watch now

Author Topic: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera  (Read 11105 times)

tintin19

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #20 on: September 08, 2015, 02:38:43 pm »
:)
« Last Edit: August 01, 2017, 09:31:54 am by tintin19 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #21 on: September 08, 2015, 03:27:06 pm »
Sis tintin19 wag ka mao-offend ha hindi ba parang ang damot ng dating mo kasi all out ka sa pagtulong at suporta sa parents and aunt mo pero sa family ng partner mo may nasasabi ka? Tiklop ang kamay mo? Sa akin food lang yun e, maliit na bagay lang yun. Ang material things depende kung anong halaga. You can't say na mag-isa mo binubuhay ang baby ninyo kasi nagkataon lang naman na ang salary ng partner mo napupunta sa bayarin sa car. If you want ikaw magbayad ng car at yung partner mo sumagot ng needs ng baby ninyo at maggrocery para sa bahay, pagganyan ba ang nangyari feeling mo fair na yun sa iyo? Di ba parehas lang naman yun. Base sa kwento mo I think nakikipisan kayo sa byenan mo, if ayaw mo ng ganyang set up bakit di kayo bumukod kesa may nasasabi ka sa family ng partner mo? Kung ayaw mo na gumagastos para sa family ng partner mo dapat wag ka din magbigay sa family mo para fair.

Wala ba ibang family ang aunt mo? Bakit ikaw ang nagpaospital? Ano ba hinihingi ng SIL mo na ikinasasama ng loob mo? Mas malaking amount ba yun kesa sa ginastos pampaospital sa Aunt mo? Yung food or material things ba na nirerequest ng family ng partner mo pag ba kinwenta mas malaki ba kesa sa allowance na tinatanggap ng parents mo from you? Bakit ikaw lang nagsusuporta sa parents mo, wala ka bang kapatid? Innocent questions lang yan sis kasi di ko alam kung anong pinanggagalingan mo. Pero sana wag maging one-sided sa pagiging bukas-palad. Ang mahirap kasi nasisilip natin ang naibibigay ng partners natin sa family nila pero di natin nakikita ang binibigay natin sa family natin

Para sa akin yang mga ganyang request lambing lang yan ng mga kapatid. Youngest sibling ko nagwo-work na pero madalas nagpapalibre pa sa kin. Ako naglalambing din ng kung ano-ano sa younger bro and sis ko na nasa abroad. Pagnaglambing sila sa akin all out din naman ako. Close kasi kami ng mga kapatid ko. At saka sino ba magdadamayan at magmamahalan sa huli kundi kami lang. Ang asawa madaling palitan pero ang magulang at kapatid hindi, yan madalas sabihin ng bro ko. Turn off kasi siya agad pagnakitaan ng madamot na ugali ang girl.

huggykaye

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #22 on: September 08, 2015, 04:00:16 pm »
ngayon ko lang na realize ang swerte ko pala sa mga pamangkin ko, walang ganitong mahilig manghingi (pera man o hindi)... hindi rin kami pinalaking manghingi lang sa kapwa... naalala ko nung bata kami, kahit tinatanong na kami kung ano gusto namin, wala pa rin kami maisagot hehe =) siguro kung ako maka encounter ng ganito, pahihirapan ko muna yung nanghihingi, pasasayawin ko o kaya magpapa solve ako ng math problem or [textspeak!] mahirap na spelling... pero di ko pa rin bibigyan hahaha =) pasensya na pero iritable ako agad sa mga mahilig manghingi... magkahiyaan na kung magkahiyaan siguro pero hindi ako mangungunsinti ng ganyang mga bata...

tintin19

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #23 on: September 08, 2015, 05:35:34 pm »
:)
« Last Edit: August 01, 2017, 09:33:01 am by tintin19 »

lovemeagain30

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #24 on: September 08, 2015, 07:17:39 pm »
^^ang sagot sa kahirapan eh -- bumukod kayo. :)

Ayaw ni hubby mo pero it's the best solution for your marriage. Bakit kamo? Magsisikap siya para sa sarili niyang pamilya. Gawin mo siyang Padre de Pamilya. Ibigay mo sa asawa mong lalaki ang task na yun. Bilang asawang babae, our duty is to support our husband. Their duty is to provide for the family. Kung balak niyo parin tulungan ang immediate family like magulang at kapatid, you can do this as long as naitayo mo muna ang pamilya niyo. Yun kasi ang una at importante.  Makikita mo mas maluwang sa luob magbigay on both sides. Kaya mahirap ngayon kasi nakapisan kayo sa side niya. You find it unfair for you, your husband finds it the same way.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #25 on: September 09, 2015, 06:47:02 am »
Sis tintin19 sorry if na-offend kita ha and thank you na rin sa pag-explain sa situation mo.  Magtanong or sasagot lang ako per line base sa sagot mo.

ako pa nagkukusa mag-grocery, kasi patigasan sila wag magbigay kay MIL.

Sis bakit hinayaan ninyo ng partner mo na makawilihan ng mga kapatid niya ang ganito? Pag may work na dapat share na sa gastusin sa bahay para mas magaan. Ito ang dapat na unang pag-usapan ninyo hindi lang kayo ng partner pero ng buong household lalo na kung wala naman plan ang partner mo na bumukod.

Si partner ko binili nya yung kotse nya before pa ako mabuntis.. I asked him to sell it para tulungan man lang ako financial pero ayaw nya.. mag-antay daw ako after 3years pag nakaluwag na sya.

Naintindihan ko siya sa na gusto niya i-keep ang car since necessity na ito dahil may baby na kayo. Humingi na pala siya ng 3yrs na palugit siguro until the time na mabayaran niya in full ang car, ang tanong sis kaya mo pa ba magtiis ng 3yrs?

Dependent na din sakin partner ko. Lagi syang kinakapos at ako lagi pumupuna ng kakulangan nya. Hindi sa madamot ako, self-sufficient naman family nya kung tutuusin. Ayaw din ng partner ko bumukod dahil gusto nya dun sa kanila.  I find it insensitive na despite sa dami ng pinagdadaanan ko, na alam nila, nangingibabaw pa din yung paghingi nila ng materyal na bagay.

Bukod sa kotse may iba pa ba siyang pinagkakagastusan? Bakit sa inyo ng partner mo humihingi ng material things at hindi sa mga kapatid/anak  na may work din? Ayaw niya bumukod siguro dahil iniisip niya ang renta ng bahay. Siguro naman may own room kayo sa bahay ng byenan mo or if pwede kayo pagawa ng maliit na extension para kunwari nakabukod at may privacy kayo at makapagbukod ng pagluluto at gorceries para sa bills lang kayo makishare.

All out ka sa mga kapatid mo - all out din ako sa family ko. Maaaring sa POV mo madamot ako, pero sa POV ko naging insensitive sila. Nagbibigay naman ako pero kung tutuusin, wala akong obligasyon sa family nya.

Ikaw na ang nagsabi na all out ka sa family mo so maybe your partner is expecting the same for his family too. He's not taking you seriously at dini-dismiss ka lang niya pagpinag-uusapan ninyo kasi iniisip niya na fair lang ang nangyayari. Nakikinabang ang family mo at nakikinabang din family niya so quits lang, yun nga lang finances ninyo mag-asawa ang nagsa-suffer. Walang ibang solusyon sa issue ninyo sis kung hindi ang mag-usap kayo ng masinsinan about your finances at magbukod kayo ng bahay.

tintin19

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #26 on: September 09, 2015, 09:37:46 am »
:)
« Last Edit: August 01, 2017, 09:34:13 am by tintin19 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #27 on: September 09, 2015, 12:59:21 pm »
Hindi ko maalala kung saan thread yun pero may nagsabi na importante nga na tingnan kung paano maghandle ng finances ang guy. Ok lang naman na saluhin mo kung ano lang yung share ninyo sa bahay pero hanggang dun na lang, wag na mag-aabono lalo na kung naaapektuhan na savings ninyo. May work naman lahat ng inlaws mo except dun sa isa so dapat nga magaan buhay ninyo. Yung pagbili ng bahay baka matagalan pa yan (if wala mababago sa setup nyo) kasi after magbayad ng kotse saka pa lang kayo magstart makaipon para sa bahay by that time mag-aaral na si baby.

Sis if hihingan ka ng material things ituro mo yung partner mo ikatwiran mo na lahat ng earnings mo kay baby na kasi napupunta kaya wala kang extra. Pagmaghingi para sa kapritso ng partido niya tanong mo if may pera siya, kung meron go pero pagwala wag ka maglabas sabihin mo may baby na kayo kaya dapat magtipid na.Wag ka din magbabanggit about your savings. May guy kasi na pag-alam na may pera ang girl hindi sila naoobliga magbigay or katwiran nila  mas malaki earnings ni girl kaya siya dapat sumagot ng bigger chunk of expenses.

Maliit lang issue ninyo sis wag ka basta susuko iba pa din na lumaki ang baby na buo ang family. Pero di ibig sabihin nito magtitiis ka lang, need mo paintindi sa partner mo kung saan ka nanggaling. Upuan ninyo at pag-usapan maigi finances ninyo, mas mainam if nakasulat lahat ng expenses ninyo vs yung pera na pumapasok para may solid proof at makita niya kung saan napupunta pera ninyo.

--------------------
Pamangkin ko na nasa Pinas isa lang naman, the rest lives abroad. Di naman sila palahingi saka no prob naman na magbigay sa kanila, masarap sila bigyan kasi appreciative sila. Ang naiinis ako yung isang kamag-anak namin na brasuhan kung manghingi, hihingi na sa dad ko at mom ko hihingi pa sa akin. Daig pa niya mga kapatid ng dad ko kung manghingi to think na pinsan lang naman siya ng dad ko. Nahuli ko pa na inuutusan anak niya na manghingi ng pera sa kin. Mabigat tuloy dugo ko sa kanya. Mom ko nagpaaral ng MGA pamangkin, pero nun nagipit kami dati nganga kami. Di pa rin nadala ngayon nagpapaaral na naman, sabi ko laman ng bingo-han nanay nyan tapos pampaaral sa anak wala! Nakipagmatigasan ako, ayaw ko tumulong magpaaral sa ganun.

tintin19

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #28 on: September 09, 2015, 04:44:50 pm »
:)
« Last Edit: August 01, 2017, 09:35:56 am by tintin19 »

burgundy

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #29 on: September 13, 2015, 01:32:03 am »
Baka naman nasa kaugalian na ng family nila yun? Its not the kids fault naman kasi yan siguro ang nakasanayan nila so they think it alright. Kung ayaw mo nyan eh talk to your husband and explain your side. :)

But I understand you naman, that is how we are raised din kasi, we never ask for money or gifts. We are thought na nakakahiya ang ganun.

iannewn

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #30 on: September 21, 2015, 10:19:51 pm »
I also find this act nakakainis what i will do pag the show there hands ? I will get a knife takutin ko yun bata ... cut off ko hands niya pag nagturo or humingi.. hirap kasi daming mga bad habbit hindi kinocorrect kaya pag laki... nagpapakabit nalang sila puros mukhang pera yun parents kaya hindi maturuan yin bata na tama

 

Latest Stories

Load More Stories
Close