Author Topic: first year marital problems  (Read 2530 times)

Geeglee

  • Guest
first year marital problems
« on: November 11, 2013, 06:42:10 am »
I terribly need an advice--

During our first year of marriage, i got VERY disappointed to the point na I already regret getting married.
My husband and I - magkasundo kami on a lot of things. Pero sa serious matters like financial, parenting, future plans, etc.. nag clash kami.
1. Financial problem - i'm a very independent woman and I earn enough para magkaron ng comfortable na buhay. Comfortable na buhay for me is, bills paid on time, food stored good for 2 weeks, no debts, can splurge once a month (mani-pedi worth 300, a movie, and dine out) and save unti-unti. That ain't much naman diba?
when i got married - i feel like i jumped into a swamp kasi i found out na ang daming utang ni hubby. and he even encouraged me na umutang. (yes umutang ako and we werent able to pay that utang)
nadiscover ko how gastador he is na parang mauubusan. siyempre i was always there to support him as a wife. nagpasensya ko and binigyan ko siya ng time to adjust sa pagkakaron ng family. unti unti ko siya tinuturuan about pera pero bnblock niya ko. dumating yung time i exploded na and nanumbat talaga ko.
2. Helping family - i'm not madamot. actually magbubuhat na ko ng upuan, generous ako. Pero wag naman ako abusuhin. I agreed na samin muna tumira yung family ni hubby, pero parang biglang naging permanent yung set up na ako yung naging stranger sa sariling bahay ko. Hanggang kaya ko mag adjust and mag adapt ginagawa ko, pero simula kinasal kami ni hubby hindi pa kami nakakapag solo sa bahay. So nagaadjust ako sa pagiging wife, mom, tapos nakikisama ako sa lahat ng tao. Which is not easy kasi sobrang iba sila.

-marami pa ko issues. pero yan yung major problem namin ni hubby. Ilan beses ko na kinausap si hubby about my issues, nung una laging sinasabi niya sakin is I think too much, i should stop thinking and just go with the flow. hanggang gniguilt trip na niya ko. ilan beses na din ako nag attempt umalis ng bahay kasi napapagod na ko. Imagine working overtime para magkasya yung sweldo ko sa gastusin and makabayad sa hindi ko naman utang, i go home to a messy house, i take care of my kid, lalambing yung asawa ko na magcook ako for him or imassage ko siya, maraming times nagkakasakit si hubby so inaalagaan ko siya.
Mali ba tanungin ko yung PANO AKO? selfish ba yun?

danne

  • Guest
Re: first year marital problems
« Reply #1 on: November 11, 2013, 10:23:36 am »
almost the same situation natin sis... never had utang when I was single.. ako pa ang utangan ng officemates ko. pero nung napangasawa ko si hubby, sanay sila na left and right ang utang sa bumbay. until now masamang masama parin ang loob ko kasi because of his family, specifically his mom, nagkautang ako sa bangko which like you, hindi ko nabayaran on time and almost nagdouble binabayaran ko pa until now kaya hindi ko talaga makalimutan. pero ang masakit niyan, sila pa ang sarcastic and mayabang. i actually don't understand them. feeling ko ang selfish nila and family lang nila ang iniisip nila. pero I've learned my lesson na. I've learned to say No and tumanggi kapag ayaw ko. I dont' care kung ano isipin o sabihin nila kasi nalaman ko din na maganda or pangit man gawin ko, negative lang din ang nakikita nila.

we don't live with my inlaws, pero parang ganon na din kasi super lapit lang ng tinitirhan nila. they don't care about the bills, gamit lang ng gamit walang pakialam. and again, sila pang mayabang at sarcastic kapag pinaramdam mong hindi mo pinupulot ang pera sa kalsada.

mahirap makisama sa mga taong wala na ngang pera, mayabang pa. they say na nagbago daw ako. pero like you, ayoko lang din ng inaabuso ako especially if nakikita ko naman ako na nga itong nagbibigay, sila pa itong pasarap buhay (spa, dine out) and ako, tiis tiis makatipid lang.

as of now, parang tinetest ko ang water eh. nagpapakatotoo ako, and tinitingnan ko how hubby will react. most of the times, kinakampihan at pinagtatanggol niya family niya. so ako naman, sige lang pero natuto na talaga ako. kapag namili kami, then kapag nakita ko na kumuha na naman siya ng mga things for his family I will tell him na siya ang magbabayad ng mga pinamili namin. good thing lang kasi kahit paano may pera siya lately (which lately lang talaga nangyari haha). so imagine lahat ng pinamili niya noon for his family, lahat iyon galing sa sweldo ko. nakakairita nga yung niyaya pa niyang lumabas family niya, at ako pala ang magbabayad. ang masaklap niyan, kapag ako ang nagyaya na kumain kami sa labas, halos sa eatery niya ako pakainin, pero kapag family niya, saka ko lang maririnig ang name ng mga restaurants na gusto ko talagang kainan. unfair di ba?

anyways, lahat naman yan tapos na. ang iniisip ko ngayon is itong pinagbubuntis ko. ala silang mapipiga sa akin ngayon kasi lagi ko katwiran unahin ko si baby ko di ba? I am also thinking na while I am pregnant, doon muna ako sa house ng parents ko or magrent malapit sa work and visit na lang ako ng mom and sister ko every weekends. iwas stress.

siguro sis, kahit sabihin ni hubby na umutang ka, wag ka ng pumayag. my inlaws would always encourage my husband na umutang everything na umuutang sila sa bumbay haha pero lagi ko sinasabi na hindi naman kailangan. imbis na pagkasyahin kasi namin [textspeak!] pera namin, nagiging magastos kami pero ang ginagastos namin eh utang so next few months, kailangang bayaran di ba.

minsan parang nagdadoubt na nga ako sa love ni hubby sa akin or baka sadyang sobrang love lang niya ang family niya. and like you feeling ko hindi naman siya nakikinig sa mga sinasabi ko about sa mga issues ko with him and his family. deadma lang. as in parang walang nangyari. nakakairita kapag ganon di ba?

I think na sa ngayon, hindi siguro tayo ang dapat na may patunayan kundi ang mga mister natin. Baka nakakalimutan nila kung sino at ano dapat ang unang priorities nila. Pero kahit iritang-irita na ako at ngitngit na ngitngit, hindi ko inaaway si hubby. Like I said, hinahayaan ko siya and his family pero nagsasalita ako pasaring saring hehe. Ako kasi ang tipo na mahaba pasensiya pero kapag tumalikod eh wala ng lingunan and sa tingin ko my husband does not know that.

Take care of yourself sis, kung hindi iyon kayang gawin ni hubby mo. That's what I did these past few months kaya heto at last nabuntis na ako. Waited for this for 2 years, di ata ako mabuntis noon kasi sobrang stressed ako and hindi tama ang kain kasi nga tipid dito tipid doon ginagawa ko para lang mabigay ko ang gusto ni hubby and hindi niya masabing pinagdadamutan ko family niya. Now he knows na four years ako magbabayad sa bank dahil sa utang ng nanay niya kaya medyo hindi siya makapagsalita. Be honest din sis sa mga gastusin and sa mga bayarin para alam niya na ang sweldo mo, may dapat patunguhan na mas importante kaysa kapritso. As much as possible nga di ko na isinasama si hubby kapag naggrocery ako. Iwas samaan ng loob and iwas bili ng hindi naman talaga kailangan.

aquacharly

  • Guest
Re: first year marital problems
« Reply #2 on: November 11, 2013, 11:02:30 am »
If your husband is financially irresponsible, put your foot down -- hwag padala, lalo na if may anak ka na. 
As you both have experienced, mahirap umahon  sa pagkabaon sa utang.  So, don't ever forget and repeat that hard lesson learned.

Kapag  ganyan ang asawa, mag usap and agree who pays for what expense. Tapos, pagkinulang sya, do not make it easy for him - na ikaw magbabayad.  Hayan mo problema him nya san nya hugutin.  He has to grow up and become responsible. 

As for user-friendly in-laws --  start drawing boundaries.  Mga taong waldas sa pera ng iba -- forever ganyan. And they never stop, at hindi nacocontento yan, ever -- lagi kulang, lagi may reklamo about your generosity. So hard-line mo, put a stop to all the freeloading. 


maiandra

  • Guest
Re: first year marital problems
« Reply #3 on: November 12, 2013, 07:43:58 am »
Sis, hindi pwedend ikaw lang ang give ng give at siya ay take ng take. Kelangan din mag adjust ng hubby mo sayo at magcompromise kayo sa money matters. Actually, for me financial problems ang pinakamadaling ayusin for married couples.
Ako, I hated taking a loan as well, at natutunan ko kay hubby to eat out, buy gadgets, live above the means. Now, I'm more firm on how I manage money kasi walang naman yumayaman sa utang e.

And the only surefire advice I can give for your peace of mind sis Geeglee: Bumukod kayo. Give a deadline until when lang sila titira sa inyo. You should not feel like a stranger in your own house, for goodness sake!



EllaBratin

  • Guest
Re: first year marital problems
« Reply #4 on: November 12, 2013, 08:43:35 am »
Bigla tuloy ako napaisip sa mga nangyari nung nagsisimula pa lang kami...  ;D
Sobrang attached din siya sa family niya kasi siya yung breadwinner, katulad ng kapatid niya na simula ng nabuntis e iniasa na ang buhay niya sa hubby ko, even binyag at birthday ng anak niya. That time e sa amin kami nakatira. Nung nagsara ang company kung saan nagwork si hubby, nag-try kaming sa kanila naman mag-stay kasi nahihiya siya sa parents ko. Doon na nag-start ang problema ko. First day ko sa kanila, inutangan agad ako ng F.I.L. ko, wala ng bayaran.  ::) Tapos napansin ko na ang bilis maubos ng gatas ng baby ko. Yun pala pati anak ng S.I.L. ko, kasalo ng anak ko sa milk, pati feeding bottles  :o. Nung kinonfront ko si hubby, sinabihan pa ako ng kawawa daw yung pamangkin niya kasi never daw nakainom ng formula milk. Saka one time, may pasalubong akong pagkain from jollibee sa anak ko. Ayun, nag-away kami ni hubby kasi gusto niya hatian ko yung pamangkin niya. Doon ko siya kinausap, na hindi ako nagtatrabaho para buhayin yung pamilya niya. Na kung anuman ang magagandang plano ko sa anak ko, hindi kasama ang pamangkin niya. Na imbes na mag-away kami e turuan niyang magbanat ng buto ang kapatid niya. Pinaalala ko rin yung seminar namin before kami ikasal, na dapat ang priority e yung binubuong pamilya, hindi yung mga naasa lang. Na-realize niya siguro yung mga sinabi ko. Fast forward, we're living on our own, nakapagpatayo na rin kami ng sarili naming bahay. Tumutulong pa din siya sa pamilya niya, pero bihira lang, kami na ng mga anak niya ang priority niya.
So ang advice na maibibigay ko, kung mag-uusap kayo, as much as possible yung mahinahon. Makinig ka rin sa opinion niya at sabay ninyong timbangin, kung ano ang mas makakabuti sa inyo. Mas ok kung nakabukod kayo, para mas makapag-focus kayo sa pagpaplano ng future ng family ninyo. And lastly, wag kang masyadong ma-stress. Instead of thinking of the problem itself, try to focus on the possible solutions. (Sabihin mo ng bad ako, pero yung youngest sister ni hubby naka-block sa cp ko kasi nakakaalala lang magtext pag hihingi ng pera at load!  ::) Kesa naman ma-stress ako di ba! ;D)

sistah!

  • Guest
Re: first year marital problems
« Reply #5 on: November 12, 2013, 09:11:52 am »
the first year of marriage can be tough talaga because the adjustment can be so jarring. in my case, since I had never experienced living away from my parents, talagang ang laki ng change na naranasan ko. and with that, money issues really become more apparent.

I suggest making a list of all your utang (yours, his, both) and device a way to pay them off. if you can manage it, pay off most of it. you need to discuss with your husband how to get this done. you can both decide on how much you will allocate per month or what loans to prioritize para hindi na lumobo ang interest. I think mahirap talaga i-manage ang mga kamag-anak at pamilya na umaasa so while you cannot completely cut them off, discuss as a couple how to cut down your expense sa kanila (i.e. allocate 3K per month pang bigay or pang-grocery). stick to your budget when going out as much as possible. kaya naman, mahirap lang sa una. you don't want to get to the point that you resent him na for the financial difficulties.

quinone

  • Guest
Re: first year marital problems
« Reply #6 on: November 15, 2013, 11:59:44 am »
sis Geeglee, curious lang ako...bakit hindi mo alam na may utang pala hubby mo bago kayo magpakasal? at bakit hindi mo alam kung paano siya humawak ng pera nung mag bf/gf pa lang kayo?

Geeglee

  • Guest
Re: first year marital problems
« Reply #7 on: November 16, 2013, 02:45:18 am »
thanks mga sis sa mga responses.

Ilan beses na kami nagusap ni hubby. Ilan beses ko na pinaintindi sa kanya yung point ko. pero ilan beses ako nadisappoint. Ngayon, kahit papano medyo naiintinidhan na niya ako. sana magtuloy tuloy.

Alam ko yung utang ni hubby dati, 1 lang. na naging issue na namin. hindi ko alam na meron pa pala iba. Hindi rin kasi ako nakikialam sa expenses niya before kasi siya nga nagbabayad ng dates namin and spoiled ako sa kanya. Tapos when we got married, dun ko lang nalaman.. iba pala siya pagdating sa pera at sa ibang mga bagay.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close