Author Topic: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?  (Read 46340 times)

sweetchili666

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #160 on: November 04, 2019, 09:48:05 pm »
Hala 5yrs ago na pala to.

 I agree with you sis! Ano nang nangyayari sa mundo at nabubuhay na ang tao sa socmed. Do you really need validations from other people. Mandatory na ba magpost ng new jowa sa fb? Or ig? Kami ng boyfriend ko nag in a rel kami nung umpisa. Sya pa nagiinsist. Mga friends nya andaming nagcomment sa new status nya. Ako ayoko talaga kasi masyadong public. Nahihiya ako. Or ayoko lang talaga ng pinaguusapan ako sa fb. After 3mos, nagaaway na kami lagi. Petty fights lang naman, tatanggalin ko yung status tapos ipapabalik nya, tas magaaway nanaman kami tatanggalin ko nanaman hanggang sa nagsawa na kami. Di narin kami friends sa fb. Haha. Saka sya talaga yung super hindi mahilig magupload ng pictures. Pag nasa labas kami sya pag yung mamimilit magselfie, nasa phone nya lang lahat nakasave. ako di talaga mahilig magselfie.  Kahit naman mga ex nya wala talaga syang inuupload. Parehas kasi kami hindi ma socmed. Lalo yung IG, sa fb naman puro share lang ng mga funny memes. Live in kami. Nachecheck namin phone ng isat isa kaya kampante naman ako. Pinakilala ndin naman nya ko sa family nya at mga friends nya so super tiwala ako sakanya. Importante padin yung pinaparamdam nya sayo yung love nya sa personal. Pero depende padin naman sainyo magjowa kung ano trip nyo... pero natutuwa ako sa mga newly weds sa newsfeeds ko. Nakakakilig.
« Last Edit: November 04, 2019, 09:59:58 pm by sweetchili666 »

mimiku

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #161 on: November 04, 2019, 10:39:32 pm »
Kung mahilig magFb yung bf mo and then daming friends na chickababes on his account aba magtaka ka na kung ni isang picture niyo together eh wala kayo. If however, he?s not active and seemed not to care about his soc media life, ok lang. Anyway, in my experience yung mga guys na hindi nagpopost ng kahit ni isang picture sa FB ng asawa or gf, may tinatago or madaming sidelines. Then again, meron din naman chronic talagang wominizer kahit nagpopost ng pics ng partner nila. However, honestly if I have to choose between my bf not posting or not, I would chose him to post at least 1 picture of me para at least kung magloko man siya, I would know na the other girl is aware he?s in a relationship and that parehas silang malandi kung papatulan siya. Huwag yung magkukunwaring walang gf, makabiktima pa ng walang kamuwangmuwang na babae. Lol. Everything is in moderation. Too much is poison however too much of less is also the same.

FayeP

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #162 on: November 04, 2019, 11:45:35 pm »
wala deadma lang ehhehe, mga sis, wala akong kahit isa mang picture sa FB ng asawa ko, we are not even friends on FB...di yun big deal, there are far more important things to focus on in a relationship at sa totoo lang, before din wala kami FB, kasi for me pambata lang to, naggawa lang ako ng FB for the sake of my kids dahil may mga FB groups sa school, group chat ng PTA, group chat sa office na laging may mga updates kaya need ng FB...

janachen

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #163 on: November 05, 2019, 12:55:41 pm »
may ganyan siguro ata talagang tao, ako kasi we've been together for 5 years ni isang pics wala ako at wala rin sa kanya.LOL

pero kasi magkasama kami sa iisang bubong at may kids na. Ang tanong tuloy ng mga friends kong tsismosa, single mom daw ba ako kasi wala daw akong inuupload :D

goddessella

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #164 on: November 05, 2019, 02:33:15 pm »
^ hahaha True. madami talagang chismosa sa fb. kaya hindi din ako nagpopost with my man. keep 'em guessing.

janachen

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #165 on: November 05, 2019, 03:42:22 pm »
meron naman super upload silang magcouple pero in reality ang labo labo ng relasyon nila. Ang sweet sweet sa fb pero alam na alam naman naming magkakaibigan kung [textspeak!] talaga status nila. So ayun, wala sa picture yan  ;D

Tinymissb

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #166 on: November 05, 2019, 04:49:04 pm »
Ok lang yun. Mag worry ka if di ka pinapakilala sa family nya or ikaw lagi gumagastos or inuutangan ka ni bf at di nagbabayad. Lol

FayeP

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #167 on: November 06, 2019, 07:30:34 am »
^sis janachen, kung sino pa nga yung sweet sa FB or sa IG sila pa yung madalas na di magkasundo at may mga kanya kanyang  tinatagong secret affairs heehe

candacena

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #168 on: December 06, 2019, 11:17:08 pm »
sa mga naranasan ko. may tinatago ang lalaki pag hindi magpopost ng picture nila ng gf niya sa fb. pano pag nakilala mo sa dating app. tapos may gf pala. lagot! agree ako kay mimiku

leigh_iyah01

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #169 on: December 07, 2019, 04:00:43 pm »
yay! ako wala ring post ng pic yung bf ko sa FB niya. haha. Di kasi siya ma-FB or ma-soc med. Yung kaisa-isang pic ko yata sa wall niya ako pa yung nag tag. Pero ako, I don't mind naman as long as I can see and feel naman na loyal siya and ako yung sinasama niya sa family gatherings and ako yung hinaharap niya sa friends niya. I don't believe everything in social media rin kasi. :)

bea31

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #170 on: December 09, 2019, 02:45:49 am »
Siguro some girls wanted atleast 1 pic sa fb to let other girls know that her man is already taken. Pero minsan kasi kahit na alam na may gf na ang guy may mga bi*ch pa rin na sige pa rin ang landi sa guy, so it depends na lang kung paano ihandle yon ng bf.

isha17

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #171 on: December 12, 2019, 06:44:04 am »
Wow buhay pa pala tong post that I started, back then I was the super clingy gf dahil bago pa kame and all. Now he is the one asking me to post a photo of us kung mejo matagal na [textspeak!] last post ko ;p at siya pa yung madameng posts about me.. My point lang naman dati is even one photo lang.. No need to broadcast every single move.. it also took him 1yr to introduce me to his parents. Later, I deciphered na maybe he?s making sure that everything is stable and sure na talagang we will last para maintroduce nya ako sa world nya. He was from a really long term relationship that time, 6yrs. Now 10years na kame,married and Pregnant :)

janachen

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #172 on: December 12, 2019, 08:00:23 pm »
haha no worries sis. Kasi madami naman nakakarelate sa ganitong sitwasyon. Para sa mga nagbabasa na lang.

abalon95

  • Guest
Re: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?
« Reply #173 on: December 13, 2019, 12:29:54 pm »
Buti yung exbf ko na ganyan, walang laman ang FB nya talaga. Ni hindi nga kami friends eh. Hahahaha. Ginagamit nya lang kasi for games, wala rin syang profile picture. Pero ayun, niloko pa rin ako and I did NOT expect that. LOL. Eto, gusto nya ng chance ngayon, pero ewan ko kung mapagkakatiwalaan pa.

AprilGal26

  • Guest
ang babaw na kung mababaw, pero I would feel bad. Specially if we've been together for year(s). Months is okay. I have this thing din kasi na I don't wanna post any photo of a guy I am with right away. I mean, testing the relationship through time ba muna bago i-post. though I am not thinking of break ups, pero alam mo naman yung mga tao sa socmedia, judgmental, kaya ayoko din makita nila na papalit palit ako ng partner  :D

So, answer is, if months, okay lang, if years together, definitely no lol

muning00

  • Guest
i honestly dont mind, kase personally ayoko din maglagay ng pic ng bf ko. kase for what? alam namin na comitted kame sa isat isa. i think its all about trust din.
un ex ko ang hilig maglagay ng pic namen sa acct niya at mag post sa wall ko. ako never nag comment, tamang like lang. ayun nagawa pa din mambabae. Lol

sabe ko maglalagay lang ako ng pic if ever na ikasal na ko.  ;D

qweasdzxc

  • Guest
Not a big deal for me. My then-boyfriend, now-husband was inactive kasi sa socmed, and I don't post din kasi couple stuff online. The only time my Facebook friends knew I was in a relationship was when I posted a profile picture of me wearing a gown. Ako lang talaga mag-isa sa pic ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close