Author Topic: Getting Irritated w/ Inlaws  (Read 22179 times)

mishmish

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #40 on: September 03, 2011, 03:26:10 pm »
Ang mga in-laws ko -- minsan ok, pero kadalasan ganito sila ::) buti na lang nasa malayo sila!! ;D

super bratinella

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #41 on: September 03, 2011, 05:52:31 pm »
Tagal tagal na rin hindi kami nagkikita ng mga inlaws ko, pero wala naman kaming problem, it is better this way kasi pagminsan minsan lang nagkikita at least walang tension..

biannce_809

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #42 on: March 19, 2012, 01:21:14 pm »
Medyo tagal nang walang nagpopost. I still want to share my problem with my MIL. When we were still GF/BF, walang problema, as in ZERO kasi nag-iisa lang si hubby na anak so understandable talaga na maalaga mom niya sa kanya. Pati sa akin super maalaga siya. Nagbago lang recently. Mag one year na kaming kasal this coming May. May baby na kami who is turning 8 months old this April 4. Super love niya ang apo niya. We live in an apartment, since wala kaming work ni hubby, kasi nag-aaral siya and I have to take care my baby, sagot niya lahat. Pero nung nagwork na ako, of course I must share sa rent, right? Nag grocery din ako every kinsenas katapusan. Tapos ako ang bumibili ng gatas ng baby ko, imagine 3K gatas niya isang bwan, tapos rent and groceries 2K. I have to pay for the yaya pa na 2K. So hirap ako kasi ako lang naman nagwowork sa amin ni hubby. Nakakainis lang un bigla siyang nagdadabog kapag problemado siya sa pang bayad ng rent, ilaw at tubig. Bigla ka niyang hindi iimikan. Tapos sa iyo lahat sinasabi [textspeak!] problema eh may sarili kang problema sa pera.

Tapos just recently, I hear her talk to my [textspeak!], sabi ba naman walang gustong magpalabas ng pera, gusto lahat LIBRE!  >:( As if naman hindi ako nagseshare!! Hindi ba niya naiintindihan na ako lahat bumubili ng mga needs ng apo niya! Nalaman ni hubby na narinig ko un, ayun sinigawan nanay niya. Dun na nagkagulu-gulo.

Mabigat un sa pakiramdam kaya sinabi ko sa nanay ko. Hindi ko naman ineexpect na tetexan ng mom ko MIL ko. Nag-away na sila sa text. Kaya ngayon bubukod na talaga kami kami mahirapan ako sa daily needs, bills and rent sa house ok lang. Hay hirap! Nagkabati na kami, she said SORRY but alam mo [textspeak!] feeling na you are not ready to fully forgive her kasi nasaktan ka. Tapos ang daming nadamay.

Ang pinaka main issue dito, alam kong may iba siyang karelasyon. Alam namin ng hubby ko kaya galit na galit siya sa mom niya. Hindi lang kami makaalis-alis sa poder niya kasi everytime we want to, parang ayaw niya coz she knows that we know what she's doing. Ayaw niyang makarating sa [textspeak!] or sa relatives nila.  :(

LLLA

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #43 on: April 15, 2012, 02:04:36 pm »
kalerky talaga mga IL's.
Sobrang inggit ako sa iba na walang prob sa IL's nila...

Evo29

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #44 on: August 05, 2012, 08:37:38 pm »
Super fake! Lahat sila, nanay, kapatid, pinsan, aunties at uncles!

quennna

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #45 on: August 06, 2012, 11:15:43 pm »
ako rin.. yung hipag kong kambal...
grrrrr to do max...
buti na lang hiwalay kami ng house ng husband ko sa family nya...

Evo29

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #46 on: August 07, 2012, 06:43:03 am »
Sis grrr talaga! Actually bf/gf palang kami pero for 6yrs na, kaya ngayon palang decided na ako at inuunahan ko na si bf na pag magsesettle down na kami at bibili nang house gusto ko yung malayo sa family at relatives niya. Yung mga first years namin ni bf I really tried so hard to please them, pero ngayon napagod na din ako. Recently trinay makipag "close" nung isang sister niya sa akin, okay naman until nalaman ko na pinaplastic ako at kung ano ano sinasabi behind my back! Nakakasuka ang kaplastikan! As much as possible I don't want to be near them anymore kasi pag kasama mo sila wala silang ibang alam gawin kundi pintasan at punahin ang ibang tao. Dahil sa kanila narealize ko kung anong klase ng tao ang ayokong maging. Antataas pa ng tingin sa sarili!
« Last Edit: August 07, 2012, 08:11:54 am by Evo29 »

purpleangel11

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #47 on: August 07, 2012, 03:21:09 pm »


       
i used to like my MIL a lot (on the first yr). Pero lately medyo nabawasan talaga ang respeto at amor ko sa aking biyenan. Mabuting tao naman siya kaso mahilig siyang magbitaw ng mga negative comments tungkol sa mga sons and daughters inlaws niya. Para bang "nobody is and will ever be perfect for her children"

The most hurtful thing she has said directly to me was about money. Sabi niya kung bibilhan ko raw pamilya ko ng bahay at lupa balang araw, pera daw lahat yun ng asawa ko. Not my money but HIS money. Dahil "housewife" lang ako.

Na-shock talaga ko na talagang nagbitiw siya nag ganon. That was a month ago and I still have not recovered from that. Can't get it off my mind.

 
                ^ Sis mlee..ako naman sis..about din sa pagbili ng haws naming mag-asawa...housewife lang din kc ako...Pinahiram kc kami ng mother ko ng money para makakuha na kami ng medyo maayos na sariling bahay...Si hubby pala at si SIL...text sila sa isat isa..eh nabasa ko ang text...Sabi ni SIL..bakit naman ang mahal naman ng kinuha nio na haws ? paano kung mastress ka na naman at magkasakit? ( she was referring to hubby)...mabuti sana kung me trabaho asawa mo..eh ikaw din naman ang magbabayad ng monthly amortization nian!  Pagkabasa ko..naluha ako...eh syempre sino naman ang magbabayad ng monthly amortization noon? ALANGAN NAMANG MOTHER KO PA DIN! ...siguro kung kami sa kanya eh nanghiram  ng pera..naku baka katakot takot pa ang maririnig ko..and i doubt it kung papahiramin nia kami ng ganoong kalaking money...hindi pa ba sia natuwa na pinahiram kami ng mother ko? at di naman kami pinipressure sa pagbabayad...basta kung kailan daw kami me pera at umasenso na kami..ok lang..kahit kailan kami magbayad...ang sa kanya daw eh basta magkaroon kami ng sarili.yun ang sabi ng mother ko..Naiintindihan ko naman na concern sia or sila sa kapatid nia..na kesyo baka magkasakit...at hindi matapos ang pagbabayad( kc 15 years to pays yung haws)..eh naku naman..unahan ba naman ng negative....kung laging negative ang iisipin namin at di kami maglalakas ng loob..eh wala talaga kami mapupundar..Until now...hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi niang yun...sana nga mawala na yun sa isip at puso ko...pero what can I do..di ko pa din makalimutan." 

ayami

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #48 on: August 07, 2012, 04:14:54 pm »
I don't live with my in-laws pero I've known them for so long dahil bago kami kinasal, 5 years na kami mag-on ni hubby (since High school) and we ALWAYS hung-out. Nung na-integrate ako sa family nila, super clingy nila that every event (as in kahit sinong may bday, e haller andami nila kahit extended family members go kaming lahat) we have to be there to celebrate. e I'm working at night tapos since they work in the usual 8-5 shift, di ako nakakasama. minsan parang tatampo sila na di ako nakikijoin, e ano naman magawa ko. I'm an only child so obviously ako ma-morph sa kanilang big and extended family.

si mother-in-law ko ever since mag bf-gf kami ni hubby super nice, na nakakatakot baka kasi bigla magbago. 7 years naman na and so far ok pa rin. masyado syang mapagbigay since wala nga kami job ni hubby (aside from my part-time tutoring) so sila nakasuporta samin.

minsan nagpaparinig mga SIL ko nung Bohol outing, kesyo pag may outing, kami lang ni hubby walang share and kahit yung Bros-in-law (younger bros ni hubby) ay may ambag kahit pano. wala lang, naisip ko baka lang magkasumbatan in the future (gaya ng post ni sis biannce_809). natatakot lang ako sa super nice attitude nila minsan di ko sure if it's real, diba too good to be true, ika nga. pag birthday celebrations daw dapat may ambag na din daw kami, pero Father-in-law and mother-in-law insists na lahat kaming wala pang work (nasa college kaming mga 23-year old-below), so financially, sila pa may sagot sa amin AKA dependents pa kami even after 2 years of finishing college. Though si hubby madalas nila paringgan na parang pa-joke, feeling ko directed din sakin kasi I have my part-time job naman. Wala lang, paranoid lang ako siguro kasi sa panahon ngayon, sino ba naman kasi ang sobrang magbigay ng suporta? sarili ko ngang mom ayaw na ko bigyan ng allowance or anything monetary kesyo I got my share of my dad's estate when he passed away.

mslcgrey

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #49 on: August 07, 2012, 09:56:29 pm »
^
sis ayami, if you are worried na susumbatan ka nila in the future then maybe it is time para maghanap na kayo ng work ng husband mo and be able to support yourself. then if may extra kayo then pwede na kayo magbigay ng share sa mga said occasions. just my suggestion...

ayami

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #50 on: August 08, 2012, 12:25:07 am »
^we're still in university kasi. they advised us to study muna. next year graduation na ni hubby, ako final sem ko na. I'll look for a job as soon as I finish this sem :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close