Author Topic: I have this weird feeling about my husband's classmate. I need some insights.  (Read 7052 times)

graZiousa

  • Guest
hay nako mga sis, ang titigas na talaga ng mukha ng ibang babae ngayon. Minsan parang nakakaawa na nakakainis ang pakiramdam ko sa mga ganyang babae. basta dapat maging vigilant tayo.

vermich

  • Guest
tama ka dyan sis! Kung ang ibang guys achievement nilang makakuha ng fling/ fub.. sa ibang girls achievement nila makapang akit ng may asawa or gf. Laro lang lahat until to the point that they themselves fall in love na rin at nahihirapan ng umalis sa situation. Time and time again women's instincts are superb lalo na at intune kayo sa feeling ng mga partner's nyo.

TS kausapin si hubby and let him know how you feel about it, na hindi ka comfortable when that woman is around at pasaring ka na din na ayaw mo ng kabitch! Be-friend lahat ng classmates nya, katulad ng ginagawa ng guys, binabakuran nila girls nila. A vigilant woman present in her man's life, magba back out din yan kasi you're always around. Kung ako yun, I won't allow my hubby to go, may nakaraan ng syang nag fling fling eh. A guy who does it, will again do it. Mahirap kasi magresist sa temptation. 

Tell him may tiwala ka naman, wag lang aabusuhin.
« Last Edit: April 19, 2014, 11:29:48 am by mama squeak! »

ayami

  • Guest
Ok na pala ako sa issueng ito. Mas expressive na ko ngayon pag uncomfortable ako sa nararamdaman o nakikita ko :) so far di na naulit ito lalo ngayon na working na si hubby for a year. And yung kaklase nyang ito, married with a kid na rin hehe. Last na kwentong narinig ko about her, mahilig pala talaga mag approach sa guys talaga yun (kahit mga attached nga raw). Ewan ko kung uber friendly lang sya or what. Pero kung mali man pagdududa ko sorry naman haha malaki rin kasi trust issues ko nung araw.

jica19

  • Guest
Hi sissies i have that same problem din naiinis ako sa ex-gf ng hubby ko... Im pregnant with our first baby ngayon itong si ex-gf kept on calling my husband kahit anong oras pero usually alanganing time i dont know kung ano pang gusto nya knowing na kasal na kami.. Pero si hubby ina-assure nya ko sa love nya at wala daw ako dapat ipagalala dahil super love nya kami ni baby at hndi nya naman daw sinasagot yung tawag nung babae.. Kaya sabi ko para magka-peace of mind ako mag change na lang sya ng no. And he did 😄 naiinis lang ako kasi bakit my mga babaeng ayaw sumuko never say die lang ang peg kahit my asawa na.. Grrr 😪

bonita111809

  • Guest
yan ang hirap kapag nakapag-asawa ng lapitin. hehe. nung bf/gf pa lang kami ni hubby na-experience ko na din yan. una, pa-pm pm lang sa fb, confiding about her love dilemmas. si hubby kasi very friendly, as in wala syang pinipili basta okay naman, kahit gay basta maayos makisama.


tapos all of a sudden itong si girl eh biglang nagtext sa hubby ko, mga 10PM na yata yun, basta gabi na, asking him if they can meet up kasi wala daw syang makausap tungkol sa problem nya. at tumawag pa! hindi ko sinagot yung tawag nya. I was holding the phone at saktong nasa washroom ako sa McDo kasi gumala kami ni hubby nun. tas last stop namin sa McDo.


ako na nagrereply sa girl pero hindi nya alam na ako yun, akala nya siguro hindi kami magkasama kasi pang-gabi ang work ko. hanggang sa sinabi ko na kay hubby na yun nga, gustong makipagkita nung girl. sabi ko makipagkita sya para magulat na kasama nya ako. hahaha! hindi naman pumayag si hubby kasi alam nyang naiinis ako, although hindi ko naman sya inaway. talaga lang sigurong halata sa mukha kong inis ako. hehe.


nung napag-usapan namin ni hubby yung girl, inamin nyang may crush nga daw sa kanya yun pero hindi naman nya pinapansin. swerte lang ako kasi mas maganda ako sa kanya. hahahaha! hanggang ngayon, nagpaparamdam pa rin yung girl. pm pm kunyari, comment comment sa posts ni hubby. pero si hubby dedma sa banga. hahaha!


kakaawa lang ang mga babaeng ganito.[size=78%] [/size]masarap daw kasi yung taken na at yung may asawa kasi alam nilang good catch ang mga ito. ;D


TS, tama yung sinabi ng mga sissies dito, I couldn't agree more. trust your hunch. women's instinct are oftentimes true and accurate. basta wag na wag mong aawayin ang asawa mo. wala syang kasalanan. ang kasalanan nya lang, naging gwapo sya. hehe.. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close