watch now

Author Topic: Masakit sa ulong officemate  (Read 7973 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #20 on: January 12, 2017, 07:01:38 am »
^hindi pa sis, ang dami ko pang ganap ngayon since kapapasok lang ng taon.

ember_sky

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #21 on: March 30, 2017, 11:04:37 am »
Grabe talaga tong officemate namin!!!!
Pinagtraining namin! tapos anong ginawa nangopya lang!!! Hay nako!!! Di ko na alam gagawin sayo!!!!!!!!!!

Drax

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #22 on: April 04, 2017, 11:27:26 am »
I have an officemate who has been the subject of complaints by customers for years.  He is very nice and friendly, but sadly he is really incompetent.  He has been rotated to different positions and departments, and was even suspended once.  Yet he is still here.  Wala na akong maisagot sa mga tanong ng mga kliyente, kung bakit pa siya nandiyan at nagkakalat sa kumpanya.  Then I learned na inaanak pala siya ng boss namin, baka kaya ayaw tanggalin.  :(

mysterioza_me

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #23 on: April 16, 2017, 02:19:45 pm »
Hay absenera numero uno. Tsk tsk. Di pa magresign. Lahat na ata ng kamag-anak niya papatayin niya na magkadahilan lang umabsent

Nixfesti

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #24 on: May 18, 2017, 02:04:08 pm »
Immature officemates. Sakit sa ulo. Maliit na bagay ginagawang problem. SMH

hedonista

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #25 on: August 17, 2017, 12:03:47 am »
Mga chismosang officemate na bored at insecure walang magawa kung hindi mag siraan at magplastikan to the max.
Headset on, ignore everyone

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #26 on: August 17, 2017, 02:35:03 am »
May officemate ako noon na daming hanash sa buhay. Kala mo pinagsakluban ng langit na parang every week eh may dahilan siya bat siya Late or bat siya absent. Natatawa lang ako kasi alam ko naman na imbento niya na lang mga yun. Pag hindi may personal issues eh may sakit. Yung ginagawa ng bobo yung mga tao, Come one every week may issue ka sa buhay?!
Tsaka anong pake namin? Lol! Tapos nakakatawa pa na parang paawa lagi ang dating, Yung tipong gusto lahat maging concern sa kanya haha. Ayun tsugibels, di na kinaya ng boss.

Ako kasi pag dating sa trabaho, trabaho lang. Wala akong pake sa personal issues ng iba unless close kami. Kaya Hindi ko ma gets yung mga taong laging agaw attention na tipong pansinin nyo ko im sick wawa naman me.. or bawat family problem or ganap sa buhay eh ibrobroadcast sa mga tao. Bakit? Pake ko? Lol! Alam ko na kasi yung style na ganyan, para lang may excuse sila for being incompetent. Feeling naman nila excused sila, di nila alam na pagiging unprofessional yung ganon.

Tsaka naman, kung tinatamad kang pumasok pede naman sabihin maysakit ka period, ganon kasimple, hindi yung mega kwento ka pa ng every detail ng sakit mo kuno. Oa na. Lalong hindi kapani paniwala hehe

mysterioza_me

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #27 on: August 17, 2017, 02:47:52 am »
Yung officemate na mapaggawa ng kwento or away between 2 co-workers. Tapos pagdating sa confrontation scene biglang hugas-kamay. Same person ito: mahilig mag-instigate ng usapan na pinagsisimulan ng misunderstanding.

rastagurl11

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #28 on: May 04, 2018, 08:00:21 am »
My officemate who is very unreliable. You never know if papasok ba siya o hindi. Magpapaalam ng late, pero half day na daw, half day, late pa sa half day shift. Gusto mo pa ba magtrabaho?

hisana

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #29 on: May 04, 2018, 08:43:16 am »
Yung mga na-hire kasi kamag-anak ng owners. Hay, why. Wala naman problema personality-wise pero ang poor ng quality ng trabaho nila, hanggang ngayon na years na sila dito eh kailangan pa i-correct. Affected syempre ang productivity ng iba. Tsaka nakakasama ng loob yun di ba, yung ikaw nage-effort ka to do well on your tasks, may regular evaluation pa syempre, tapos sila okay lang kahit ano, to think yung pinakamadaling tasks na nga yung pinapagawa sa kanila. Yun lang naman, other coworkers are okay. Makulit lang yung iba pero manageable naman, hahaha.

fifi_girl

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #30 on: May 04, 2018, 11:12:31 am »
Yung mga officemate na gusto sila ang palaging hindi papasok pag holiday. Porke't wala masyadong gagawin, ipapasa sa iba yung trabaho para lang sila mag-enjoy sa holiday. Everytime na itatanong ni Manager kung sino papasok sa holiday, parang walang narinig si Ate >:(

Isa pa, yung officemate na porke't Senior (in terms of Service and Position) na sa team ay namimili na kung anong reports ang kukunin. Pipiliin niya kung anong report yung hindi magiging sakit sa ulo, tsaka kung alin yun hindi masyadong hinahanap pag holiday. Tapos gusto pa ni Ate, iba ang shift niya para mauuna siya umuwi. Sus!

Sakit mo sa ulo Ate!

naizlabonita

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #31 on: May 04, 2018, 01:27:36 pm »
ako naman may senior akong sakin nabubunton yung galit nya palage kahit naman iba yung may kasalanan. Ginawa akong shock absorber.. buti nalang di ko na pinapatulan kasi I feel na mas matino ako hahahha.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #32 on: May 05, 2018, 09:50:21 pm »
My officemate who is very unreliable. You never know if papasok ba siya o hindi. Magpapaalam ng late, pero half day na daw, half day, late pa sa half day shift. Gusto mo pa ba magtrabaho?
nagkaron ako kasama noon na ganito. Tapos tuwing papasok nagmamadali umuwe, or nagiisip agad ng holiday at bakasyon haha! Not to mention, tamad din sa tasks.  ;D

rastagurl11

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #33 on: May 07, 2018, 11:08:47 am »
sis naizlabonita: Parang hindi kelangan mag work eh. they act as if they have other priorities. The sad part is, they can't be sacked just because they have poor attendance.   

sportygurl

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #34 on: September 09, 2018, 04:37:21 pm »
kumusta naman shift nyo walang tao, ikaw dapat nakaduty tapos mas pinili mo pa personal na lakad mo at ako ang gusto mo sumalo sa umagang shift nyo, eh galling lang ako ng night shift. pinagbigyan na kita ng isang beses, aba nawili at nag request pa na pagbigyan kita ng isa pa. at ito ang mas nakakainis. buong araw ka na nga di pumasok pero aba aba ang sinubmit mong attendance di mo man lang nilagay na absent ka, aba laking gulat ko may time in time out ka kahit buong araw wala ka naman.

kayo ba mga sis, kung kayo nasa lugar ko ano gagawin nyo? hindi kasi ako yun tipong nagsusumbong sa management. kung kayo ba dedma na lang o icconfront nyo si officemate?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #35 on: September 09, 2018, 06:01:34 pm »
^Kung ganyan na dishonest na siya sa pagrereport ng attendance niya hindi ko siya ico-confront. Why? Kasi baka mauwi sa gulo or away yan at sa bandang huli ikaw pa mapasama dahil nag-instigate ng gulo. Magfile na lang ako ng incident report and let the sup or management confront her actions.

sportygurl

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #36 on: September 09, 2018, 06:42:19 pm »
^hindi din ako pwede magfile ng IR, kasi pag sinabihan na ng mamangement eh malalaman din naman na ako ang nagsumbong. iilan lang kami emplyeyado dito kaya nalalaman agad kung sino ang sumbungera  ;D ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close