watch now

Author Topic: Pintaserang hipag  (Read 9696 times)

lonelymiss28

  • Guest
Re: Pintaserang hipag
« Reply #20 on: September 28, 2012, 06:57:47 am »
may mga tao talaga na normal na sa buhay nila makapintas for them wala lang yun, may officemate ako dati na super makapintas as in to the nth level, walang sinasanto ultimo company namin muntik ng ma-media dahil sa pinintasan nya ng harap-harapan yung isa naming student eh kilalang tao pala yun (basta something like that). yung mismong director namin nagpunta sa bahay to apologize dahil sa insidenteng yun.

anyway naging magkasama kami sa isang school and una asar ako sa ugali nya in the end binato ko sa harap nya yung isang box ng diskette and told her na ayaw ko na marinig kahit na ano pang sabihin nya....sa sobrang bwisit ko....from then on naman di na ako nakakarinig ng kahit na ano sa kanya.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Pintaserang hipag
« Reply #21 on: October 03, 2012, 12:42:14 pm »
sis phoebe, parang ganyan din SIL ko laging may comment. isa lang dahilan nyan, INGGIT!  gusto sila lang umaangat sa buhay.  Wala kamong gamot dyan, manigas sya. ;D

naku yung SIL ko nga, natikman ang mga luto ko.. aba, mag tayo na raw "KAMI" ng resto. sosyal! ako cook, sya manager? asa! ;D

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Pintaserang hipag
« Reply #22 on: October 17, 2012, 01:07:32 pm »
inggit lang yan...ganyan talaga pag insecure andami comment. Mukha bang maganda at mayaman para may right sya magmaganda???

If I were you sis, lalo inggitin para sagad sagaran na yung inggit nya. Too bad we cannot buy soap to wash away envy and insecurity :P

klengmorales

  • Guest
Re: Pintaserang hipag
« Reply #23 on: October 17, 2012, 03:48:39 pm »
Inggeterang frog lang yan sis. wag pansinin. Deadmatology ka muna girl.

showermist

  • Guest
Re: Pintaserang hipag
« Reply #24 on: October 28, 2012, 12:47:29 pm »
Naku ako yata si pintaserang hipag sa mga hipag ko. Example ng mga pintas (na reklamo o puna) ko:

(Me to Hubby) Yung kapatid mo ang tamad tamad, ni hindi man lang maipagluto ng almusal mga anak nya.

(Me to Hubby) Mga walang disiplina mga pamangkin mo, sabihan mo nga kapatid mo na turuang rumespeto sa nakakatanda mga anak nya.

(Me to Hubby) O bakit nakikipagsosyalan (kung hindi kainan sa mga restos, mga out of town) kapatid mo samantalang wala pang pagkain mga anak nya?

My SILs are generally good. May mga ugali lang sila talagang di ko mapapalampas at iyan eh yung pagpapabaya sa mga anak na nagiging madalas lately.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close