05:55 pm »
Please help me.. I really need your help! please enlighten me! kung  lalayo na ba ako or mag stay pa ako?.
to begin with im on this older guy 10 years age gap namin  for 7 years.. he's my first at everything alam niyo na kung ano yun siguro. Sa una di maganda ang start ng relationship namin kasi lagi patago kami mag kita, at kailangan ko pa magsinungaling sa parents ko para lang makita siya. yes umabot ako sa ganon! kasi di nila tanggap na mas older si guy at baka daw may asawa.. yes dati meron pero na annulled na sila. bago naging kami.

A month before my Graduation pinakilala ko siya sa mama ko accepted naman na kasi ggradute na nga ako so pwede na mag bf, at kung love ko daw talaga. pero si papa iba wala lang kibo lagi. as always! a man of few words.  Im happy dahil for the 7 years wala kami cool off or ano man.

2011 umalis kami parehas ng bansa of course para mag work pero mag ka iba kami ng bansa na pinuntahan. 2012 bumalik siya for good daw. ako naman sept 2013 bumalik ng pinas.. yes nakayanan naman namin ang LDR. di naman lagi masaya at nag aaway din kami .  2013 din nung nag sama na kami in short live-in kami di alam ng parents ko na nag lilive-in kami dahil against sila dun. so tinago ko yon, pero alam ng kapatid ko na close ko.

naniniwala ako sa kasabihan na "Hanggat di mo nakakasama ng matagal di mo makikita tunay na ugali ng isang tao"  first month namin na mag ka live-in masaya tumaba nga ako  :).  sa bahay nila ako nakatira which is mama niya and 2 niya kapatid lang nakatira.. yung isa di pa umuuwi so basically 3 lang sila sa apartment nakatira.. naranasan ko na ako nag lilinis ng bahay nila at nag huhugas ng pinankainan of course nakatira ako dun nakakahiya naman diba kung tamad tamad ko. pero umabot sa point na pag may occasion 2 sisters niya di man lang mag offer na tulungan ako sa house chores. To the point na feeling ko ako na maid dun. Then nakikita ko na ugali ng Bf ko na superior siya sa kapatid niya in a way na mas logical siya kysa emotional pag may pinauusapan sila. ( di ako sumasali sa usapan nila pamilya)

mabait naman ang  partner ko parang mag asawa na kami talaga kulang na lang kasal ganon ang set-up namin.    for the past 2 years here in Philippines never ako nakapag work ng matagal ng dahil sakanya.  :(. binigay ko naman lahat sinuko lahat pero parang ang malas ko sa work dito sa pinas.  Pansin ko lang wala na siya gana maki pag make love kahit ako na nag iinsist. lagi niya sinasabi stress siya sa work. inintindi ko. next sinusuportahan ko bisyo niya sa car  dati di ako sumasama sa mga lakad niya  with his friends ngayon go na ako kahit saan!! yun lang ako ang financer. yung sweldo niya kasi di enough dahil  madami siya binabayaran montly mortgage.

ngayon umalis ako ng bahay nila 2momths na kami not living together dahil magkasama na kami ng kapatid ko. pinupuntahan pa naman niya ako lagi dito pa siya natutulog.. Lastweek nag away kami kasi di niya ako ni uupdate kung nasan na siya. im not demanding na lagi pero ako pa tuma tawag, pero parang  susuko na ako di na kasi ako masaya iniintidi ko na lqng siya pero di ako masaya sa relasyon namin. ang tagal na nga namin walang date o nuod mag sine together no time din siya sa s*x.

Sinabi pa niya saken na wag na ako padagdag sa problema niya at mag work ako para alam ko ang feeling. As much as possible i try to understand him kasi nga madami siya problem lalo na pera. Pag wala siya pera ako nag bibigay, ako sumasagot gastos sa lahat..

up to now di ko pa siya kinikibo last na text niya saken yesterday " Good Morning " lang. Ang gusto ko lang mang hingi siya ng sorry saken sa mga shortcomings niya.. Mataas ihi ng kapartner ko. sa mga friends niya galing galing niya mag advise pero sa sarili niya di niya ma apply.  Ngayon mag kakasama sila ng mga super friend niya sa san beda may car gathering kasi. nakita ko sa FB niya.  Hindi manlang mag text khit galit ako na nandun siya.



sorry haba na pala.. need ko sana ng advise niyo kasi di ko na alam gagawin ko sa relasyon namin. nakakasawa na.

Girltalker2

  • Guest
Re: Long term relationships up to 5-10 years?
« Reply #1 on: September 05, 2015, 07:44:13 pm »

It takes work to maintain a relationship.  Work from BOTH parties. Hindi puede ikaw lang ang nagp pursige for the relationship. He also has to exert some effort. Sa kwento mo, mukhang humahaba listahan mo ng complaints, therefore, not happy.  Malamang meron din sya sarili nyang listahan.

Pero sa nakwento mo regarding bisyo nya na sayo pa sya hihingi ng financing, parang hindi ata tama.  He should be self reliant, Ikaw din, para in case maisip ninyo mag asawa stronger kayo together. Hindi yung naghihilahan kayo pababa. 

You are still young. Single ka pa naman.  You have a whole life ahead of you. I dont see any point why you should stick with this guy.

TomHansen

  • Guest
Re: Long term relationships up to 5-10 years?
« Reply #2 on: September 05, 2015, 08:49:48 pm »
littlekinselle, hindi sa haba ng relasyon nasusukat ang pagmamahalan. 5-10 years kayo pero mas maraming panahon nagdudusa ka sa kanya at pamilya niya. Ikaw ang nagsasabi na nagsasawa ka na, you can let go sis walang mali sa gagawin mo. If hindi na healthy para sayo ang relationship why stay? Wag kang manghinayang sa tagal niyo dahil maaari mo namang ma-gain yan sa ibang tao - mas mahabang panahon na mamahalin ka at aalagaan ka.. Bakit ikaw ang gumagastos sa luho niya sis? Luho yun ibig sabihin extra money niya dapat ang gagamitin niya, kung hindi niya kayang sustentuhan wag niyang gawin.

Pag isipan mong mabuti sis, mahalin mo rin ang sarili mo..

littlekinselle

  • Guest
Re: Long term relationships up to 5-10 years?
« Reply #3 on: September 06, 2015, 12:10:39 am »
ngayon nag post siya sa facebook niya comparison ng may work sa tambay. in short ako pinatatamaan niya.. feelng ko tuloy ang liit ko wala nga ako work pero may pera ako halos ubos na. yung mama niya feeling ko may nasasabi din un na di maganda saken kasi kahit anak niya babae dami niya sinasabi di okay. Lahat ginawa ko na para maging okay pakikisama ko naging generous ako sakanila lalo na sa mama niya. ang hirap makisama sa totoo lang yung tipo. " Damn if u do, Damn if u dont"
buti na lang humiwalay na ako ng bahay.  hindi pa naman kami totally break up na di lang ako nag paparamdam kasi gusto ko mag effort siya na pumunta sa dito sa condo kahit na alam niya galit ako.
pero nasan siya now nandun sa Tambayan nila sa may CEU  inaasikaso niya car club nila.  may inuman pa. mas priority na yon kaysa mag sorry saken.  Naawa na ako sa sarili ko nakaka iyak na nakakatawa. pinili ko naman ito dati okay ang work ko abroad may ipon ako. Di ko alam gagawin ko sa totoo lang litong lito na isip ko.. di ko maiwanan yung baby ko (dog).  kung pwede lang kami bumalik ng ibang bansa bukas ginawa ko na.   

sobrang desperado ko na  haha gusto ko na tawagan si papa jack kanina.. hayyy  :'( :(
« Last Edit: September 06, 2015, 12:15:01 am by littlekinselle »

TomHansen

  • Guest
Re: Long term relationships up to 5-10 years?
« Reply #4 on: September 06, 2015, 12:58:31 am »
^ Sis ano ba ang gusto mong mangyari, ang hiwalayan siya or magkaayos kayo? You've been with him for years sa tingin mo ba kaya niya pang magbago? or is he's even willing to change para sa'yo? Kasi based sa kwento mo hindi pa kayo kasal pero dami mo nang problema sa kanya. Kung di ka makabalik sa ibang bansa mag-apply ka na lang dito, makatulong rin yan para di lang siya ang iniisip mo..

if you think papa jack can help you (sorry di ako nakakaparinig sa kanya)tawagan mo sis wala namang mawawala sayo.. basta sabihan mo kami para maka-tune in din kami.. :)


j.adore

  • Guest
Re: Long term relationships up to 5-10 years?
« Reply #5 on: September 06, 2015, 09:48:25 am »
Mas nakakahinayang yung present at future kesa past. Gaya ng sabi nila, wala yan sa tagal ng relationship.

It seems they're being ungrateful lalo na nagfinance ka pa ng bisyo niya tapos ngayon issue sa kanya na wala ka work?

It takes two for a relationship to work. Kung ayaw niya, move on and be happier.

SarSi_Em

  • Guest
Re: Long term relationships up to 5-10 years?
« Reply #6 on: September 06, 2015, 01:15:49 pm »
tulad ng tanong ni kuya TomHansen, ano nga ba gusto mo mangyari? gusto mo pa ba umayos? gusto mo na hiwalayan? kasi ikaw lang talaga makakasagot sa tanong mo.

pag mahal mo talaga pinipilit mo mabulag. kahit nasa harapan mo na lahat ng sagot sa mga tanong mo.
alam mo na may problema, alam mo rin san ang mga mali, san sya nagkulang, san ka sumobra.

hindi maayos ang mga problema kung mananahimik ka lang, mag usap kayo, at sa tagal nyo dapat may mga plano na kayo sa buhay. mga isyu o problema na dapat pag usapan muna kaysa para kayong mga bata nagsasakitan, may parinigan pa. matanda na ba talaga yan?

anong future ba nakikita mo sa kanya? kung sarili lang nya kulang pa pala ang pera nya, no wonder nagbago sya sayo, kasi wala ka ng pera pang support sa kanya, d ka na rin nakakatulong sa kanya o sa bisyo na. i hope mali ako, pero un kasi napansin ko kaya sya nanlamig sayo. wala kang work, wala ka ng pera.

mahirap tumira sa isang palasyo na may reyna na, di pwede magsama ang 2 reyna. kung matino yang bf mo, kahit maliit na apartment kumuha sya para sa inyo. mahirap makisama, been there, done that, mag paka maid ka na sa lahat, may marinig ka pa rin di maganda.






aquacharly

  • Guest
Re: Long term relationships up to 5-10 years?
« Reply #7 on: September 10, 2015, 05:58:28 pm »
You said it yourself: sawa ka  na.
So, alam mo na gagawin mo -- move on.

Sa cuento mo, you are holding yourself back para mag fit ka into his life.  Haynaku, you can achieve more than being an all-around maid to his family, a co-enabler to a car hobby he cannot afford,  a part-time career girl...

1st.  Hwag ka manghinayang sa years you were together.    Happy ka naman noon.   But that's not enough reason to suffer more years.  To feel: Eto lang ba?!?!

2nd. If a man can't prioritize you, or make you feel na "dead na dead" sya sa yo --  he should let you go.  For someone is surely out there who thinks you make the sun rise and set.

3.  Design the life you want. Hwag ka matakot. Achievable yan! 
« Last Edit: September 10, 2015, 06:06:11 pm by aquacharly »

px17

  • Guest
Re: Long term relationships up to 5-10 years?
« Reply #8 on: September 10, 2015, 08:43:45 pm »
TS Taken ka! Taken for granted! Mahal mo siya pero not enough yun to stay in the relationship. Try mo maghanap ng ibang buhay. I mean, wag mo lang paikutin sarili mo sakanya. There's more to life than love :) Your young wag kang manghinayang sa tagal niyo basta alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang part mo at sobra sobra pa ang binigay mo.

Tsaka stop stalking his fb. sinasaktan mo lang sarili mo. Spend time with your friends kung wala man sa mga kapatid mo. or sa dog mo. :)

lovemeagain30

  • Guest
Re: Long term relationships up to 5-10 years?
« Reply #9 on: September 10, 2015, 09:48:10 pm »
When you mentioned he got money issues , girl he is already considered as a bad news! Move on. Yun lang or else suffer the consequences of having him later in life.

littlekinselle

  • Guest
Re: Long term relationships up to 5-10 years?
« Reply #10 on: September 14, 2015, 09:11:27 pm »
thank you a lot sa inyo.. naliwanagan ako hintayin ko lang makalipat kami ng brother ko sa ibang condo para makag settle in na ako and plano ko na din umalis ng pinas by next year na siguro mga january or febuary... ipon ipon nanaman ulit ako..  gusto ko makapag ipon then bumili ng bahay ko mismo sa tagaytay.. tipong kahit maliit lang basta malaki ang bakuran para may maitanim ako mga flowers and herbs.

hail2dgoddess

  • Guest
Re: Long term relationships up to 5-10 years?
« Reply #11 on: September 23, 2015, 08:12:12 pm »
Pag-usapan nyo maige. Sabihin mo
Sa kanya lahat ng nararamdaman mo. Kung anuman ang mapagkasunduan nyo, make sure pareho nyo gusto and pareho nyo napagdesisyunan at napagkasunduan. If both of you decided to stay with each other,dapat he should do something sa mga grievances mo,and you likewise sa kanya. Ngayon, if both of you decided to call it quits, and you both think that it is what you need, then just be strong. Masakit talaga kasi una yan if ever. Pero Kaya mo yan, wala naman ibibigay sayo si Lord na hindi mo kaya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close