Author Topic: alcoholic hubby.....  (Read 2904 times)

Princess_Chill

  • Guest
alcoholic hubby.....
« on: August 10, 2013, 06:23:12 am »
mga sis

i really need to vent out...sobrang down ko ngayon...me and my partner are get along well hindi kami nag aaway about money iyong mga chores sa bahay etc. BUT with regard to alocohol eto na ang pinag aawayan namin....wala naman kaso sakin na uminom siya pero madalas na sagad sagad siya uminom na hindi na niya alam ginagawa niya. hindi na umuuwi ng bahay....

ako umiinom din ako pero i control myself hindi iyong sasagad ako at napaka dalas! in his line of work kailangan talaga iyon kaso nga lang madalas e hindi na concerned sa "social drinking" ginagawa niya.....my hubby is a good man pero pag naka inom na siya...hai madalas nakikipag away na...hindi ko nalang pinapansin pero sumosobra na siya

sa mga may hubby na ganito...anong ginawa niyo para magbago sila? kinakausap at pinakikiusapan ko siya pag wala na siya espirito ng alocohol he'll just say yes pero ayan pag nasimulan na inom ganoon nanaman...i told him na huwag niya paabutin sa point na maghihiwalay kami because of this....di ko na alam gagawin ko para matigil or kahit na ma lessen man lang ang pag inom niya....

help naman po mga sis....

quinone

  • Guest
Re: alcoholic hubby.....
« Reply #1 on: August 10, 2013, 12:07:20 pm »
^recent lang ba? hindi kaya it's just a phase?

may time kasi before na parang naging phase ni hubby ito. ayoko pa naman yung pag-uwi sa kalasingan e nagvo-vomit, so i told him kung sobrang lasing ka na, huwag ka na umuwi or umaga ka na umuwi. i think nung time na yun masyado lang siyang nag-enjoy kasi ibang set ng friends yun, kind of new. nagsawa rin siya sa pag-inom ng sobra.

isa pang issue is kapag napasobra ng konti e hazy yung memories niya ng mga nangyari at ang hirap gisinging kapag nakatulog na. so nag-video ako ng gini-gisinging ko siya habang very sleepy. kinabukasan pinakita ko sa kanya at ang sabi ko, i did it because if ever may emergency at nasa ganung state siya, hindi ko siya kaya buhatin palabas ng bahay which yan naman talaga ang reason ko.

edit: oo nga pala sis, si hubby ko hindi alcoholic, parang nung time lang na yun napasobra lang sa social drinking. kasi diba alcoholic, yan yung mga tao na kailangan talaga ng intervention para huminto sa bad habit at nakaka istorbo sa life nila yung bad habits nila like si meg ryan sa movie na 'when a man loves a woman'
« Last Edit: August 10, 2013, 02:11:11 pm by quinone »

Girltalker2

  • Guest
Re: alcoholic hubby.....
« Reply #2 on: August 10, 2013, 04:43:46 pm »

Hindi ko maintindihan anong masarap sa maging lasing at maging sa kahiya hiyang position na magigising ka nalang, hindi alam nangyari the night before.  Tapos kung mapasobra ka man, what is so enjoyable about pagsusuka? 

Ex ko ganyan din minsan pero once ko lang twice ko nakita.  I was really dismayed.  I don't think I would ever want a partner like that.  Parang kung pigilan mo, lalong manggigigil.  Kung hayaan mo naman, mukha naman syang ewan sa pinagagagawa nya.  It has to come from him na ayaw nya mag inuman ng ganyan sana.

Siguro malaking influence narin ang environment/friends.

 

quinone

  • Guest
Re: alcoholic hubby.....
« Reply #3 on: August 10, 2013, 07:02:01 pm »
tinanung ko si hubby bakit nga ba siya nalalasing nung time na yun. he is not sure, perhaps pagod daw siya kasi sa recall niya hindi naman marami inom niya. may occasions na mas marami pa siya nainom pero hindi naman siya nalasing.

for me kahit ano maling nagawa ni hubby, i don't believe sa influence masyado ng friends. kapag kasalanan mo, kasalanan mo period. tatanggapin ko lang yan reason na yan kung 18 years old and below siya  ;D ;D ;D naweweak-an ako sa personality ng iba na nai-impluwensiyahan ng bad ng kung sino-sino lalu na kung nasa tamang edad na. i sound like mainit ang ulo ko hahahaha

garche8

  • Guest
Re: alcoholic hubby.....
« Reply #4 on: August 13, 2013, 11:16:52 pm »
Hi sis! Based dun sa  mga sinasabi mo..your husband seems like a good man...one  weakness of your husband should not  overshadow his numerous strengths. Talk to him in such a way na you will reach his heart...explain to him that its ok to drink however he needs to control his drinking....also, you have to complement him dun sa mga times na uminom siya pero hindi naman siya masyadong nalasing...wag mo lang pansinin yung shortcomings niya but praise also yung efforts niya to address yung issue niya.

bub0y

  • Guest
Re: alcoholic hubby.....
« Reply #5 on: August 17, 2013, 05:27:43 am »
nakows! sa labas pa nakikipag-inuman hubby at napapaaway pa? ma-oy na nga yon. kung di man matatamaan ang atay nun, sigurado... agapan mo na bago mo pagsisihan. baka sa kahahanap nya ng away pag nalasing, baka may makatapat sya na...

browse mo mga threads dito. may similar topic dito about alcoholism/addiction. may mga link sa mga help group dun. 

polar_bear

  • Guest
Re: alcoholic hubby.....
« Reply #6 on: August 26, 2013, 11:44:38 am »
asawa ko din ganyan, lakas uminom.. dati almost everyday or every other day na lang ang inom.  lagi din namin away yun.  eventually, nagsawa na ko sa kakasermon, we had a serious talk about it, nabanggit ko na yung parents ko na muntik na rin maghiwalay dahil din sa alak..  sabi ko wag naman sana kami humantong dun. 

ngayon, once or twice a week nalang sya uminom, at madalas sa bahay na lang, mas kampante naman ako pag sa bahay sya nainom, kasi at least kilala ko kainuman nya at madali mo mabantayan ang mga kilos. 

ang maganda lang sa asawa ko, alam nya limit nya, pag alam na nyang hinde na nya kaya eh tumitigil na sya..  mapride kasi yun eh, ayaw nya na susuka sya sa alak, weak daw.. lol. 

pero sympre.. sa kanya na rin nanggaling na pagdating daw nya ng 30 eh titigil na sya, baka pag may occasion na lang daw.. siguro it comes with age na rin.. by that time, siguro sawa na rin sila at more aware sa health nila... feeling kasi nila dahil bata pa sila, invincible sila. 

sabihan mo nalang sya na kung nararamdaman na nyang nalalasing na sya, eh hinay na sa inom, di naman kabawasan sa pagkalalaki kung tatanggi na sya sa isa pang shot/round.  Sabihin mo concern ka lang sa health nya at safety nya.. (para may unting guilt).. heheh



Princess_Chill

  • Guest
Re: alcoholic hubby.....
« Reply #7 on: August 26, 2013, 03:00:01 pm »
hi mga sis,

just an update we talked about this problem calmly noong wala na siya amats! well i gave him a choice..sabi ko sa kanya na ang ginagawa kasi niya ay pang buhay binata if he wants to live his life like that maghiwalay nalang kami kasi doon din naman hantong noon...
he said sorry and will he'll do his best daw na hindi na mapag awayan ang pag inom...sabi ko do your best lang? sabi niya ayaw niya mangako gagawin nalang daw niya...

so far so good naman hindi na siya ganoon ngayon...sana tuloy tuloy na...

donzski_doinks

  • Guest
Re: alcoholic hubby.....
« Reply #8 on: August 26, 2013, 06:10:09 pm »
^that's nice. sana naman e hindi 'ningas-kugon' si hubby mo. i hope tuloy tuloy na pag-iwas nya sa alak. wala din naman kasing maidudulot na mabuti yan.

maen_she23

  • Guest
Re: alcoholic hubby.....
« Reply #9 on: September 03, 2013, 10:04:40 am »
Hay, my hubby used to be like this. WHen he's normal he is so nice. BUt when he gets drunk he always want to pick a fight.  WHen he drinks he doesnt stop utill he so drunk.
He will pick a fight and will always want to hurt me(buti nauuto ko) when he's drunk. BUt it's so scary.

I threatened to leave him if he gets drunk again. So now he avoids alcohol if possible. If mayaya naman sya sa inuman, he always want me or my kids to fetch him before he gets drunk. He finds it hard kasi na magpaalam sa kaninuman nya.

polar_bear

  • Guest
Re: alcoholic hubby.....
« Reply #10 on: September 04, 2013, 09:35:40 am »
^ ok na rin sis, kahit paano makikita mo yung willingness nya to stop or bawasan man lang yung paginom nya...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close