Author Topic: Annulment (Thread 2)  (Read 2769 times)

armie8

  • Guest
Annulment (Thread 2)
« on: March 19, 2015, 03:56:24 pm »
Hi Sisses. Nagstart nako ng new thread dahil yung previous thread matagal ng walang posts. Anyway, I would like to seek your opinions and suggestions regarding my case:

I got married in 2005 because of unplanned pregnancy. Nagpakasal kami ni boyfriend kahit break na kami during that time (I broke up with him kasi lagi kaming nag aaway dahil sa pagiging active nya sa frat, mahilig bumarkada, uminom, at masyadong maharot sa mga babae). Ayaw ko rin kasi na mapahiya family ko especially si Papa kasi ako ang eldest sa magkakapatid at unang apo sa father side. Isa pa, wala pang history sa pamilya na nabuntis ng hindi kasal or walang asawa. I know it's stupid but itinuloy ang wedding. Sinagot ng family nya lahat ne expenses and ikinasal kami ng isang minister from a catholic organization. Sa Gerry's Grill pa nga ang kasal at reception ginawa. Nagwowork na ako during the course of my pregnancy and palagi pa rin kami nag aaway. Pinasasama nya loob ko lagi. And one time pa nga na tinatamad ako maligo, sinira nya damit ko as in pinunit nya para lang maligo ako. After giving birth, hindi pa rin sya nagbabago. Seaman sya and nakatira kami sa bahay ng mga magulang nya kasi ayaw nya na bumukod kami. To make the story short, hiniwalayan ko sya kasi nasa kanya na lahat, babae, alak, barkada, at nananakit sya. Gusto ko ng magpa annul pero pinag iipunan ko pa. I need your advice mga Sisses....san kaya magandang mag pa annul na malaki ang chance na ma-approve, and pwede ba yung non-appearance? Thanks in advance sa mga sasagot...

rochelle1025

  • Guest
Re: Annulment (Thread 2)
« Reply #1 on: March 31, 2015, 06:25:48 pm »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close