watch now

Author Topic: Need your opinion, swapang ba ako?  (Read 6855 times)

chikka101

  • Guest
Need your opinion, swapang ba ako?
« on: January 21, 2012, 11:35:27 pm »
?
« Last Edit: September 02, 2013, 03:47:06 am by chikka101 »

rianne_mallows

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #1 on: January 21, 2012, 11:58:32 pm »
its normal to feel sad... ;)  hindi ka naman swapang... kung inalis mo yung bata at tinago yung high chair ayun swapang ka na nun

since it still bothers you, alam mong mali yung feelings mo... DAPAT  hindi ka maghimutok kasi nga high chair lang naman yan... pero nga dahil tao ka lang din naman... NORMAL lang na manghinayang kasi nga hindi unang gamit si baby mo...

let it go na... wala na din naman magagawa kahit maghimutok ka pa... next time na lang, huwag mo alisin sa box kung hindi pa gagamitin para walang mauna sayo ;)

isipin mo na lang, god smiles on those who share

lonelymiss28

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #2 on: January 24, 2012, 02:42:18 am »
Di ka naman swapang kundi hindi lang na meet yung expectations mo ng mga bisita nyo. Pero sa isang banda pag may anak kang dala at may nakita kang high chair di ba gagamitin mo rin yun para sa anak mo at siguro yung bisita nyo ay at-home na sa inyo kaya di na nila need magpaalam pa.

Siguro sis, pinakamaganda ay itago mo nalang yang chair at hintayin mo na yung time na anak mo makakagamit kasi hanggat andyan yan at nakikita di mo pwedeng sabihin na hwag gamitin dahil yun masasabihan kang masama ugali mo.


aquacharly

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #3 on: January 24, 2012, 11:08:48 am »
Hindi ka swapang.  Normal to feel that   way under the circumstances.
BUT poor tactician ka.
Per your cuento, alam mo nang hindi fino like  you this couple. Sabi nga, kung magaspang -kahit pasuutin mo ng high couture at salpak mo sa palacio --magaspang pa din.
Tama si RIANNE MALLOWS - if there is a thing like  "child  proofing", pwes mag practise ka nang "adult proofing". 

Stop expecting that  coz people are in your house,  and you are a certain way -- your guests will transform  themselves. Hello. :(.   But they do adapt or try to -- kahit na ba you still feel:  tinimbang, kulang.    The babe was messy - you didn't  say the couple  was messy, though carelessly presumptous --nag effort  din yan for sure na makibagay.... Pero, if where they're coming from, figuratively speaking, is  far far far away --  don't expect much.   Hahaha. 

And so, hindi ka swapang.  -- and do not say guilty or OA ka.  --do not go there where doubts about your normalcy lie. Just be accurate --inis ka sa sarili mo you did not prep for this messy, too feeling-at-home couple.  Next time,  practise preservation of assets -- itago mo/keep out of sight ang ayaw mo risk damaging and/or outright ayaw mo pagamit.







twelvth_goddess

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #4 on: January 24, 2012, 11:48:40 am »
Chikka101, hinde ka swapang. Buti nga pinagamit mo high chair ng baby mo eh. Kung ako kase yun, hinde ko ipapagamit especially kung mismong anak ko hinde pa nagagmit yon.

Next time siguro, keep the things na off limits to other people. Hinde naman porke nag-accept ka ng visitors sa bahay mo eh they're entitled to use whatever things you have on your home.

pregnantgirl

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #5 on: January 24, 2012, 02:10:36 pm »
nagsabi ba sayo na pupunta sila sa bahay niyo?basta may kasamang bata expect mo na magiging makalat bahay niyo..yung high chair mo sana tinago mo na lang kasi sa kwarto niyo para hndi nakita..wala naman masama ipahiram kaya lang para sa anak mo yun..kahit naman kapamilya mo yun dapat nagpaalam muna sila lalo na nasa box pa pala yung high chair..may mga tao kasing ganyan eh,akala nila lahat okay lang..lahat pwede..sa amin ng asawa ko alam ko hindi pwede yan..

ayoko na pahabain comment ko pero ako swapang konti..nagtatago ko ng gamit depende sa bisita dadating..madalas kami masiraan ng gamit dati dahil gnagawang timezone ng mga office mates ni hubby yung bahay namin kaya kahit yung gift niya sakin na steering wheel pang Ps2 nasira nila at wala man lang nag sorry..aalis ang kalat ng bahay.wala pang thank you na sasabhin..nakabasag ng painting sa may sala dahl doon nag blliards wala rin nagsab ng sorry...kasi nga nasanay na okay lang yung ganon..kahit relatives niya burara rin..ang mahal ng blu ray na bala,hihiramin sa amin,pag kinuha mo ang sasabihin hindi na mahanap.o kaya may gasgas na..

marose17

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #6 on: January 24, 2012, 02:45:37 pm »
Hindi ka swapang.  If it were me, I will outright tell my guests, no, their baby cannot use the high chair since my baby has not even used it yet.  Kandungin niya ang anak niya. :)  Better maging honest and outspoken kesa maghimutok after the damage has been done.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #7 on: January 24, 2012, 03:54:35 pm »
Sadly, there are a lot of people who don't mind their manners when they visit other people's houses. Yung kids, given na yan na magulo and makalat, pero diba may kasama naman na matanda palage yan na dapat marunong mahiya and magligpit ng kalat nila.

When we visit our friends and family, I'm always conscious in making sure na we clean up whatever mess we make and that we don't just borrow or get things without permission. Kahit pa sa house lang ng in laws ko. For me kase, I always treat other people's houses with the same respect that I want to get.

Nung holidays, we had a lot of visitors na may mga kids na kasama. We bought a bike for Zoe and of course, we want na sya lang ang gagamit non kase we wanna prevent yung masisira ng ibang bata. There was one time na pag gising ko, yung anak ng pinsan ko yung nakasakay sa bike while Zoe was just looking. Syempre nakakaimbyerna so I told my cousin na bibigyan ko ng other toys to play with yung anak nya. Meron pang isang instance na gusto ng anak ng friend ng mama ko yung Baby Alive ni Zoe and umiiyak sya. Syempre bata yon, hinde mo naman mapipigilan. Eh Zoe didnt want to give her baby tasha kase hinde sya familiar don sa bata. We had to give the kid another doll na Zoe doesnt play with. While I want Zoe to share, syempre hinde din naman ako papayag na yung anak ko nakatingin lang habang pinaglalaruan ng ibang bata ang toys nya. In the first place, we bought that for her and hinde para sa visitors. From then on, everytime na alam namin na may dadating na visitors, I would tell my maid to keep Zoe's toys up in our spare room. Nagpapababa lang ako ng ibang toys na the other kids can play with. yes, may pagka-madamot pero ganon talaga. I want Zoe to share din naman but there are things that only belong to her.

bachoi

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #8 on: January 25, 2012, 01:39:25 am »
hindi ka naman swapang. normal lang naman na malungkot ka lalo na at yung high chair na yun ay hindi pa nagagamit ng anak mo at medyo nadamage pa ng nakigamit lang. kahit din naman ako ganyan din mapifeel ko or baka on the spot sabihan ko pa yung mag-asawa na nginangatngat na ng baby nila yung high chair. pag ganyan kasi, sasabihan ko yung baby na, wag mong ngatngatin yan. dirty yan baby. gusto mo ba makakain ka ng dumi? though hindi pa naiintindihan but still yun pa din sinasabi ko.

k_heart

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #9 on: January 25, 2012, 02:15:24 am »
Agree ako na hindi ka nga swapang pero just like Sis Aquarcharlynsaid, poor tactician ka. In fairness, mabait ka pa nga kasi pinagamit mo at itinago mo ang feelings mo para hindi ka maka-offend. Kasi kung ako yun, at halimbawang alam ko na na ganun ugali nila pero hindi ko agad naitago, naku, sasabihin ko talaga, "ay sorry di yan pwede gamitin, di pa nagagamit ng baby ko. " kesehodang nakaupo na yung baby. At least happy ako kahit sila hindi. kasi nagawa ko yung gusto ko,ha!ha! At ihahanap ko naman ng alternate na maayos ding upuan yung baby nila! : )

Basta magbibigay ako ng alternative para happy lahat.

slovy

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #10 on: January 25, 2012, 10:30:25 pm »
^^hindi ka swapang sis. Normal lang yang feeling na yan esp pag never pa nagamit ng anak mo tas ginamit na ng iba. kaya lang kasi nangyari na eh, hindi mo na maibabalik, kalimutan mo na lang..


Sa totoo lang, yan din weakness ko, hindi ako makatanggi. Or kung ginamit ng walang paalam, kahit parang ayoko, hindi pa rin ako makapag react. At pababayaan ko na lang. Meron pa nga nagdala ng toy ng anak ko pauwi eh, hindi pa rin ako nakatanggi. Ganun din si hubby. Iniisip ko na lang bagay lang naman yun, hindi dapat gawing big deal. At masarap din ang feeling ha kapag naishare mo sa iba. Matutuwa pa sayo.





ecnarfoj

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #11 on: January 26, 2012, 07:58:07 am »
Naku sis.. di ka swapang. Mabait ka pa nga ng lagay na yan kasi nahiram pa nila at wala kang nasabi.
The moms here know how you feel na binilihan mo ng magandang bagay yung anak mo pero na spoil ng ibang tao.

Next time na lang learn to say something para di mauwi sa ganung pangyayari.
Either pahiram mo pero sabihin mong ingatan kasi di pa nagagamit ng anak mo. Kung masaktan sila, minus problem na for you na hindi na sila bibisita. Kung i-take naman nila in a good way, eh di maganda.

Hindi ko talaga alam magiging reaction ko kung ako yung nasa position mo nung araw na yun. Wala man lang paalam. Tsk tsk.

freelancer_babe

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #12 on: January 26, 2012, 08:45:40 am »
The next time you have visitors, keep things na ayaw mong pagamit sa kanila - such as that most beloved high chair.

Ganun ang ginagawa ko when I am expecting or have visitors who will have access sa ibang areas ng house such as the bedroom or kitchen. Yung mga ayaw pagamit itatago, pati ang mga pwedeng manakaw pa. Even food.

Pero agree ako with the other sisses. Hindi ka swapang. Sumama lang ang loob mo kasi hindi ang kid mo ang nakauna sa high chair.

sassy_taurus8

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #13 on: January 26, 2012, 07:13:44 pm »
For me hindi kaswapangan yan. Natural lang na we value our stuff or our baby's stuff kahit pa gifts lang yun and mas lalo na kung galing sa ating mga hard earned money. Ginagawa ko rin magtago o magligpit ng mga toys ng mga anak ko once na malaman kong may bisita kaming paparating esp. sa side ng father ko. Sila kase yung mahilig manghiram at thinking nila na obligasyon lang na pagbigyan at ihain sa kanila ang lahat dahil sila ang "bisita". May mangilan-ngilan ako pinsan na ganyan sa side ng father ko.

May pinsan akong may 9 year old daughter na atribida. Laging gustong magpunta sa house namin kase maglalaro daw sila ng daughter ko. Minsan kahit wala daughter ko tatanungin pa nun kung saan nakatago mga barbie dolls ng anak ko, pag sinabi mong wala, hindi ka pa rin titigilan, aakyat pa talaga yun sa taas. Ang masama, bihira pang sawayin ng nanay nya. Takot yun magtanong sakin eh, kase ginagawa ko, sa kakulitan nya, minsan kunwari na lang na hindi ko sya naririnig. Tapos lalapit pa yun sa mama ko at dun mangungulit! May souvenir toy na rin kase syang inuwi ng walang paalam, nagkataon na wala ako nun sa bahay. Ay! pina-text ko talaga sa mama ko, pinasabi ko na itabi yung toy kase hahanapin yun ng anak ko at gift yun ng ninang nya. Dinaanan pa namin sa bahay nila mabawi lang yung toy.

Ito pa, 4 years ago ata yun. Habit ko na rin kaseng ipamigay yung mga old but decent clothes and stuff ng mga anak ko, yung mga nakaliitan na. Nagtatabi lang ako ng few pieces as souvenirs. One time, nag-aayos ako ng drawers ng eldest ko and I found out na 3 or 4 dresses yung nawawala. May isang corner kase dun sa drawer na pinaglalagyan ko ng mga favorite kong clothes of my kids or their favorites, yung mga pinaglumaan na. I immediately asked my mom only to find out na binigay nya pala dun sa isa kong pinsan(from my father side again). Nanggaling daw sa bahay, papaauwi na lang daw parang may gustong sabihin kay mama, yun pala manghihingi ng mga pinagliitan nung eldest ko. Si mama naman sa sobrang generous, binigay! Nakakaloka! Ay, nag-freak out talaga ko! Kase tinabi ko na yun eh d ba. Kesyo hindi na naman daw ginagamit. Exactly! kaya nga souvenirs na lang eh! Galit talaga ko nung time na yun kase of all na ipapamigay, yung 3 dresses pa. Reason ko naman, respeto na lang. Alam naman nung pinsan ko na wala ako sa house, ang lakas pa rin ng loob manghingi sa mom ko eh ako yung mother nung may-ari nung dresses. Considering na mas generous and approachable mom ko, mali pa rin yun kahit bali-baligtarin eh!

hunny_ally

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #14 on: January 29, 2012, 11:13:21 am »
with me if we have guests and i know na may toys na takot ako masira ng other kids or if i know it will be a cause of conflict among my kids and the guests, i keep it away before they arrive. this way maiwasan na kaagad yung conflict.

harlet

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #15 on: January 29, 2012, 12:33:23 pm »
^^yes sis, sour graping lang yan.....can afford ka to hire a yaya eh tapos siya wlang work....

shalikah

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #16 on: January 31, 2012, 02:07:28 pm »
Ang hirap palang maging mother.  :)

Well I'm not a mom yet pero ako kasi yun tipong ayaw ko ng pinakikialaman yun gamit ko.
So I think depende yan sau... on how you manage your visitors.
Ako kasi alam nilang straightforward ako so kahit baby pa yan kapag nakitang kong pinakialaman gamit ko na hindi dapat pakialaman kinukuha ko tapos sinasabihan ko yun tao (kung bata yun nanay nun bata). Pero in a nice way naman...

Siguro kung ako yun nasa situation mo ang gagawin ko is kukuha ako ng extra chair at sasabihin ko na they should use it instead of the high chair kasi hindi pa nagagamit ng baby ko. Explain it to them na if in a way like na kung bumili ka ng bagong damit at hiniram ko para isuot ng hindi mo pa nagagamit would you feel okay? In a nice way... Sabihin na natin madamot ako or whatever pero sa hindi ako comfortable na ipagamit anong magagawa ko? Mag-self pity kung nasira na? If they take it against me that's their problem and not mine.

Besides if they know me well enough they would know na kung hindi naman important or walang value sa akin eh ipapagamit ko naman... Siguro kung yun high chair nagamit na ng baby ko okay lang sken ipahiram kahit dumihan nya pa... ang important nagamit ko na at na-exhaust ko na yun purpose ng item na binili ko.

My thoughts...

france0220325143

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #17 on: September 14, 2012, 04:42:37 pm »
naku sis, if I were you, ako ang nagpakain sa baby nila.. habang naglilitanya na "baby, dahan-dahan ha. d pa nagagamit ni baby ko yang high-chair nya. subo ka na, oh!" ganyan kasi ang ugali ko minsan na ayaw na ayaw ng hubby ko. eh anong magagawa ko.. i just can't stand things sometimes... 

Purple_Power

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #18 on: September 14, 2012, 04:53:58 pm »
Teka relative of yours mismo o sa hubby mo? Bale pinsan mo yung nakitira? Hay nako nakakarelate ako dyan though that is my Uncle naman. Tatay ko inis na inis kasi nga gulo gulo ng uncle ko. Hanggang sa nag-aaway pa parents ko, well kasi kapatid siya ng mother ko. Tapos partida ganyan din nangyayari sa house ng Tita ko which is yung bunsong sister nila, then ayun nag-aaway rin yung Tito at Tita ko dahil sa kanya. Ang saya naman  diba? :o There was a time nagsagutan kami nyang Tito kong yan dahil sa kapal nga ng mukha niya. Well long long story pa pero imagine mo rin yan nakikitira na nga ginugulo pa bahay mo at take note kami rin taga ayos. Siempre nakakainis. Yung Papa hindi ako pinagalitan pero siempre yung Nanay ko ang nagalit. Though sa Tatay ko ako tumawag nung nag-away kami. Sa Amerika pa ako tumawag using my cellphone.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Need your opinion, swapang ba ako?
« Reply #19 on: October 17, 2012, 03:21:31 pm »
I think hindi. Natural lang na mainis ka kasi hindi naman biro na pinaghirapan mo bilhin yung highchair ng anak mo. If I were in your situation, I would be upset too. At pag ako nakarinig nung sinabi nya about na-allergy ang anak nya, sasagutin ko talaga. Matapos nila makigamit at makasira eh nagpaka-ingrata pa.

Yan din yung isang discussion namin ng hubby ko. Pag lumipat na kami sa bahay namin ayoko ng kung sino sino ang pumupunta sa bahay namin kesehodang kamag anak nya or kamag anak ko pa. Lalo na kung may track record na burara or may pagka taga bundok ang asal. Maselan ako when it comes to my things dahil pinaghirapan ko bilhin yun.

Kahit nung wala pa ako asawa pet peeve ko na talaga yung nakikialam ng gamit or gumagamit ng gamit mo na di nagpapaalam. Respeto nalang. Kaya yung mga pinsan ko iwas pumasok sa kwarto ko ng di nagpapaalam dahil alam nila kung pano ako magalit at maasar. Walang pinipiling lugar.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close